Mala-Masusing Banghay Aralin Sa Fil 110 I. Layunin Sa katapusan ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang; A. Nakapapaliwanag ng pangyayari sa nobela, B. Nakapagbabahagi ng sariling saloobin at damdamin tungkol sa nobela C. Nakabubuo ng mga eksena o pagkasunod-sunod na pangyayari sa nobela. II. Paksang-Aralin Paksa: Ang Kasal ni Maria Clara Sanggunian: Noli Me Tangere Kagamitan: Laptop, Cartolina, Pentelpen III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain a. Panalangin Inaanyayahan ang lahat na tumayo para sa panalangin? b. Pagbati Magandang hapon sa lahat? c. Pagtala ng mga liban sa klase Sino nakaalala kung ano ang huling tinalakay? d. Pagbabalik-aral Magbalik-aral sa kung ano ang huling tinalakay B. Panlinang na Gawain a. Pagganyak (Identify the image/Image Comparison) Huhulaan ng mga estudyante kung ano ang nasa larawan. b. Paglalahad Ilalahad ng guro ang paksang “Ang Kasal ni Maria Clara” c. Pagtatalakay Pagsusuri sa nilalaman sa paksa sa pamamagitan ng (Q&A) Mga gabay ng tanong: 1. Bakit masayang-masaya si Kapitan Tiago? 2. Paano nakaapekto kay Kapitan Tinong ang pagkakadakip at pagkakakulong niya ng ilang araw sa gusali ng pamahalaan? 3. Kanino balak ipakasal ni Kapitan Tiago si Maria Clara? 4. Bakit naging madali kay Ibarrang unawain at patawarin ang kanyang kasintahan? 5. Bakit mahalaga sa isang relihiyon ang pagiging matapat at pagsasabi ng katotohanan? d. Paglalapat Ipapangkat ng guro ang mga mag-aaral sa dalawang pangkat ulit at ipapabasa ang panuto maging ang pamantayan. Panuto para sa Unang Pangkat: Isadula nang pinaikli ang nilalaman ng kwento. Panuto para sa Pangalawang Pangkat: Magsagawa ng maikling chant patungkol sa paksang ating tinalakay. Panuto para sa Pangatlong Pangkat: Gumawa ng comic strip na nagpapakita na pangyayari kaugnay sa ating paksa. Bawat pangkat bibigyan lamang na 5 minuto sa paghahanda. e. Paglalahat Itatanong ng guro sa mga mag-aaral ang mga sumusunod: Ano nga ulit ang ating tinalakay ngayon at anong pamagat? f. Pagpapahalaga Magtatawag ang guro ng mga piling mag-aaral na sasagot sa katanungan. At kung anong mensahe o kahalagahan ang nais iparating sa may akda. IV. Pagtataya Panuto: Para sa ating maikling pagsusulit, kumuha ng isang kapat na papel at gumawa ng sanaysay tungkol sa ating paksa. Takdang-Aralin Panuto: Sa isang buong papel, sumulat ng buod sa ating tinalakay ang pamagat ang kasal ni maria clara. Inihanda ni: Marie Nicole V. Nadal (BSED-FIL II) Pinagtibay ni: G. James P. Sotillo Gurong tagapagmatyag