Uploaded by amadorramirmo

filipino

advertisement
Mga bagay na nagbibigay ng STRESS SA
AKIN
Ano nga ba ang stress? Sino ang tinatamaan nito? Ayon sa diksyunaryo ang stress ay isang
pakiramdaman na maaring dumating kapag maraming gawain ngunit kunlang ang oras. Ayon naman
sa sikolohiya, ang stress o tensyon ay isang pakiramdam ng oagkapuwersa ng tensyon. Kadalasan
ang pagkakaroon ng stress ay nakakasama sa kalusugan. Walang pinipiling edad ang stress mapa
bata o matanda ay tinatamaan ng stress. Iba’t iba nga lang libel ng stress na ating nararanasan.
Noong ako ay mas bata pa, wala naman akong maalala na mga stress na akin naranasan o maaring
dahil bata pa ako ay wala akong masyadong paki-alam sa mga bagay bagay at wala rin naman akong
masyadong responsibilidad. Ngayong ako ay teenager na dahil sa marami na ding nga gawain sa
paaralan aking masasabi na ang deadlines, pressure sa mga aralin dahil mas mahirap na ang mga
asignatura ang madalas na dahilan ng aking stress. Nariyan din ang mga maiingay at makukuket
kong kamag-aral, ang nga taong pinipigilan ako sa aking ginagawa o sinasabi nang hindi pa ako
kinakausap o pinapaliwanagan. Ang minsan pagsasabi ng “white lies” dahil turo ng aking magulang
na masama ang magsinungaling. Madalas din ako mag over think lalo na kung hindi ko makontrol
ang isang bagay. Ako ay nawawala sa konsentrasyon at nababalisa.
Sa pagtatapos, alam ko na ang stress ay di maiiwasan at parte na talaga ito ng ating buhay.
Kailangan lang nating matutunan paano ito harapin o maiwasan. Lahat ng bagay ay may solusyon.
Normal lang sa akin na makaranas ng stress paminsan minsan. Sa tingin ko may maganda dukot din
ang stress sa ating. Dahil duto ay natututo tayong maging problem solver at mas lumalawak ang
ating kaalaman sa mga bagay na nakakaapekto sa atin.
Download