Uploaded by HANNAH MAE MENDOZA

G6-REVISED-PANANALIKSIK

advertisement
Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagbabago ng Bilang ng mga Student Assistant
sa Batangas State University –Rosario Campus mula Taong 2022-2024
Pananaliksik na Inihanda sa
College of Accountancy, Business, Economics, and International Hospitality Management
Batangas State University - TNEU
Namunga, Rosario, Batangas
Bilang Semestral na Proyekto sa
FILI 102: Filipino sa Iba't-ibang Disiplina
Ms. Ruth P. Duque
Nina:
ABANTE, CATHERINE N.
ACLAN, MARY GRACE C.
GUERRA, FELIZE JOY M.
MAGSINO, BIANCA ABIGAIL A.
MENDAÑA, MARIEL B.
MENDOZA, HANNAH MAE M.
SISON, SAM ASHLEY V.
MAYO 2024
1
ABSTRAK
PAMAGAT:
Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagbabago ng bilang ng
mga Student Assistant ng Batangas State University Rosario Campus mula Taong 2022-2024
MANANALIKSIK
:
Abante, Catherine N.
Aclan, Mary Grace C.
Guerra, Felize Joy M.
Magsino, Bianca Abigail A.
Mendana, Mariel B.
Mendoza, Hannah Mae M.
Sison, Sam Ashley V.
URI NG DOKUMENTO
:
Pananaliksik na Papel
KURSO
:
Bachelor of Science in Business Administration
MEDYOR
:
Human Resources Management
TAON
:
2024
INSTITUSYON
:
Batangas State University – Rosario Campus
ADRES
:
Namunga, Rosario, Batangas
BLG. NG PAHINA
:
38
Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng kuwantitatibong metodo sa pagkuha ng datos sapagkat
pangunahing layunin nito na malaman ang mga salik na nakakaapekto sa pagbabago ng bilang ng
mga Student Assistant. Ang pangunahing respondente ng pananaliksik na ito ay ang tatlumpo (30)
na student assistant ng Batangas State University - Rosario Campus mula sa taong pampanuruan
2022-2024. Batay sa ginawang sarbey, lumabas na may apat na pangunahing salik na nakakaapekto
sa pagbabago sa bilang ng mga student assistant. Kabilang dito ang mga pag aasikaso ng
kinakailangang dokumento, iskedyul sa klase, mga naging karanasan sa programang ito, at ang
natatanggap na sahod. Sa huling bahagi ng pag-aaral, ang mga mananaliksik ay naghayag ng
rekomendasyon upang maiwasan ang mga pagbabago sa bilang ng mga student assistant na
kalahok at sa mga nais pang lumahok sa programang ito ng unibersidad.
2
Talaan ng Nilalaman
Pamagat.................................................................................................................................... 1
Abstrak..................................................................................................................................... 2
Talaan ng Nilalaman....................................................................................................................3
Kabanata I
Introduksyon/ Kaligirang Pangkasaysayan .............................................................................. 4
Layunin ng Pag-aaral.............................................................................................................. 5
Ang hypothesis ....................................................................................................................... 5
Kahalagahan ng Pag-aaral ................................................................................................... 5-6
Saklaw at Limitasyon ............................................................................................................. 6
Balangkas Konseptwal ........................................................................................................... 7
Katuturan ng mga Salitang Ginamit ..................................................................................... 7-8
Kabanata II
Kaugnay na Literatura .......................................................................................................9-10
Kaugnay na Pag-aaral ......................................................................................................10-14
Sintesis ............................................................................................................................ 14-15
Kabanata III
Disenyo ng Pananaliksik....................................................................................................... 16
Sample o Respondente ......................................................................................................... 16
Instrumentasyon ................................................................................................................... 16
Proseso ng Pagkuha ng Datos .......................................................................................... 17-18
Kabanata IV
Paglalahad ng Datos, Pagsusuri ng Datos at Interpretasyon ................................................. 19-28
Kabanata V
Konklusyon .......................................................................................................................... 29
Rekomendasyon ................................................................................................................... 30
Bibliograpiya ..................................................................................................................... 31-32
3
Kabanata I
Introduksyon/ Kaligirang Pangkasaysayan
Ang pagtatapos ng kolehiyo ay isang tagumpay na hindi kayang pantayan ng anumang iba
pang karangalan. Kapag ang tao ay nagkatapos, pinatutunayan lamang nito sa kanyang sarili na
kayang-kaya niyang tuparin ang mga layunin at mga pangarap sa buhay (Yap, 2023). Sa
kasalukuyang panahon, ang pagtungtong sa kolehiyo ay naging simbolismo ng unti-unting
hakbang para sa katuparan ng pangarap. Ito ang panahon kung saan ang mga estudyante ay
inihahandang maging mga propesyonal at maging bahagi ng pagsusulong ng lipunan.
Marami sa ating mga mag-aaral ang sumusubok ng mga iba’t ibang paraan upang madagdagan
ang kanilang mga baon sa eskwelahan o kaya ay magkaroon sila ng isa pang pinagkukunan ng
pambayad sa ilang mga bayarin. Ang isang paraan na ito ay ang pagiging Student Assistant nila sa
paraalan. Ang bagay na ito ay isang magandang pamamaraan upang magkaroon sila ng mga
karanasan na kaugnay sa kursong kanilang kinukuha. Sa pagiging Student Assistant hindi
maiiwasan ang mga positibo at negatibong mga karanasan, dito ay tinutulungan nila ang mga
bawat opisina o mga guro na mabawasan ang kanilang mga gawain na may kaukalang bayad o
sahod.
Sa kontekstong ito, layon ng pagsasaliksik na ito na suriin ang mga salik na maaaring
nakakaapekto sa pagbabago ng bilang ng student Assistant sa Batangas State University TNEU –
Rosario Campus mula taong 2022-2024. Sa pamamagitan ng pagtukoy at pagsusuri sa mga
potensyal na mga dahilan at rason ay maaaring mabigyan ng solusyon ang isa sa mga kinakaharap
na problema ng mga opisina o departamento na kung saan ay pabago bago ang bilang ng mga
nagaapply bilang student assistant.
Sa kabanatang ito, tatalakayin ang konteksto ng pagsasaliksik, ang mga layunin at
kahalagahan nito, ang saklaw at limitasyon ng pag-aaral, at ang istruktura ng pagsusuri ng mga
datos. Bukod dito, ipinalalabas din ang mga pag-aakala o hipotesis na nag-uugnay sa mga salik na
maaaring makaapekto sa pagbabago ng bilang ng mga Student Assistant sa Batangas State
University TNEU- Rosario Campus Mula taong 2022-2024.
Layunin ng Pag-aaral
Sa bahaging ito inilalahad ng mga mananaliksik ang layunin ng pananaliksik na ito. Nilalayon ng
pag-aaral na ito na tukuyin ang mga sumusunod na pahayag ng problema:
1.
Demograpikong Propayl ng mga respondente
1.1.Kasarian
1.2.Antas/kurso
4
1.3.Tagal ng pagiging Student Assistant
1.4.Opisina/ Departamento
2.
Anu-ano ang mga pangunahing mga salik na nakakaapekto sa pagbabago ng bilang ng
Student Assistant sa bawat opisina sa aspeto ng:
2.1 Kinakailangang dokumento (Requirements)
2.2 Iskedyul sa klase (Schedule)
2.3 Karanasan (Experiences)
2.4 Natatanggap na sahod (Compensation)
3.
Batay sa resulta ng pag-aaral, ano ang maaaring aksyon o rekomendasyon ng mg
mananaliksik?
Ang hypothesis
Ang pag-aaral na ginawa sa pananaliksik na ito ay esensyal upang maunawaan at
magkaroon ng kaalaman patungkol sa mga salik na nakakaapekto sa pagbabago ng bilang ng mga
student assistants sa Batangas State University- TNEU Rosario Campus. Kaugnay nito, sinuri ng
mga mananaliksik ang mga dahilan at mga aspetong maaaring maging dahilan nito tulad ng mga
kinakailangang dokumento, iskedyul, karanasan, at pati na rin ang natatanggap na sahod.
Kahalagahan ng Pag aaral
Ang mananaliksik ay naniniwalang ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga sumusunod:
Para sa mga Opisina ng Paaralan.
Magbigay kalinawan at ideya sa mga salik na nakakaapekto sa pagbabago ng bilang ng
mga student assistants sa Batangas State University- TNEU Rosario Campus.
Kaugnay nito, maaari din itong makatulong sa mga opisina na naghahanap at tumatanggap
ng mga student assistants upang magkaroon ng mas malalim na batayan sa kung bakit tumataas o
bumababa ang bilang ng mga nag-aapply na studyante at makagawa ng ideya kung paano ito
masosolusyunan.
Para sa mga Mag-aaral.
Magkaroon ng malawak na pang-unawa o kamalayan sa mga salik na nakakaapekto sa
pagbabago ng bilang ng mga student assistants sa Batangas State University- TNEU Rosario
Campus.
Kaugnay nito, magsisilbi itong gabay sa mga maaari nilang maranasan kung nanaisin man nilang
maging isang student assistant sa hinaharap.
Para sa mga mananaliksik sa hinaharap.
5
Magsilbing sanggunian sa kanilang pag-aaral na pagkukunan ng ideya sa kanilang
pananaliksik. Magiging batayan din ito ng iba pang mananaliksik na naglalayong magsagawa ng
may mas malalimang pag-aaral ukol sa mga dahilan sa patuloy na pagbabago ng bilang ng mga
nag-aapply na student assistant sa paaralan sa mga susunod pang taon.
SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL
Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa iba't ibang salik na nakakaapekto sa
pagbabago ng bilang ng mga student assistants na nasa Batangas State University- TNEU Rosario
Campus sa taong 2022-2024.
Sa pananaliksik na ito, pinagtuunan ng pansin ang mga dahilan sa pagbabago ng bilang ng
mga student assistants sa bawat opisina sa iba't-ibang aspeto gaya ng mga kinakailangang
dokumento, iskedyul, karanasan, at ang natatanggap na sahod. Mabibigyan pansin din ang mga
mungkahing solusyon at rekomendasyon ng mga mananaliksik base sa resulta ng pananaliksik.
Ang pag-aaral na ito ukol sa nasabing pagbabago ay limitado lamang sa kabuuang bilang
ng student assistants sa Batangas State University- TNEU Rosario Campus sa taong 2022-2024.
Samantala, hindi sakop ng pag-aaral na ito ang mga mag-aaral sa ibang eskwelahan. Ang
disenyong ginamit rin sa pag-aaral ay tanging paglalarawang pananaliksik at hindi kasama ang iba
pang uri ng pananaliksik.
Samakatuwid, ang pag-aaral na ito ay gumagamit ng kwantitatibong pananaliksik at
deskriptibong pananaliksik gamit ang isang uri ng pagsusuri na kuwestyonaryo para sa
pangangalap ng mga datos mula sa mga respondente. Lumilimita lamang ito sa kabuuang bilang
na 30 respondante at isasagawa sa Batangas State University TNEU-Rosario Campus, Namunga,
Rosario Batangas. Ang pinakasentro at pokus ng pananaliksik na ito ay ang mga salik na
nakakaapekto sa pagbabago ng bilang ng mga student assistants na nasa Batangas State UniversityTNEU Rosario Campus sa taong 2022-2024 at kung paano ito masosolusyunan.
BALANGKAS KONSEPTWAL
Input
Proseso
Output
Pagbabago sa bilang ng
Makagawa ng
mga estudyanteng
Infographic upang
nakikiangkop sa
programang Student
Pagsasagawa ng Survey
o Questionnaire
makahikayat at
makapagpanatili ng
Assistant ng
mga estudyanteng
unibersidad
bahagi ng Student
Assistant program
6
Ang balangkas na ito ay kinapapalooban ng iba't-ibang bahaging nagpapakita ng daloy ng
pananaliksik. Sa unang bahagi, tinatalakay sa input ang pagbabago sa bilang mga estudyante na
nakikilahok sa Student Assistant Program ng unibersidad. Kalakip na din dito ang mga dahilang
nakakaapekto sa mga pagbabagong ito. Ang ikalawang bahagi naman ang nagpapakita ng
instrumentong gagamitin sa pangangalap ng datos. Sa bahaging ito, questionnaire o sarbey ang
nakikita ng mga mananaliksik na pinaka angkop para sa pagkuha ng impormasyong tungkol sa
pag-aaral. Ang huling bahagi ng balangkas ay nagpapakita ng inaasahang output na makakatulong
upang magkaroon ng pagbabago sa bilang ng mga student assistant. Isa sa iminumungkahi ng mga
mananaliksik ay ang infographic kung saan nakapaloob ang mga detalye tungkol sa programa na
makakapaghikayat at makakatulong sa pagpapanatili ng bilang mga mga Student Assistant. Ang
balangkas na ito ang magsisilbing gabay ng mga mananaliksik para sa paksang tinatalakay sa pagaaral.
Katuturan ng mga Salitang Ginamit
Departamento- Ito ay isang terminong ginagamit sa mga administratibong subdibisyon ng isang
mas malaking organisasyon. Asante (2022)
-Sa pag-aaral ito ay tumutukoy mga opisina na nangangailangan ng Student Assistant.
Propesyonal- Tumutukoy sa isang indibidwal na nakatapos ng apat na taong kurso sa kolehiyo at
kasalukuyang nagtatrabaho sa isang opisina, industriya o organisasyon. Hovdhaugen (2015)
-Sa pag-aaral, ito ay tumutukoy sa mga propesor sa Batangas State University at maging
sa mga posibleng kahinatnan ng mga estudyanteng kabilang sa Student Assistant program.
Salik- Ang salik ay tumutukoy sa mga bagay na maaring naging dahilan ng isang pangyayari. Ito
ay mayroong direktang epekto sa isang paksa. Sarillo (2007)
-Sa pag-aaral, ito ay tumutukoy sa maaring sanhi ng pagbabago sa bilang ng mga Student
Assistant sa Batangas State University-TNEU Jose B. Zuno Campus.
Student Assitant- Tawag sa posisyon na inuukupa ng ay isang estudyante sa unibersidad kung
saan ang kaligiran ng trabaho ay nakapokus sa administratibo at teknikal na gawain hinihiling ng
nakatalagang superbisor. Subia (2024)
-Sa pag-aaral, ito ay ang mga estudyante na nabigyan ng oportunidad na gumawa ng mga
gawaing administratibo mula sa dalawang departamento (CTE & CABEIHM).
7
Kabanata II
KAUGNAY NA LITERATURA
Ang mga benepisyong matatanggap ng mga mag-aaral na nagtatrabaho bilang mga student
assistant ay napakalawak. Unang una, magkakaroon sila ng kani-kanilang mga pera upang
magamit nilang panggastos sa pang-araw araw nilang pamumuhay. Ikalawa, maaaring maagang
matuto ang mga kabataan na maging matipid at maging matalino sa pagdedesisyon sa pag-gastos
ng kani-kanilang mga pera (De Castro, 2006). Sa Pilipinas, isa rin sa mga pangunahing dahilan
kung bakit pinapasok ng mga estudyante ang pagiging student assistant ay upang magkaroon sila
ng karanasan (Sarillo, 2007). Ang patuloy na pagtaas ng mga gastusin gaya na lamang ng tuition
fee ang pangunahing dahilan kung kaya naman pinagsasabay ng mga estudyante ang pag aaral at
pagiging student assistant (Villanueva, 2007).
Maraming mga problemang kinakaharap ang mga student assistant na hindi nila maaaring
takasan. Mayroong tatlong responsibilidad silang dapat gampanan: ang responsibilidad bilang
estudyante, responsibilidad bilang manggagawa, at ang responsibilidad ng isang indibidwal sa
problemang panlipunan (Charmaine, 2014). Ang pagiging student assistant ay hindi biro. Ang
pinaka matinding kinakaharap ng mga estudyante ngayon sa pampublikong paaralan ay ang
kahirapan sa buhay. Sa panahon ngayon, itinuturing na ang pag-aaral ay isa sa pinaka mahalagang
kayamanan ng bansa. Ngunit hindi ganoon kadaling makapag-aral, may ibang estudyante na
nakatuon ang pansin sa kanilang pangangailangan na makahanap ng trabaho upang matustusan
ang kanilang pangangailangan sa pag-aaral. Sa makatuwid, kailangan talaga ng pagpupursigi para
makatapos ng pag-aaral (Villeroz, 2014).
Sa isang artikulo na inilathala, tinalakay ang mga posibleng kadahilanan ng pagkakaroon
ng mababang grado sa akademya ng mga student assistants (SAs). Sa kanilang konklusyon,
natukoy na ang antas ng paggawa ng mga student assistants (SAs) ay naapektuhan dahil sa
impluwensya ng pagsubok bilang isang estudyante at manggagawa. Ang mga nasabing pagsubok
ay maaring maka-epekto sa kanilang trabaho at pag-aaral. Ang pag-aaral sa itaas ay pumaksa sa
dahilan ng bagsak na grado sa loob ng klase, mula sa resulta at konklusyon ng pag-aaral napagalaman na ito ay dahil sa bilang ng gawain at responsibilidad na kailangan gawin ng sabay
(Villahermosa, M., et. al., 2015).
Ang mabuting epekto ng isang student assistant ay ang pagkakaroon ng sweldo na
maaaring gamitin sa pag-eenroll o mga bayarin sa paaralan. Nagpapahiwatig lamang ito na dapat
mas bigyang halaga ang bagay na makatutulong sa kanilang paglago bilang isang estudyante
(Queena III, 2017). Lumalaki rin ang network ng mga Student Assistant, na nagbibigay ng patuloy
na tulong at hinaharap na tulong, at ang matibay na ugnayan nila sa kanilang mga supervisor ay
nagtataguyod ng pakiramdam ng pagkakapantay-pantay sa kanilang lugar ng trabaho (Holm,
Westin, & Haugen, 2018). Sa paglipas ng mga taon, ang konsepto ng “Work-study balance” ay
patuloy na problema ng mga estudyanteng nagtatrabaho. At isa sa dahilan nito ay problema sa pera
8
kaya maraming estudyanteng kumukuha ng mga mapagkukunan ng panggastos sa kanilang pagaaral. Dahil dito nababawasan ang panahon nila sa pag-aaral (Nucum, 2018). Ang mga multitakers ay hindi ganoon kaproduktibo kaysa sa mga taong mas gusto ang gumawa ng isang bagay
sa partikular na oras, kagaya nang ginagawa ngayon ng mga student assistant. Marahil dahil sa
pagsasabay nila ng trabaho at pag-aaral ay hindi nila maibigay ang kanilang husay sa paaralan.
Ang pagkakaroon ng balanse ay makatutulong sa mga estudyante na magdesisyon kung
magtatrabaho ba habang nag-aaral at ito’y magdedetermina kung sila ba ay magtatagumpay o hindi
(Standfort University, 2018). Ang mga Student Assistants ay nakakaranas ng mga problema sa
sosyo-emosyonal dahil ang mga akademikong pangangailangan at ang pangangailangan na
suportahan ang kanilang mga kapwa ay maaaring magdulot ng stress at emosyonal na pagod
(Huang, et al., 2019).
Ang pakikibaka upang matugunan ang mga gastusin sa iba pang mga bayarin ay
nagpapahiwatig ng isang malaking pasaning pinansyal sa mga mag-aaral, na nagbibigay-diin sa
potensyal na mga hamon sa pagtugon sa karagdagang mga obligasyon sa pinansyal bukod sa
tuition. Gayundin, ang pag-aalala tungkol sa hindi pagkakaroon ng sapat na pera upang matugunan
ang mga pangunahing pangangailangan ay nagpapahiwatig ng isang pangkaraniwang pag-aalala
sa gitna ng mga respondent, na nagpapahiwatig ng potensyal na epekto sa kanilang pangkalahatang
kalagayan at kakayahang magtuon sa mga akademikong layunin (Dei & Asante, 2022). Ang mga
dedikadong mag-aaral na ito ay hinaharap ang malalaking suliranin sa pinansyal habang
pinananatili ang kanilang mga akademikong pagsisikap kasama ang kanilang mga responsibilidad
bilang mga assistant. Ang pasaning pinansyal, na kinabibilangan ng mga bayarin sa tuition at arawaraw na gastusin, ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa kanilang pangkalahatang
kalagayan at akademikong tagumpay (Mann & Zarabi, 2022).
Ang mga natuklasan ay nagpapahiwatig na ang mga kalahok sa pag-aaral ay nakakaranas
ng malalaking hamon sa epektibong pamamahala ng kanilang oras sa pagitan ng trabaho, klase, at
personal na buhay. Ito ay nagpapahiwatig ng potensyal na pangangailangan para sa mga tratamento
o mga sistema ng suporta upang mapabuti ang kanilang mga kakayahan sa pamamahala ng oras.
Bukod dito, ang pagtaas ng average ng stress management ay nagpapalakas ng pangangailangan
para sa partikular na mga takdang gawain at mapagkukunan upang matulungan ang mga
indibidwal sa pagharap sa malalaking stress na dulot ng mga obligasyon sa pag-aaral at trabaho
(Ugoani, 2023).
KAUGNAY NA PAG-AARAL
Sa nakaraang 25 na taon, mahigit 70 porsyento ng estudyante sa kolehiyo ay
nagtatrabaho habang nag-aaral. At tumataas ang bilang ng mga ito kapag tumataas ang College
enrollment at Tuition fee. Dahil maraming estudyante sa kolehiyo ang kapos at nangangailangan
ng pandagdag. Kaya’t habang tumataas ang mga bayarin, darami ang bilang ng mga mag-aaral na
nais magtrabo. Ang ilan sa kanila ay nagging student assistant sa paaralan. Ang mga estudyante
9
ay nagtatrabaho sa average na 30 oras sa isang linggo. Pero mahigit 25 porsyento ng working
students ay tuloy-tuloy na nagtatrabaho at enrolled sa kolehiyo (Georgetown, 2014).
Isang pag-aaral na isinagawa sa Pilipinas ni Dolores Brillantes-Evangelista at mga
kasamahan (2015) ang nakatuon sa mga hamon na kinakaharap ng mga estudyanteng nagtatrabaho
mula sa mga pamilyang may mababang kita. Natuklasan ng pag-aaral na ang pinansyal na mga
hadlang ang pinakakaraniwang suliranin na kinakaharap ng mga estudyanteng ito, na
nakakaapekto sa kanilang kakayahan na magbayad para sa matrikula, mga libro, transportasyon,
at iba pang mga gastusin sa paaralan. Bukod dito, iniulat ng mga estudyanteng ito ang mataas na
antas ng stress at pagod dahil sa mga hinihinging gawain sa trabaho at paaralan, na kung minsan
ay nagdudulot ng mga pagsubok sa pagpokus sa kanilang pag-aaral.
Ang pag-aaral na "Mga Suliranin sa Pinansyal ng mga Estudyanteng Nagtatrabaho
sa Pilipinas" ni F. Villacorta at G. Ador (2015), ay layunin na suriin ang mga pinansyal na hamon
na kinakaharap ng mga estudyanteng nagtatrabaho at kung paano nakakaapekto ang mga hamong
ito sa kanilang pagganap sa pag-aaral. Natuklasan ng mga mananaliksik na ang karamihan sa mga
estudyanteng nagtatrabaho sa Pilipinas ay mula sa mga pamilyang may mababang kita at
kadalasang nagtatrabaho nang mahabang oras upang suportahan ang kanilang pag-aaral.
Binigyang-diin din ng pag-aaral ang pangangailangan para sa mga sistemang sumusuporta upang
matulungan ang mga estudyanteng ito na harapin ang kanilang mga suliraning pinansyal.
May iba't ibang dahilan kung bakit umaalis ang mga estudyante sa unibersidad bago
nila matapos ang kanilang mga degree, kung saan isa sa mga pangunahing dahilan ay ang
pangangailangan na magtrabaho habang nag-aaral. Ginamit ng pag-aaral ang survival analysis
upang suriin ang epekto ng employment status sa mga drop-out rate. Nakita ng pag-aaral na ang
mga estudyanteng nagtatrabaho ng buong oras habang nag-aaral ng buong oras ay mas mababa
ang tsansang makatapos ng kanilang mga programa kumpara sa mga nagtatrabaho ng mas maikli
at part-time na oras o hindi nagtatrabaho sa lahat. Kakaiba, ang pananaliksik ay nagpapahiwatig
na ang pagtatrabaho ng higit sa 20 oras sa isang linggo ay nagpapataas ng panganib ng pag-dropout
nang katulad ng nagtatrabaho ng buong oras, na nagpapahiwatig ng isang threshold para sa dami
ng trabaho na maaring itugma ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral. Ang pag-aaral ay
nagpapakita rin na ang pagsasama ng employment status sa pagsusuri ng dropout rate ay hindi
nagbabago sa epekto ng iba pang kilalang variables tulad ng kasarian, grado, at social background,
ngunit nagbibigay ito ng karagdagang kaalaman sa mga katangian ng mga estudyanteng maaaring
nanganganib na mag-dropout. Sa kabuuan, binibigyang-diin ng pag-aaral ang kahalagahan ng
pagbibigay-pansin sa mga panlabas na salik, tulad ng employment status, sa pagbuo ng mga
modelo para sa retention ng mga estudyante at pagpigil sa pag-dropout, dahil ang mga salik na ito
ay may malaking papel sa kakayahan ng mga estudyante na matagumpay na matapos ang kanilang
mga programa (Hovdhaugen, E., 2015).
Ang pagiging isang Student Assistant (SA) ay nagbibigay ng malalim na pagunawa sa iba’t-ibang larangan. Ang mga SA ay malapit na nakikipagtulungan sa mga propesor,
10
kaya't nakakakuha sila ng karanasang praktikal sa pagtuturo. Ito ay isang mahalagang karanasan
para sa mga interesado sa akademikong karera. Bukod dito, ang mga SA ay maaaring magsagawa
ng pananaliksik at makatulong sa pagbuo ng mga bagong materyales at paraan ng pagtuturo. Ang
pagiging SA ay nagbibigay rin ng pagkakataon na magpatayo ng mga ugnayan sa mga propesor.
Ang karanasang ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga SA na matuto mula sa iba't ibang paraan
ng pagtuturo, na kapaki-pakinabang para sa mga nag-iisip na magkaroon ng karera sa akademya.
Bilang karagdagan, ang pagtatrabaho sa mga propesor ay maaaring magdala ng mga mahalagang
reperensiya para sa mga hinaharap na aplikasyon sa trabaho. Ang pagiging SA ay hindi lamang
tungkol sa pagtuturo; kasama rin dito ang pagtulong sa iba't ibang gawain tulad ng pagsusuri ng
mga pananaliksik, pag-oorganisa ng literatura, at pagbuo ng mga proyekto. Bagamat ang ilan sa
mga tungkulin ng mga SA ay maaaring hindi gaanong halata sa labas, ang kanilang kontribusyon
ay mahalaga para sa pagpapalakas ng akademikong komunidad. Sa kabuuan, ang karanasang ito
bilang isang SA ay nagbibigay ng mga oportunidad para sa personal at propesyonal na pag-unlad.
Ito ay nagbibigay ng unang sulyap sa buhay sa akademya at nagbibigay ng mahalagang kasanayan
at kaalaman sa mga mag-aaral na magiging kapaki-pakinabang sa kanilang hinaharap na karera
(Sandler, E., 2015).
Mayroong motibasyon at hamon na kinakaharap ng mga mag-aaral na nagtatrabaho.
Ipinapakita dito ang kahalagahan ng pag-unawa sa kanilang mga karanasan sa pagbabalanse ng
trabaho at pag-aaral. Ang suporta sa pinansyal at self-development ay itinuturing na pangunahing
nagtutulak para sa mga mag-aaral na nagtatrabaho. Ang mga mag-aaral na ito ay naghahanap ng
independiyang pinansyal at nagsusumikap na mapabuti ang kalidad ng kanilang buhay.
Binibigyang-diin din ng pag-aaral na ang pagtatrabaho ay nagbibigay ng pakiramdam ng tagumpay
at kaligayahan, dahil kumikita sila ng pera habang nag-aaral. Gayunpaman, kinikilala rin nito ang
mga hamon ng masamang pangangasiwa sa oras at sobrang trabaho na maaaring harapin ng mga
mag-aaral na nagtatrabaho. Sa kabila ng mga hamong ito, ang pagiging isang mag-aaral na
nagtatrabaho ay nagpapalalim ng damdaming pananagutan at tumutulong sa mga mag-aaral na
magkaroon ng mahalagang karanasan at kasanayan sa pagsasaayos ng mga suliranin. Ang disiplina
at epektibong pamamahala sa oras ay mahalaga para sa matagumpay na pagbabalanse ng trabaho
at pag-aaral. Sa kabuuan, nagpapahiwatig ang pag-aaral na ang pagtatrabaho habang nag-aaral ay
maaaring magbigay ng magandang karanasan ngunit may mga hamon din, na nangangailangan sa
mga mag-aaral na malagpasan ang iba't ibang mga hadlang habang nakakakuha ng mahalagang
kasanayan at karanasan (Abenoja, R.,et al., 2019).
Ang mga estudyanteng nagtatrabaho sa Pilipinas ay nakakaranas ng ilang mga
hamon na maaaring makaapekto sa kanilang pagganap sa pag-aaral at kabutihan. Kasama sa mga
hamong ito ang pamamahala ng oras, pinansyal na mga suliranin, stress, mga problema sa
kalusugan, mga bangungot sa trabaho, at kakulangan ng suportang panlipunan. Lalo na mahirap
ang pagtutugma ng trabaho at akademiko para sa mga estudyanteng nagtatrabaho nang mahabang
oras o may mga kahingian sa trabaho. Maraming mga estudyanteng may mababang kita ang
kailangang magtrabaho upang suportahan ang kanilang mga sarili at kanilang pamilya, at madalas
11
silang nahihirapang pondohan ang mataas na gastos ng edukasyon sa mga pampublikong paaralan.
Bilang resulta, maraming estudyante ang kailangang magtrabaho ng part-time o full-time upang
mapunan ang matrikula, mga libro, at iba pang mga gastusin. Gayunpaman, may ilang mga pagaaral na nagpapahiwatig na ang suportang ibinibigay sa mga estudyanteng nagtatrabaho sa
Pilipinas ay maaaring hindi sapat (Caparas, G. T., 2019).
Natagpuan ng isang pag-aaral ni Diestro at Robles (2018) na ang mga estudyanteng
nagtatrabaho sa mga pampublikong unibersidad sa Pilipinas ay nakakaranas ng iba't ibang mga
hamon, kabilang ang mga suliraning pinansyal, kakulangan ng oras, at limitadong access sa mga
mapagkukunan. Natuklasan din ng pag-aaral na ang mga programa at serbisyo na ibinibigay ng
mga unibersidad upang suportahan ang mga estudyanteng nagtatrabaho ay hindi sapat, at mas
maraming suporta ang kinakailangan upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga estudyante.
Sa isinagawang pananaliksik sa Wesleyan University Philippines, kung saan kasama ang
132 na Student Assistants, natukoy ang mga pangunahing suliranin tulad ng panghihiram, balanse
sa buhay-trabaho, pamamahala ng oras, at ilang mga hamon sa espiritwal na aspeto. Ang
panghihiram ay isang malaking alalahanin, na nagpapahiwatig ng kahirapan ng mga SAs na
masaklaw ang karagdagang bayarin. Ito ay isang karaniwang hamon sa mga mag-aaral na
nagtatrabaho, at maaaring makaapekto ito sa kanilang kakayahang magtuon sa kanilang pag-aaral.
Binigyang-diin din ng pag-aaral ang pagsubok sa pagbabalanse ng trabaho at pag-aaral, kung saan
ang mahabang oras ng trabaho ay nakakaapekto sa kanilang akademikong pagganap. Ang
pamamahala ng oras ay lumitaw bilang isang katamtamang hamon, habang pinagmamaneho ng
mga SA’s ang kanilang trabaho, klase, at personal na buhay. Ito ay isang mahalagang kasanayan
para sa mga mag-aaral, at nagpapahiwatig ang pag-aaral na maaaring kailanganin ng mga SAs ang
karagdagang suporta sa pagbuo ng epektibong paraan ng pamamahala ng oras. Bagaman ang mga
hamon sa espiritwal ay pangkalahatang mababa, may ilang mga SAs na nahihirapan sa
pagbabalanse ng kanilang mga pananampalataya sa mga pangangailangan ng trabaho at pag-aaral.
Ito ay nagpapahiwatig ng kahalagahan ng pagbibigay ng mga mapagkukunan at suporta para sa
mga mag-aaral upang mapanatili ang kanilang espiritwal na kagalingan. Sa kabila ng mga hamon
na ito, kinikilala ang Wesleyan University Philippines bilang isang mahalagang pinagmumulan ng
mga oportunidad sa edukasyon para sa mga SAs. Ang suporta ng unibersidad ay nag-aalis ng mga
pasanin sa pinansyal at nagtataguyod ng mga damdamin ng pasasalamat at kagandahang-loob sa
mga SAs. Ito ay nagpapakita ng positibong epekto ng mga programa ng suporta ng unibersidad sa
kalagayan at tagumpay sa akademiko ng mga Student Assistants (Dela Cruz, LJ. et al., 2024)
Ang pangunahing trabaho bilang isang Student Assistant (SA) ay ang magbigay ng
suporta sa mga propesor sa pamamagitan ng pagtatala ng pagdalo, pamumuno sa mga diskusyon,
at pagbibigay ng indibidwal na tulong sa mga mag-aaral. Ang mga responsibilidad ay maaaring
mag-iba depende sa mga kinakailangan ng propesor. Isa sa mga pangunahing benepisyo ng
pagiging isang Student Assistant (SA) ay ang pagkakataon na mapalalim ang pag-unawa sa
larangang tinatalakay ng kurso. Ang mga SA ay malapit na nakikipagtulungan sa mga propesor,
12
na nagbibigay sa kanila ng pagkakataon na obserbahan at tulungan sa mga lecture, diskusyon, at
iba pang mga aktibidad sa pagtuturo. Ang ganitong karanasan ay nagbibigay sa mga SA ng
kumpletong kaalaman sa materyal, na maaaring lubos na kapaki-pakinabang para sa mga
interesado sa pagtataguyod ng karera sa akademya. Bukod dito, madalas na mayroong
pagkakataon ang mga SA na magsagawa ng pananaliksik at mag-ambag sa pagbuo ng bagong mga
materyales at pamamaraan sa pagtuturo. Isa pang mahalagang benepisyo ng pagiging SA ay ang
pagkakataon na magpatayo ng mga ugnayan sa mga propesor. Ang ganitong karanasan ay
nagbibigay sa mga SA ng pagkakataon na obserbahan at matuto mula sa iba't ibang mga estilo at
paraan ng pagtuturo, na nagbibigay ng mahahalagang kaalaman para sa mga nag-iisip na
magkaroon ng karera sa akademya. Bukod dito, ang malapit na pakikipagtulungan sa mga propesor
ay maaaring magdala ng mga mahahalagang reperensiya para sa mga hinaharap na aplikasyon sa
trabaho. Isa sa pinakamapagbigay-saya na aspeto ng pagiging SA ay ang pagkakataon na makilala
ang mga bagong tao. Sa pamamagitan ng pagtatrabaho kasama ang mga mag-aaral at propesor
mula sa iba't ibang mga background at akademikong disiplina, maaaring palawakin ng mga SA
ang kanilang kaalaman at makakuha ng bagong mga pananaw. Ang pagsasangkot sa iba't ibang
mga ideya at karanasan ay isang bagay na kadalasang natatamasa ng mga SA at kanilang
natatanging karanasan bilang SA (Lihn, 2024).
SINTESIS
Ang mga pag-aaral hinggil sa mga mag-aaral na nagtatrabaho bilang student
assistant ay nagpapakita ng malawak na mga benepisyo at hamon. Sa panig ng mga mananaliksik
tulad nina De Castro (2006), Sarillo (2007), at Villanueva (2007), ipinakikita na ang pagiging
student assistant ay nakakatulong sa pinansyal na pangangailangan ng mga estudyante at nagtuturo
sa kanila ng wastong paghawak sa pera. Gayundin, ito ay isang paraan para sa kanila upang
magkaroon ng karanasan sa trabaho. Gayunpaman, may mga hamon din na kinakaharap ang mga
student assistant. Ayon sa pag-aaral nina Villahermosa, M., et al. (2015), ang workload ng mga
student assistants ay maaaring makaapekto sa kanilang pag-aaral at trabaho, na maaaring
magresulta sa mababang mga marka sa kanilang klase. Dagdag pa, ang konsepto ng "Work-study
balance" ay nagpapakita ng problema sa pera at pagiging multi-tasker, na maaaring makakaapekto
sa kanilang produktibidad sa pag-aaral (Nucum, 2018; Standfort University, 2018). Higit pa, ang
mga student assistant ay hindi lamang nahaharap sa mga hamon sa akademikong aspeto, kundi
pati na rin sa sosyo-emosyonal na larangan. Ang stress at emosyonal na pagod dulot ng kanilang
mga akademikong pangangailangan at ang pangangailangan na suportahan ang kanilang mga
kapwa ay maaaring magdulot ng problema sa kanilang kalusugan (Huang, et al., 2019). Kaya
naman, mahalaga ang pagtaas ng kanilang kasanayan sa pamamahala ng oras at stress management
upang matugunan ang mga hamon na ito (Ugoani, 2023). Sa kabuuan, ang pagiging student
assistant ay may mga benepisyo at hamon na kapwa dapat isaalang-alang ng mga paaralan at mga
estudyante sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga programang naglalayong mapabuti ang
kalagayan at paglago ng mga estudyante habang sila ay nag-aaral at nagtatrabaho. Sa pananaliksik
13
na isasagawa, layunin nito na malaman ang mga dahilan o salik ng pagbabago ng bilang ng mga
nais na maging Student Assistant sa Batangas State University TNEU- Rosario Campus.
Ang pananaliksik hinggil sa mga student assistants at ang kanilang mga hamon at
motibasyon ay nagpapakita ng malalim na pangangailangan para sa suporta at pag-unawa sa
kanilang sitwasyon. Sa pag-aaral ni Brillantes-Evangelista et al. (2015), ipinakita na ang pinansyal
na mga hadlang ang pangunahing suliranin ng mga estudyanteng ito, na nagiging sanhi ng stress
at pagod. Isa pang pag-aaral nina Villacorta at Ador (2015) ay nagpapakita ng pangangailangan
para sa mas malawakang suporta upang matugunan ang mga pinansyal na hamon ng mga
estudyanteng nagtatrabaho. Ang mga estudyanteng nagtatrabaho ay maaaring magkaroon ng mas
mababang tsansang makatapos ng kanilang mga programa. (Georgetown, 2014). Ang
pangangailangan na magtrabaho habang nag-aaral ay isa sa mga pangunahing dahilan ng pag-atras
sa pag-aaral, na naiuugnay sa mga hamon sa oras at stress (Diestro & Robles, 2018). Gayunpaman,
may mga positibong aspeto rin sa pagiging isang student assistant (SA), tulad ng pagkakataon na
mapalalim ang pag-unawa sa larangan ng pag-aaral at pagtuturo (Sandler, 2015). Ang mga
estudyanteng nagtatrabaho ay naghahanap ng independiyang pinansyal at nagsusumikap na
mapabuti ang kalidad ng kanilang buhay (Abenoja et al., 2019). Bagamat may mga hamon na
kinikilala ng Wesleyan University Philippines ang mahalagang papel ng mga SA sa akademikong
komunidad, at nagbibigay ng suporta upang mapagaan ang kanilang pasanin at mapanatili ang
kanilang tagumpay sa pag-aaral (Dela Cruz et al., 2024). Sa kabuuan, ang mga pag-aaral na ito ay
nagpapakita ng kahalagahan ng suporta at pag-unawa sa mga student assistants upang matulungan
silang harapin ang kanilang mga hamon at makamit ang kanilang mga layunin sa edukasyon. Ang
mga pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga karanasan, mga epekto, at problemang kinakaharap ng
mga student assistants, samantalang ang isinasagawang pananaliksik ay nakatuon sa mga salik na
nakakaapekto sa pagbabago ng bilang ng mga estudyanteng nais na maging student assistant. Ang
pag-aaral na ito ay isasagawa sa Batangas State University-TNEU- Rosario Campus. Bukod dito,
layunin nito na makapagbigay ng tulong at rekomendasyon para sa mga Student Assistants.
14
Kabanata III
DISENYO NG PANANALIKSIK
Ang pananaliksik na ito ay gumagamit ng pamamaraang deskriptibo o paglalarawang
pananaliksik. Sa paraang ito ay makakalap ang mga datos upang malaman ang kasalukuyang
kakayahan ng pag-aaralan. Ang mga datos na makakalap ay siyang gagamiting batayan sa pagbuo
ng konklusyon. Sa paraan ding ito ay malalaman ang mga salik na nakakaapekto sa pagbabago ng
bilang ng mga Student Assistant sa Batangas State University – Rosario Campus mula taong 20222024. Kaugnay nito, maaaring makatulong ang pananaliksik na ito sa kanila sa pag-alam ng mga
nararapat na kilos at solusyon para rito.
Ayon kay Medrano Stefany (2015), ang deskriptibong pananaliksik ay imbestigasyon na
naglalarawan at nagbibigay kahulugan sa isang importanteng mga bagay o paksa. Ang
deskriptibong pananaliksik ay uri ng pananaliksik upang makakamit ng sapat at tamang
impormasyon para sa datos. Ito ang pinakaangkop na pamamaraan sapagkat ang layunin ng mga
mananaliksik ay malaman ang mga salik na nakakaapekto sa pagbabago ng bilang ng mga naging
o nagiging Student Assistant. Maisasagawa ang pagkuha ng datos sa isang tiyak na paraan. Ito ay
ang pagsasagawa ng sarbey. Ito, sa pananaw ng mga mananaliksik ang pinakamadali, epektibo at
maginhawang paraan ng pagkalap ng impormasyon na pupuno at kukumpleto sa pag-aaral. Ito rin
ang pinakamabilis na paraan upang maisagawa ito ng maayos.
SAMPLE O RESPONDENTE
Ang pananaliksik na ito ay gumagamit ng kabuuang bilang ng populasyon na gagamitin sa
pagpili ng paksa ng pag-aaral, pati na din sa pagpili ng mga respondente. Kaugnay nito, ang mga
respondente ay 30 na mag-aaral na kabuuang bilang ng mga naging at magiging Student Assistant
sa Batangas State University – Rosario Campus.
INSTRUMENTASYON
Sa pangangalap at paglilikom ng mga kinakailangang datos upang masuportahan ang pagaaral na ito, ang mga mananaliksik ay gagamit ng sarbey sa pamamagitan ng paggawa ng
talatanungan o kwestyuner gamit ang google forms na ipapamahagi sa mga respondenteng
kalahok. Nakapaloob dito ang mga katanungan na patungkol sa mga salik na nakakaapekto sa
pagbabago ng bilang ng mga Student Assistant sa Batangas State University – Rosario Campus
mula taong 2022-2024.
Sa intrumentong gagamitin ng mga mananaliksik, gagamit ang mga mananaliksik ng iskala
o panukat na kung saan ang (1) lubos na hindi sumasangayon, (2) hindi sumasangaayon, (3)
sumasang-ayon at (4) lubos na sumasang- ayon. Sa pamamagitan nito mas mapapadali sa ang
komunikasyon at ugnayan mula sa mga mananaliksik at mga respondente.
15
PROSESO NG PAGKUHA NG DATOS
Sa pag-aaral na ito sinigurado ng mga mananaliksik na dumaan sa tamang proseso ang
pagkuha ng mga datos na gagamitin.
Unang isinanagawa ng mga mananaliksik ay lumapit sila sa gurong naka-assign sa mga
Student assistant. Dito ay humingi sila ng purmiso sa guro na gagamitin ng mga mananaliksik ang
student assistant sa kanilang pag-aaral. Hiningi ang ang mga bilang ng mga naging Student
assistant mula sa taong 2022 hanggang 2024. Hiningi rin ang mga opisina na nangangailangan ng
mga Student Assistant. Sinigurado ng mga mananaliksik sa guro na pawang sap ag-aaral lamang
gagamitin ang mga impormasyong naibahagi. Nang makuha ng mga mananaliksik ang mga
impormasyong kinakailangan sa pananaliksik ay nagsimula na sila sa kanilang mga katanungan
na ipamamhagi sa mga respontende.
Matapos mabuo at makumpleto ng mga mananaliksik ang mga katanungan, ang
kwestyuner ay ipininamahagi sa mga respondente na makakatulong upang maisagawa ang pagaaral na ito. Pangonglekta ng mga sagot mula sa mga kalahok ay inaasahan na maisagawa sa
maayos at sapat na panahon. Ang sunod na isasagawa ng mga mananaliksik ay ang pagbibilang ng
mga sagot na nakalap mula sa mga kalahok upang maipresenta ang mga datos na nakalap. Ang
mga ito ay bibilangin at uusisain ng mga mananaliksik upang makita ang tunay at maayos na
resulta ng ng mga nakalap na impormasyon o datos.
PAGSUSURING ISTADISTIKA SA MGA DATOS
Ang pag-aaral na ito ay tutugunan ang mga sumusunod na istadistikang kagamitan na hinanap
at sinuri para sa nakalap na datos o impormasyon. Ginamit ng mga mananaliksik ang mga
sumusunod na istadistika upang bigyan ng malinaw na interpretasyon ang mga nakalap na datos
at matugunan ang mga ilahad na suliranin sa pag-aaral.
1. Percentage. Tutugunan ng mga mananaliksik ang kabuuang paglalarawan ng mga nakalap na
impormasyon upang matukoy ang bahagdan ng propayl ng mga respondante. Ang pormulang nasa
ibaba ang gagamitin upang matukoy ang bahagdan ng demograpikong propayl ng mga
respondante.
P= n
N
X 100
Kung saan:
P=bahagdan ng pagtugon
n=bilang ng mga tumugon
N=kabuuang bilang ng tumugon
16
2. Weighted Means. Gagamitin upang mas madaling matukoy at masuri ang mga nakalap na datos
sa bawat aytem ng talatanungan. Nakabatay ito sa sa pormulang nakatala sa ibaba.
X=1(e) +2(t)+3(e)+4(t) +5(t)
N
Ang mga bilang na 1,2,3,4 ay ang mga iskala.
Ang (1) ang sagot ng tagatugon.
Ang (N) ang kabuuang bilang ng mga tagatugon
Ang (x) ay ang mean.
3. Likert scale. Iisang sikolohikal na aparato ng pagsukat na ginagamit upang masukat Ng isang
tao Ang kanyang sarili.
Point Scale
Range
Berbal na interpretasyon
4
3.51 - 4.00
Lubos na sumasang-ayon
3
2.51 - 3.50
Sumasang-ayon
2
1.51 - 2.50
Di sumasang-ayon
1
1.00 - 1.50
Lubos na di sumasang-ayon
17
KABANATA IV
PAGLALAHAD NG DATOS, PAGSUSURI NG DATOS AT INTERPRETASYON
Ang kabanatang ito ay naglalahad ng pagsusuri ng intepretasyon ng mga datos na nakalap
para sagutin ang mga suliranin ng mga salik na nakakaapekto sa pagbabago sa bilang ng mga
student assistant sa Batangas State University - Rosario campus mula taong 2022-2024.
Naglalaman ito ng kwantitatib na presentasyon ng nakalap na datos sa ginawang pagsusuri at
masuring ebalwasyon at pag unawa ng mga datos mula sa tatlumpo (30) na respondente na may
iba’t ibang kurso at antas mula sa Batangas State University - Rosario Campus.
1. Demograpikong Propayl ng mga Respondente
Nahahati sa limang kategorya ang demograpikong propayl ng mga respondente: batay sa
kanilang kasarian, edad, antas, kurso, at tagal ng pagiging student assistant. Ang mga mananaliksik
ay gumamit ng metodo para makuha ang angkop na bilang ng mga respondente.
TALAHANAYAN
1.1. Kasarian
Kasarian ng mga Respondente
Kalimitan
Bahagdan
Babae
25
83.3 %
Lalaki
5
16.3 %
Kabuuan
30
100 %
Batay sa pagsusuri ng nakolektang datos sa demograpikong propayl ng mga studyante,
napagalaman na sa loob ng 30 (tatlumpong) mag-aaral na kalahok, 25 (dalwampu’t lima) dito ay
mga babae at 5 (lima) naman dito ay mga lalake. Ayon sa pag-aaral tungkol sa “Ang hindi
pagkakapantay-pantay ng kasarian ay dulot ng dispersal”, napagalaman na ang mga kababaihan
ay nagtatrabaho nang mas produktibo at mas masinsinang kaysa sa mga lalaki sa buong
populasyon. (Chen et al., 2023).
Ayon naman sa aming obserbasyon, marami ang bilang ng mga kababaihan na nag-aaral
sa Batangas State University Rosario Campus kaya posible itong maging dahilan kung bakit mas
marami ang mga babaeng studyante na nag-apply bilang student assistant.
18
1.2. Edad
Edad ng mga Respondente Kalimitan Bahagdan
17-19
1
3.3 %
20-21
19
63.3 %
22-24
10
33.3 %
Kabuuan
30
100 %
Batay sa pagsusuri ng nakolektang datos sa demograpikong propayl ng mga studyante,
napagalaman na sa loob ng 30 (tatlumpong) mag-aaral na kalahok, 19 (labing siyam) sa mga ito
ay nasa edad 20-21, na sinundan ng edad 22-24 na may 9 (siyam) nakalahok at sinundan ng edad
17-19 na may 1 (isang) kalahok.
Ayon sa aming pananaw, ang mga studyante na may edad na 20 hanggang 21 ay katumbas
ng ikatlo hanggang ikaapat na taon sa kolehiyo. Dito makikita natin na posibleng isa itong paraan
ng mga studyante upang makakuha ng karanasan sa pagtatrabaho bilang student assistant para sa
paghahanda sa ikaapat na taon sapagka’t, sa ikaapat na taon mag uumpisa ang OJT (On-the Job
Training) ng mga mag-aaral.
1.3. Antas
Antas ng mga Respondente Kalimitan Bahagdan
2nd year
4
13.3 %
3rd year
14
46.7 %
4th year
12
40 %
Kabuuan
30
100 %
Batay sa pagsusuri ng nakolektang datos sa demograpikong propayl ng mga studyante,
napagalaman na sa loob ng 30 (tatlumpong) mag-aaral na kalahok, 14 (labing apat) sa mga ito ay
19
nasa ikatlong antas sa kolehiyo, na sinundan ng 12 (labing dalwang) studyante sa ikaapat na antas
sa kolehiyo at sinundan ng 4 (apat) na studyante sa ikalwang antas sa kolehiyo.
Ayon sa aming obserbasyon, mas marami ang mga naging student assistant sa ikatatlong
antas sa kolehiyo dahil maaari nilang pagkuhanan ng karanasan para sa pagtatrabaho ang pagiging
student assistant sapagka’t sa susunod na taon ng kanilang antas ay kasama sa mga kaylangan
nilang matapos ay ang OJT o ang On-the Job Training na mangyayare sa ikaapat na taon ng
kanilang pag-aaral.
1.4. Kurso
Kurso ng mga Respondente Kalimitan Bahagdan
BSBA- FM
11
36.7 %
BSBA- MM
3
10 %
BSED- ENGLISH
11
36.7 %
BSED- MATH
5
16.7 %
Kabuuan
30
100 %
Batay sa pagsusuri ng nakolektang datos sa demograpikong propayl ng mga studyante,
napagalaman na sa loob ng 30 (tatlumpong) mag-aaral na kalahok, 11 (labing isa) ang bilang ng
studyante na nagaaral sa BSBA – Financial Management at BSED – Major in English, na sinundan
ng BSED – Major in Math na may bilang ng kalahok na 5 (lima) at BSBA – Marketing na may 3
(tatlong) bilang ng kalahok.
Batay sa aming pananaw, ang pagiging student assistant ng mga mag-aaral sa BSED–Major
in English at BSBA–Financial Management ay malaking tulong para sa kanilang karanasan at
kaalaman pagdating sa pag aanalisa ng mga datos. Importante para sa mga mag-aaral ng Financial
Management ang kaalaman sa pag aanalisa ng datos na maari nilang makuha sa pagiging student
assistant na pwede nilang magamit pag sumabak na sila sa OJT. Malaking tulong din ito para sa
mga mag-aaral ng BSED-Major in English sapagka’t magkakaroon sila ng kaalaman sa pagiging
guro at mga gawain ng isang guro, na maaari nilang makuha sa pagiging student assistant.
20
1.5. Tagal ng pagiging Student Assistant
Tagal ng pagiging Student Assistant Kalimitan Bahagdan
Wala pang isang buwan
2
6.7 %
1- 6 buwan
23
76.7 %
7- 12 buwan
4
13.3 %
Mahigit isang taon
1
3.3 %
Kabuuan
30
100 %
Batay sa pagsusuri ng nakolektang datos sa demograpikong propayl ng mga studyante,
napagalaman na sa loob ng 30 (tatlumpong) mag-aaral na kalahok, 11 (labing isa) ang bilang ng
studyante na nagaaral sa BSBA – Financial Management at BSED – Major in English, na sinundan
ng BSED – Major in Math na may bilang ng kalahok na 5 (lima) at BSBA – Marketing na may 3
(tatlong) bilang ng kalahok.
Batay sa aming pananaw, ang pagiging student assistant ng mga mag-aaral sa BSED–Major
in English at BSBA–Financial Management ay malaking tulong para sa kanilang karanasan at
kaalaman pagdating sa pag aanalisa ng mga datos. Importante para sa mga mag-aaral ng Financial
Management ang kaalaman sa pag aanalisa ng datos na maari nilang makuha sa pagiging student
assistant na pwede nilang magamit pag sumabak na sila sa OJT. Malaking tulong din ito para sa
mga mag-aaral ng BSED-Major in English sapagka’t magkakaroon sila ng kaalaman sa pagiging
guro at mga gawain ng isang guro, na maaari nilang makuha sa pagiging student assistant.
2. Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagbabago ng bilang ng Student Assistant sa bawat opisina
sa aspeto ng:
2.1. Kinakailangang Dokumento (Requirements)
TALAHANAYAN 1
KATANUNGAN
WEIGHTED
BERBAL
NA RANK
INTERPRETASYON
MEAN
21
1. Ang kinakailangang mga dokumento 3.66
Lubos na sumasang- 1
upang maging student
ayon
assistant
ay
madaling ma-access.
2. Tinutugunan ng guro ang marka ng 3.3
Sumasang-Ayon
5
Sumasang-Ayon
4
isang mag-aaral bilang kwalipikasyon
para maging student assistant.
3. Ang proseso ng pagpasa ng mga 3.46
dokumento sa mga guro ay mabilis at
simple lamang.
4.
Nagbibigay
ng
detalyadong 3.63
impormasyon ang mga guro tungkol sa
mga
espesipikong
Lubos na Sumasang- 2
Ayon
dokumentong
kailangang isumite sa kanila para sa
aplikasyon bilang student assistant.
5. Binibigyan ang mga aplikante ng 3.53
Lubos na Sumasang- 3
karagdagang
Ayon
pagkakataon
na
kumpletuhin ang mga kinakailangang
dokumento sakaling may kulang o hindi
kumpleto ang mga ito.
Likert Scale
3.51 - 4.00
Lubos na Sumasang- ayon
1.51 - 2.50
Di Sumasang- ayon
2.51 - 3.50
Sumasang - ayon
1.00 - 1.50
Lubos na Di Sumasang - ayon
Naipakita sa talahanayan 1 ang saloobin ng mga naging student assistant hinggil sa mga
dokumento at kondisyon na kinakailangan nila upang matanggap sa pagiging student assistant.
Naipakita na mataas ang bilang ng mga Lubos na Sumasang-ayon sa katanungan bilang 1 na
nakakuha ng 3.66 weighted mean, na sinundan ng katanungan bilang 4 na nakakuha ng 3.63, na
sinundan ng katanungan bilang 5 na nakakuha ng 3.53, na sinundan ng katanungan bilang 3 na
nakakuha ng 3.46 at nagkaroon ng parehong resulta sa sa katanungan bilang 2 na nakakuha ng 3.3.
Ayon sa nakalap na impormasyon tungkol sa mga kinakailangang dokumento ng isang student
assistant, nakabase sa guro kung anong mga dokumento ang hinihingi nila ngunit mayroon din
mga guro na hindi na tumatanggap ng kulang kulang ang mga datos na ipinapasa sa kanila o hindi
22
na sila binibigyan ng pagkakataon na magpasa muli ng panibagong dokumento. Sa kabila nito
marami pa din mga guro ang nagbibigay ng konsiderasyon para sa mga aplikante na gustong mag
apply para maging isang student assistant. Nagiging madali sa mga mag-aaral na nais maging
student assistant ang pagpapapasa ng mga dokumento at ang proseso nito.2.2. Iskedyul sa Klase
(Schedule)
TALAHANAYAN 2
KATANUNGAN
WEIGHTED
BERBAL
MEAN
INTERPRETASYON
1. Ang aking guro ay nagbibigay- 3.43
NA RANK
Sumasang-Ayon
3
pansin sa oras na aking inilalaan bilang
student assistant at sa oras na aking
ginugugol para sa pag- aaral.
2. Mayroong tamang balanse sa pagitan 3.5
Lubos na Sumasang- 2
ng pagiging student assistant at pag-
Ayon
aaral.
3. Mas marami akong oras na inilaan sa 2.4
Di Sumasang-Ayon
4
Di Sumasang-Ayon
5
pagiging Student Assistant kaysa sa
pagiging mag-aaral.
4. Nabawasan ang aking oras para sa 2.13
pagtulog at pahinga dahil sa aking
pagiging Student Assistant sa paaralan.
5. Ako ay patuloy na nakakatulong pa 3.67
Lubos na Sumasang- 1
rin sa mga gawain ng grupo.
Ayon
Likert Scale
3.51 - 4.00
Lubos na Sumasang- ayon
1.51 - 2.50
Di Sumasang- ayon
2.51 - 3.50
Sumasang - ayon
1.00 - 1.50
Lubos na Di Sumasang - ayon
Naipakita sa Talahanayan 2 ang mga posibleng mga salik na nakakaapekto sa iskedyul ng
isang student assistant sa kanyang pag-aaral. Lumabas sa resulta na ang katanungan bilang 5 ay
nakakuha ng 3.67 na bahagdan ng Student Assistant na Lubos na sumasang-ayon sa pahayag.
Sinundan ng bilang ng mga Lubos na sumasang-ayon sa ikalawang katanungan na nakakuha 3.5
23
na bahagdan. Pangatlo naman dito ang bilang ng mga Student Assistant na Sumasang-ayon sa
katanungan bilang 1 na mayroong 3.43 bahagdan. Naipakita rin dito ang mga Student Assistant na
Di Sumasang-ayon sa katanungan bilang 3 na nakakuha ng 2.4 na bahagdan, sinundan ng
katanungan bilang 4 na nakakuha ng 2.13 na bahagdan sa kaparehong berbal na interpretasyon.
Ayon sa resulta ng sarbey na isinagawa sa salik na nakakaapekto sa bilang ng mga student
assistant sa talahanayan tungkol sa iskedyul nila bilang isang student assistant. Napagalaman na
nagkakaroon ang mga student assistant ng sapat na oras upang magampanan ang kanilang trabaho
bilang isang student assistant at nagkakaroon din sila ng oras para sa kanilang pag-aaral. Ngunit
may iilan pa din na nababawasan ang oras o nagkukulang ang kanilang oras sa pag-aaral kaysa sa
pagiging student assistant na nagdudulot sa kanila ng kakulangan sa tulog o mas dumadami ang
kanilang oras bilang student assistant kaysa sa pagiging studyante.
Maraming mga problemang kinakaharap ang mga student assistant na hindi nila maaaring
takasan. Mayroong tatlong responsibilidad silang dapat gampanan: ang responsibilidad bilang
estudyante, responsibilidad bilang manggagawa, at ang responsibilidad ng isang indibidwal sa
problemang panlipunan (Charmaine, 2014).
Ang mga natuklasan ay nagpapahiwatig na ang mga kalahok sa pag-aaral ay nakakaranas
ng malalaking hamon sa epektibong pamamahala ng kanilang oras sa pagitan ng trabaho, klase, at
personal na buhay. Ito ay nagpapahiwatig ng potensyal na pangangailangan para sa mga tratamento
o mga sistema ng suporta upang mapabuti ang kanilang mga kakayahan sa pamamahala ng oras.
Bukod dito, ang pagtaas ng average ng stress management ay nagpapalakas ng pangangailangan
para sa partikular na mga takdang gawain at mapagkukunan upang matulungan ang mga
indibidwal sa pagharap sa malalaking stress na dulot ng mga obligasyon sa pag-aaral at trabaho
(Ugoani, 2023).
2.3. Karanasan (Experiences)
TALAHANAYAN 3
KATANUNGAN
WEIGHTED BERBAL
NA RANK
INTERPRETASYON
MEAN
1. May kaugnayan ang aking pagiging 2.66
Sumasang-Ayon
4
student assistant sa napiling kong kurso.
2. Kahit na ako ay isang Student 3.53
Lubos
Assistant, nananatiling mataas ang aking
Ayon
na
Sumasang- 2
mga marka.
24
3. Ginagawan ko ng paraan na magawa 3.53
Lubos
ang aking takdang-aralin sa mga break
Ayon
na
Sumasang- 2
na
Sumasang- 1
time sa trabaho.
4. Agad kong nakakasundo ang guro na 3.76
Lubos
naka-assign sa akin.
Ayon
5. Batay sa aking karanasan bilang isang 3.36
Sumasang-Ayon
3
Student Assistant, nais ko pa ring
hikayatin ang iba pang mga mag-aaral na
sumubok nito.
Likert Scale
3.51 - 4.00
Lubos na Sumasang- ayon
1.51 - 2.50
Di Sumasang- ayon
2.51 - 3.50
Sumasang - ayon
1.00 - 1.50
Lubos na Di Sumasang - ayon
Naipakita sa talahanayan bilang 3 ang mga karanasan ng isang Istudyante sa pagganap
bilang isang Student Assistant ng mga guro. Nagkaroon ng mataas na bahagdan ang mga pumili
sa Lubos na Sumasang-ayon sa Katanungan bilang 4 na nakakuha ng 3.76 weighted mean, na
sinundan ng katanungan bilang 2 na nakakuha ng 3.53, na kapantay ng katanungan bilang 3 na
nakakuha din ng 3.53, na sinundan ng katanungan bilang 5 na nakakuha ng 3.36 at naipakita rin
dito ang resulta ng bahagdan ng student assistant na Sumasang-ayon na nakakuha ng 2.66 sa
katanungan bilang 1.
Ayon sa nakalap na impormasyon ng sarbey hinggil sa mga salik na nakakaapekto sa bilang
ng mga student assistant sa talahanayan tungkol sa kanilang Karanasan bilang isang student
assistant ay karamihan sa mga nagtrabaho dito ay hindi katugma ang kanilang trabaho kumpara sa
kursong kanilang kinukuha, kaya naman nagresulta ito sa mababang grado ng ibang student
assistants. Sa kabila nito karamihan pa din sa kanila ay mayroong matataas na marka sa kanilang
mga asignatura. Mabilis din nilang nakakasundo ang mga guro na kung saan sila nagtatrabaho
bilang student assistant. Bagamat may konting tumututol, marami pa din ang mga naging student
assistant na gustong manghikayat na magtrabaho bilang student assistant. Mahalaga rin bilang
isang student assistant ang pagkakaroon ng magandang pakikisama o ang pagigiging magaling sa
pakikipag komunikasyon lalo na sa guro kung saan ka nag tatrabaho bilang isang student assistant
sapagkat ito ay makakatulong sa iyo upang mas mapadali ang gawain at ang paglapit o paghingi
ng tulong sa guro na iyong pnag tatrabahuhan.
Sa Pilipinas, isa rin sa mga pangunahing dahilan kung bakit pinapasok ng mga estudyante
ang pagiging student assistant ay upang magkaroon sila ng karanasan (Sarillo, 2007).
25
Ang pag-aaral sa itaas ay pumaksa sa dahilan ng bagsak na grado sa loob ng klase, mula sa resulta
at konklusyon ng pag-aaral napag-alaman na ito ay dahil sa bilang ng gawain at responsibilidad na
kailangan gawin ng sabay (Villahermosa, M., et. al., 2015).2.4. Natatanggap na Sahod
(Compensation)
TALAHANAYAN 4
KATANUNGAN
WEIGHTED
BERBAL
MEAN
INTERPRETASYON
1. Ang aking sahod ay naipapamahagi 1.96
NA RANK
Di Sumasang-Ayon
4
Di Sumasang-Ayon
5
Di Sumasang-Ayon
3
Sumasang-Ayon
1
Di Sumasang-Ayon
2
agad sa takdang oras.
2. Ako ay binibigyan ng dagdag na 1.83
bayad para sa mga karagdagang gawain.
3. Ako ay nakakatanggap ng mga 2.1
parangal at insentibo bilang pagkilala sa
aking mahusay na serbisyo bilang
Student Assistant.
4. Bagaman mayroon akong regular na 3.06
sahod, kinikilala ko na hindi ito laging
sapat upang matugunan ang lahat ng
aking pangangailangan.
5. Bilang karagdagang benepisyo, may 2.2
natatanggap rin akong allowance bukod
pa sa aking sahod bilang Student
Assistant.
Likert Scale
3.51 - 4.00
Lubos na Sumasang- ayon
1.51 - 2.50
Di Sumasang- ayon
2.51 - 3.50
Sumasang - ayon
1.00 - 1.50
Lubos na Di Sumasang - ayon
Ipinakita sa Talahanayan bilang 4 ang saloobin ng mga naging Student Assistant sa mga
natatanggap nilang sahod bilang Student Assistant. Naipakita na mataas ang berbal na
interpretasyon na Sumasang-ayon sa bilang 4 na mayroong weighted mean na 3.06, sinundan ito
ng Di Sumasang-ayon sa bilang 5 na may weighted mean na 2.2. Ang sumunod ay bilang 3 na may
26
2.1 na weighted mean, sumunod ang bilang 1 na may weighted mean na 1.96, at ang panghuling
bilang na may pinaka mababang weighted mean na 1.83 ay nakuha ng bilang 2 na may berbal na
interpretasyon na Di Sumasang-ayon.
Ang mga benepisyong matatanggap ng mga mag-aaral na nagtatrabaho bilang mga student
assistant ay napakalawak. Unang una, magkakaroon sila ng kani-kanilang mga pera upang
magamit nilang panggastos sa pang-araw araw nilang pamumuhay. Ikalawa, maaaring maagang
matuto ang mga kabataan na maging matipid at maging matalino sa pagdedesisyon sa pag-gastos
ng kani-kanilang mga pera (De Castro, 2006).
Ang mabuting epekto ng isang student assistant ay ang pagkakaroon ng sweldo na
maaaring gamitin sa pag-eenroll o mga bayarin sa paaralan. Nagpapahiwatig lamang ito na dapat
mas bigyang halaga ang bagay na makatutulong sa kanilang paglago bilang isang estudyante
(Queena III, 2017).
Ang pasaning pinansyal, na kinabibilangan ng mga bayarin sa tuition at araw-araw na
gastusin, ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa kanilang pangkalahatang kalagayan at
akademikong tagumpay (Mann & Zarabi, 2022).
27
KABANATA V
Konklusyon
Batay sa resulta ng pag aaral na ito na nagmula sa mga respondente ay natuklasan ng
mananaliksik na maraming salik ang nakakaapekto sa pagbabago ng bilang ng mga Student
Assistant. Ang unang salik na ito ay may kinalakaman sa mga dokumentong kinakailangang ipasa.
Naging positibo ang tugon ng mga respondente sa salik na ito. Ayon samga respondente madali at
mabilis lamang nilang ma-access. Tinutugunan din ng mga guro ang mga marka o grado ng mga
gustong maging Student Asisstant bilang kwalipikasyon. Kaugnay nito naging positibo rin ang
naging tugon ng mga respondente sa pahayag na nagbibigay ng detalyadong impormasyon ang
mga tungkol sa espisipikong dokumento na kailangang isumite para sa programa. Gayundin sa
pahayag na nabibigyan sila ng sapat oras o pagkakataon para kumpletuhin ang mga kinakailanagng
dokumento. Natuklasan sa pagaaral na ito na hindi nakakahadlang o nakakaapekto ang mga
kinakailangang dokumento. Ang pangalawang salik naman ay may kinalaman sa iskedyul ng mga
magaaral. Natuklasan sa pagaaral na ito na binibigyan pansin ng mga guro ang mga oras nila para
sa pagiging magaaral at pagiging Student Assistant. Nasasabi sa pagaaral na ito na balanse pa rin
ang oras ng mga magaaral pagdating sa pagiging student assistant at pagiging magaaral.
Napagalaman din nagkakaroon pa din sila ng sapat na tulog at pahinga sa kabila ng pagiging
student assistant nila. Ang pagatlo ay may kinalaman naman sa karanasan ng mga respondente.
Ayon sa mga respondente ang kanilang trabaho sa mga opisina ay may kinalaman din sa kursong
kanilang kinukuha. Kaugnay nito, sinangayunan ng nakakarami ang pahayag na nakakasundo nila
ang guro na nakaasign sa kanila, at nananis nil ana manghikayat pa ng iba upang maki-angkop din
sa programang ito. Ang panghuli ay ang tungkol sa sahod na kanilang natatanggap. Pagdating sa
usaping ito ay dito na naiba ang daloy dahil sa kategoryang ito ay mas lumaki ang bahagdan sa
mga di sumasang-ayon tulad na lamang sa pahayag na naibibigay sa kanila ang kanilang sahod sa
takdang oras. Napagalaman na matagal bago matanggap ng mga respondente ang kanilang mga
sahod. Lumabas din sa pagaaral na ito na hindi nadadagdagan ang kanilang sahod kahit na
madagdagan rin ang kanilang mga gawain bilang student assistant. Para naman sa pahayag na
nakakatanggap sila ng insentibo bilang pagkilala bilang student assistant ay lubos na di sumasang
ayon ang naging tugon ng mga ito. Ayon din sa mga respondente, bagamat may natatanggap silang
sahod para sa kanila hindi pa rin ito sapat upang matugunan nila ang iba pa nilang mga
pangangailangan.
Batay sa resulta, sa apat na kategoryang iyon, ang pinakanakakitaan ng problema ay ang
usapin patungkol sa sahod na kanilang natatanggap. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito maaari
maisagawa at maipaabot sa mga naging respondente ng pag aaral na ito ang nabuong
rekomendasyon ng mga manananaliksik ng sa gayon ay makatulong at mabawasan ang mga
nahinuhang salik na labis na nakakaapekto sa mga Student Assistants sa Batangas State University
TNEU-Rosario Campus.
28
Rekomendasyon
Kaugnay sa naging konklusyon ng pag-aaral na ito, buong pagkumbabang nirerekomenda
ng mga mananaliksik ang mga sumusunod. Ang bawat rekomendasyon ay nahahati para sa mga
mag-aaral, guro, mga opisina sa paaralan, at sunod pang mga mananaliksik.
Una sa lahat ay para sa mga mag-aaral, sa pamamagitan ng pagpaplano ng oras, pagkuha
ng suporta mula sa paaralan, pangangalaga sa sarili, at pagsusumikap sa kanilang pag-aaral,
maaaring masiguro ng mga mag-aaral na magiging epektibo silang student assistant nang hindi
naaapektuhan ang kanilang pag-aaral at kabuuang kalusugan. Sumunod ay para sa mga guro,
maaaring magbigay ng karagdagang tulong at suporta upang matulungan ang mga estudyanteng
magtagumpay sa kanilang mga tungkulin. Maari ring magkaroon ng regular na paggabay at
magbigay ng regular na feedback upang matulungan ang mga mag-aaral na mapabuti ang kanilang
mga performance. Pangatlo ay para sa mga susunod pang mananaliksik, ang mga mananaliksik ay
maaaring isagawa ang karagdagang at mas malawakang pag-aaral upang masuri kung ano pa ang
mga maaaring epekto ng programa ng student assistant sa mga mag-aaral at sa kanilang
akademikong tagumpay. Maaari rin silang magbigay ng karagdagang rekomendasyon sa paaralan
kung paano nito mapapanatili ang tamang bilang ng mga nag aapply na student assistants sa bawat
opisina.
Sa wakas ay para sa mga opisina sa paaralan, maaaring pagtuunan ng pansin ang
pagbibigay ng sahod ng mga student assistants sa tamang oras. Maaari ding magkaroon ng mga
parangal at insentibo upang mas maenganyo silang mag apply bilang student assistant. Ito ay
maaaring gawin pagtapos ng kada semester o serbisyo ng bawat SA’s. Maaari ring magkaroon ng
mas malawak na suporta para sa mga mag-aaral na nangangailangan ng tulong, tulad ng mga
session ng orientation o mga pagtitipon at programang naglalayong magbigay ng mas maraming
impormasyon tungkol sa programa ng student assistant, o kaya naman ay magkaroon ng
karagdagang allowance.
29
BIBLIOGRAPIYA
Abenoja, R.,et al. (2019). The Experiences of Working While Studying: A Phenomenological
Study
of
Senior
High
School
Students.
file:///D:/New%20folder%20(2)/The%20Lived%20Experiences%20of%20UIC%20SHS%20Wo
rking%20Students%20A%20Phenomenological%20Study.pdf
Charmaine.
(2014).
The
Lived
Experience
of
Working
Students.
https://www.com/document/444578898/THE-LIVED-EXPERIENCE-OF-WORKINGSTUDENTS-EME-sa-Pananaliksik-docx
De
Castro
(2006).
Ang
Posibleng
Epekto
Ng
Pagtatrabaho
Habang
Nag
Aaral.
https://pdfcoffee.com/thesis-85-pdf-free.html?fbclid=IwAR0wWjqYV6sH28ZA8c4FtPOxVbGJrGQKbYGfK4aa-5gPmN_h2QpqhZZCdo
Dei, D. G. J., & Asante, F. Y. (2022). Role of academic libraries in the achievement of quality
education as a sustainable development goal. Library Management, 43(6–7), 439–459.
https://doi.org/10.1108/LM-02-2022-0013
Dela Cruz, LJ., Nacpil, HC., Subia, GS., Delos Santos, MA., Navarr, Nabua, JG., Gutierrez,
RL., Piring, JC. , Fajardo FV. (2024). Challenges Faced By the Student Assistants (SAs) Of
Wesleyan University Philippines (WUP): Basis for Scholarship and Personality Enhancement.
https://ijhssm.org/issue_dcp/Challenges%20Faced%20By%20the%20Student%20Assistants%20
(SAs)%20Of%20Wesleyan%20University%20Philippines%20(WUP)%20%20Basis%20for%20
Scholarship%20and%20Personality%20Enhancement.pdf
Hovdhaugen, E. (2015). Working while studying: The impact of term-time employment on
dropout
rates.
Retrieved
from
https://www.
tandfonline.com/doi/abs/10.1080/
13639080.2013.869311
Holm, E., Westin, K., & Haugen, K. (2018). Place, kinship, and employment. Population, Space
and Place, 24(3). https://doi.org/10.1002/psp.2118
Huang, H., Liu, L., Yang, S., Cui, X., Zhang, J., & Wu, H. (2019). Effects of job conditions,
occupational stress, and emotional intelligence on chronic fatigue among Chinese nurses: A crosssectional
study.
Psychology
Research
and
Behavior
Management,
12,
351–360.
https://doi.org/10.2147/PRBM.S207283
Georgetown University Center on Education and the Workforce (2014).
Lihn. (2024). Student Assistants Experience in Osaka University. https://iudp.hus.osakau.ac.jp/student-life/student-assistant-experience_linh/
30
Mann, M., & Zarabi, D. (2022). Relationship of Academic Achievement and General Well-Being
of School Going Adolescents in Chandigarh. Scholarly Research Journal for Humanity Science
and English Language, 10(54). Https://Doi.Org/10.21922/Srjhsel.V10i54.11 791
Queena
III.
(2017).
The
Lived
Experience
of
Working
Students.
https://www.scribd.com/document/444578898/THE-LIVED-EXPERIENCE-OF-WORKINGSTUDENTS-EME-sa-Pananaliksik-docx
Sanler, E. (2015). Experiences of Working as a Student Assistant at University of Innsbruck,
Austria.
https://www.timeshighereducation.com/student/advice/student-blog-working-student-
assistant
Sarillo
(2007).
Ang
Posibleng
Epekto
Ng
Pagtatrabaho
Habang
Nag
Aaral.
https://pdfcoffee.com/thesis-85-pdf-free.html?fbclid=IwAR0wWjqYV6sH28ZA8c4FtPOxVbGJrGQKbYGfK4aa-5gPmN_h2QpqhZZCdo
Standfort
University
(2018).
Epekto
ng
Pagiging
Working
Student
sa
Kolehiyo.
https://www.scribd.com/document/650771073/KABANATA-II-epekto-ng-pagiging-workingstudent-sa-pang-akademikong-college-ng-colegio-de-san-gabriel-arcangel
Ugoani, J. (2023). Workers’ Obligations and Management’s Rights, Duties and Limitations in
Employment Relationship. SSRN Electronic Journal. https://doi.org/10.2139/ssrn.4455041
Villahermosa, M., Oba-o, W., at Bagabaldo, J. (2015). Lokal na Teorya Buhay Bilang Student
Assistant.
Villanueva
(2007).
Ang
Posibleng
Epekto
Ng
Pagtatrabaho
Habang
Nag
Aaral.
https://pdfcoffee.com/thesis-85-pdf-free.html?fbclid=IwAR0wWjqYV6sH28ZA8c4FtPOxVbGJrGQKbYGfK4aa-5gPmN_h2QpqhZZCdo
Villeroz.
(2014).
The
Lived
Experience
of
Working
Students.
https://www.com/document/444578898/THE-LIVED-EXPERIENCE-OF-WORKINGSTUDENTS-EME-sa-Pananaliksik-docx
31
32
33
34
35
36
37
Mendoza, Hannah Mae M.
Quilib, Rosario, Batangas
+63 961 624 2186
hannahmendoza246@gmail.com
Personal Information
Birthday: August 26, 2003
Marital Status: Single
Birthplace: Batangas City
Name of Mother: Catherine M. Mendoza
Religion: Born Again Christian
Name of Father: Eduardo C. Mendoza
Skills
Flexibility
Communication Skills
Organizational Skills
Educational Background
College
Batangas State University -NEU- Rosario Batangas
Bachelor of Science Major in Human Resource Management
Namunga, Rosario, Batangas
2022-present
Senior High School
St. Nino Formation and Science School
San Roque, Rosario, Batangas
2020-2022
Junior High School
St. Nino Formation and Science School
San Roque, Rosario, Batangas
2016-2020
Elementary
Rosario East Central School
Poblacion A, Rosario, Batangas
2009-2016
Reference
Ms. Joan Camille Verdadero
Adviser
Joancamille.verdadero@g.batstate-u.edu.ph
38
Download