1. Sumurot damdamin sa Sumurot sa damdamin- ay nanuot sa damdamin o tumimo sa puso't damdamin. 2. Nakakahilakbot Nakakahilakbotnakakatakot o nakakabahala ito ay 3. Nakakahndik Nakakahindik- ito ay nakakabahala o nakakabigla 4. Pumupukaw Pumupukaw- ito ay nangangahulugang ‘pumukaw’ at ito ay ginagamit upang ilarawan ang pagpukaw ng damdamin, interes, o emosyon ng isang tao. 5. Namayapa Namayapa- ito ay nangangahulugang namatay na at ito ay ginagamit upang ilarawan ang pagkamatay ng isang tao at ang pagkakaroon ng kapayapaan matapos ang buhay. BUOD Napalis ang lungkot ni Crisostomo Ibarra habang tumatakbo ang sasakyan sa kanyang paglalakbay. Isa-isang nagbalik sa kanyang alaala ang mga masasaya at malulungkot na alaala habang pinagmamasdan ang mga tanawing dinararaanan. Walang tigil ang mga kalesa at karumatang nagyayao’t dito, iba’t ibang mga tao, mga kargador, naglalako ng paninda, mga tindahan. Hindi rin nakaligtas sa kanyang paningin ang mga karitong hila ng mga kalabaw. Baku-bako pa rin ang kalsada at hindi aspaltado kaya't lubhang malubak kapag tag-ulan at maalikabok kapag tagaraw. Napansin din niya na hindi na lubhang kagandahan ang Escolta at ang mga puno ng talisay sa kalye San Gabriel ay nabansot. Namataan pa niya si Padre Damaso na pormal at Payuko siyang binati ng matandang lalaki. Nakita ni Ibarra ang pagawaan ng tabako sa Arroceros makababa ng tulay. Lumiko ang karwahe ni Ibarra sa Subana na ngayo'y mas kilalang Plaza Lawton at Kalye P. Burgos. May sumurot sa kanyang damdamin pagkakakita sa mga bilanggong inaalipin sa pagpapatag ng kalsada. Ang mas nakakahilakbot, sa gayong estado ay natatamo pa nila ang karahasang hindi sana nila natatanggap mula sa kapwa bilanggo na may kaparis na kapalaran at sitwasyon. Sa nakakahindik na pangitain ay hindi niya maiwasang ikumpara ang Europa sa kanyang mga nakikita. Naparaan sila sa Mehan Garden o Hardin ng Botanika. Biglang sumagi sa kanyang isip ang Jardin Botanika. Biglang sumagi sa kanyang isip ang Jardin Botanico sa Europa. Kapansin-pansin ang kaunlaran nito dahil ginugulan ng salapi kung ikukumpara sa kabulukan ng hardin sa Maynila dahil napabayaan ito. Naaalala niya ang mga salita ng isang gurong pari na namayара. Ayon dito, ang karunungan ay para sa mga may puso lamang. Ang anumang natamo ay nais iturong muli ni Ibarra sa mga susunod pang henerasyon. Kung ang mga dayuhan ay nagpunta sa Pilipinas upang dumukal ng ginto, kailangang hanapin naman sa kanila ang gintong kailangan ng bayan, ang karunungan. Dahil 1. Sino-sino ang mga tauhan? 2. Ano ang pamagat ng Kabanata na ito? 3. Sino ang nakasakay sa sasakyan o karwahe? 4. Ano amg bumalik sa ala-ala ni Ibarra habang naglalakbay? 5. Saan makikita ang pagawaan ng 6. Umuunlad ba ang lugar ayon sa pagtingin ni Ibarra mula sa kanyang obserbasyon? 7. Anong nakakahilakbot na pangyayari ang nasaksihan ni Ibarra? 8. Anong magandang tanawin ang pumukaw sa damdamin ni Ibarra? 9. Ano ang gintong kailangan ng bayan natin? Bakit? 10. Anu-ano ang tagubilin ng pari kay Ibarra?