WORLD TEACHERS’ DAY: PAGDIRIWANG SA PINAKADAKILANG PROPESYON Pagdiriwang. Makabuluhan. Ang Oktubre 5 ay World Teachers’ Day. Binibigyangpugay nito ang mga guro dahil sa mahalagang kontribusyon ng mga ito sa pagkakaloob ng de-kalidad na edukasyon sa lahat ng antas at pagtulong sa paghubog sa pagpapabuti ng pandaigdigang lipunan. Sa mahigit 100 bansa, iba’t ibang aktibidad ang ginagawa upang kilalanin ang mga pagsisikap ng mga guro na makatupad sa mga pangangailangan ng lipunan na mas nagiging komplikado, multicultural at mas bukas sa teknolohiya. Sa araw na ito, ipamamalas ng mga estudyante ang kanilang pasasalamat sa mga kontribusyon ng mga guro sa kani-kanilang buhay. Ipinagdiriwang ng Pilipinas ang National Teachers’ Month sa bisa ng Proclamation No. 242 na inilabas noong Agosto 24, 2011, sisimulan ng Setyembre 5 at magtatapos sa World Teachers’ Day sa Oktubre 5. Sa pangunguna ng DepEd, bahagi ng selebrasyon ang libreng serbisyong pangkalusugan sa mga guro sa mga pampublikong paaralan, paghahandog ng mga parangal, mga book fair, mga fun run, mga cultural show, mga singing tilt, pagtatanim ng mga puno, mga photo exhibit, mga programang pangsining, paglilibot sa mga museo at mga komperensiya. Naging makabuluhan ang pagdiriwang sa Mataas na Paaralng Pambansa ng Villahermosa sa selebrasyon para sa mga guro. Nagbigay ng isang nattanging mensahe ang ulong guro ng nasabing paraalan na si G. Jeofrey D. Bere, kung saan kanyang binigyang diin ang kontribusyon ng mga guro sa paghubog at hulmahin ang kabataan na may respeto at wastong paggalang sa mga nakakatanda. Ang pagbibigay ikalawang mensahe naman ay inihatid ni G. Lemuel T. Bejar, SSLG-Pangulo, kung saan tinutukan niya ang dakilang pasasalamat sa mga guro dahil Malaki ang naiambag na karunungang pangkasaysayan at siyensa nito. Ayon pa sa kanya hindi maikakaila na malaki na ang ipinagbago ng mundo dahil sa napakalaking ambag ng mga guro sa lipunan. Isang ngiti ang naiwan sa mga labi ng mga guro ng masaksihan nila ang glow uipchallenge na inihanda ng mga opisyales ng SSLG,BKD atYES-O. Sa parlor games naman ay kumasa ang lahat ng guro. May kantahan at sayawan ang naganap sa selebrasyon. Tunay ngan mahal na mahala na mga estudyante ang kanilang mga guro dahil nasaksihan nilang lahat kung paano nasiyahan ang knailang pinakamamahal na mga guro.