Aking karapatan, dapat kong malaman upang pang-aabuso ay maiwasan KARAPATAN • Ang karapatan ay isang bagay na dapat taglayin ng bawat mamamayan. Ito ay tumutukoy sa mga pribelehiyo, kalayaan at proteksyon na dapat matanggap ng isang tao. • Lahat ng mga tao ay mayroong mga karapatan. Ang ating mga karapatan ay dapat nirerespeto at binibgyan ng halaga. Ang mga bata ba ay may karapatan? Alam nyo ba? • May tinatawag na likas na karapatan. Mayroon ding karapatan na pinoprotektahan ng batas. • Ang batas ay ang mga patakaran na ginawa upang gabayan ang mga tao. Ito ay naguutos ng mga dapat gawin o kaya ay nagbabawal sa isang kilos o gawi. Ang pagsuway sa batas ay may kaparusahan. Madaming batas ang nagpoprotekta sa mga bata. Balikan natin… • Karapatan ng bata na “maprotektahan laban sa pang-aabuso, panganib at karahasan” Pang-aabuso sa Bata • Ang pang-aabuso sa bata ay maituturing na paggawa o hindi paggawa na maaaring magpapahamak o magpahina sa pisikal o psychological na kalusugan nang mga nasa edad labingwalo pababa. Bakit kailangang malaman ng bata ang kaniyang karapatan at ang batas na nagpoprotekta sa katulad niya mula sa pang-aabuso? • Mahalaga na maunawaan ng mga bata ang kanilang mga karapatan upang alam nila kung tama ba ang ginagawa sa kanila ng mga taong nakapaligid sa kaniya, upang malaman nila kung ang tinatamasa ba nilang buhay ay nararapat sa kanila at upang maproteksyunan nila ang kanilang mga sarili. • Kailangang maunawaan ng mga bata kung ano ang pang-aabuso at ano ang magagawa nila para maprotektahan ang kanilang sarili laban dito. Mga Uri ng Pang-Aabuso • Pisikal na pang-aabuso • Sekswal na pang-aabuso • Pagpapabaya • Psychological na pang-aabuso Pisikal na Pang-aabuso • Pisikal na pinsala o pisikal na pagpapahirap sa isang bata, tulad ng pagpalo, pagsipa, pambubugbog, pangangagat, o anupamang kilos na humahantong sa pisikal na pananakit, pagpinsala, o pag-iiwan ng mga pasa o bugbog Sekswal na Pang-aabuso • Pagkakasangkot ng isang bata sa sekswal na aktibidad na kung saan ay labag sa batas, o kung ang bata ay hindi nagawang makapagbigay ng pagpapahintulot (hal. panghahalay, panghihipo, pakikipagrelasyon sa bata) • Kabilang dito ang direkta o hindi direktang sekswal na pananamantala at pag-abuso sa bata (hal.,paggawa ng pornograpiyang materyal). • Maaari itong mangyari sa loob o labas ng tahanan. Maaaring maisagawa ito ng mga magulang, tagapag-alaga, iba pang mga taong nasa hustong gulang o batang nag-iisa o isinasagawa sa isang pinagplanuhang paraan. • Ang mang-aabuso ay maaaring gumamit ng mga pabuya o iba pang mga bagay upang mahikayat ang bata. Maaaring isagawa ito ng kahit sino na kilala o hindi kilala ng bata. Pagpapabaya • Malala o paulit-ulit na nangyayaring kakulangan sa atensyon sa mga pangunahing pangangailangan ng bata na ilagay sa panganib o pahinain ang kalusugan o pagbabago ng bata • Pisikal (hal., kabiguan sa paglalaan ng kinakailangang pagkain, damit o tirahan, kabiguan na pigilan ang pisikal na pagkapinsala o paghihirap, kakulangan sa naangkop na paggabay o iniiwanang magisa) • Medikal (hal., kabiguan sa paglalaan ng kinakailangang pangmedikal o paggamot sa kalusugang pangkaisipan) • Pang-edukasyon (hal., kabiguan sa paglalaan ng edukasyon o pagbabalewala sa mga kinakailangang pang-edukasyon na kung saan nagmumula ang kawalang kakayahan ng bata) • Emosyonal (hal., pagbabale-wala sa mga kinakailangang pangemosyonal ng bata o pagkabigo na ilaan ang psychological na pangangalaga Psychological na Pang-aabuso • Ito ay tumutukoy sa paulit-ulit na pangyayari ng paguugali at asal ng pakikitungo sa bata o matinding insidente na ilagay sa panganib o pahinain ang emosyonal o intelektwal na pagbabago ng bata. Kabilang sa mga halimbawa ang pagtanggi, karahasan at pananakot, pagiwan, pananamantala/hubugin sa maling gawain, baliwalain ang emosyonal na nararamdaman, pagsasabi sa bata na siya ay walang halaga, mahina, hindi gusto o hindi minahal. Agad o matinding na nakakasira ang mga naturang pagkilos na iyon sa pag-uugali, maaaring pag-aralan, dulot ng damdamin, o pisikal na paggawa ng bata. Bilang bata, paano natin poprotektahan ang ating sarili? Good touch (Safe) vs Bad Touch (Unsafe) GOOD TOUCH • Ito ay nagbibigay ng kumportable at masayang pakiramdam. • Ito ay naging pamamaraan upang iparamdam sa atin ang pagmamahal, pag-aalaga at tulong ng pamilya at pinagkakatiwalaang tao. • Mga Halimbawa: Yakap mula sa ating nanay o tatay Hinawakan sa kamay ng kalaro BAD TOUCH • Kung ikaw ay hindi kumportable • Kung hindi mo ito gusto • Kung ito ay nakapagbigay sayo ng hindi magandang pakiramdam tulad ng takot at lungkot • Kapag hinawakan ang maselang parte ng iyong katawan • Kapag sinabihan kang huwag magsasabi sa ibang tao DAPAT TANDAAN! • • • • • • Pahalagahan ang sarili at ang katawan. Gamitin ang tamang salita para sa parte ng katawan. Hindi ito dapat gawing biro. Siguraduhin na hindi nahahawakan ng ibang tao ang maselang bahagi ng iyong katawan. Ang maselang bahagi ng katawan ay dapat natatakpan ng damit. Huwag pumayag na makuhanan ng litrato ang iyong pribadong katawan. Huwag sasama o makikipag-usap sa hindi kakilala Maging maingat sa taong nag-aalok sa iyo ng pera o anumang bagay kapalit ang isang pabor. Tumanggi at huwag kunin ang inaalok. • Umiwas sa taong nais kang hawakan at nagsabi sayong itago ito (secret). • Huwag sumama kapag hinaya sa madilim na lugar at walang ibang tao. • Sabihin ang salitang huwag o katulad na salita (no, stop, don’t) o sumigaw at pumunta sa ligtas na lugar kapag sa tingin mo ay hindi naangkop ang naging paghawak sayo (bad touch). • Kung ikaw ay nakaranas o may bantang makaranas ng BAD TOUCH, magsabi ka sa iyong magulang, lolo at lola, guro at iba pang nakakatanda na iyong pinagkakatiwalaan. Kasalanan ko ba kung ako ay nahawakan ng ibang tao nang hindi tama (bad touch)? • Hindi. Ito ay kasalanan ng taong gumawa ng mali kung kaya’t dapat sila ay isumbong. Paano kapag ang nang-abuso sa akin ay kapamilya, kaibigan o kakilala? • Huwag mahiyang magsumbong. Walang sinuman ang maaaring manakot, manakit, manghipo sa isang bata sa paraang para sa kanya ay di-komportable. Hindi lahat ng may masamang balak ay estranghero kaya dapat maging mapanuri at maingat. Ang karapatan ay may katumbas na responsibilidad. • Dapat nating aalahanin ang kalayaan ibinigay sa atin. Ito’y dahil baka may mga karapatan na rin ng iba na ating naapakan. Paano kung ang isang bata ay nakagawa ng mali sa kapwa niya bata? • May batas patungkol sa mga batang nagkasala. • Ang edad 15 pataas ay may pananagutan na sa batas. • Ngunit, hindi nangangahulugan na wala ng gagawin ang gobyerno sa mga batang edad 15 pababa. Kung gayon, ano ang dapat gawin? • Dapat alam natin kung alin ang tama at mali. • Manindigan sa tama at huwag papaimpluwensya sa tao/bagay na walang magandang maidudulot. • Huwag gagawa ng ikasasakit o ikakapamahak ng ibang bata. • I-respeto ang karapatan ng kapwa bata kahit ano pa man ang kaniyang kasarian, edad, lahi o katayuan sa buhay.