Uploaded by _villaverify_

LESSON PLAN 10

advertisement
Masusing Banghay Aralin sa Baitang 9
Ika- 19 ng Mayo 2024
I. Layunin
Sa katapusan ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang;
1. Nakapagpapaliwanag ng nasabing pangyayari sa nobela,
2. Nakapagtatanghal ng isang senaryo tungkol sa nobela,
3. Napapahalagahan ang mga pangyayari sa kabanata ng nobela.
II. Paksang-Aralin
Paksa: Kabanta 42 Ang Mag- Asawang De Espadaña
Sangunian: Noli Me tangere
Mga Kagamitan: Laptop,projector,mga larawan,marker,tape at cartolina.
III. Pamamaraan
Gawain ng Guro
A. Panimula
Gawain ng Mag-aaral
Panalangin
Inaanyayahan namin ang lahat na tumayo
para sa panalangin. Ms. Beryl, maaari mo
bang pangunahan ang ating panalangin.
Beryl: Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng
Espiritu Santo. Ama namin…
Pagbati
Magandang hapon sa lahat.
Lahat: Magandang hapon mga guro.
Pagtala ng liban
May liban ba sa hapon na ito?
Mabuti kung ganun, dahil diyan
palakpakan niyo ang inyong mga sarili
dahil nandito kayo ngayon.
Lahat: Wala po
Bago tayo mag simula ay nais naming
basahin ninyong lahat ng sabay sabay ang
ating mga kasunduan.
Lahat: 1.Makinig nang mabuti
2. Itaas ang kamay kapag
gustong sumagot.
3. Huwag makipag-usap sa katabi kung
hindi kinakailangan.
4. Umupo nang maayos.
Ang lahat ba na kasunduan na ito ay
maasahan ko sa inyo?
Mabuti, may nakakaalala pa ba sa huling
paksa ng ating tinalakay kahapon?
Ms. Catig.
Tama!
Lahat: Opo!
Catig: Ang ating huling paksang
tinalakay ay patungkol sa ang dalawang
panauhin.
B. Pagganyak
Estatehiya: Pick a number
Ngayon ay dadako naman tayo sa
susunod na aralin.
Pipili lamang kayo ng mga numero at
huhulaan niyo kung ano ang nasa
larawan.
Ang unang huhula para sa unang larawan
ay si Ms. Drillon.
Drillon:
Base po sa nakita ko sa unang larawan ito
po ay mag-asawa.
Magaling! Bigyan natin ng tatlong
Bagsak si Ms. Drillon.
Lahat:: 1,2,3 tatlong bagsak na palakpak
Para naman sa pangalawang tatawagin ko
para hulaan ang larawan ay si Mr. Jaictin.
Mahusay! May ideya ka Mr. Jaictin ang
pangalawang larawan ay si Padre
Damaso.
Sa pangatlong larawan naman ano kaya
ito? Ms. Butil.
Jaicitin:
Ang nakita ko po sa larawan ang isang
Padre.
Butil:
Ang larawan ay tumutukoy sa isang Bb.
na nagngangalang Maria Clara.
Tama! May ideya naba kayo kung ano
ang koneksyon nito sa ating panibagong
paksa na tatalakayin? Ms. Recentes.
Tama ka! Ms. Recentes, ang tatalakayin
natin ngayon. Ito ay isang nobela, na
patungkol sa noli me tangere na kabanata
42 ang mag-asawang de espadaña.
Recentes: Base sa nakita ko sa mga
larawan ang napansin ko may mag-asawa
at maria clara na sa tingin ko ay may
kinalaman sa nobela ng Noli Me Tangere.
C. Paghahawan ng Sagabal
Ngayon ay nais ko munang bigyan ninyo
ng kahulugan ang mga malalim na salita.
TALASALITAAN
1. Kalubhaan - Pagkagrabe
2. Nanaog - Bumaba
3. Mababakas - Makikita
4. Mapanglaw - Malungkot
5. Nagpahintulot - Pumayag
1. Si Arman ay labis na nabalisa sa
pagkagrabe ng sakit ng kanyang asawa.
Tamayo: Kalubhaan
2. Pagapang na bumaba ng hagdanan
ang anak, sa pagsayad ng mga kamay nito
sa lupa at unti-unti itong nagbago.
Bantilan: Nanaog
3. Mababakas mo lang ang halaga ng
isang tao kapag nawala na siya sa buhay
mo.
Lorenzo: Makikita
4. Si Rowell ay mapanglaw dahil hindi
siya nakakuha ng mataas na grado sa
matematika.
Baje: Malungkot
5. Si Maria ay pumayag na maging
kabiyak ng puso ni Juan.
Valles: Nagpahintulot
Palakpakan ninyo ang inyong mga sarili
dahil nahulaan niyo ang mga malalalim
na salita. Napakahusay!
Lahat: Nagpalakpakan
D.Layunin
Bago tayo dadako sa ating leksyon ay
mayroon muna tayong mga layunin.
Maaari niyo bang basahin nang sabaysabay ?
Maraming salamat. Aasahan kong
makakamit natin ang mga layuning iyan
pagkatapos ng aralin.
E.Paglalahad
Estratehiya: Puppet Show
Ngayon magsimula na tayo sa ating
bagong paksa na tatalakayin. Na
Patungkol sa librong Noli Me Tangere
na pinamagatang ang ‘‘Mag- Asawang
De Espdaña”.
BUOD
Madarama mo ang lungkot ng mga
tao sa bahay ni Kapitan Tiago habang
hinihintay nila ang doctor na titingin kay
Maria Clara, si Dr. Tiburcio de Espadana,
ang asawa ni Donya Victorina. May
kakaiba at kakatwang kuwento ang
Buhay ng mag-asawa bago pa nila
napagkasunduang magpakasal, at sa
Pagsasalaysay ng kanilang kuwento
masasalamin mong hindi sila masaya sa
kanilang pag-iisang dibdib. Ang dahilan
ng kanilang pagpapakasal ay upang
matugunan ang kanilang magkaibang
pangangailangan. Sa pagdating ni Don
Tiburcio kasama ang kanyang maybahay
ay binigyan nila ng pag-asa ang pamilya
ni Maria Clara upang maibsanb ang
Lahat: Layunin
Sa katapusan ng aralin ang mga magaaral ay inaasahang;
1. Nakapagpapaliwanag ng nasabing
pangyayari tungkol sa bawat kabanata ng
nobela,
2. Nakapagtatanghal ng isang senaryo
tungkol sa nobela,
3. Napapahalagahan ang mga pangyayari
sa kabanata ng nobela.
kanilang kalungkutan. Maging si Padre
Damaso ay labis na nabalisa sa
pagkakasakit ni Maria Clara. Naibsan
panandalian ang kanyang pagkabalisa
nang ipakilala sa kanya ni Donya
Victorina si Alfonso Linares para kay
Padre Damaso. Habang sila ay nag-uusap
ay siya namang pagdating ni Lucas na
pagkaraang masabi ang sadya ay
sinigawan at pinagtabuyan ni Padre Salvi.
Pagkatapos mangumpisal ay nabinat si
Maria Clara. Nag-usap-usap sila upang
lubusang gumaling ang dalaga. Magkaiba
ang opinyon ni Paddre Salvi at Donya
Victorina, ngunit sa huli ang hatol ng
kura, ang nanaig - mangngomunyon ang
dalaga.
F. Pagtatalakay
Estratehiya: Call a Friend
Sa wakas ay nailahad na namin ang
Kabanata 42 Ang Mag- Asawang De
Espadana.
Ang gagawin niyo lang ay magtawag
kayo ng kaibigan upang sasagot sa
Katanungan ng mahiwagang libro.
Maliwanag ba?
Lahat: Maliwanag po!
Mabuti! Ngayon tumawag ako kung sino
ang unang sasagot .
Ms. Balanay. Pumili ka sa mahiwagang
Libro ng iyong katanungan .
Bakit mapanglaw sa bahay ni Kapitajn
Tiago noong araw na iyon? Sino ang
kanilang hinihintay?
Tama! Ngayon magtawag ka ng iyong
kaibigan na sasagot para sa susunod na
Balanay:
- Mapanglaw sa bahay ni Kapitan Tiago
dahil sa pagkamatay ni Don Rafael
Ibarra, na ama ni Crisostomo Ibarra.
Hinihintay nila ang pagdating ni Padre
Damaso para sa kanyang paglilibing.
katanungan..
Ms. Gooc Pumili ka ng libro para
sa iyong katanungan.
Ilarawan ang mag asawang dumating.
Bakit sila ang tinawag ni Kapitan Tiago
upang tumingin kay Maria Clara?
Gooc:
- Dahiln sa kanilang pagmamahal at
Pangangalaga sa kanya.
Tama! Sino ang tatawagin mo para
susunod na sasagot.
Ms. Portabis Pumili ka dito sa mahiwang
libro ng katanungan..
Paano inilarawan sina Don Tiburcio at
Donya Victorina sa kabanatang ito?
Portabis:
- Si Don Tiburcio ay isang tao na
Nagpapanggap na doktor ngunit walang
tunay na kaalaman sa medisina. Si Donya
Victorina naman ay isng mapalinlang na
babaeng ambisyosa sa nagnanais maging
Espanyol kahit na sa kanyang lahi ay
hindi siya itinuring na ganoon.
Mahusay! Sa susuunod naman na
tatawagin mo na kaibigan . Ms. Lectura.
Sa iyong palagay, pag-ibig ba ang
nagbunsod sa pag-iisang dibdib ng magasawa?
Tama! Para sa huling katanungan.. Ms.
Donan.
Lectura:
- Hindi, dahil hindi batay sa tunay na
pag-ibig kundi sa iba’t ibang motibo or
interes.
Para sa iyo, isang ehemplo ba ng
magandang samahan ang pagsasama nina
Don Tiburcio at Donya Victorina?
Para sa iyo, isang ehemplo ba ng
magandang samahan ang pagsasama nina
Don Tiburcio at Donya Victorina?
Donan:
- Sa aking pananaw, hindi gaanong
magandang halimbawa ng samahan ang
pagsasama nina Don Tiburcio at Donya
Victorina dahil ang kanilang relasyon ay
puno ng kasinungalingan..
Tama! Ngayon ay nauunawaan niyo
talaga ang ating paksa sa hapong ito.
G. Paglalapat
Ngayon ay papangkatin ko na kayo sa
tatlong grupo.
Dito ang pangkat isa, dalawa, at tatlo.
Narito ang inyong mga gawain.. Bawat
Grupo ay bibigyan ko lamang kayo ng
limang minuto. Maliwanag ba?
Lahat: Opo!
G-1: Magbrainstorming kayong lahat at
pipili kayo ng lider na magrepresenta sa
harap at ipaliwanag kun g ano ang
natutunan niyo sa kabanata 42 Ang MagAsawang De Espadana.
G-2: Gumawa ng isang senaryo
Patungkol sa nobela.
G-3: Bilang isang mag-aaral paano mo
mapapahalagahan ang nakasanayan ng
mga Pilipino na ginagawa pa rin
Hanggang ngayon?
Bago kayo magsisimula ay ibibigay ko
muna sa inyo ang mga pamantayan sa
inyong gawain.
Lahat:
Ngayon ay magsimula na kayo.
Natapos na ang limang minuto ngayon
ay ipresenta na ninyo ito sa harapan.
Lahat: Nagpresenta
Maraming Salamat.
Napakagaling at napakahusay niyong
lahat.
H. Paglalahat
Magbigay ng dahilan kung bakit ang
isang tao ay may kahalagahan sa sariling
kultura at tradisyon sa lipunan.
Opaon: Para sakin may kahalagahan ang
Ms. Opaon .
isang tao sa sariling kultura dahil ito ang
nagbibigay sa atin ng pagkakakilanlan sa
komunidad. Ito rin ang nagpapalakas ng
samahan at koneksyon sa ating kapwa at
nagbibigay ng patnubay at direksyon.
Ang pagpapahalaga sa sariling kultura at
tradisyon ay nagbubunga ng respeto, pagunawa.
Magaling!
I. Pagpapahalaga
Para sa inyo ano ang katangian na
Nagpapakita ng pagka-pilipino?
Mr. Moratalla .
Moratalla: Ang pagiging maalalahanin sa
kapwa ay ilan sa mga katangian na
madalas ituring na nagpapakita ng
pagiging Pilipino. Ang pakikipagkapwatao at pagiging malambing ay bahagi rin
ng kultura at pagkakakilanlan ng Pilipinp.
Mahusay! Tayong mga Pilipino ay likas
na satin ay may katangiang maalalahanin
at malambing.
IV. Ebalwasyon
1. Sino sino ang dumating na panauhin
sa bahay ni Kapitan Tiago?
2. Bakit napangasawa ni Donya
Victorina si Don Tiburcio?
3. Sa paanong paraan nagpanggap si
Don Tiburcio?
4. Ano ang dahilan at nais ipakilala ni
Donya Victorina ang pinsang si Linares
kay Maria Clara?
5. Sino ang nag aalaga kay Maria Clara?
V.Takdang-Aralin
Panuto: Gumawa ng buod patungkol sa
kabanata 42 ang mag-asawang de
epadaña.
Inihanda nina: Marie Nicole Nadal
Renalyn Eslit
Guro ng mag-aaral
Pinagtibay ni: G. James Sotillo
Gurong tagapagmatyag
Download