Uploaded by Mae Abrantes

SCRIPT GRADUATION (2)

advertisement
I.
Pagbibigay hudyat sa pagsisimula ng palatuntunan
Ang Palatuntunang Pagtatapos ng Paaralang Elementarya ng ___________________
ay magsisimula na. Ipinakikiusap po na kung maaari ay ilagay natin ang ating mga
telepono o cellphone sa silent mode at panatilihin po natin ang katahimikan at
iwasang mag-ingay kapag ang pagpapakilala ng mga magsisipagtapos ay
nagsimula na.
II.
Panimula
Sa ating kagalang-galang na tagamasid pampurok ng North District,
____________________________, sa ating panauhing pandangal,
_________________________, sa ating punong guro, __________________________, sa
mga kawani ng barangay, sa mga magulang, mga kaibigan, mga
magsisipagtapos at sa lahat ng mga bisita na naririto ngayon, isang Maganda at
mapagpalang umaga sa ating lahat.
Ngayong araw, isa na namang yugto sa buhay ng bawat Kabataang
magsisipagtapos ang magwawakas at magsisimula kasabay ng pagsasara ng
taunang pampaaralang 2023-2024. Ito ang araw na pinakahihintay hindi lamang ng
mga mag-aaral kung hindi ng bawat isa sa atin na naririto ngayon sapagkat ito ay
tandan a nagbunga ang bawat pagsusmikap ng bawat magsisipagtapos. Mga
kaibigan, malugod ko po kayong tinatanggap sa Pagtatapos 2024 sa Paaralang
Elementarya ng _____________________.
III.
Prosesyunal
Sa puntong ito, inaanyayahan ang lahat na magispagtayo para sa pagpasok ng
mga Kulay.
At ngayon, Malugod ko pong ipinakikilala ang mga hanay ng magsisipagtapos sa
ika-anim na baitang at magsisipaghakbang sa Kindergarten kasama ang kanilang
mga magulang patungo sa kanilang mga puwesto.
Mga Ginoo at Binibini, ang prosesyunal!
IV.
Pagpasok ng mga Magsisipagtapos at mga Magulang
Bigyang pagpupugay ang mga magsisipagtapos sa ika-anim na Baitang (at mga
magsisispaghakbang sa Kindergarten) kasama ang kanilang mga magulang para
sa taunang pampaaralan 2023-2024 sa pangunguna ng kanilang (mga gurong
tagapayo, Gng Luisa Castro sa Kindergarten at Gng. Maria Clara sa ika-anim na
baitang.
V.
Pagpasaok ng mga opisyales ng paaralan, panauhing pandangal at ibang
hanay ng kagawaran.
Bigyan naman po natin ng pagpupugay ang pagpasok ng mga kagalang-galang
na mga miyembro ng kagawaran ng edukasyon sa pangunguna ng ating masipag
na tagamasid pampurok,Kagalang-galang, Ginoong Juan Dela Cruz, ang
masigasig na pinuno ng ating paaralan, Gng. Juan Reyes, sa mga punong guro ng
iba’t ibang paaralan, Gng. Pedro Paterno, punong guro ng Paaralang Elementarya
ng Pato-o, sa mga guro ng paaralang ito, sa ating pinagpipitaganang panauhing
pandangal, Gng. Mariana Perez, sa mga kawani ng barangay, sa mga opisyales at
kinatawan ng PTA, mga magulang, bisita at kaibigan.
VI.
PAGTAWAG NG PANSIN, LUPANG HINIRANG
Ang Palatuntunang Pagtatapos ng Paaralang Elementarya ng Aurora ay maayos
at handang hand ana. Inaanyayahan po naming ang lahat na magsitayo bilang
pagbibigay pugay sa ating watawat ng Pilipinas sa pamamagitan ng pag-awit ng
ating Pambansang awit.
Manatili po tayong nakatayo bilang pagbibigay pugay pananampalataya sa
ating Poong Maykapal sa pangunguna ni ___________________, batang may
karangalan.
VII.
Pabatid
Sa mga hanay ng magsisispagtapos nagyong araw, kapita-pitagang mga bisita,
mga magulang at mga kaibigan. Ako po si Carlota Reyes ang inyong tapagdalaoy
ng palatuntunan.
VIII.
Graduation Song
Sa bawat mahahalagang aspeto o yugto ng ating mga buhay, ay lagi nitong
kaakibat ang musika na kung saan ay nagpapakita ng masidhing emosyon na
lalong nagpapaalala sa atin ng halaga ng okasyong ito. Sa puntong ito, Aking
tinatawagan ang mga batang (magsisipaghakabang sa Kindergarten)
magsisipagtapos para sa kanilang awit ng Pagtatapos.
IX.
Pambungad na Pananalita
Atin naman pong tinatawagan ang ama ng ating brgy., Kagalang-galang, Kapitan
Luisito Bonifacio para sa kaniyang pambungad na pananalita. Bigyan po natin siya ng
masigabong palakpakan.
Maraming Salamat po Kap sa inyong makabuluhan at masiglang mensahe.
Tinatawagan ko rin po ang pangulo ng PTA para rin po sa kaniyang panimulang
mensahe, Gng. Lisa Ventura. Pasalubungan po natin siya ng masigabong palakpakan.
X.
Pagpapakilala ng mga magisispagtapos at pagpapatunay
At ngayon, ang pinakahihintay na pagkakataon para sa kaganapan ngayong araw
na ito ay mabubuksan na at mabibigyan na ng pagpapatibay at pagpapatunay.
Saksihan po natin ang pagpapakilala ng mga magsisipagtapos mula sa nag-iisang
gurong tagapamanihala ng institusyong ito, _____________________, gayundin ang
pagpapatibay ng pagtatapos na isasagawa ng ating tagapamanihala ng Sangay ng
Paaralan sa lalawgan ng ______________, _____________________, na kakkatawanin ng
ating tagamasid pampurok ng North Dsitrict, _________________________ kasabay ng
kaniyang mensahe para sa mga magisispagtapos.
Maraming salamat po sir sa isang mensaheng punong puno ng inspirasyon.
XI.
Awarding of Diplomas and Certificates
Ang sertipiko ng Pagtatapos ay isa sa mga nahahawakang patunay na ikaw ay
nagtapos na sa nasabing antas ng edukasyon. Ito na ang araw na ang lahat ng
pinagpaguran ninyo ay makukuha na.
Tinatawagan ko po ang ating tagapamasid pampurok, ,
_________________________________ang punung guro ng paaralang ito,
______________________________, sa mga punong guro ng ibang paaralan, sa ating
haligi ng barangay, _____________________________ upang igawad ang sertipiko sa
mga magsisipagtapos.
XII.
Pagpapakilala sa Panauhing Pandangal
Ang pagtatapos ngayong araw na ito ay dinaluhan ng isang espesyal na tao na sa
ilang sandal lamang ay ibibigay na ang kaniyang mensahe para sa ating mga
magsisipagtapos. Para ipakilala ang ating panaunhing pandangal, hinihiling po na
umakyat sa entablado ang gurong tagapamaniahala ng ng paraalang ito,
_________________________________
Maraming Salamat po maam sa inyong nakapaganda at inspirasyonal na
mensahe.
XIII.
Awarding of Certifcate to the guest speaker
Hinihiling po ulit na umakyat ng stage ang ating tagamasid pampurok,
____________________, __________________________ mga punung guro ng ibang
paaralan para iagawad ang sertipiko ng pagpapahalaga sa ating panauhing
pandangal.
XIV.
Paggawad ng Medalya
At nagyon, ang pinakahihintay ng mga magulang at magsisipagtapos,
dumako na po tayo sa paggawad ng mga nedalya at sertipiko sa mga may
karangalan at mga piling magsisipagtapos.
XV.
Mensahe ng Pasasalamat sa mga magulang
Sadya nga talagang ang mga sakripisyo ng ating mga magulang ay hindi
matatawaran kahit anumang bagay kaya marapat lamang na sila ay ating
bigyang pugay at pasalamatan, sa puntong ito, aking tinatawagan si
_________________, batang nagkamit ng karangalan para sa kaniyang mensahe ng
pasasalamat.
Maraming salamat sa iyong napakadang mensahe.
(Sa sandalling ito ay magsasabit ng corsage ang mga magsiispagtapos sa kanilang
mga magulang bilang tanda ng pasasalamat)
XVI. Panunumpa ng Katapatan
Sa puntong ito, tinatawagan ko po si ____________________________, batang nagkamit
ng karangalan, upang pangunahan ang panunumpa ng katapatan.
XVI.
FAREWELL song
Ngayon po’y pakinggan natin ang mga nagsipagtapos para sa pangwakas na awit
na pinamagatang, Mapa.
Sa bawat nagsipagtapos, sa mga batang nagkamit ng karangalan, sa mga
magulang, Binabati ko kayong lahat! Ang nasabing pagtatapos ay dapat nating
ipagdiwang sapagkat ito ay hudyat na naman ng pagbubukas ng panibagong pinto
ng mga hamon na ating kakaharapin upang kayong maging matibay at maging
mahusay na mga indibidwal na bubuo sa maunlad na Lipunan.
Muli, sa mga mahal nating mga panauhin, bago ko pormal na ipinid ang
palatuntunan, nais ko muling ipaabot ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng
nakibahagi upang maging matagumpay ang okasyong ito.
Sa aming mga pinagpipitaganang mga panauhin, salamat sa inyong pagdalo upang
saksihan ang okasyong ito.
Sa mga guro ng paaralang ito, maraming salamat sa mga aral at kakayahan na
inyong ibinahagi upang hubugin ang bawat batang naririto.
Sa mga magulang, salamat dahil kayo ang naging katuwang namin sa pag-aaral ng
inyong mga anak.
Sa mga nagsipagtapos at nagsipaghakbang, binabati naming kayo sapagkat inyong
napagtagumpayan ang bawat pasubok na kinaharap sa institusyong ito.
At dito nagtatapos ang palatuntunnag pagtatapos sa Paaaralang Elementarya ng
Aurora. Ako po si _____________________, ang inyong tagapagdaloy ng palatuntunan sa
umagang ito. Maraming salamat po at maligayang pagtatapos.
Recognition
At sa sunod na bahagi ng ating palatuntunan, dumako naman po tayo sa pagsabit ng
medalya at sertipiko ng pagkikilala sa mga batang nagkamit ng karangalan mula sa
Kindergarten hanggang ikaanim na baitang.
Tinatawagan ko ang mga gurong tagapayo sa bawat baitang upang tawagin ang
mga batang nagkamit ng karangalan.
Simulan po natin sa Kindergarten.
Download