Kaharian ng Espanyol sa Pilipinas MAGULO ang katapusan ng panahon ng Español, sinimulan ng aklasan ng mga tagaIlocos dahil sinarili ng pamahalaan sa Manila ang paggawa at kalakal ng kanilang giliw na inumin, basi, at natapos sa pagpasok ng mga Amerkano. Sa Bohol, tumagal pa ng 27 taon ang himagsikang sinimulan ni Dagohoy nuon pang 1744. Nuong 1841, naghimagsik ang mga Tagalog sa Laguna atTayabas dahil sa pagsupil sa matimtimang ‘Ka Pule’ Apolinario dela Cruz. Kaharian ng Espanyol sa Pilipinas Napuksa ang malaking himagsikan subalit pahiwatig ito ng lumalawak na pag-alsa ng buong Katagalugan, lalong lumawak nang bitayin ang 3 pari nuong 1872, sina Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora. Higit ang gulong naganap sa España: Sinakop ng mga taga-France, nalagas ang mga sakop ng kaharian sa buong America, marami sa madugong himagsikan, hanggang umabot sa digmaan ng Español laban sa Español sa España mismo. Ang gulo, intriga at agawan sa kapangyarihan at katungkulan ay dinala ng mga dayong Español sa Pilipinas at naipit sa kalupitan ng magkabilang panig ang mga Pilipino na, walang nabalingan, napilitang naghimagsik nuong 1896. Sa isang taginting na saglit, nagkaisa ang mga Tagalog sa pagpalayas sa mga Español subalit nasupil ang himagsikannang nabigo silang damayan ng mga taga-Ilocos, Bicol at Visaya. Sila-silang mga Tagalog mismo ay nagpatayan din, gaya ng mga Español. Subalit lahat ay nawalan ng katuturan - ang himagsikan, ang agawan, pati na mismo ang panahon ng Español - nang dumating ang mga Amerikano nuong 1898 at dinaig silang lahat. Iba’t ibang katawagan – naninirahan sa Pilipinas PENINSULARES – mga Kastilang pinanganak sa Espanya; subalit naninirahan sa Pilipinas MESTIZO – magkahalong Kastila at Pilipino SANGLEY – mga Intsik at Indio (mga taong nagging Kristiyano) PILIPINO – itinawag na Indio 1. Kaunlaran ng Komersyo at Agrikultura 19th century – binigyang karapatan – dayuhan pangangalakal at paninirahan sa Manila nakadagdag ang pagbubukas ng porto ng Sual – Pangasinan, Iloilo, Zamboanga at Cebu – para – panlabas, pangangalakal Ito – nakapagpalago – kabuhayan – Pilipinas Umunlad – Agrikultura at dayuhang mangangalakal kasama sa pag-unlad – agrikultura *pamilya Mercado o Rizal sa Calamba 2. Pagbabago sa Edukasyon Batas ng Eduk. 1863 – pagtatatag ng paaralan para sa mga guro sa Maynila at itinaas – sahod – guro Ang Ateneo Municipal – dati’y nasa ilalim ng pamamahala ng Ayuntamiento – inilipat sa pangangasiwa ng paring Heswita Dito nag-aral – batang – Rizal Problema: panahon panunungkulan ni Obispo Sta. Justa at Gob. Hen. Anda Dumami – parokya – dapat – magdag-dag – pari/kura paroko Inilagay – paring secular na Pilipino Minasama ng mga paring regular – kastila Ipinaglaban – P. Jose Burgos ang sekularisasyon ng mga parokya Ngunit walang buting ibinunga dahil ipinagkait – pamahalaan -kahilingan Si Jose Apolonio Burgos ay ipinanganak sa Vigan, Ilocos Sur noong ika-9 ng Pebrero, 1837. Ang kanyang ama ay si Tenyente José Tiburcio Burgos at ang kanyang ina ay si Florencia Garcia. 4. Liberalismo ni Carlos Ma. Dela Torre 1868 – nakamit – paring liberal – kapangyarihan pagkatapos – rebolusyon Carlos Ma. Dela Torre – gobernador at kapitan heneral – Pilipino (ipinadala ni Serrano) Dala – diwang liberalismo at demokrasyang pinagtagumpayan sa Rebulosyong 1868 Carlos María de la Torre - Ushered a liberal era in the colony. He made demostrations legal, and people could go to Malacañang. Sa pamamagitan nito – nagkaroon – pagkakataon – Pilipino – ipinakita – kanilang kakayahan sa pagpapaganap sa sariling pamahalaan 1871 – pinabalik si dela Torre – Espanya at ipinalit si Rafael de Izquierdo 5. Si IZQUIERDO at ang Pag-aalsa sa Cavite Enero 1872 – nag-alsa – sundalong Pilipino – Cavite Di minabuti – muling pagbabayad ng buwis Pag-aalsa: kinasangkapan ng bagong pamahalaan Upang hulihin – Pilipino kaaway – kastila upang parusahan Ipinadakip din – tagapamuno – pagaalsa Kabilang sa mga nagiging biktima sina Padre Gomez, Burgos at Zamora - ipinapatay sa pamamagitan GAROTE iba – ipinatapon – pulo – MARIANAS Ano ang kahalagahan ng naganap na pangyayaring ito? NAMULAT –PILIPINO – UPANG MAG-ALSA!!! PAGSASANIB NG SIMBAHAN AT NG PAMAHALAAN ESPANYA – Relihiyon at Pamahalaan – iisa HARI – isang karapatan nasa – pagtataguyod ng Papa (Royal Patronage) ipinatupad din – Pilipino Ano ang nagiging malaking kontrobersiya ukol sa pagsasarili ng simbahan at pamahalaan? Hindi naging malinaw ang kapangyarihang sinasaklaw ng mga pinuno Prayle – nagkaroon ng malaking impluwensya maging sa labas ng simbahan Hindi matatag na administrasyong kolonyal (Instability of Colonial Administration) 2. Korupt na Kolonyal na Opisyales (Corrupt Colonial Officials) 3. Pagkakaroon ng Representasyon sa Pilipinas sa Spanish Cortes (Philippine representation in the Spanish Cortes) 4. Nawalan ng mga Karapatan ang mga Pilipino (Human rights denied to Filipinos) 5. Walang Pantay-pantay sa Harap ng Batas (No equality before the law) 1. 6. Walang Hustisya sa mga Korte (Maladministration of justice) 7. Diskriminasyon (Racial Discrimination) 8. "Frailocracia“ o Frailocracy 9. Pilit na pagtatrabaho (Forced labor) 10. Prayle ang mga may-ari ng mga Hacienda (Haciendas owned by the friars) 11. Ang Guardia Civil (The Guardia civil) 1. Di-matatag na Administrasyong Kolonyal Naging magulo ang pulitika ng mga Kastila mula pa sa maligalig na paghahari ni King Ferdinand VII (18081833) 1. Di-matatag na Administrasyong Kolonyal Sumailalim sa madalas na pagbabago ang kanilang pamahalaan dahil sa patuloy na pakikipaglaban sa pagitan ng "despotism" (isang taong namumuno, malakas ang kapangyarihan sa pamumuno) at "liberalism" (binibigyang-diin ang karapatan ng isang indibidwal) at sa Carlist Wars (pinag-aagawan ang trono ng Espanya) Sa loob ng 28 na taon, nagkaroon ng apat na konstitusyon, 28 na parlamento at529 na ministro, kasama na rin ang iba't ibang mga rebolusyon. 1. Di-matatag na Administrasyong Kolonyal Apektado ang Pilipinas dahil papalit-palit ng mga nanunungkulang mga gobernador heneral at pabagobago ang mga kailangang sundan na patakaran. Halimbawa: 1835-1897-pinamunuan ang Pilipinas ng 50 na gobernador heneral Dahil dito hindi na tuluyang umunlad ang pulitika at ekonomiya ng Pilipinas. Kung mayroon mang gagawin na pangako o bagong patakaran ang isang gobernador heneral, hindi ito matutuloy dahil siya ay mapapalitan na naman ng bagong gobernador heneral. q Liban sa iilan, karamihan sa mga opisyal ng kolonya (gobernador-heneral, huwes, ehekutibong panlalawigan, atbp.) na ipinadala ng Espanya sa Pilipinas noong 19 na dantaon ay mga tiwali, malulupit, hindi makatarungan, madadaya at korupt. q Noon pa mang 1810, pinuna na ni Tomas Comyn ang mapait na katotohanang mga ignoranteng barbero at muchacho ang niluluklok na gobernador ng lalawigan, at mga bastos na magdaragat at sundalo ang ginagawang mahistrado ng distrito at komandante ng garison. Mga halimbawa: (1871-1873) – pinabitay ang mga inosenteng paring sina Mariano Gomez, Jose Burgos, Jacinto Zamora (1874-1877) – walang alam sa pamamahala. ay nagpayaman lamang (1880-1883,1897-1898) (1888-1891) – mahirap na tao bumalik sa Espanya na isang milyonaryo. Tinawag siyang tirano ng mga Pilipino dahil sa kanyang brutal na pang-uusig sa mga magsasaka ng Calamba, lalo na sa maganak ni Dr. Rizal. (1896-1897) –nagpabitay kay Rizal. Para makuha ang suporta ng kanyang mga kolonya noong panahon ng pananakop ni Napoleon, binigyan ng Espanya ang mga ito ng representasyon sa Cortes o parlamento. Mahalaga ang kinatawang Pilipino sa Kortes ng Espanya upang maging matapat ang pamahalaang Kolonyal sa Inang Espanya. Ventura de los Reyes (1810-1813) unang delegatong Pilipino; pinaalis ang “galleon trade”. Naalis ang representasyon ng mga kolonya ng Espanya (kasama ang Pilipinas) sa Spanish Cortes noong 1837 – sumama lalo ang kondisyon ng Pilipinas Graciano Lopez-Jaena – isa sa mga nanguna sa pagprotesta sa mga Kastila na magkaroon muli ng Pilipinong delegato sa Spanish Cortes Mula nang ipagtibay ang Konstitusyon ng 1812 at iba pang konstitusyon noong mga sumunod na taon, tinamasa ng mga Espanyol ang kalayaan ng pananalita, kalayaan ng pamamahayag, kalayaan ng asosasyon, at iba pang karapatang pantao. Masigasig na binantayan ang mga ito kaya walang monarkiyang nangahas na buwagin ang mga ito. Ngunit ipinagkait naman ang mga ito sa atin. Ang mga misyonerong Espanyol na nagdala ng Kristiyanismo sa Pilipinas noong ika-16 na dantaon ang nagturo ng pagkakapantay-pantay bilang mga anak ng Diyos. Dahil dito, maramingPilipino ang naging interesado sa pagiging Kristiyano Pagdating naman ng mga Kastilang awtoridad, hindi nila ipinalaganap ang itinuro ng mga Kastilang misyonero Leyes de Indias (Laws of the Indies) – prinoprotektahan ang mga karapatan ng mga tao sa mga kolonyal na bansa ng Espanya; hindi ito naisasagawa sa mga bansang kolonyal ng Espanya, pati ang Pilipinas Ang batas daw ay para sa mga puting Espanyol lamang Ang Kodigo Penal ng Espanya, na ipinapatupad sa Pilipinas, ay nagpapataw ng mas mabigat na kaparusahan sa mga katutubong Pilipino o mestiso, at magaang parusa naman sa mga puting Espanyol. “Ang probisyon sa kodigo Penal na nagpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga Indio o mestiso ay talagang ikinakainis ko dahil ipinapakita rito na sinumang ipinanganak nang hindi puti ang balat ay maituturing na kriminal. Ito ay napakalaking kawalan ng katarungan at di nararapat na maibatas.” – Propesor Ferdinand Blumentritt. Ang mga hukuman ng hustisya sa Pilipinas noong panahon ni Rizal ay napakatiwali. Ang mga huwes, piskal, at iba pang opisyal ng korte ay walang karapatan sa kanilang tungkulin dahil ignorante sa batas. Ang hustisya ay nabibili. Walang hustisyang nakukuha ang mga mahihirap na Pilipino dahil hindi nila ito kayang bayaran Parating nanalo sa korte ang mga mapuputi, popular at mayayaman na Kastila. Para sa mga Pilipino, kalamidad lang ang kanilang makukuha sa isang kahit maliit na kaso sa korte. Matagal na proseso ang mga kaso para sa mga Pilipino at madalas nangyayari ang pagtatakas o pagtatago ng mga suspek o pagkawala ng mga opisyal na dokumento. Mga halimbawa: 1. kaso ni Juan de la Cruz noong 1886-1898-may dalawang lalaki na pinatay noong gabi ng Hunyo 7,1886; tinawag na suspek si Juan de la Cruz; walang trial at tamang imbestigasyon ang isinagawa ngunit naipadala pa rin si Juan de la Cruz sa prisinto sa loob ng 12 taon. Nang dumating ang mga Amerikano sa Cavite pagkatapos ng labanan sa Manila Bay (May 1, 1898), nakita nila si de la Cruz sa prisinto. Hinihintay niya pa rin na maisagawa ang kanyang trial. 2. Donya Teodora (ina ni Rizal) – inaresto at ikinulong, inosente 3. Jose Rizal – ipinadala sa Dapitan kahit walang tamang trial 4. Paciano Rizal Mercado – exiled; wala ring tamang pagimbestiga Ayon kay John Foreman: “Mahirap makamit ang hustisya dahil mahirap ngang maipanalo ang isang kaso. Kahit na dapat ay maisaayos na ang isyu, isang depekto ng sentensiya ay maaring gawin para mabuksan muli ang kaso. Kapag ang kaso ay nilitis at binigyan ng sentensiya sa ilalim ng Kodigo Kriminal, isang pagkakamali ay matutuklasan sa ilalim ng mga batas ng Indies, o Siete Partidas, o Batas Romano, o Novisima Recopilacion, o Antiguos Fueros, mga Atas, mga kautusan ng Hari, Ordenanza del Buen Gobierno, at iba pa, na magiging dahilan para mabuksang muli ang kaso.” Ipinalalaganap at naniniwala ang mga Kastilang awtoridad sa pananampalatayang Kristiyano, ngunit hindi naman nila ito ginagawa. Ayaw nilang isipin na kapatid nila ang mga Pilipino, at para sa kanila ay mas matataas sila keysa sa mga Pilipino. Tinatawag ng mga Kastila ang mga Pilipino na "Indio" (Indians), at bumawi naman ang mga Pilipino sa pamamagitan ng pagtawag sa mga Kastila na mga "Bangus" (milkfish) dahil sa kanilang mapuputing balat. Ang isang tao, kahit wala namang alam o masama ang kanyang ugali, basta Kastila at mestizo, ay may mataas na lebel sa komunidad. Dahil sa pilosopiyang political ng Espanya hinggil sa unyon ng Simbahan at Estado, sumibol ang natatanging anyo ng Espanyol na pamahalaan sa Pilipinas na kung tawagin ay frailocracia. Tinawag sa ganitong ngalan dahil ito ay “pamahalaan ng mga prayle”. Ang mga prayle ang siya ring superbisor sa mga eleksyong lokal - Inspektor ng mga paaralan at buwis - Tagapangasiwa ng mga moral,sensura ng mga aklat at komedya - Tagapangasiwa ng mga gawaing pampubliko - Tagapagtaguyod ng kapayapaan at kaayusan Tinuligsa nina Rizal, del Pilar, Lopez-Jaena at ibang Pilipinong repormista ang frailocracia. Tinuligsa ni Rizal ang mga prayle at tinawag silang kaaway ng mga repormang liberal at kaunlaran sa Pilipinas. Si G. Lopez-Jaena naman ginawa silang kakatwang karikatura sa kanyang Fray Botod Ang mga masasamang prayle na ito ay dinungisan ang marangal na ngalan ng Espanya, dinumihan ang reputasyon ng daang-daang mabuting prayle. Ikinukumpara sa Roman god na si Janus ang Frailocracia dahil may dalawa itong mukha: masamang mukha ayipinakita nila Rizal sa paraan ng pagbabawi sa mga prayle na umapi sa kanila ipinapakita naman ang mabuting mukha para sa katotohanan nito sa kasaysayan Kilala sa tawag na pinipilit at kailangang magtrabaho ang mga Pilipinong lalaki sa konstruksyon ng mga simbahan, paaralan,ospital, pagaayos ng mga daan at tulay at iba pang trabahong pampubliko Kalalakihang Pilipinong edad 1660 ang pinag-uutusang gumawa sa loob ng 40 araw sa isang taon. = POLISTAS – tawag sa mga lalaking nagtatrabaho Hulyo 12, 1883 - Royal Decree: ginawang 18 to 60 years old at ginawang 15 days a year na lamang; hindi langPilipino ang magtatrabaho ngunit pati rin ang mga Kastila Ang mayayaman ay nakaligtas sa ganitong paggawa sa pamamagitan ng pagbabayad ng = halagang ibinabayad sa pamahalaan para makaiwas sa polo. Dapat may 50 centavos na makukuha ang mga polistas pagkatapos magtrabaho ngunit madalas ay parte lang. Rizal : “ Sa bayan ng Los Banos, isang ospital ang tinatayo ng mga manggawa na pinipilit ng mga awtoridad ay binayaran ng walong cuartos (limang sentimos) arawaraw, ang karaniwang arawang sahod bilang dalawang pesetas o apat na peales fuertes. Dagdag pa rito, ang mga mapagkawanggawa at pamilihang basar ay idinaraos para mabayaran ang halaga ng konstruksyon ng mga gusali. Ang arkitekto ay isang Pransiskano. Ang ospital ay napatayo, ang palasyo ng kapitan-heneral ay naipatayo, naisakripisyo ang agrikultura at maraming bayan ang nagdusa dahil sa kanilang konstruksyon…” “…Bakit may mga taong nagbabayad ng buwis ngunit pinagtrabaho nang walang bayad? Bakit sila pinagbabayad ng buwis kung hindi naman nila makakapiling ang kanilang mga pamilya? Nagbabayad ba sila ng buwis para magpaalipin? Ang buwis bang ibinabayad ay gagamiting upa sa mga tirano at hindi para makatugon sa mga pangangailangan ng lipunan? Ano? Ang bandila ba ng Espanya ay bandila ng kalakalan ng mga alipin?” Noong panahon ni Rizal , ang mga prayle mula sa iba’t ibang relihiyosong orden ay mayayamang may lupa. may ari ng pinakamagaganda at pinakamalalaking hacienda Naging dahilan ito ng mga pag-aalsang agraryo dahil itinuturing ng mga Pilipinong kasamang magsasaka ang prayleng maylupa na siyang nagnakaw sa lupa ng kanilang mga ninuno. Isa sa mga madugong pag-aalsang agraryo ay naganap noong 1745-1746 Noong 1768 – Gob. Anda-irinekomenda na ibenta na lamang ang mga estadong pinagmamay-ari ng mga prayle; hindi na naman pinansin ang kanyang rekomendasyon Ayon kay Rizal, ang pag-aari ng mga prayle sa mga lupa ay lalo lamang nagpalala sa di pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas noong panahon ng Espanyol. "constabulary“ Ang pinakamumuhiang simbolo ng pagmamalupit ng mga Espanyol ay ang Guardias Civiles na nilikha ng Atas ng Hari noong Pebrero 12, 1852. ginawa para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan saPilipinas na-kontrol nga ang mga bandido sa mga probinsya, ngunit ito rin ay naging mapang-abuso; naabuso ang mga inosenteng tao, maraming inosenteng babae ang nagahasa at maraming mga kagamitan at mga hayop napagmamay-ari ng mga Pilipino ang nanakaw hindi disiplinado ang mga native at mga Kastilang opisyales sa Guardia Civil sa Pilipinas, hindi kagaya ng Guardia Civil sa Espanya kung saan disiplinado, maayos, matino at nabibigyan ng respeto ang mga tao Tapos na po.