Uploaded by joloxi7984

1DAC ARTICLE REVIEW2.docx

advertisement
“Inside The Company That Uses Robots To Deal With Cat Poop”
By: Amy Feldman
Source: Forbes Asia, December 2022 issue
Summary:
Ayon sa American Pet Products Association (n.d.), ang kabuuang kita sa industriya
ng mga hayop ay umabot sa higit kumulang $124 na bilyon noong nakaraang taon.
Ang pagsikat ng mga robot vacuum at ang paggamit ng makabagong teknolohiya sa
ating mga tahanan ang naging sanhi ng pag-unlad ng Whisker, ang tagalikha ng
Litter-Robot na isang awtomatikong feeder. Gayunpaman, hindi lamang ito ang
kumpanyang gumagawa ng mga high-tech na litter box; kabilang sa mga
kakumpitensya nito ay ang Spectrum Brands (LitterMaid) at Radio Systems
(PetSafe), pati na rin ang iba pang mga murang knockoffs na gawa sa China, na
kadalasang ginagawa ng karamihan sa mga kumpanya para mas makatipid.
Ang Whisker na nakabase sa Auburn Hills, Michigan, ay patuloy pa ring lumalago.
Ang kita nito noong nakaraang taon ay umabot sa $150 milyon, na tumaas mula sa
$7.5 milyong kita noong 2015. Kinakailangang panandaliang ihinto ng kumpanya
ang pagbebenta ng kanilang produkto upang ayusin ang mga bugs na ikinagalit ng
ilan sa mga mamimili. Gayunpaman, inaasahan pa rin na aabot sa $180 milyon ang
benta ng kumpanya ngayong taon. Samantala, nagpaplano rin itong magbenta ng
iba pang produkto para sa mga alagang hayop na kinakailangang gamitan ng
teknolohiya upang maagang matukoy ang mga problema patungkol sa kanilang
kalusugan.
Ang Litter-Robot ay isang self-cleaning device na tumutulong sa paglilinis ng dumi
ng mga pusa. Ang aparatong ito ay umiikot sa loob ng tahanan kung saan makikita
nito ang paggalaw ng ating alagang hayop; sinasala nito ang maruruming kumpol at
inilalagay ang mga ito sa isang waste drawer. Nagsimula ang ideya ng produktong
ito noong 1999, kung saan si Baxter ay nasa kanyang basement habang nililinis ng
dumi mula sa dalawa niyang pusa. Madalas niyang nakakalimutang kunin ang kahon
na naglalaman ng dumi ng kanyang alagang hayop kaya naisipan ni Baxter na bumili
ng isang self-cleaning box mula sa LitterMaid, ngunit hindi niya nagustuhan kung
paano nito nililinis ang kumpol na basura; "Parang snowpile," ani niya. Nang dahil
dito, nagkaroon siya ng ideya: gumawa ng robotic self-cleaning device upang
paghiwalayin ang maruruming kumpol mula sa malinis na basura. Nakumbinsi ni
John Baxter ang kanyang ama na mamuhunan ng $35,000 para sa 35% ng
kumpanya. Noong 2008, lumipat ang kumpanya sa isang 30,000-square-foot na
pagawaan sa Juneau, Wisconsin, at pinalawak ang produksyon sa 225,000 square
feet. Umabot sa $40 milyon ang kita ng kumpanya noong 2018; ang 31 milyong
dolyar na recapitalization mula dito na pinangunahan ng Pondera ang nagpahintulot
kay Jim Baxter na mag-cash out. Noong 2019, naglabas ang Whisker ng
advertisement na pinamagatang “Don't Be a Scooper”, na nagpaaliw sa mga
mamimiling gumagamit ng kanilang mga produkto.
Reaction/Critique:
Lahat tayo ay may kanya-kanyang paraan upang mapanatiling malinis ang ating
mga tahanan. Para sa mga taong mahilig sa alagang hayop, ang mga pwesto kung
saan naninirahan ang kanilang mga alaga ay maaaring magkaroon ng mapanganib
na mikrobyo kung ang mga may-ari mismo ay hindi gagawa ng karagdagang
hakbang. Upang masolusyonan ito, ang Whisker ay nagsagawa ng isang proyekto
upang makatulong sa paglilinis ng dumi ng mga pusa. Ang pangunahing produkto ng
kumpanya ay ang Litter-Robot III, isang automated feeder, litter box at deodorizer.
Kasama rin dito ang pre-mixed cat litter, isang automatic wash system at carbon filter
na nag-aalis ng amoy nito. Bagama't mas mahal ang robot na ito kumpara sa iba
pang produkto, malaki ang pakinabang nito sa pagbabawas ng basura at kahusayan
sa paglilinis ng dumi ng mga alagang hayop.
Isinasagawa ng Whisker ang kanilang mga produkto sa Juneau, Wisconsin dahil
ang lugar na ito ay kilala sa pagkakaroon ng mataas na pamantayang
pang-industriya pagdating sa pagmamanupaktura at mataas na kalidad sa
pagkontrol ng mga produkto. Gumagamit ang kumpanya ng makabagong
teknolohiya
na nagbibigay ng parehong sanitary condition para sa mga
manggagawa at hayop sa kanilang host environment. Isang halimbawa nito ay ang
Litter-Robot III, kung saan kakikitaan ito ng isang transparent na takip na
nagbibigay-daan sa mga manggagawa upang mas mapadali ang paglilinis at pag
disimpekta sa loob ng tahanan nang hindi kinakailangang buksan ito; nakatutulong
itong maiwasan ang paglaganap ng mikrobyo sa loob ng bahay at pabrika.
Sa pamamagitan ng pag-maximize ng kahusayan tuwing pinangangasiwaan ang
basura, nakagawa ang Whisker ng pamantayan sa industriya na nakikinabang sa
kalusugan ng tao at kapakanan ng mga alagang hayop. Nang dahil sa kanilang mga
makabagong produkto, mas mapapadali ang paglilinis ng dumi ng hayop at
mapapanatiling malinis ang ating mga tahanan.
Sa aking palagay, mas mapabubuti ng kumpanya ang paglago ng kanilang produkto
kung pakikinggan nila ang hinaing ng mga mamimili. Isinaad sa artikulo na
karamihan sa gumagamit ng Litter-Robot ang nagreklamo at nagalit dahil nakaranas
sila ng iilang problema sa paggamit ng produkto; nagresulta ito sa pagbaba ng
kanilang kita. Samakatwid, makatutulong sa kumpanya ang pangangalap ng
feedback mula sa mga mamimili upang matukoy kung anong maaaring baguhin at
kung paano mas pahuhusayin ang kalidad ng produkto. Sa pamamagitan ng
pakikinig sa tugon ng kanilang mamimili, mas pinapahalagahan nila ang kanilang
relasyon sa mga ito.
Sanggunian:
Feldman, A. (2022, December 16). Inside The Company That Uses Robots To
Deal With Cat Poop. Forbes. Retrieved December 22, 2022, from
https://www.forbes.com/sites/amyfeldman/2022/12/16/inside-the-company-tha
t-uses-robots-to-deal-with-cat-poop/?ss=entrepreneurs
Download