Bahagi ng Dula 1. Yugto – ang bawat paghahati sa dula 2. Tanghalan – pagbabago ng ayos ng entablado 3. Tagpo – paglabas-masok ng mga tauhang gumaganap sa tanghalan Mga Uri ng Dula 1. Trahedya – nagwawakas sa pagkasawi o pagkamatay ng mga pangunahing tauhan 2. Komedya – ang wakas ay kasiya-siya sa mga manonood dahil nagtatapos na masaya sapagkat ang mga tauhan ay nagkakasundo 3. Melodrama – kasiya-siya rin ang wakas nito bagamat may ilang malulungkot na bahagi 4. Parsa – may layuning magpatawa 5. Saynete – pumapaksa sa mga karaniwang pag-uugali ng tao na ginagawang katawatawa