Southern Philippines Polytechnic College, Inc. KM 10 Doña Salud Subdivision, Sasa Davao City BANGHAY ARALIN SA PAGBASA AT PAGSUSURI NG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK I- MGA LAYUNIN: Pagkatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahang: • • • Natutukoy ang kahulugan ng Tekstong Deskriptibo Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa Nakasusulat ng halimbawa ng Tekstong tinalakay II- PAKSANG-ARALIN: PAKSA: URI NG TEKSTOP: TEKSTONG DESKRIPTIBO SANGGUNIAN: K-12 Learning Modules in Pagbasa at Pagsusuri MGA KAGAMITAN: TV/Projector, Laptop, Paper strips III- PAMAMARAAN: PANIMULANG GAWAIN: a. Panalangin b. Paglilista ng liban BALIK ARAL: • Magtatanong ang guro kung ano ang kahulugan ng teksto. PAGGANYAK: “PAGSUSURI NG LARAWAN” 1. Ano ang napapansin ninyo sa mga larawan? 2. Mula sa larawang iyan, paano mo mailalarawan ang Ina at ang kaniyang anak? A1 PAGLALAHAD NG GAWAIN: “SINETCH ITEY” • • • Ang mag-aaral ay kukuha ng kalahating papel. Ilalarawan ng mag-aaral ang piskikal na kaanyuan mula ulo hanggang paa ng kaniyang katabi. Gagawin ninyo ito sa loob ng tatlong minuto. A2 PAGSUSURI: • • • Ano-ano ang napapansin ninyo sa inyong gawain kanina? Alin doon ang mga salitang naglalarawan? Sa inyong palagay, anong uri ng teksto ang may layuning maglarawan? A3 PAGLALAHAT: • Tatalakayin sa klase ang mga sumusunod 1. Ano ang tekstong Deskriptibo? 2. Ano-ano ang dalawang uri ng Paglalarawan? A4 PAGLALAPAT: INA AM A KAIBIGAN N 1. Sa pamamagitan ng obhetibong paglalarawan, ilarawan ang iyong Ina. 2. Sa pamamagitan ng subhetibong paglalarawan, ilarawan ang iyong Ama. 3. Gamit ang dalawang uri ng paglalarawan, ilarawan ang iyong kaibigan. IV- PAGTATAYA: Panuto: Sa isang malinis na buong papel, sumulat ng tekstong deskriptibo na binubuo ng dalawang talata. • • • Ang bawat talata ay binubuo ng apat hanggang limang pangungusap. Pumili ng isang paksa mula sa tatlong pamimilian na gusto mong ilarawan. Lagyan ng sariling pamagat. 1. Isang lugar na narating. 2. Ang iyong pamilya 3. Ang sitwasyon ng iyong pag-aaral sa ngayon Rubriks sa pagsulat: 1. Tiyaking nagagamit ang mga tayutay o matatalinhagang pananalita.(5puntos) 2. Malinis ang pagkakasulat at wasto ang mga bantas. (5puntos) 3. Organisado ang pagkakabuo ng mga ideya sa bawat talata (5puntos) V- TAKDANG-ARALIN: Panuto: Magsaliksik sa internet at sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa inyong kwaderno sa Filipino. 1. Ano ang tekstong Ekspositori? 2. An-ano ang pamamaraan ng epektibong eksposisyon? Inihanda ni: April Charist Alaba