BENIGNO “NINOY” S. AQUINO HIGH SCHOOL Aguho St., Comembo, Taguig City “LIMANG ISTILO NG PANANAMIT NA PUMATOK SA TIKTOK TAONG 2022” Isang Akademikong Papel na Iniharap sa mga Guro ng Benigno “Ninoy” S. Aquino High School Bilang Bahagi ng mga Gawaing Kailangan sa Pagtatamo ng Pampinal na Marka sa Asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Ipinasa nina: Casiple, Jorico F. Domingo, James Denniel L. Bellen, Arleine Gwyeneth D. Buncaras, Hannah Nicole T. Castro, Gwyneth Divine D. Escuadro, Shiena M. Panesa, Queen Alice P. Ramirez, Argie Roxanne B. Tatlonghari, Saicy S. Villanueva, Fibie Nicole J. Ipinasa kay: Bb. Sheila Mae M. Nerpiol KABANATA 1 Ang Suliranin at Kaligiran PANIMULA Ang tiktok ay isa sa mga pinakasikat na aplikasyon, na nagbibigay-daan sa mga gumagamit na magbahagi ng mga maikling bidyo at makisali sa iba't ibang mga trend at kaganapan sa online na espasyo. Kasabay nito, ang pananamit ay patuloy na nagiging sukatan ng kagandahan at personalidad. Sa kontekstong ito, itinuturing na mahalagang suriin ang kung ano ang mga istilong pananamit na umiiral sa tiktok, lalo na sa taong 2022, upang mas maunawaan ang ugnayan ng moda at digital na kultura. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong magkaroon ng kalinawagan at mas malalim na kaalaman sa impluwensya ng TikTok sa mga trend sa pananamit, partikular sa taong 2022. Ayon kay Brown (2023), ang TikTok ay nagiging pangunahing pinagmulan ng inspirasyon para sa mga gumagawa ng moda at mga mamimili, kung saan ang mga bidyo ng mga tagagawa ng laman ay nagdudulot ng malawakang pagkilos at pagtangkilik sa mga istilong pananamit. Kaugnay nito, ayon sa pag-aaral ni Martinez (2022), mahalagang unawain ang dinamika ng mga trend sa pananamit sa TikTok upang mas mapabuti ang pagpaplano ng mga koleksyon at estratehiya sa marketing. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, inaasahang mabibigyang-diin ang kahalagahan ng TikTok bilang taga-pagbukas ng mga bagong oportunidad at ideya sa larangan ng moda. SULIRANIN NG PAG-AARAL Ang layunin ng pag-aaral na ito ay malaman o matukoy ang limang istilo ng pananamit na pumatok sa tiktok taong 2022. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ay malalaman ng mga mambabasa kung ano ang mga pumatok na istilo ng pananamit sa mundo ng tiktok. Ang pag-aaral na ito ay may paksang “Limang Istilo ng Pananamit na Pumatok sa Tiktok Taong 2022” Taong Panuruan 2023-2024. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na suliranin o katanungan: 1. Ano ang TikTok? 2. Ano-ano ang limang istilo ng pananamit na pumatok sa tiktok taong 2022? 3. Sino-sino ang mga nagpauso ng istilong ito sa Tiktok? KONSEPTWAL NA BALANGKAS Ang pag-aaral na ito ay nagprepresenta ng konseptwal na balangkas na nakabatay sa Input-Process-Output modelo kung saan nakikita kung ano ang proseso o daloy ng pag-aaral. Makikita ang kaugnayan ng input, proseso, at awtput ng paksa. Nilalaman nito ang tiyak na direksyon kung paano dapat isinasagawa ang pananaliksik upang makarating sa tiyak na resulta. INPUT 1. Pag-alam o pagtukoy ng mga limang istilo ng pananamit na pumatok sa tiktok taong 2022. PROSESO Pagsasagawa o Pagbuo at pangangalap ng pagbibigay datos sa paggamit depinisyon ng tiktok app ng mga Pagsusuri ng mga salita. nakalap na datos AWTPUT Representas Dokumentasyon yon ng mga ng mga nakalap nakalap na ng datos datos. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL Ang pananaliksik na ito ay mahalaga sapagkat ito ay magbibigay benepisyo sa mga sumusunod: Mga Estudyante Ang pag-aaral na ito ay makapagbibigay kaalaman sa mga estudyante kung ano ang limang istilo ng pananamit na pumatok sa tiktok taong 2022 at ito ay magbibigay ng praktikal na halimbawa ng kung paano ang mga platform tulad ng TikTok ay nakakaimpluwensya sa pananamit at kung paano ito nagbubunga ng engagement at interaksiyon sa online na espasyo. Mga Guro Ang mga guro na nagtuturo ng mga asignaturang nauugnay sa panlipunan at sining ay maaaring gamitin ang pananaliksik na ito bilang bahagi ng kanilang pagtuturo. Ito ay maaaring magsilbing isang kaganapan sa pag-aaral ng kasaysayan ng moda, kultura ng kabataan, at impluwensya ng teknolohiya sa pananamit. Mga Mangangalakal at Negosyante Ang pag-aaral na ito ay maaaring magbigay ng insight sa mga produkto at disenyo ng damit na maaaring maging matagumpay sa TikTok. Makakatulong ito sa kanila na bumuo ng mga estratehiya sa marketing at pagpaplano ng produkto. Mga TikTok Influencers at Content Creators Ang pag-aaral na ito ay maaaring magbigay ng ideya sa kanila kung ano ang mga trending na estilo ng pananamit na dapat nilang isama sa kanilang mga content para mapanatili ang kanilang engagement at makakuha ng mas maraming tagasubaybay. Mga Mananaliksik sa Hinaharap Makatutulong ang pag-aaral na ito sa mga mananaliksik sa hinaharap bilang isa sa kanillang mga sanggunian. DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA Ang mga sumusunod na termino ay ipinaliwanag sa operasyonal na paraan para sa pag-aaral na ito. Dinamika - ang pag-aaral ng puwersa at interaksiyon na nagdudulot ng paggalaw at pagbabago, pati na rin ang ugnayan ng mga bahagi, sa loob ng isang sistema o grupo. (scribd.com) Espasyo (Proxemics) - Ito ang tawag sa distansya sa pagitan ng mga taong naguusap na nagpapakita ng ugnayan na namamagitan sa kanila. (age.slidesharecdn.com) Estilo - ang estilo ay pagkilala sa totoo mong paglalahad sa salita at pasulat na paraan. pagbibigay panuto sa mga tagapakinig. (scribd.com) Estratehiya - isang maingat na pinagplanuhang serye ng hakbang o paraan na ginagamit upang makamit ang tiyak na layunin. (tagalog.com) Kultura - ay ang kabuuan ng mga kaugalian, paniniwala, gawi, at tradisyon ng isang grupo ng mga tao. (sanaysay.ph) Konteksto - ang kalagayan o kabuuang pangyayari na nagbibigay kahulugan at linaw sa pagkaunawa sa isang pangyayari, salita, o ideya. (tagalog.com) Moda - Popular na estilo o kasanayan ang moda (sa Ingles: fashion) o uso sa pananamit, sa kasuotan sa paa, abubot, pampaganda, hikaw sa katawan o muwebles. (WebPress.com) Sikat - ang kalagayan ng pag-angat, pagkilala, o pagiging tanyag dahil sa kahusayan, kagandahan. (tagalog.com) Tagasubaybay - isang indibidwal na masusing nagmamasid, nagbabantay, at sumusuri sa mga pangyayari, lugar, o gawain ng iba para sa isang tiyak na layunin. (tagalog.com) TikTok - isang online na plataporma para sa pagbabahagi ng mga maikling bidyo, kung saan maaaring magbahagi ng mga gumagamit ng iba't ibang mga bidyo, kasama ang mga trend at kaganapan sa moda at iba pang mga larangan. (abante.com.ph) SAKLAW AT DELIMITASYON Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa limang pangunahing istilo ng pananamit na naging sikat sa TikTok noong 2022, kasama ang pagtukoy ng mga posibleng dahilan kung bakit ang mga ito ay naging pumatok sa TikTok noong 2022, at impluwensya ng mga TikTok influencers. Sa kabilang banda, ang delimitasyon ay magtatakda ng mga hangganan tulad ng hindi pagtutok sa ibang platform ng social media maliban sa TikTok, at hindi pagsasama ng mga istilong hindi gaanong naging popular sa platform noong nasabing taon. Sa ganitong paraan, matitiyak ang kahalagahan ng pananaliksik at ang kahalagahan ng mga natuklasan nito sa konteksto ng TikTok at pananamit ng taong 2022. KABANATA II Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura LOKAL Ayon kay Pagdilao (2021) Ang pananamit ay isa sa mga pangunahing paraan ng pagpapahayag ng ating kultura, personalidad, paniniwala at estado sa buhay. Ito ay kabilang sa mga mahahalagang aspeto ng ating pang-araw-araw na buhay dahil ito ay nagbibigay ng unang impresyon at nagpapakita ng ating paggalang sa iba. Ang pananamit rin ang tumutukoy sa mga kasuotan o damit na isinusuot ng isang tao. Ito ay bahagi ng kultura at tradisyon ng bawat bansa at grupo ng mga tao. Ang iba't ibang uri ng pananamit ay maaaring magpakita ng mga kaugaliang kultural, paniniwala, uring trabaho, at iba pang mga aspeto ng buhay ng isang tao. Maari rin itong magpakita ng personalidad, pagkatao, at panlasa ng isang indibidwal. Sa kasalukuyang panahon, ang pananamit ay patuloy na nagbabago at nag-aadapt sa mga bagong panahon at kultura. Maraming to ang nakikisabay sa mga kasalukuyang trend sa fashion habang mayroon ding iba na nananatiling tapat sa kanilang tradisyunal a kasuotan at paraan ng pananamit. Ayon sa Fashion trends sa Pilipinas (September 2019) Ipinapakita na sa pag lipas ng panahon, nagbabago rin ang mga kasuotan na nakasanayan na natin. Kung susuriin halos walang pagkakaiba ang mga kasuotan noon hanggang ngayon, dahil tayong mga pinoy ay sadyang malikhain. Malaking tulong ang teknolohiya sa pagbibigay ng impormasyon sa mga tao tungkol sa Online Fashion sa Pilipinas madalas kahit hindi atin na fashion ay nagkakaroon ng adaptasyon galing sa ibang bansa at hindi narin tayo nahuhuli sa uso madalas ang Pilipinas pa nga ang nangunguna pagdating sa mga pormahan na pamatay. Malawak ang naging impluwensya ng teknolohiya sa panahon ngayon kaya nabuksan ang mga makukulay na ideya ng mga Pilipino pagdating sa pagpili ng mga damit. Nakakakuha ng paraan ang mga tao sa mga social media sites upang mas lumawak ang pagiging malikhain nila. Sa mga nakikita nila sa mga social media ay nakakakuha sila ng magagandang paraan upang maging kaaya-aya ang mapipili nilang damit. Sa mga kasuotan naipapakita natin ang ating sariling style ng pananamit. Kung tutuusin mas magaganda ang kasuotan noon kumpara ngayon. Noon maipapakita talaga ang respeto sa sarili dahil kagalang galang ang kanilang pananamit. Ngunit dahil nasa bagong henerasyon tayo ay mas pinipili nating tangkilikin ang napapanahon. Kung ano ang naging damit nung 80's ay nauulit lang ngayon at nabibigyan lang kaunting twist na maaaring hanggang sa susunod na henerasyon. Ayon kay Ms. Jayvie Calderon, isang entrepreneur, founder ng By the Oceane. Ang fashion ay parte ng pamumuhay kung saan pwede natin maipakita ang ating personalidad base sa mga damit, sapatos, aksesorya, atbp na isinusuot natin sa ating katawan. Sa pamamagitan nito, tayo ay nakakahugot ng lakas para sa ating mga sarili, para tumaas ang kumpiyansa natin at maramdaman natin lalo gaano tayo kaganda. DAYUHAN "Youth Culture and Digital Communication: Exploring Fashion Communities Online", may pagkakatulad ito sa aming pananaliksik dahil ang ugnayan ng kabataan culture at digital communication, partikular sa konteksto ng mga fashion communities sa online na espasyo ay masasalamin ang mga bagong paraan ng pagpapahayag ng estilo at kulturang pananamit ng mga kabataan sa kasalukuyan na panahon. Impact of Tiktok on Education, Ang TikTok ay isang sikat na plataporma na nagbibigay-daan sa mga gumagamit na lumikha at magbahagi ng maikling mga video na nagtatampok ng iba't ibang uri ng content gaya ng musika, sayaw, komedya, at iba pang entertaining na mga eksena. Dahil sa kanyang kalakasan bilang isang platform ng entertainment, naging daan ang TikTok para sa mga estudyante na makisabay at makibahagi sa mga trending na bidyo, pananalita, vlog, at istilo ng pananamit na popular sa kasalukuyang panahon. Sa pag-aaral ng Youth Culture at TikTok, makikita natin ang epekto ng digital na komunikasyon at teknolohiya sa mga kabataan. Ang kanilang pagpapahayag ng estilo at kulturang pananamit ay hindi lamang limitado sa tradisyunal na paraan, ngunit naging mas malawak at dinamiko dahil sa mga oportunidad na ibinibigay ng mga online na espasyo tulad ng TikTok. Ayon kay Heraclitus, "the only constant in life is change." Ang nakikita at nakagisnan ay maaaring magbago. Ang lahat ay dumadaan sa pagbabago, at ang pagbabago na ito ay nakaaapekto sa buhay ng bawat isa at hinaharap sa iba't ibang pamamaraan. Sa mundo ng modernismo at makabagong teknolohiya, ang mga bagay ay madaling makuha at matutunan. Sa patuloy na pag-unlad ng bilang ng mga kabataang tumatangkilik ng aplikasyong TikTok, nagiging malaking bahagi na ito ng kanilang buhay o nababago na nito ang kanilang pamumuhay. Dito nila mas naipakikita ang kanilang saloobin. Ito rin ang nagiging lunsaran nila upang makaangkop sa pagbabago sa kapaligiran. Kaya naman maaari itong makaimpluwensiya sa iba’t ibang aspeto ng kanilang pamumuhay. Isa na rito ay ang larangan ng istilo ng pananamit bilang isang indibidwal. Ayon kina Pinopio et. Al (1984, p.45), technologies refer to techniques and know how in utilizing raw materials to produced food, tools, shelter, clothing, means of transportation and weapons. Makikita sa pahayag na ito na ang teknolohiya ang bumabago sa lahat kahit mapadali man ang gawain ng mga tao o kahit may mawala pa sa isang kulturang nakagisnan. KABANATA III Metodolohiya DISENYO NG PANANALIKSIK INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK