8 Araling Panlipunan Ikaapat na Markahan Modyul 1: Ang Mga Dahilan at Epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig Week 1-2 Naikonseptwalisa ni Rowena C. Pantaleon Master Teacher II CCDCAGothongMNHS 1 Modyul 1: Ang Mga Dahilan at Epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig Pamantayang Pangnilalaman Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pakikipag-ugnayan at samasamang pagkilos sa kontemporaryong daigdig tungo sa pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran. Pamantayang Pangkasanayan Ang mag-aaral ay aktibong nakikilahok sa mga gawain, programa, proyekto sa antas ng komunidad at bansa na nagsusulong ng rehiyonal at pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran. Kakayahan Nasusuri ang mga dahilan ng mahahalagang pangyayaring naganap at bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig. Paksa/Subject Code: Ang Mga Dahilan, Mahahalagang Pangyayaring Naganap at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig (AP8AKD-IVa-1) Subukin (Panimulang Pagtataya) Magandang buhay mga mag-aaral! Bago natin umpisahan ang pagtatalakay sa Modyul 1 sagutin muna natin ang mga katanungan sa Paunang Pagsusulit o Subukin. Ito ay isang hindi markadong pagsusulit subalit ginagamit ito upang matukoy ang iyong kaalaman. Hindi kinakailangan hanapin ang tamang sagot ngunit dapat sagutin mo ang lahat ng mga tanong. PANUTO: Basahin ang mga katanungan, piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel. 1. Ang mga sumusunod na pangyayari ay naganap noong Unang Digmaang Pandaigdig, alin dito ang HINDI nabibilang? A. Pagbuo ng Triple Alliance at Triple Entente. B. Pagpapalakas ng hukbong militar ng mga bansa. C. Pagtatag ng Samahan ng mga Nagkakaisang Bansa. D. Pagkakaroon ng diwang nasyonalismo ng mga kolonyang bansa. 2. Ang digmaan ay nagdudulot ng teribleng pagkawala ng buhay at ari-arian. Nagdulot ito ng hinagpis at lungkot sa milyun-milyong mga nakaligtas, kabilang ang mga naulila ng digmaan at nabalo.Kung magpapatuloy ang digmaan, ano kaya ang mangyayari sa mundo? A. Lalaganap ang kultura ng mga makapangyarihang bansa. B. Mawawasak na ang daigdig dahil sa mga nakakamamatay na sandata. C. Mangingibabaw ang mga makakapangyarihan bansa laban sa mahihina. D. Marami ang mga mamamatay na halaman hayop, tao at maaring hindi na matitirhan ang mundo. 2 3. Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, alin sa mga sumusunod ang unang ginawa ng “The Big Four?” A. Pagbalangkas ng kasunduang pangkapayapaan ng mga bansa. B. Nagpulong at nagkaisa na sila’y magkasundo para sa kaunlaran. C. Palayain ang bansa sa pagkontrol ng makapangyarihan mga bansa. D. Gumawa ng mga batas pangkabuhayan para sa biktima ng digmaan. 4. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapaliwanag ng katagang ito “Ang sariling pagkakakilanlan ay nawawala dahil sa impluwensyang dayuhan?” A. Napapanatili ang kultura ng isang bansa. B. Pinakikinabangan ng mga dayuhan ang likas na yaman ng mga kolonya C. Ang kulturang dayuhan ang pinahalagahan ng mga bansang umuunlad pa lamang. D. Nababago ng mga dayuhan ang kultura ng kolonya sa pamamagitan ng iba’t ibang impluwensya. 5. Patuloy ang di pagkakasundo ng pamahalaan at ng mga rebelde dahil sa pagkakaiba ng prinsipyong ipinaglalaban. Bilang Pilipino, paano ito makakaapekto sa ating bansa? A. Maririnig ang mga hinaing subalit patuloy pa rin ang gulo. B. Mauunawaan ang mga prinsipyong ipinaglalaban ng mga rebelde. C. Hindi na magkakaroon pagbabago sa kultura at pamumuhay ang mga Pilipino. D. Magkakaroon ng takot ang mga tao at maapektuhan ang kanilang pamumuhay. 6. Anong kasunduan ng mga bansa na nagbigay hudyat sa pagwawakas ng Unang Digmaang Pandaigdig? A. League of Nations C. United Nations B. Treaty of Paris D. Treaty of Versailles 7. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang naging hudyat o dahilan sa pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig? A. Pagpapakamatay ni Adolf Hitler matapos sumalakay ang Allied Powers. B. Pagpapalabas ng Labing-Apat na Puntos ni Pangulong Woodrow Wilson. C. Pagpaslang kay Archduke Francis Ferdinand ng Austria sa Sarajevo, Bosnia. D. Pagwawakas ng mga Imperyo sa Europa tulad ng Alemanya, Austria- Hungary, Rusya, at Ottoman. 8. Sinasabing hirap bumangon ang mga bansang nasangkot sa digmaan dahil sa nasirang mga pananim at nasirang kabuhayan. Bilang isang kabataan, ano ang magagawa mo upang mapagtagumpayan ang ganitong sitwasyon? A. Mag-aral nang mabuti. B. Paghingi ng tulong pinansyal mula sa gobyerno. C. Pagpapabayad sa bansang nanakop sa mga nasira nito. D. Magsikap na muling makabangon sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan. 9. Ang pagkakaroon ng digmaan ay may mabuti at masamang epekto sa mga bansang sangkot dito. Isa sa mga dahilan ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig ang nasyonalismo na ang ibig sabihin ay pagmamahal sa sariling bansa. Paano mo maipapahayag ang nasyonalismo? A. Pagtuturo ng kabayanihan nina Andres Bonifacio at George Washington sa kanyang mga kababayan. B. Paghinto sa paglalakad habang inaawit ang Lupang Hinirang. C. Pagtitinda ng mga produkto sa isang tindahang pag-aari ng Pilipino bagama’t ang mga produkto ay yari sa Europa. D. Pagtatanggol sa bansa dahil sa pananalakay ng mga dayuhang ibig manakop at luminang ng likas na yaman. 10. Ang mga pahayag sa ibaba ay mga prebilihiyong maaaring matamasa ng mga mamamayang naninirahan sa US at Pilipinas, alin ang HINDI kabilang? 3 A. May karapatang makaboto. B. May kalayaan sa pananampalataya. C. Militar ang nangingibabaw sa sibilyan. D. Lahat ng mga mamamayan ay may karapatan sa edukasyon. 11. Maraming mga dahilan kung bakit bumabangon ang sigalot sa pagitan ng mga bansa. Ang pagsusukatan ng lakas at militarismo ay isa rin sa mga dahilan kung bakit sumisiklab ang digmaan sa pagitan ng mga bansa. Kung ikaw ay isang militar, ano ang nararapat mong gawin? A. Magiting na ipagtanggol ang bansa upang hindi ito tuluyang masakop ng mga dayuhan. B. Mag-organisa ng mga sundalo upang lihim na salakayin ang isang bansang mayaman sa langis. C. Agad na sumuporta sa anumang gagawing pananalakay ng iyong bansa sa kalapit nitong bansa. D. Gumawa ng mga dahilan kung sakaling nababalot ng takot kapag planong ipadala sa isang magulong bayan. 12. Isa sa mga isyu ngayon ay ang pag-aagawan sa West Philippine Sea ng China at Pilipinas. Sa iyong palagay, alin ang mas mabuting gawin upang maiwasan ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa? A. Alamin kung sino ang mga nakatira sa islang pinag-aagawan. B. Alamin sa kasaysayan kung sino ang tunay na nagmamay-ari ng isla. C. Pag-aralan kung aling bansa ang higit na malapit sa islang pinag-aagawan. D. Gawing batayan ang Pandaigdigang Batas bilang batayan sa teritoryo ng bawat bansa. 13. Isa sa pinagmumulan ng digmaan ay ang di pagkakaunawaan ng bawat bansa. Bilang isang mamamayan, alin ang maaaring gawin upang maiwasan ito? A. Manalangin parati upang malampasan ang mga pagsubok ng iyong bansa. B. Pagdisiplina ng UN sa bansang di sumusunod sa batas na napagkasunduan. C. Pag-usapan ng dalawang bansa ang suliranin at kung paano sila magkakasundo. D. Humingi ng payo sa mga may katungkulan sa bayan para sa ikabubuti ng bansa. 14. Isa sa mga epekto ng digmaan ay ang pagkakaroon ng trauma o takot ng mga mamamayan. Kung ikaw ay isang lingkod bayan, paano mo aalagaan ang ating kapwa Pilipino na biktima ng digmaan sa Marawi? A. Magsagawa ng mga programang pangkalusugan. B. Pagbibigay ng mga programang Stress Debriefing. C. Pagkakaroon ng seminar at pagtuturo ng “self defense.” D. Ipanalangin sila araw araw para sa kanilang kaligtasan. 15. Naging malaki ang epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig sa buhay at ari-arian sa ekonomiya ng mga bansa. Kaya naman nagkaroon ng pagpupulong ang “The Big Four” sa Paris, France noong 1919 sa pangunguna nina Woodrow Wilson ng Amerika. Sa iyong pananaw tama ba ang ginawa ng “The Big Four?” A. Oo, dahil magastos ang digmaan. B. Hindi, dahil sila naman ang nanguna sa pananakop at digmaan. C. Oo, dahil marami ang namamatay, nagkahiwa-hiwalay at nawalan ng kabuhayan. D. Hindi, dahil wala ng makukuhang hilaw na materyales ang mga bansa sa Europa kung patuloy nilang itataguyod ang kapayapaan. 4 Aralin 1 Mga Sanhi/Dahilan ng Unang Digmaang Pandaigdig Alamin Malalaman sa Aralin na ito ang mga dahilan at mga pangyayaring nagbigay-daan sa Unang Digmaang Pandaigdig, gayundin ang mga usapin ng mga bansang sangkot sa digmaan. Bibigyangpansin din ang matinding epekto nito na nag-iwan ng malalim na sugat at aral sa kasaysayan ng sangkatauhan. Tatalakayin din ang pagsisikap ng mga bansa upang makamit ang Kapayapaang Pandaigdig. Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang: A. Nasusuri ang mga dahilan na nagbigay-daan sa Unang Digmaang Pandaigdig; B. Natataya ang mga epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig; at C. Napapahalagahan ang pagsisikap ng mga bansa na makamit ang kapayapaan sa daigdig. Panimulang Gawain Gawain 1: Larawang Suri. Suriin ang mga larawan at sagutin ang mga tanong tungkol dito. https://www.history.com/.image/t_share/MTU4MTA0NDU yMjIwMzMxODcw/worldwar1.jpg https://today.duke.edu/sites/default/files/styles/story_her o/public/Royal_Irish_Rifles_ration_party_Somme_July_1916. 1. Ano ang ideyang ipinakikita sa larawan? 2. Kung magiging saksi ka sa ganitong pangyayari, ano ang posible mong mararamdaman? 3. Paano kaya maiiwasan ang pagkakaroon ng digmaan sa daigdig? Tuklasin at Suriin Matapos mabatid ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa Unang Digmaang Pandaigdig, marahil ay marami ka pa ring katanungan na nais masagot tungkol sa paksa. Handa ka na bang tuklasin ang mga pangyayari, mga dahilan, at epekto ng Unang Digmaang Pandigdig? Nais mo rin bang malaman ang mga hakbang na ginawa ng mga pinuno upang wakasan ang digmaan? Basahin ang kasunod na teksto na nasa ibaba at humanda sa pagsagot ng mga gawain kaugnay ng paksa. 5 Mga Dahilan ng Unang Digmaang Pandaigdig 1. NASYONALISMO ▪ ▪ ▪ ▪ Ang damdaming nasyonalismo ay nagbubunsod ng pagnanasa ng mga tao upang maging malaya ang kanilang bansa. Maaari din itong maging panganib na magsimula ng isang alitan tulad ng mga nangyari noong simula ng 1900. Kung minsan, ito ay lumalabis at nagiging panatikong pagmamahal sa bansa. May mga bansang masidhi ang https://societyofhonor.files.wordpress.com/2018/01/img_1070.jpg paniniwalang karapatan nilang pangalagaan ang mga kalahi nila kahit nasa ilalim ng kapangyarihan ng ibang bansa. Halimbawa, ang mga Junker, ang aristokrasyang militar ng Germany, ay naniwalang sila ang nangungunang lahi sa Europe. Halimbawa, ang pagnanais ng Serbia na angkinin ang Bosnia at Herzegovina na nasa ilalim ng Austria. Kabilang pa rito ay ang pagkamuhi ng mga Serbian dahil sa mahigpit na pamamahala ng Austria. Pamprosesong Tanong: Mula sa teksto, isa-isahin ang mga bansa na nagpakita ng diwang nasyonalismo at alamin ang kanilang dahilan sa diwa na iyon. ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________ 2. IMPERYALISMO AT EKONOMIYA ➢ Isa itong paraan ng pag-aangkin ng mga kolonya at pagpapalawak ng pambansang kapangyarihan at pag- unlad ng mga bansang Europeo. ➢ Ang pag- uunahan ng mga makapangyarihang bansa na sumakop ng mga lupain at magkaroon ng kontrol sa pinagkukunang-yaman at kalakal ng Africa at Asia ay lumikha ng samaan ng loob at pag-aalitan ng mga bansa. ❖ Halimbawa, sinalungat ng Britain ang pag-angkin ng Germany sa Tanganyika (East Africa) sapagkat balakid ito sa kanyang balak na maglagay ng transportasyong riles mula sa Cape Colony patungong Cairo. ❖ Sa kabilang banda, nangangamba ang Britain sa lumalakas na ekonomiya ng Germany at sa pagtatag nito ng Berlin-Baghdad Railway sapagkat ito’y panganib sa kaniyang lifeline patungong India. ❖ Tinangka namang hadlangan ng Germany ang pagtatag ng French Protectorate sa Morocco sapagkat naiinggit ito sa mga tagumpay ng France sa Hilagang Aprika. ❖ Dahil sa krisis ng dalawang lungsod sa Morocco, nagkalapit ang Britain at France laban sa Germany 6 https://etc.usf.edu/maps/pages/3600/3691/369 1.htm 3. MILITARISMO ▪ ▪ ▪ ▪ ▪ ▪ ▪ ▪ ▪ Ang militarismo ay isinilang sa huling bahagi ng 1800. Ito ay tumutukoy sa pagdakila sa militar. Sa ilalim ng militarismo, ang sandatahang-lakas at ang kahandaan sa digmaan ay pangunahing patakaran ng isang bansa. Ang militarismo ay sumibol mula sa ideya ni Darwin sa kanyang “survival of the fittest.” Winika ni Freidrich Von Bernhardi, isang sundalong Aleman na “Ang digmaan ay isang pangunahing pangangailangan.” Habang tumataas ang tensiyon sa buong mundo, abalang-abala naman ang mga malalakas na puwersa sa pagpaparami at pagpapalakas ng kanilang sandatahan at hukbong pandagat. Lalo pa itong nagpatingkad sa tensiyon at hinala na lalong nagdulot ng digmaan. Upang mapangalagaan ang kani-kanilang teritoryo, kinakailangan ng mga bansa sa Europe ang mahuhusay at malalaking hukbong sandatahan sa lupa at karagatan, gayundin ang pagpaparami ng armas. Ito ang naging ugat ng paghihinalaan at pagmamatyagan ng mga bansa. Nagsimulang magtatag ng malalaking hukbong pandagat ang Germany. Ipinalagay na ito'y tahasang paghamon sa kapangyarihang Inglatera bilang Reyna ng Karagatan. Ang pangamba sa digmaan ay nagdulot ng malaking impluwensiya sa mga lider-militar. Sa mga usaping pangkapayapaan at pandigma, laging kinokonsulta ng gobyerno ang mga lider-militar. Natamo ng mga heneral at mga admiral ng Germany at Britain ang kompiyansa ng bansa kaya nakakuha sila ng malaking pondo upang mapalaki at mapaunlad ang kanilang puwersa. Habang tumataas ang militarismo at naghahabulan ang mga bansa sa pagsasa-armas, lumalaki naman ang nalilikha nitong tensiyon. Pamprosesong Tanong: Paano naging ugat ng Unang Digmaang Pandaigdig ang Imperyalismo at Militarismo? ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________ 7 4. PAGBUO NG MGA ALYANSA ➢ Takot at kawalan ng tiwala ang nagtulak sa malalakas na bansa na maghanap ng proteksiyon sa pamamagitan ng alyansa. ➢ Lumagda ng kasunduan ang mga bansa na pangangalagaan o proteksiyonan ang bawat isa. ➢ Layunin ng mga alyansa na lumikha ng isang makapangyarihang kombinasyon. https://historyforkids.org/wp-content/uploads/2020/11/TripleAlliance.png ➢ Dahil sa inggitan, paghihinalaan at lihim na pangamba ng mga bansang makapangyarihan, nabuo ang dalawang magkasalungat na alyansa. ➢ Ang unang alyansa, Triple Alliance ay binubuo ng Germany, Austria-Hungary at Italy. ➢ Sa ilalim ng alyansa, nangako ang bawat kasapi na magtulungan sakaling may magtangkang sumalakay sa kanilang bansa. ➢ Nais din ng alyansa na pantayan ang lakas ng Triple Alliance. ➢ Ang ikalawang alyansa naman ay nagsimula sa panahon ni Bismarck noong 1882, ang Triple Entente na binubuo ng bansang Russia, France at Britain. ➢ Nabuo ito dahil sa di-pagkakaunawaan at hidwaan sa pagitan ng Russia at France noong 1884 (Dual Alliance), ng France at Britain noong 1904 (Entente cordiate) at ng Britain at Russia noong 1907. OTTO VON BISMARCK https://en.wikipedia.org/wiki/Otto_ von_Bismarck https://slideplayer.com/slide/5711804/18/images/19/Alliances+Triple+Alliance+Trip le+Entente+Germany+Great+Britain.jpg 8 KAISER WILLIAM II https://en.wikipedia.org/wik i/Wilhelm_II,_German_Empe ➢ Nalaman ni Bismarck na nagbabalak ipaghiganti ng France ang inabot na kahihiyan sa Digmaang Franco-Prussian. ➢ Nakatitiyak ang Germany na hindi aatake ang France nang walang katulong, kaya pumayag itong makapag-alyansa sa Austria-Hungary at Russia noong 1881. ➢ Pagkatapos ng pagbibitiw ni Bismarck noong 1890, ipinakilala ni Kaiser William II ang kanyang sariling mga patakaran. ➢ Pinangalagaan niya ang Triple Alliance ngunit tinapos na ng Germany ang kanyang kasunduan sa Russia na humanap ng bagong ka-alyansa. ➢ Noong 1914, nang sumabog ang digmaan, lumaban sa isang panig ang Germany at Austria-Hungary, ➢ At dito nakilala ang bagong alyansa na Central Powers. Isaisip PANUTO: Kumpletuhin ang maikling pahayag. Naging dahilan ng Unang Digmaang Pandaigdig ang militarismo sapagkat ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________ Isagawa at Pagyamanin Gawain 1 PANUTO: Suriin ang mga dahilan ng Unang Digmaang Pandaigdig ayon sa klasipikasyong kinabibilangan ng mga pahayag sa ibaba. Isulat ang titik lamang. A. Alyansa B. Nasyonalismo C. Militarismo D. Imperyalismo ________1. Ang pagtanggi ng Germany sa pagkakaroon ng kolonya ng France sa kaharian ng mga Turkong-Ottoman. ________2. Ang pagbawi sa mga nawalang teritoryo. ________3. Ang pangamba ng mga bansa dahil sa paglakas ng ekonomiya ng Germany. ________4. Ang pagtaas ng mga gastusin ng sandatahan ng isang bansa. ________5. Ang paglagda sa Entente Cordiale. ________6. Ang agawan sa kolonya ng France at Germany. ________7. Ang paniniwalang Pan-Slavism ng mga Ruso. ________8. Ang winika ni Freidrich Von Bernhardi, “Ang digmaan ay isang pangunahing pangangailangan.” ________9. Ang pagsasama ng Austria-Hungary at Italy. ________10. Ang pagpapalakas sa hukbong pandagat ng mga bansa. 9 Aralin 2 Ang Mga Mahahalagang Pangyayari sa Unang Digmaang Pandaigdig Alamin Magandang buhay mga mag-aaral! Magiliw na pagbati sa bagong kaalaman ang matutunan tungkol sa Mga Mahahalagang Pangyayari sa Unang Digmaang Pandaigdig. Sa araling ito, ikaw ay inaasahang matutuhan ang mga sumusunod: A. Nailalahad ang mga mahahalagang pangyayaring naganap sa Unang Digmaang Pandaigdig; B. Nasusuri ang mga mahahalagang pangyayaring naganap sa Unang Digmaang Pandaigdig; at C. Naitatala ang mga mahahalagang pangyayari sa Unang Digmaang Pandaigdig. Tuklasin at Suriin Bagong Uri ng Labanan Ang Dakilang Digmaan (Great War) ay itinuturing ng mga pahayagan na pinakamalaking digmaan sa kasaysayan. Pinakilos ng France ang halos 8.5 milyong Pranses, 9 milyong Briton, 12 milyong Ruso at 11 milyong Aleman. Ang krisis na naganap sa Bosnia noong 1914 ang naghudyat sa pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig. Noong Hunyo 28,1914, pinatay ni Gavrilo Princip si Archduke Franz Ferdinand at ang asawa nitong si Sophie habang sila ay naglilibot sa Bosnia na noon ay sakop ng Imperyong Austria-Hungary. Narito ang mga pangyayaring nagbunsod sa Unang Digmaang Pandaigdig: https://www.biography.com/politi cal-figure/franz-ferdinand 1. Ang Digmaan sa Kanluran ▪ Sa kanlurang bahagi, ang mga magkakalabang sandatahan ay naghukay ng lungga sa malalawak na kanal (trenches) mula sa hangganan ng Switzerland hanggang sa Belgium. Isang lihim na lagusan ang nagdurugtong sa mga bunker o lungga, mga gamit pangkomunikasyon, at mga sandata. ▪ Sa pagitan ng dalawang magkalabang trenches, makikita ang “no man’s land.” Ito ay bakanteng lupaing may nakatanim na mga landmine o bomba na naitanim sa lupa. Madalas, kapag tinatawag ang mga sundalo at lumalabas sila sa kanilang lungga, daraan sila sa “no man’s land” nang walang proteksiyon maliban sa mga baril at helmet. https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Nomans_land.jpg ▪ Noong 1916, nagsagawa ng isang opensiba ang magkabilang panig. Ginulat ng mga Aleman ang mga Pranses na nasa Verdun. Ipinagtanggol 10 ▪ ▪ naman ng mga Pranses ang kanilang posisyon, ngunit namatayan ang dalawang panig nang mahigit na kalahating milyong tao. Ang opensiba ng mga Allies sa may ilog ng Somme ay mas lalong magastos. Sa isang araw na labanan, mahigit 60,000 na Briton ang napapatay at nasusugatan. Sa loob lamang ng limang buwang labanan namatay ang mahigit na isang milyong katao. Ang makabagong armas ay nakadagdag sa malawakang pagwasak dala ng digmaan. Noong 1914, ang mga sandatang pandigma o malaking armas ng Germany ang lumipol ng mga kaaway mula sa 15 milyang distansya. Pagsapit ng 1918, inatake ang Paris mula sa distansyang 70 milya. 2. Ang Digmaan sa Silangan ▪ Lumusob ang Russia sa Prussia (Germany) sa pangunguna ni Grand Duke Nicholas, pamangkin ni Czar Nicholas II. Ngunit nang dumating ang saklolo ng Germany, natalo ang hukbong Ruso sa Digmaan ng Tannenberg. ▪ Nagtagumpay ang Hukbong Ruso sa Galicia. Ngunit hindi nagtagal ang tagumpay nila. Sila ay pinahirapan ng mga Aleman sa Poland. Dito tuluyang bumagsak ang hukbong sandatahan ng Russia. ▪ Ang sunod-sunod nilang pagkatalo ang naging dahilan ng pagbagsak https://en.wikipedia.org/wi ng dinastiyang Romanov noong Marso 1917 at ang pagsilang ng ki/Grand_Duke_Nicholas_Mi Komunismo sa Russia. ▪ Upang makaiwas ang Russia sa digmaan, nakipagkasundo si Lenin sa ilalim ng pamahalaang Bolshevik sa Germany sa pamamagitan ng paglagda sa Treaty of Brest-Litovsk. Iniwan ng Russia ang mga Alyado at sumapi sa Central Powers. 3. Ang Digmaan sa Balkan ▪ https://www.quora.com/Why-was-the-Balkan-League-formedbetween-Greece-Bulgaria-and-Serbia Lumusob ang Austria at tinalo ang Serbia pagkaraan ng ilang buwan. Upang makaganti ang Bulgaria sa pagkatalo, sumapi ito sa Central Powers noong Oktubre, 1915. ▪ Sa taong 1916, karamihan sa mga estado ng Balkan ay napasailalim na ng Central Powers. Ang Italya naman ang tumiwalag sa Triple Alliance at nanatiling neutral. ▪ Noong 1915, sumali ito sa magkaanib na bansa. Hinangad na maangkin ang mga teritoryong Latin na hawak ng Austria (Italy Irrendenta) at ang mga kolonya nito sa Africa. ▪ Ang Turkey ay kumampi sa Germany upang mapigilan ang Russia sa pag-angkin sa Dardanelles. 4. Ang Digmaan sa Karagatan ▪ Sa unang bahagi ng digmaan ay nagkasubukan ang mga hukbong pandagat ng Germany at Britanya. Ang naitaboy ng mga barkong pandigma ng Germany mula sa Pitong Dagat (Seven Seas) lakas pandagat ng Britanya. Dumaong ang bapor ng Germany sa Kanal Kiel at naging mainit ang labanan. 11 ▪ Makapangyarihan ang hukbo ng mga alyado sa dagat. Sa kabilang dako, ang mabibilis na raider at mga submarinong U-boats ng kanilang kalaban ay nakagawa ng malaking pinsala sa kalakalang pandagat ng mga Alyado. ▪ Ang pinakamabagsik na raider ng Germany ay ang Emden. Sa dakong huli, napalubog ito ng Sydney, isang Australian cruiser. https://tl.wikipedia.org/wiki/Unang_Dig Halaw sa PROJECT EASE- Module 17- Labanan ng mga Bansa sa Daigdig ph. 9-17 Isaisip PANUTO: Sagutin ang mga katanungan. Kung maging saksi ka sa ganitong pangyayari, ano ang posible mong maramdaman? Paano kaya maiiwasan ang mga digmaan sa daigdig? ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___ Isagawa at Pagyamanin Gawain 2: Konseptong Nais Ko, Hulaan Mo! PANUTO: Basahin ang mga clue sa bawat bilang at tukuyin ang mga konseptong inilalarawan sa pamamagitan ng pagpupuno ng wastong letra sa loob ng mga kahon. 1.Pagkakampihan ng mga bansa A Y A 2. Pagpapalakas ng mga bansang sandatahan ng mga bansa sa Europe M I T A S O 3. Panghihimasok ng makapangyarihang bansa sa mahinang bansa I P Y L O 4. Pagmamahal sa bayan N S N L M 5. Bansang kaalyado ng France at Russia G T B T N 6. Organisasyon ng mga bansa pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig E E F A O 7. Kasunduang nagwakas sa Unang Digmaang Pandaigdig V S I L S 8. Ang entablado ng Unang Digmaang Pandaigdig R P 9. Siya ang lumagda sa Proclamation of Neutrality W D O I L 10. Alyansang binubuo ng Austria, Hungary, at Germany T L E L I N E 12 Aralin 3 Mga Naging Bunga o Epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig Alamin Magaling mga mag-aaral! Ngayon, samahan ninyo ako sa Modyul na ito upang malaman ang bunga o epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig. Tatalakayin ng aralin na ito kung paano hinarap ng mga tao ang digmaan at ikaw ay inaasahang matutuhan ang mga sumusunod: A. Naiisa-isa ang mga layunin ng Liga ng mga Bansa (League of Nations) para makamit ang pandaigdigang samahan at kaunlaran; B. Nasusuri ang bunga o epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig; at C. Napahahalagahan ang mga kasunduan para makamit ang pandaigdigang pangkapayapaan. Tuklasin at Suriin Sa kabila ng tagumpay para sa mga Allies, nauwi ang digmaan sa malawakang pagkasira at pagkawala ng buhay at hanapbuhay ng mga nanalo at natalo sa digmaan. Nag-iwan ito ng halos 8.5 milyong sundalong nagbuwis ng kanilang buhay kabilang ang: GERMANS 26% USA ITALYBRITAIN 1% 7% 10% AUSTROHUNGARIA N 13% RUSSIANS 23% FRENCH 20% https://www.longlongtrail.co.uk/soldiers/asoldiers-life-1914-1918/what-happened-to-a- • • Sadyang nabago ang mapa ng Europe dahil sa digmaan. • Apat na imperyo sa Europe ang nagwakas: ang Hohenzollern ng Germany, Hapsburg ng Austria-Hungary, Romanov ng Russia at Ottoman ng Turkey. Nabigo ang mga bansa sa pagkakaroon ng pangmatagalang kapayapaaan sa daigdig. • Ang mga itinalaga ng kasunduan sa Versailles ay nagtanim ng hinanakit sa Germany. Lubhang marahas ang mga parusang iginawad sa Germany. Ang pagkapahiya ng Germany ang dahilan ng muli nilang paghahanda upang muling makipaglaban sa mga bansang Alyado. Nag-iba rin ang kalagayang pampolitika sa buong daigdig. Ang Austria at Hungary ay nagkahiwalay. Ang mga bansang Latvia, Estonia, Lithuania, Finland, Czechoslovakia, Yugoslavia at Albania ay naging malalayang bansa. 13 Matinding pinsala ang naidulot ng Unang Digmaang Pandaigdig sa buhay at ari-arian. Tinatayang umabot sa 8,500,000 katao ang namatay sa labanan. Nasa 22,000,000 naman ang tinatayang nasugatan. Samantalang 18,000,000 ang sibilyang namatay sa gutom, sakit at paghihirap. Napakaraming ari-arian ang nawasak at naantala ang kalakalan, pagsasaka at iba pang gawaing pangkabuhayan. Ang nagastos sa digmaan ay tinatayang umabot sa 200 bilyong dolyar. https://termcoord.eu/2014/07/shot-triggered-war/ Halaw sa PROJECT EASE- Module 17- Labanan ng mga Bansa sa Daigdig ph. 13-17 Mga Kasunduang Pangkapayapaan ▪ ▪ ▪ ▪ Umisip ng paraan ang mga nanalong bansa upang maiwasan ang digmaan na pinaniniwalaan nilang salot sa kapayapaan. Bumalangkas sila ng kasunduang pangkapayapaan sa Paris (Treaty of Paris) noong 1919-1920. Ang mga pagpupulong na ito ay pinangunahan ng tinatawag na Big Four: Pangulong Woodrow Wilson ng US ; Punong Ministro David Llyod George ng Great Britain; Vittorio Emmanuel Orlando ng Italy; at ang Punong Ministro Clemenceau ng France. https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/5/5a/ Ang pangunahing nilalaman ng mga Big_four.jpg kasunduan ay ibinatay sa Labingapat na Puntos (Fourteen Points) ni Pangulong Wilson. 14 Ang Labing-apat na Puntos ni Pangulong Woodrow Wilson Binalangkas ni Pangulong Wilson noong Enero, 1918 ang labing-apat na puntos na naglalaman ng mga layunin ng United States sa pakikidigma. Naglalaman din ito ng kaniyang mga ideya tungkol sa isang “kapayapaang walang talunan” para sa kapakinabangan ng lahat ng mga bansa. Ilan sa mga puntos na napagkasunduan ang sumusunod: 1. Katapusan ng lihim na pakikipag-ugnayan; 2. Kalayaan sa karagatan; 3. Pagbabago ng mga hangganan ng mga bansa at paglutas sa suliranin ng mga kolonya ayon sa sariling kagustuhan ng mga mamamayan; 4. Pagbabawas ng mga armas; 5. Pagbabawas ng taripa; 6. Pagbuo ng Liga ng Mga Bansa. https://www.whitehouse.gov/about-thewhite-house/presidents/woodrow-wilson/ Pamprosesong Tanong: Magtala ng ilang katangian ni Pangulong Wilson bilang isang lider. ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________ Mga Liga ng Mga Bansa (League of Nations) Ang pagkakaroon ng isang pandaigdigang samahan ng mga bansa ay matagal nang pangarap ni Pangulong Wilson. Sa wakas, nagtagumpay siya sa panghihikayat sa mga pinuno ng mga bansang alyado na maitatag at sumapi sa Liga ng mga Bansa. Ang konstitusyon nito ay napaloob sa Kasunduan sa Versailles na may sumusunod na mga layunin: 1. Maiwasan ang digmaan; 2. Maprotektahan ang mga kasaping bansa sa pananalakay ng iba; 3. Lumutas sa mga usapin at hindi pagkakaunawaan ng mga kasapi; 4. Mapalaganap ang pandaigdigang pagtutulungan; at 5. Mapalaganap ang mga kasunduang pangkapayapaan. Ilan sa mga nagawa ng Liga ng mga Bansa ang sumusunod: 1. Napigil nito ang ilang maliliit na digmaan sa pagitan ng Finland at Sweden noong 1920, Bulgaria at Greece noong 1925, at Colombia at Peru noong 1934. 2. Pinangasiwaan nito ang iba’t ibang mandato. 3. Pinamahalaan nito ang rehabilitasyon ng mga sundalo pagkatapos ng digmaan. Halaw sa PROJECT EASE- Module 17- Labanan ng mga Bansa sa Daigdig ph. 22-24cxcc Naging sapat kaya ang mga kasunduan ng mga bansa upang tuluyang matuldukan ang Unang Digmaang Pandaigdig? Natupad kaya ni Pangulong Wilson ang kapayapaang matagal niyang hinangad? Naging pabor kaya sa lahat ng bansa ang mga probisyon ng Kasunduan? Bakit nagkaroon ng lihim na kasunduang lingid sa kaalaman ni Pangulong Wilson? Halina at alamin ang mga kasagutan. Mga Lihim na Kasunduan Lingid sa Kaalaman ni Pangulong Wilson Lingid sa kaalaman ng Britanya, France at iba pang bansa, ang ibang miyembro ng Alyado ay gumawa ng lihim na kasunduan. Nagdesisyon silang hatiin ang kolonya at teritoryo ng 15 Central Powers. Halimbawa, pinangakuan ang Italya ng teritoryong hindi naman nito sakop. Ang Turkey naman ay maaaring paghati-hatian ng ibang maiimpluwensiyang bansa. Pormal itong naganap nang mabuo ang Kasunduan sa Versailles. Naisagawa ang mga sumusunod na pangyayari: 1. Nawalang lahat ang mga kolonya ng Germany. Ibinigay ang mga teritoryong Posen, Kanlurang Prussia at ang Silesia sa bagong Republika ng Poland. Ang Danzig ay naging malayang lungsod sa pangangasiwa ng mga Alyado bilang mandato. 2. Ang Alsace-Lorraine ay naibalik sa France. Ang Saar Basen ay napasailalim ng pamamahala ng Liga ng mga Bansa sa loob ng labinlimang taon. 3. Ang Hilagang Schleswig ay ibinigay sa Denmark. 4. Lubhang pinahina ang hukbong sandatahan ng Germany sa lupa at sa dagat. Binawasan ito ng marami at ang pinaglalakbayang ilog ng Germany at ipinagbawal ang kanilang mga partisipasyon sa anumang digmaan. 5. Ang Kanal Kiel at ang lahat ng mga pinaglakbayang ilog ay ginawang pang-internasyonal. 6. Pinagbawalang gumawa ng mga armas at amyunisyon ang Germany. 7. Ang Germany ay pinapangakong magbayad ng malaking halaga sa mga bansang napinsala bilang reparasyon. Ang layunin ng mga gumawa ng kasunduang ito ay upang lubusang pilayin ang Germany nang hindi na ito muling magtangkang gambalain ang kapayapaan ng daigdig. Halaw sa PROJECT EASE- Module 17- Labanan ng mga Bansa sa Daigdig ph. 23-24 Basahin din ang Kasaysayan ng Daigdig, Teofista L. Vivar et al, ph.243-250 at Kasaysayan ng Daigdig, Grace Estela C. Mateo, Ph.D, et.al, ph. 309319 Isaisip PANUTO : Sagutin ang mga tanong sa loob ng kahon. 1. Bilang isang kabataan, paano ka makatutulong upang magkaroon ng pambansang pagkakaisa at kaunlaran ang mga bansa sa daigdig? ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ 2. Bilang mag-aaral, paano ka makikibahagi sa pagpapatatag ng pandaigdigang kaunlaran at kapayapaan? ____________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ Isagawa at Pagyamanin Gawain 3: Concept Map PANUTO: Buuin ang Concept Map ng mga Bunga o epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig . Iguhit ito at isulat ang mga sagot sa sagutang papel. 16 EPEKTO NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG Tayahin PANUTO: Basahin ang mga katanungan, piliin at isulat ang letra ng tamang sagot. 1. Malaki ang naging epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig sa buhay at ari-arian sa ekonomiya ng mga bansa. Kaya naman nagkaroon ng pagpupulong ang “THE BIG FOUR” sa Paris, France noong 1919 sa pangunguna ni Woodrow Wilson ng Amerika. Sa iyong pananaw tama ba ang ginawa ng “THE BIG FOUR?” A. Oo, dahil magastos ang digmaan. B. Hindi, dahil sila naman ang nanguna sa pananakop at digmaan. C. Oo, dahil marami ang namatay, nagkakahiwa-hiwalay at nawalan ng kabuhayan. D. Hindi, dahil wala ng makukuhang hilaw na materyales ang mga bansa sa Europa kung patuloy nilang itataguyod ang kapayapaan. 2. Isa sa mga isyu ngayon ay ang pag-aagawan sa West Philippine Sea ng China at ng Pilipinas. Sa iyong palagay, alin ang mas mabuting gawin upang maiwasan ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa? A. Alamin kung sino ang mga nakatira sa islang pinag-aagawan. B. Alamin sa kasaysayan kung sino ang tunay na nagmamay-ari ng isla. C. Pag-aralan kung aling bansa ang higit na malapit sa islang pinag-aagawan. D. Gawing batayan ang Pandaigdigang Batas bilang batayan sa teritoryo ng bawat bansa. 3. Ang pagkakaroon ng digmaan ay may mabuti at masamang epekto sa mga bansang sangkot dito. Isa sa mga dahilan ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig ang nasyonalismo na ang ibig sabihin ay pagmamahal sa sariling bansa. Paano mo maipapahayag ang nasyonalismo? A. Paghinto sa paglakad habang inaawit ang Lupang Hinirang. B. Pagtuturo ng kabayanihan nina Andres Bonifacio at George Washington. C. Pagtitinda ng mga produkto sa isang tindahang pag-aari ng Pilipino bagama’t mga produkto ay yari sa Europa. 17 ang D. Pagtatanggol sa bansa dahil sa pananalakay ng mga dayuhang ibig manakop at luminang sa likas na yaman. 4. Anong kasunduan ng mga bansa ang nagbigay hudyat sa pagwawakas ng Unang Digmaang Pandaigdig? A. Treaty of Paris C. League of Nations B. United Nations D. Treaty of Versailles 5. Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, alin sa mga sumusunod ang unang ginawa ng “The Big Four”? A. Pagbalangkas ng kasunduang pangkapayapaan ng mga bansa. B. Nagpulong at nagkaisa na sila’y magkasundo para sa kaunlaran. C. Palayain ang bansa sa pagkontrol ng mga makapangyarihang bansa. D. Gumawa ng mga batas pangkabuhayan para sa mga biktima ng digmaan. 6. Isa sa pinagmumulan ng digmaan ay ang di pagkakaunawaan ng bawat bansa. Bilang mamamayan, alin ang maaaring gawin upang maiwasan ito? A. Manalangin parati upang malampasan ang mga pagsubok ng iyong bansa. B. Pagdisiplina sa bansang di sumusunod sa mga batas na napagkasunduan. C. Pag-usapan ng dalawang bansa ang suliranin at kung paano sila magkakasundo. D. Humingi ng payo sa mga may katungkulan sa bayan para sa ikabubuti ng bansa. isang 7. Patuloy ang di pagkakasundo ng pamahalaan at ng mga rebelde dahil sa pagkakaiba ng prinsipyong ipinaglalaban. Bilang Pilipino, paano ito makakaapekto sa ating bansa? A. Maririnig ang mga hinaing subalit patuloy pa rin ang gulo. B. Mauunawaan ang mga prinsipyong ipinaglalaban ng mga rebelde. C. Hindi na magkakaroon ng pagbabago sa kultura at pamumuhay ang mga Pilipino. D. Magkakaroon ng takot ang mga tao at maaapektuhan ang kanilang pamumuhay. 8. Ang mga sumusunod na pangyayari ang naganap noong Unang Digmaang Pandaigdig, dito ang HINDI nabibilang? A. Pagbuo ng Triple Alliance at Triple Entente. B. Pagpapalakas ng hukbong militar ng mga bansa. C. Pagtatag ng Samahan ng mga Nagkakaisang Bansa. D. Pagkakaroon ng diwang nasyonalismo ng mga kolonyang bansa. alin 9. Ang digmaan ay nagdudulot ng teribleng pagkawala ng buhay at ari-arian. Nagdulot ito ng hinagpis at lungkot sa milyun-milyong mga nakaligtas, kabilang ang mga naulila ng digmaan at nabalo. Kung magpapatuloy ang digmaan, ano ang posibleng mangyayari sa mundo? A. Lalaganap ang kultura ng mga makapangyarihang bansa. B. Mawawasak na ang daigdig dahil sa mga nakakamamatay na sandata. C. Mangingibabaw ang makakapangyarihan na mga bansa laban sa mahihina. D. Marami ang mga mamamatay na halaman, hayop, tao at maaaring hindi na matitirhan ang mundo. 10. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapaliwanag ng katagang ito “Ang sariling pagkakakilanlan ay nawawala dahil sa impluwensyang dayuhan”? A. Napapanatili ang kultura ng isang bansa. B. Pinakikinabangan ng mga dayuhan ang likas na yaman ng mga kolonya. C. Ang kulturang dayuhan ang pinahalagahan ng mga bansang umuunlad pa lamang. D. Nababago ng mga dayuhan ang kultura ng kolonya sa pamamagitan ng iba’t ibang impluwensya. 11. Maraming mga dahilan kung bakit bumabangon ang sigalot sa pagitan ng mga bansa. Ang pagsusukatan ng lakas at militarismo ay isa rin sa mga dahilan kung bakit sumisiklab ang digmaan sa pagitan ng mga bansa. Kung ikaw ay isang militar, ano ang nararapat mong gawin? A. Magiting na ipagtanggol ang bansa upang hindi ito tuluyang masakop ng dayuhan. 18 B. Mag-organisa ng mga sundalo upang lihim na salakayin ang isang bansang mayaman sa langis. C. Agad na sumuporta sa anumang gagawing pananalakay ng iyong bansa sa kalapit nitong bansa. D. Gumawa ng mga dahilan kung sakaling nababalot ng takot kapag planong ipadala sa isang magulong bayan. 12. Sinasabing hirap bumangon ang mga bansang nasangkot sa digmaan dahil sa nasalanta na mga pananim at nasirang kabuhayan. Bilang isang kabataan, ano ang magagawa mo upang mapagtagumpayan mo ang ganitong sitwasyon? A. Mag-aral nang mabuti. B. Paghingi ng tulong pinansyal mula sa gobyerno. C. Pagpapabayad sa bansang nanakop sa mga nasira nito. D. Magsikap na muling makabangon sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan. 13. Ang mga pahayag sa ibaba ay mga prebilihiyong maaaring matamasa mamamayang naninirahan sa U.S. at Pilipinas, alin ang HINDI kabilang? A. May karapatang makaboto. B. May kalayaan sa pananampalataya. C. Militar ang nangingibabaw sa sibilyan. D. Lahat ng mga mamamayan ay may karapatan sa edukasyon. ng mga 14. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang naging hudyat o dahilan sa pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig? A. Pagpapakamatay ni Adolf Hitler matapos sumalakay ang Allied Powers. B. Pagpapalabas ng Labing-Apat na Puntos ni Pangulong Woodrow Wilson. C. Pagpaslang kay Archduke Francis Ferdinand ng Austria sa Sarajevo, Bosnia. D. Pagwawakas ng mga Imperyo sa Europa tulad ng Alemanya, Austria-Hungary, Rusya, at Ottoman. 15. Isa sa epekto ng digmaan ay ang pagkakaroon ng trauma o takot ng mga mamamayan. Kung ikaw ay isang lingkod bayan, paano mo aalagaan ang ating kapwa Pilipino na biktima ng digmaan sa Marawi? A. Magsagawa ng mga programang pangkalusugan. B. Pagbibigay ng mga programang Stress Debriefing. C. Pagkakaroon ng seminar at pagtuturo ng “self defense.” D. Ipanalangin sila araw-araw para sa kanilang kaligtasan. Karagdagang Gawain Islogan Ko, Para sa Bayan PANUTO: Gumawa ng islogan na nagpapahiwatig ng iyong matinding pagtutol sa mga kaguluhan at digmaan sa daigdig. Isulat sa long bondpaper ang inyong islogan at lagyan ng disenyo. Ang batayan ng pagmamarka ay ang rubrik sa ibaba. MGA KRAYTERYA Pagkamalikhain 4 3 Lubos na nagpamala s ng Naging malikhain sa 2 Hindi gaanong naging 19 1 Marka Walang ipinamalas na pagkamalikhai 5 puntos Presentasyon Organisasyon Kaangkupan sa Paksa pagkamalik hain sa paghahand a. Lubhang naging malinaw ang pagbigkas at paghahatid ng mensahe. Buo ang kaisipan konsistent, kumpleto ang detalye at napalinaw. paghahand a. Angkop na angkop ang mga salita (islogan) at larawan sa paksa. Angkop ang mga salita o islogan sa larawan ng paksa. Naging malinaw ang pagbigkas at paghahatid ng mensahe. May kaisahan at may sapat na detalye at malinaw na intensyon. malikhain sa paghahand a. Hindi gaanong malinaw ang pagbigkas at paghahatid ng mensahe. Konsistent, may kaisahan, kulang sa detalye at hindi gaanong malinaw ang intensyon Hindi gaanong angkop ang mga salita at larawan sa paksa n sa paghahanda. Hindi naging malinaw ang pagbigkas/pag hahatid ng mensahe. 5 puntos Hindi ganap ang pagkakabuo, kulang ang detalye at dimalinaw ang intensyon 5 puntos Hindi angkop ang mga salita at larawan sa paksa. 5 puntos Kabuuang Puntos 20 puntos Sangguniang Aklat Mateo,Grace Estela C; Ph.D, et al (2012) Kasaysayan ng Daigdig,Quezon City,Philippines:Vibal Publishing House,Inc. Soriano, C. et.al (2017) Kayamanan: Kasaysayan ng Daigdig, ,Quezon City,Philippines: REX Bookstore. Website and Links A&E Television Networks (2018). World War 1 Battles: Timelines. Retrieved April 05, 2021 https://www.history.com/.image/t_share/MTU4MTA0NDUyMjIwMzMxODcw/worldwar1.jpg Today Duke (2017). Royal Irish Ration Party. Retrieved April 11, 2021 https://today.duke.edu/sites/default/files/styles/story_hero/public/Royal_Irish_Rifles_ration_part y_Somme_July_1916.jpg?itok=v6lqtW-B Joe America (2018). Nationalism, Treason, Complacency, And Us. Retrieved April 08, 2021 https://societyofhonor.files.wordpress.com/2018/01/img_1070.jpg 20 Florida Center for Instructional Technology (2009). Overseas Empires of European Powers, 1914. Retrieved April 15, 2021 https://etc.usf.edu/maps/pages/3600/3691/3691.htm History for Kids (2021). Triple Alliance Facts for Kids. Retrieved April 09, 2021 https://historyforkids.org/triple-alliance/ Wikipedia (2016). Otto von Bismarck. Retrieved April 07, 2021 https://en.wikipedia.org/wiki/Otto_von_Bismarck Wikipedia (2021). Wilhelm II, German Emperor. Retrieved April 16, 2021 https://en.wikipedia.org/wiki/Wilhelm_II,_German_Emperor A&E Television Networks (2017). Franz Ferdinand Biography. Retrieved April 05, 2021 https://www.biography.com/political-figure/franz-ferdinand Freddis (2006). No-mans land. Retrieved April 17, 2021 https://commons.wikimedia.org/wiki/File:No-mans_land.jpg Wikipedia (2020). Grand Duke Nicholas Mikhailovich of Russia. Retrieved April 15, 2021 https://en.wikipedia.org/wiki/Grand_Duke_Nicholas_Mikhailovich_of_Russia Dritero Ferri (2020). Why was the Balkan League formed between Greece, Bulgaria and Serbia?. Retrieved April 21, 2021 https://www.quora.com/Why-was-the-Balkan-League-formed-between-Greece-Bulgaria-and-Serbia Wikipedia Tagalog (2020). Unang Digmaang Pandaigdig. Retrieved April 24, 2021 https://tl.wikipedia.org/wiki/Unang_Digmaang_Pandaigdig Chris Baker (2010). What happened to a soldier who died?. Retrieved May 03, 2021 https://www.longlongtrail.co.uk/soldiers/a-soldiers-life-1914-1918/what-happened-to-a-soldierwho-died/ Jurdana Martin Retegi (2014). The shot that triggered the war. Retrieved May 05, 2021 https://termcoord.eu/2014/07/shot-triggered-war/ Wikipedia (2021). Treaty of Versailles. Retrieved April 27, 2021 https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/5/5a/Big_four.jpg The White House (2015). Woodrow Wilson The 28th President Of The United States. Retrieved April 30, 2021 https://www.whitehouse.gov/about-the-white-house/presidents/woodrow-wilson/ Alannah Hill (2016). World War I Causes. Retrieved May 07, 2021 https://slideplayer.com/slide/5711804/18/images/19/Alliances+Triple+Alliance+Triple+Entente+ Germany+Great+Britain.jpg Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph 21