Uploaded by Test Account243

AARON FILIPINO RESEARCH HEHE

advertisement
“Epekto ng maagang pakikipagrelasyon ng mga magaaral ng Southern Philippines Institute of Science and
Technology 2024-2025”
Ipinasa ni:
Johndel Aaron P. Gregas
XI-JOBS
Ipinasa kay:
Dr. Joel M. Rosario
Dalubguro II
2024-2025
DAHON NG PAGPAPATIBAY:
Sa pagkukumpleto at pagpapatibay ng isa sa mga
pangangailangan ng asignaturang Filipino, tungo sa
pananaliksik na ito na pinamagatang “Epekto ng
maagang pakikipagrelasyon ng mga mag-aaral ng
Southern Philippines Institute of Science and
Technology”
Ito ay aking ipinasa o inihahandog sa aming guro sa
asignaturang Filipino na si:
Dr. Joel M. Rosario
At sa lahat ng mga makakabasa nito ay kailangan
malaman
ang epekto ng maagang pakikipagrelasyon hindi lang
sa ating bansa kun’di
sa buong mundo.
I
LIHAM NG PASASALAMAT:
Taos puso akong nagpapasalamat sa panginoong
Diyos dahil sa pagpapatnubay at paggabay sa akin…
Maraming salamat
Panginoon dahil sa kaalaman at kakayahan na
ibinigay niyo
sakin upang matapos itong saliksik na ito at
pagtulong sa akin na magawa at ipasa ito sa tamang
oras… Salamat rin po sa pang araw-araw na biyaya at
walang sawang kapatawaran.
Laking pasasalamat ko rin sa aking pamilya at
kaibigan sa pagsuporta at
paggabay sa akin habang ako ay nagsasaliksik at
pagtulong sa akin upang matapos and aking saliksik.
Salamat rin sa mga mag-aaral na tumanggap at
sumagot sa
aking sarbey, talagang pinahahalagahan ko ang
inyong nilaan na oras upang sagutin ang aking mga
patanong upang sa aking napiling isaliksik.
II
Salamat rin kay Dr. Rosario na naglaan ng kanyang
oras upang makumpleto ko ang aking pagsasarbey sa
pitompu’t dalawang (72) estudyante na kasama sa
pananaliksik na ito.
Sa muli salamat sa kooperasyon n’yong lahat para
matapos ko ang aking pananaliksik.
III
TALAAN NG NILALAMAN:
Dahon ng Pagpapatibay…………………................. I
Liham ng Pasasalamat………………………………… II-III
Talaan ng Nilalaman……………………………………. IV-VI
KABANATA 1: ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
A.) Panimula o Introduksyon…………………… 1-4
B.) Layunin sa Pag-aaral…………………………. 5
C.) Kahalagahan sa Pag-aaral…………………. 6
D.) Saklaw at Limitasyon……………………….. 7
E.) Depinisyon ng Terminolohiyo…………….. 8-9
KABANATA 2: KAUGNAY NA PAG-AARAL AT
LITERATURA
A.) Mga Internasyonal na Literatura………... 10-13
B.) Mga Lokal na Literatura……………………. 14-17
IV
KABANATA 3: DISENYO AT PARAAN NG
PANANALIKSIK
A.) Disenyo ng Pananaliksik…………………….. 18
B.) Mga Respondante……………………………… 19
C.) Instrumento ng Pananaliksik………………. 20
D.) Tritment ng Datos……………………………… 21
KABANATA 4: GRAP
A.) Unang Grap……………………………………… 22
B.) Pangalawang Grap……………………………. 23
C.) Ikatlong Grap…………………………………… 24
D.) Ikaapat na Grap……………………………….. 25
E.) Ikalimang Grap…………………………………. 26
F.) Kabuuang Grap…………………………………. 27
V
KABANATA 5: LAGOM, KONKLUSYON, AT
REKOMENDASYON
A.) Lagom………………………………………… 28
B.) Konklusyon…………………………………. 29
C.) Rekomendasyon………………………….. 30
APENDIKS
Apendiks A……………………………………………. 31-32
Apendiks B……………………………………………. 33
Apendiks C……………………………………………. 34
Apendiks D……………………………………………. 35
VI
KABANATA 1
Ang Suliranin at Kaligiran nito
KABANATA 1: ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
A. PANIMULA O INTRODUKSYON
Pag-aaral raw ang uunahin, ngunit bakit may isang
taong gustong angkinin? Karamihan sa kabataan
ngayon ay inuuna ang pakikipagrelasyon kahit na
alam natin na ang edukasyon ay ang
pinakaimportante lalo na sa kabataan. Ngunit bakit
mapagmamasdan natin sa ilan sa mga kabataan na
mas importante para sa kanila ang makipagrelasyon?
And edukasyon ay susi sa tagumpay, ngunit sa
kabataan ngayon ay makikita na mas
pinahahalagahan nila ang ibang mga bagay na tulad
ng paglalaro ng video games at pakikipagrelasyon.
Sa totoo lang ay walang masama sa
pakikipagrelasyon o magmahal ng isang tao maliban
nalang kung masyado pang maaga para kayo’y
magmahalan. At dahil sa maagang pakikipagrelasyon
nyo, posibleng hindi kayo makapag-aral ng maayos at
hindi maganda ang kakalabasan nito sa inyong
akademika.
Ang pakikipagrelasyon sa isang taong minamahal mo
nang lubos ay nangangailangan ng oras at atensiyon
sa isa’t-isa,
1
at kung pagsasabayin mo ito at ang pag-aaral mo ay
tiyak na mahihirapan ka at maaari itong magdulot ng
stress sa iyo, na kalaunan ay maaaring magdulot rin
ng depression.
Aamin ako na ako ay nasa isang relasyon rin at hindi
kami nagkakatalunan ukol rito dahil para sa amin ay
ayos lang ang paglalaan ng oras naming sa pag-aaral
at sa isa’t-isa, noong una ako’y nahihirapan na
ibalanse ang aking oras sa pag-aaral at sa aming
dalawa pero ako’y nasanay na at kaya na itong
ipagsabay.
Mahirap ipagsabay ang pakikipagrelasyon sa pagaaral kaya’t mas mainam na unahin ang pag-aaral
dahil ito ang susi sa tagumpay natin sa buhay.
Naiintindihan ko ang ibang kabataan kung bakit sila’y
nakikipagrelasyon nang maaga dahil gusto nilang
malaman kung ano ang pakiramdam na mahalin at
alagaan ng isang tao, ngunit may iba naman ay
nakikipagrelasyon para lang sila’y makapagyabang sa
ibang tao at wala naman talagang nararamdamang
pagmamahal sa isa’t-isa at minsan pa ay gagawa ng
dahilan para sila’y magkatalunan at magsuyuan.
Ito’y kadalasang tinatawag na “Toxic Relationship”.
Ang pagmamahal sa isang tao ay hindi dapat
ginagawang biro, lahat tayo’y may karapatan
2
magmahal ngunit bakit mo mamahalin ang isang tao
kung wala ka naman
talagang nararamdaman para sa kanya? Sa isang
relasyon ay kailangang-kailangan ang oras,
atensiyon, at pagmamahal sa isa’t-isa nang totoo at
puro, kung ang lahat ng ito’y masyadong mahirap
para sayo, dapat lang na unahin mo muna ang iyong
pag-aaral at wag madamay sa mga gantong bagay
dahil magbibigay lang ito ng sakit sa ulo at maaari ka
pang magkasakit.
Lahat tayo ay may pinagkakaabalahan, at maaaring
makadagdag pa sa inyong responsibilidad at
aalalahanin ang relasyon niyo at makapagdulot ng
stress at depression. Oo makararamdam ka ng
pagmamahal na kailanma’y hindi mo pa
nararamdaman, ngunit hindi ibig sabihin na purong
kasiyahan lang ang mararamdaman mo, haharap rin
kayo sa mga pagsubok sa buhay at kailangan niyo
itong lampasan na magkasama upang kayo’y lumaki
bilang isang maayos na magkasintahan, dito
masusubok ang katatagan niyong dalawa bilang
magkasintahan at isa na sa mga pagsubok ay ang
iyong pag-aaral.
Isang araw ay papapiliin ka kung ano ang mas
importante sayo at kung ano ang uunahin mo:
relasyon mo? o pag-aaral mo? Depende nayan sa
kabataan, ngunit mas mainam na unahin ang pagaaral para makamit ang mga pangarap sa buhay.
3
“Eh paano kung pangarap ko makasama siya sa
pagtanda?” tumahimik ka dahil wala kang mapapala
kung iyan lang ang pangarap mo sa buhay at
paniguradong hindi iyan magtatagal sayo kapag
nalaman niyang wala kang balak tapusin ang iyong
pag-aaral. Kahit na anong mangyari ay hinding hindi
dapat pinababayaan ang pag-aaral, ang
pakikipagrelasyon naman ay hindi minamadali, hindi
hinahanap at hindi biro, kusang darating sa iyo ang
tao na iyon sa tamang panahon at hindi aalis ang
oportunidad mo na magmahal ng isang tao, ngunit
ang oportunidad mong makapag-aral ay posibleng
mawala depende sa iyong estado sa buhay.
Mas inuuna ng kabataan na makipagrelasyon nang
maaga kaysa sa mag-aral nang mabuti, ang iba ay
naghahanap ng taong handa silang mahalin hanggang
dulo, ang iba nama’y nagmamahal lang upang
ipagyabang. Pero alam natin na ang pinakaimportante
satin ay ang edukasyon, kaya’t hangga’t maaari ay
unahin ito at wag na wag pababayaan.
4
B.) LAYUNIN SA PAG-AARAL
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay mamulat ang mga
tao na hindi maganda ang maagang
pakikipagrelasyon
at ito’y dapat iwasan ng mga kabataan.
1. Ano-ano ang pwede maging epekto ng
maagang pakikipagrelasyon sa kabataan?
2. Nakakatulong ba ito sa atin na makamit ang
pangarap natin sa buhay?
3. Para malaman kung ano ang kahalagahan nito
sa atin
4. Para malaman ang dahilan kung bakit ito
nangyayari
5. Para maipabatid sa publiko kung ano ang
magiging epekto nito sa atin
5
C.) KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang halaga ng pag-aaral na ito ay para mapag-aralan
ng mananaliksik ang mga pwedeng maidulot ng
maagang pakikipagrelasyon sa atin at sa ating
kinabukasan, mga posibilidad na pwede mangyari sa
mga taong nakaranas na nito o pwede pang
maranasan ng iba. Pwede rin itong saliksik na
makakatulong sa mga taong hindi pa nakaranas nito
upang sila’y maging alerto sa kung ano ang magiging
epekto nito sa kanila.
6
D.) SAKLAW AT LIMITASYON SA PAG-AARAL
Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay tungkol sa mga
pwedeng maidulot ng maagang pakikipagrelasyon sa
mga mag-aaral, saklaw rin nito kung bakit ito
nangyayari at sino-sino ang maaapektuhan nito.
Ang aking pag-aaral na ito ay upang makasagap rin
ng kaunting opinion ng iba kasama ng mga karanasan
ko upang makumpleto ang saliksik na ito.
7
E.) DEPINISYON NG TERMINOLOHIYO
RELASYON
-Tumutukoy sa ugnayan ng dalawang bagay. Ang mga
bagay na ito ay maaaring relasyon ng tao, pangyayari,
hayop, at iba pa. Ito rin ay ang koneksiyon natin sa
isa’t-isa.
PAGSUBOK
-Tumutukoy sa mga sitwasyon sa buhay ng isang tao
kung saan nasusubukan ang kakayahan niyang
malagpasan ang isang hindi karaniwang pangyayari.
TOXIC RELATIONSHIP
-Tumutukoy sa relasyon kung saan ay madalas ang
pagtatalo dahilan ng hindi pagkakaunawaan, hindi
nakakakuha ng sapat na suporta, at hinamak.
STRESS
-Tensyon ay isang pakiramdam ng pagkapuwersa at
presyon. Maaaring ginusto, may benepisyo, at
nakakabuti sa kalusugan ang kaunting tensyon.
8
DEPRESSION
-Isang sakit sa pag-iisip na inilalarawan ng malaking
mababang mood na sinamahan ng mababang
pagtingin sa sarili (nawala ang pagpapahalaga sa
sarili).
9
KABANATA 2
Kaugnay na pag-aaral at Literatura
KABANATA 2: KAUGNAY NA PAG-AARAL AT
LITERATURA
A. Mga Internasyonal na Literatura
Ang mga Teenager ay mas nagiging interesado sa
pakikipagrelasyon o dating dahil sa pagnanais na
makahanap ng pagmamahal. Ang pagnanais ay
humahantong sa pag-alay ng kanilang sarili sa isang
tao na sa tingin nila ay dapat magbigay sa kanila ng
pagmamahal at pag-aaruga habang nag-aaral (De
Chavez, 2019). Ang iba’t-ibang salik sa kapaligiran ay
maaaring magkaroon ng masama o mabuting epekto
para sa bawat mag-aaral. Ang pagkakaroon ng
maagang romantikong relasyon sa paaralan ay
maaaring humantong sa pagkagambala ng mga magaaral sa kanilang pag-aaral, kaya karamihan ay
mabababa ang marka ( Montalba, M.G. ., Balanag, P.R.
., Atchico, A. ., Moya, K. ., Pagdullon, R. ., & Perfecto,
M.G.A. ., 2019).
Ang mga kabataan ay gumugugol ng maraming oras
sa pag-iisip, pakikipag-usap, at pakikipag-ugnayan sa
mga romantikong relasyon. Ang malakas na positibo
o negatibong emosyon sa kabataan ay mas
karaniwang sanhi ng mga romantikong relasyon
kumpara sa iba pang mga uri ng relasyon
10
(tulad ng mga kaibigan, magulang, o kawani ng
paaralan) (Furman & Shaffer, 2003).
Ang mga katulad na alalahanin ay itinaas ni Halpern
et al. (2000), na natagpuan na ang mga hindi gaanong
akademiko ay mas malamang na magsimula ng mga
sekswal na aktibidad nang maaga, at ang mga mas
mataas ang marka sa mga hakbang sa katalinuhan ay
mas malamang na kasangkot sa mga sekswal na
aktibidad sa high school.
Sinabi nina Furman at Shaffer (2003) at Kopfle (2009)
na ang pakiramdam ng kakayanan sa pakikipag-date
at ang resulta ng pagtaas ng pagpapahalaga sa sarili
ay maaaring magkaroon ng masama o magandang
impluwensya sa pagganap ng mga mag-aaral. Bilang
karagdagan, ang mga nakikipag-date ay maaaring
nakahanap ng suporta sa isip mula sa kanilang mga
kapareha kapag hindi maganda ang pasok para sa
kanila, o maaari silang matuto nang mas epektibo
kapag nag-aaral silang magkasama. Sinuri naman
nina Schmidt at Lockwood (2015) ang mga epekto ng
akademikong pagganap ng mga mag-aaral na nasa
isang romantikong relasyon ay hindi nakakaapekto sa
pagtatasa at pagdalo sa klase. Ipinapakita ng modela
ng Logistics regressions na ang isang mag-aaral na
kasali sa isang romantikong relasyon ay mas
malamang na hindi pumapasok sa klase.
11
Sila ay naayos at inuuna ang kanilang relasyon gaya
ng pakikipag-date at paggastos para sa iba. Gusto
nilang maglaan ng oras sa isa’t-isa ngunit kailangan
ring bigyang priyoridad ang kanilang pagganap sa
akademiya. Ayok kay Matsumoto (2011), “Kapag
mayroon kang isang romantikong relasyon sa isang
tao, ibinabahagi mo ang mga saloobin, pangitain,
pangarap, lakas at kaninaan sa taong iyon at
mayroon ding isang uri ng suporta sa isa’t-isa.”
Gayunpaman, ang isang “romantikong relasyon” ay
hindi kinakailangang maging isang matalik na
relasyon kung saan ang mga kasosyo ay tunay na
kanyang sarili, ganap na bukas at tapat sa isa’t-isa.
Ayon kay Zulueta & Maglaya (2004), “Ang motibasyon
ay bumubuo sa antas ng pag-uugali ng isang
indibidwal na ipinapakita ng kanyang mga interes,
saloobin, at mithiin upang matugunan ang kanyang
ninanais na layunin. Ito ay isang pagnanasa na
masiyahan ang layunin ng layunin” (p.212).
Ayon naman sa Filipino Times (2019), nagsagawa ng
bagong pananaliksik at nalaman na ang mga
kabataang hindi nakikipag-date ay nakakaranas ng
mas kaunting depresyon kumpara sa mga kabataan
na nasangkot sa “Teenage Dating”. Sinabi naman ni
Crissey (2006) sa kanyang pag-aaral tungkol sa
epekto ng romantikong relasyon sa mga high school
na babae, talagang may hamon sa “pagbalanse ng
romantikong relasyon at akademikong pagganap”
12
sa buhay teenager.
Nagbibigay rin ito ng presyon sa kung paano
mapanatili ang romantikong panig at ang mga
gawaing pang-akademiko.
Itinuturo rin niya na may higit pa kaysa sa pressure
na gustong maramdaman ng isang tao kung
magkakaroon ng kompetisyon sa loob ng silid-aralan
para sa mga parangal sa akademiya sa pagtatapos ng
taon ng paaralan.
13
B. Mga Lokal na Literatura
Ayon kay Steinberg (2002), mahalaga na magkaroon
ng distinksyon sa pagitan ng sexuality at intimacy
kung ito ay ginagamit sa pag-aaral ng adolescence at
kapag ginagamit sa sekswal at pisikal na aspeto. May
mga bagay na dapat gawin para magkaroon ng
magagandang pakikipagrelasyon. (1) Kung wala kang
magandang sasabihin sa iyong kasintahan, mabuting
wag ka nalang magsalita; (2) tuparin ang mga
pangako; (3) igalang ang iyong kasintahan; (4)
magkaroon ng interes sa iyong partner; (5) maging
masayahin; (6) maging bukas sa mga posibilidad; (7)
hayaan ang inyong sarili na sabihin ang tunay na
nararamdaman; (8) huwag saktan ang iyong
kasintahan; (9) panatilihin ang pagiging malambing at
(10) pagiging palatawa (Avelino et al. 1996).
Ayon kay Hongco (2001), ang pakikipagrelasyon ay
hindi isang propesyon at sa halip ay isa lamang itong
pamamaraan kung paano natin masusukat an gating
kakayahan at silbi bilang tao, kung paano mas
magiging malawak at makabuluhan ang pananaw
natin sa buhay. Ayon kay Sizer-Webb et al. (1999),
lahat ng tao ay nangangailangan ng matibay na
pakikipagrelasyon sa kaniyang kapwa.
14
Mahalaga na may mapagsasabihan tayo ng mga
problema, mababahagian n gating karanasan at
makapagpahayag ng sariling opinion.
Ang pag-aaral sa pag-unlad tungo sa unang
pakikipagtalik ay maaaring mapabuti ang pag-unawa
sa sekswalidad ng kabataan sa pagpapaunlad na
mundo at makatutulong sa papaunlad na mundo at
makatutulong sa pagtukoy at pagpigil sa mga
mapanganib na pag-uugaling sekswal na ginagawa ng
mga kabataan. Itinuturo ng mga pag-aaral sa
umuunlad na mundo ang maagang edad sa unang
pakikipagtalik bilang panganib na kadahilanan para
sa HIV impeksyon at hindi planadong pagbubuntis.
Ayon kay Chad Lester M. Hongco (2001), ang
pagkakaroon ng relasyon ng isang estudyante ay may
nakabitin na epekto sa pag-aaral. Minsan kung ang
kabataan ay masyadong nalululong sa pag-ibig,
nakakalimutan na nilang mag-aral nang mabuti o
minsan nakakalimutan na talaga nila ang pag-aaral.
Ayon sa pagsusuring ginawa ng Unibersidad ng
Pilipinas (2002), pababa nang pababa ang edad ng
mga kabataang pumapasok sa isang relasyon,
Karamihan sa kanila ay mga estudyante. Subalit tama
ba na pagsabayin ang pag-aaral at
pakikipagrelasyon? Ang pagsasabay ng pag-aaral at
pakikipagrelasyon ay mahirap. Nangangailangan ito
ng matinding pagbubulay-bulay.
15
Lalo na kung ang estudyante ay hindi marunong
mamahala sa kanyang emosyon at ‘di kayang
pagsabayin ang pag-aaral sa pag-ibig.
Ang importante ay mabalanse ang oras ng pag-aaral
sa iba pang Gawain. Basta kaakibat lang ang
pagiging determinado at masunurin sa pag-aaral ang
isang estudyante, tiyak na wala siyang problema sa
pag-aaral kahit na may karelasyon (Sizer-Webb et al.
1999),. Ayon naman kay Ramon Carlos (2008), Malaki
ang posibilidad na dahil dito, mawawalan tayo ng
pokus at maaaring bumaba an gating mga grado.
Pangalawa, maaapektuhan din an gating bulsa. An
gating allowance ay para sa ating pansariling gastos
sa paaralan. Ang perang ibinibigay sa atin ay galling
sa dugo’t pawis ng ating mga magulang. Binibigyan
nila tayo ng pera upang makabili ng mga
pangangailangan natin sa paaralan gaya ng mga
school supplies at pagkain. Kung may kasintahan
tayo, malaki ang posibilidad na mabubutas ang ating
mga bulsa lalong-lalo na para sa mga lalaki.
Ayon kay Megan Gustin (2015), ang pakikipagrelasyon
ay maaaring makaapekto sa mga mag-aaral
pagdating sa kanilang pag-aaral at sa gradong
kanilang pinaghihirapan. Ang pakikipagrelasyon
habang nag-aaral ay maaaring magkaroon ng
negatibong epekto sa pang araw-araw na pagganap
ng mag-aaral.
16
Kung ang isang mag-aaral ay hindi kayang
pagsabayin ang pakikipagrelasyon habang nag-aaral,
huwag nalang panghimasukan ito.
Ayon kina Ting et al. (2014), ito ay isang pakikibaka
upang balansehin ang iyong mga akademiko sa mga
hinihingi at pangangailangan ng iyong karelasyon at
lahat ng iyong iba pang mga pangako. Sa pag-aaral,
ang oras ay isang mahalagang gampanin na
maraming sakripisyo para sa kanilang
nararamdaman. Kaya kung ikaw ay may karelasyon,
maaaring makaapekto ito sa iyong pag-aaral kung di
mo pangangalagaan ng maayos ang iyong oras.
17
KABANATA 3
Disenyo at Paraan ng Pananaliksik
KABANATA 3: DISENYO AT PARAAN NG
PANANALIKSIK
A. Disenyo ng Pananaliksik
Ang pananaliksik na ito ay gumagamit ng iba’t-ibang
website. Ito’y gagamit rin ng sarbey upang makakalap
ng iba’t-ibang opinion o pananaw ng mga estudyante
tungkol sa Maagang Pakikipagrelasyon at ang epekto
nito sa akademiya.
Ang paraan na ito ay mas madali makakalap ng
impormasyon, at datos mula sa mga respondante.
18
B. Mga Respondante
Upang makakalap ng iba iba pang mga pananaw ay
nagsagawa ako ng sarbey para sa mga estudyante na
nag-aaral sa SPIST na nasa baitang labing-isa (11).
Ginagawa ko ang paraang ito upang makakalap ng
opinion o pananaw ng mga napiling estudyante ng
Southern Philippines Institute of Science and
Technology, mas makikita rin ang pagkakaiba ng
opinion nila sa ginawang sarbey.
19
C. Instrumento ng Pananaliksik
Gumawa, nagtanong, at nagpasagot ng sarbey ang
mananaliksik upang makakalap ng impormasyon at
opinion mula sa mga mag-aaral.
20
D. Tritment ng Datos
Tiyak na binilang ng mananaliksik ang mga naitalang
mga sagot ng estudyante upang masagot ang
susunod na kabanata.
21
KABANATA 4
Grap
KABANATA 4: GRAP
A. Unang Grap
Naranasan mo na bang magkarelasyon sa murang
edad?
41% ang sumagot ng Oo at 59% naman ang sumagot
ng hindi, Ang ibig sabihin ay mas marami ang hindi
nakaranas na magkarelasyon sa murang edad.
22
B. Ikalawang Grap
Nakakatulong ba ito sa pag-aaral mo?
26% ang sumagot ng Oo at 74% ang sumagot ng
hindi, Ang ibig sabihin ay mas marami ang naniniwala
na hindi nakakatulong sa kanilang pag-aaral ang
pakikipagrelasyon.
23
C. Ikatlong Grap
Maganda ba ang naidudulot nito sa atin?
31% ang sumagot ng Oo at 69% ang sumagot ng
hindi, Ang ibig sabihin ay mas maraming naniniwala
na hindi maganda ang naidudulot ng
pakikipagrelasyon sa atin.
24
D. Ikaapat na Grap
Pinagsasabay mo ba ang pakikipagrelasyon at pagaaral mo?
37% ang sumagot ng Oo at 63% ang sumagot ng
hindi, Ang ibig sabihin ay mas kakaunti ang mga
kabataang pinagsasabay ang pakikipagrelasyon at
pag-aaral
25
E. Ikalimang Grap
Nakakatulong ba ito para mabawasan ang stress na
dulot ng schoolworks?
50% ang sumagot ng Oo at 50% rin ang sumagot ng
hindi, Ang ibig sabihin ay pantay lang ang mga
naniniwala na nakakatulong ito bumawas ng stress at
mga hindi naniniwalang nakakatulong ito.
26
F. Kabuuang Grap
Sa kabuuan ng grap ay makikita na pitompu’t-dalawa
(72) na katao ang sumagot sa limang (5) tanong sa
sarbey na pinasagot.
Sa limangdaan at sampung (510) na katanungan ng
pitompu’t-dalawang (72) respondante, ang kabuuan
na sumagot sa Oo ay 185 at sa hindi naman ay 325.
27
KABANATA 5
Lagom, Konklusyon, at Rekomendasyon
KABANATA 5: LAGOM, KONKLUSYON, AT
REKOMENDASYON
A. Lagom
Itong saliksik ay nagngangalang “Epekto ng maagang
pakikipagrelasyon sa akademiks ng mga mag-aaral
ng Southern Philippines Institute of Science and
Technology”, Ito ay tinutok sa aralin na
pakikipagrelasyon ng mga mag-aaral at ang mga
maaaring epekto nito sa atin mapa-kalusugan man o
akademiko. Ang aralin na ito ay tinutok at binatay rin
sa mga respondanteng mga estudyante na nagbigay
ng kanilang pananaw tungkol sa paksang ito. Ang
saliksik na ito ay nagsimula noong Enero 15, 2024
hanggang sa Kasalukuyan, nagsimula rin ito sa
Kabanata 1 kung saan napag-aralan ko kung ano-ano
ang mga magiging epekto nito sa bawat indibidwal.
Sa kabanata 2 naman ay sinaliksik at inaral ko ang
mga karanasan ng bawat tao Lokal at Internasyonal.
Dito rin matutuklasan ang iba pang mga maaaring
epekto nito, at maaaring mga rason kung bakit ito
nangyayari. Nanghingi ang mananaliksik ng iba’tibang opinion ng mga estudyante upang matapos ang
sarbey na kinokondukto, lahat ay nagbigay ng
kanilang pananaw at opinion sa naituring paksa.
28
B. Konklusyon
Batay sa aking nasaliksik at mga nasarbey ay
naniniwala na hindi maganda ang maagang
pakikipagrelasyon sa pag-aaral ng kabtaaan. Pero
batay na rin sa internet at mga maaasahang
pinagkunan ay mayroon iba’t-ibang kadahilanan kung
bakit tayo nakikipagrelasyon sa halip na mag-aral.
Ang maagang pakikipagrelasyon ay naging gawi na
ng mga kabataan o ng “Gen Z” sa panahon ngayon. At
ako’y naniniwala na hindi masama ang
pakikipagrelasyon basta’t kayo’y nasa tamang edad
at handa nang magmahal, at hindi ginagawang biro at
pampalipas oras lamang ang pag-ibig dahil damdamin
niyo ang nakasalalay at bumubuhay sa relasyon niyo.
29
C. Rekomendasyon
Inilahad sa bahaging ito ang mungkahing maaaring
makatulong sa iniharap na saliksik upang maging
mapaki-pakinabang ang isinagawang pag-aaral…
*Maaaring magsaliksik sa internet, libro, o kasanayan
ng ibang tao upang makakalap ng kaalaman tungkol
sa pakikipagrelasyon o pag-ibig*
*Dapat sineseryoso ang ganitong mga bagay kaya’t
hanggang maaari, huwag makikipagrelasyon kung
hindi pa handa at nasa tamang edad*
*Magpokus sa pag-aaral hangga’t maaga pa*
*Iwasan mainggit sa nakikita sa social media at ilaan
ang oras sa mga mas importanteng bagay*
Pwede rin magsaliksik ng iba-ibang paraan kung
paano maiiwasan ang maagang pakikipagrelasyon,
pwede rin magsaliksik upang makakalap pa ng
malalalim na datos at impormasyon.
30
APENDIKS
APENDIKS A: LISTAHAN NG SANGGUNIAN
https://www.scribd.com/document/442231745/KAUGN
AY-NA-LITERATURA-AT-PAG-AARAL
https://www.academia.edu/
https://www.coursehero.com/file/43417924/filthesisdocx/
https://www.studocu.com/ph/document/bulacan-stateuniversity/bsed-english/papel-pananaliksik/13264103
https://www.termpaperwarehouse.com/essay-on/TheEffects-of-Having-an-Early-Relationship-on-itsAcademic-Performance/472750
https://www.studymode.com/essay/Effects-OfRomantic-Relationships-On-Academic-812058.html
https://www.researchgate.net/publication/223924346_
Adolescent_academic_achievement_and_romantic_rel
ationships
31
https://www.academia.edu/62939983/EPEKTO_NG_MA
AGANG_PAKIKIPAGRELASYON_SA_MGA_MAG_AARAL
_NG_SENIOR_HIGH_SA_COTABATO_CITY_NATIONAL_
HIGH_SCHOOL_ANNEX_L_R_SEBASTIAN_SITE
32
APENDIKS B: LIHAM NG PAHINTULOT
Ako po si Johndel Aaron P. Gregas na nasa baitang 11
pangkat JOBS ng Southern Philippines Institute of
Science and Technology Carbag Campus, Akon a
nagsaliksik sa pag-aaral ay magalang na nanghihingi
po ng inyong pahintulot o permiso na magsagawa ng
sarbey upang makompleto ang aking pananaliksik.
Ito po ay para sa asignaturang Filipino na aking
ipapasa sa aking kagalang-galang na guro na si Dr.
Joel M. Rosario. Sana po ako’y inyong payagan na
magpasagot para sa aking pananaliksik.
33
APENDIKS C: SARBEY KUWESTYUNER
1. Naranasan mo na bang magkarelasyon sa murang
edad?
Oo ( ) Hindi ( )
2. Nakakatulong ba ito sa pag-aaral mo?
Oo ( ) Hindi ( )
3. Maganda ba ang naidudulot nito sa atin?
Oo ( ) Hindi ( )
4. Pinagsasabay mo ba ang pakikipagrelasyon at pagaaral mo?
Oo ( ) Hindi ( )
5. Nakakatulong ba ito para mabawasan ang stress
na dulot ng schoolworks?
Oo ( ) Hindi ( )
34
APENDIKS D: PERSONAL NA PROPAYL
PANGALAN: Johndel Aaron P. Gregas
EDAD: 17 taong gulang
KAARAWAN: Nobyembre 29, 2006
ADDRESS: Blk 8 Lot 45, Estrella Homes 4 PH2,
Toclong, Kawit, Cavite
PAARALAN: Southern Philippines Institute of Science
and Technology
PANGALAN NG MAGULANG: Rona P. Gregas
Joel D. Gregas
35
Download