Uploaded by Joane

Shrouded in Mystery

advertisement
Chapter 2
Mababa at sobrang liwanag ng buwan sa madilim na kalangitan. Walang tigil ang pagpatak
ng malalaking butil ng ulan.
Nanliit ang mga mata ko habang nakahawak sa kutsilyo sa nanginginig na kamay. Ang
aking dating puting bestida ay ngayon ay may bahid ng putik at dugo.
Nakalolokong ngiti ang gumuhit sa labi ni Dranreb, ang lalaking nakatayo sa aking
harapan, habang hawak ang kaniyang sariling kutsilyo. Nagtama ang mga mata namin, ang
kaniya’y puno ng halo-halong poot, suklam at kapahamakan. "Akala mo makatatakas ka?!
Sa tingin mo ba ay hahayaan kitang ilayo sa akin ang anak ko?!"
“Halimaw ka, Reb. Hindi na kita kilala,” saad ko sa mahinang boses ngunit may diin.
Nagpaikot-ikot kami sa isa’t isa nang ilang minuto, parehong basang-basa sa ulan at handa
sa anuman ang gagawin ng isa.
Nagulat ako nang bigla siyang lumusong. Mabuti na lang at nakaiwas ako agad. Habang
bumubuwelo pa siya sa muling pag-atake ay kinuha ko ang pagkakataon na iyon upang
saksakin sana siya sa dibdib. Gumilid siya kaya sa kaniyang balikat bumaon ang aking
kutsilyo.
Gulat na napaatras siya habang nakahawak sa kaniyang balikat na natamaan. Akala ko ay
mas magagalit pa siya. Sa halip, natawa siya—isang nakakapanindig-balahibo at
nakababaliw na tunog.
“Putang ina mo!” sigaw niya sa akin at sinampal ako na nagpatumba sa akin. Nabitawan ko
rin ang hawak na kutsilyo kaya mabilis ko iyong hinanap. Ngunit nahanap ng mga daliri
niya ang aking lalamunan at agad akong sinakal.
Sinubukan kong pigilan ang kamay niya gamit ang aking kaliwang kamay kahit masyadong
malakas iyon, habang ang aking kanan na kamay ay kinakapa na sa sahig ang kutsilyo.
Patagal nang patagal ay pahigpit din nang pahigpit ang pagkakasakal niya sa akin kaya
kinakapos na ako ng hininga. “Gagawin ko ang lahat para sa anak ko, tandaan mo ‘yan!”
Unti-unting nanlalabo ang paningin ko, hindi ko mawari kung dahil sa ulan o dahil sa
kaniyang pagkakasakal. Pero nabuhayan ako ng loob nang sa wakas ay nakapa ko na ang
kutsilyo. Mahigpit ko itong hinawakan.
“May huling salita ka ba, Rafa?” tanong niya na may nakalolokong ngisi.
Sinamaan ko siya ng tingin at kahit hirap, sumagot ako, “Ma…mabubulok ka… sa
impyerno…”
“Kung ganoon, hanggang sa muli,” aniya at itinutok sa aking leeg ang kaniyang kutsilyo.
Maya-maya, nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sa akin kasabay ng pagkahulog ng
hawak niyang kutsilyo. Lumuwag din ang pagkakasakal niya sa aking lalamunan hanggang
sa tuluyan na niyang mabitawan.
Tiningnan ko siya sa mga mata at napangisi. Kahit hinahabol ang hininga, nagawa ko pa
ring idiin lalo ang pagkakasaksak sa kaniyang dibdib at inikot ito. Sumuka siya ng dugo at
napaluhod. Naramdaman ko ang pagkapit niya sa aking braso at tila natauhan ako.
Hinihingal na umatras ako, ang damit ay nakakapit sa aking balat. Napatingin ako sa hawak
na kutsilyo. Hinugasan ng ulan ang ebidensiya, ngunit walang makapaglilinis sa aking
konsensiya.
Tiningnan ko ang ngayo’y walang buhay na si Dranreb at nilapitan. Ikinalong ko ang
kaniyang ulo sa aking hita at umiiyak na sumigaw.
“And cut!”
I watch Jem’s eyes remain close even after Direk call. Natatawang sinampal ko ang pisngi
niya na nagpadilat sa kaniya. He glares at me playfully. “True love’s kiss ang hinihintay ko,
Xanthe, hindi sampal.”
“Is that so? Teka, I’ll go get Sloane,” sagot ko at umambang tatayo.
Tumawa siya at pinigilan ako sa pamamagitan ng paghawak sa aking palapulsuhan. “I was
just kidding,” depensa niya at umiling habang may maliit na ngiti.
Gumuhit ang ngisi sa aking labi, hindi rin nagtagal ay natawa ako. “I knew you’re scared of
her,” I tease, referring to the Sinaloan Milk snake we have. We will be using her as a prop in
one of our scenes that’s why we rented her.
“Oo na,” he admits with a chuckle. Tumayo siya. Napansin ko na hawak niya ang ginamit na
retractable knife at pinaiikot niya ito ngayon sa kaniyang mga daliri nang magsimula na
kaming maglakad.
The retractable knife is a type of knife that can be extended and retracted with a push of a
button or a flick of the wrist. The blade is typically made of metal and is sharp enough to
cut through various materials. The handle is designed to fit comfortably in the hand and is
often made of plastic or rubber.
Maya-maya’y lumapit sa kaniya ang kaniyang assistant at inabutan siya ng tuwalya.
Inilibot ko ang paningin para hanapin si Mela. There are people everywhere, crews and
staffs working hard despite being late at night. Hindi ko nakita si Mela kaya napanguso
ako.
Ibinalik ko ang tingin kay Jem nang maramdaman ang isang makapal at malambot na
bagay sa aking katawan. He puts the towel his assistant gave him around me. I give him a
smile before saying, “Thanks. Paano ka?”
Gumuhit ang nang-aasar na ngiti sa labi niya dahil sa tanong ko. “Didn’t know you care.”
I roll my eyes at him. Sasagot pa sana ako nang lumapit muli ang kaniyang assistant na may
dalang tuwalya sa pangalawang pagkakataon. Inabot iyon kay Jem na agad isinukbit ng huli
sa kaniyang mga balikat.
Jermaine Trinidad is in his late twenties, a chiseled figure with a physique that screams
'model.' He's made quite a name for himself in the fashion world, but this film will mark his
foray into acting.
The night air is cool, a welcome relief after the heated intensity of the scene we just filmed.
The rain-soaked clothes cling to me, and the ground beneath my feet is damp.
Matapos kong iwan si Jem, tiningnan ko saglit ang eksena kanina. I can’t help but smile
seeing how good I delivered each emotion.
I feel a gentle tap on my shoulder, making me look at who’s behind me. Si Direk. "Xanthe,
good work tonight. That scene was exactly what I envisioned," he says, his praise measured
but sincere. "The intensity, the vulnerability—it was all there. You brought it to life,"
pagpapatuloy niya.
Tumango ako, magkahalong tuwa at pagod na ang nararamdaman ngayon. Director
Magnus Calixto is not one to hand out praise liberally, but when he does, it carries the
weight of an accolade earned through sweat, tears, and an unwavering commitment to the
craft.
The zipper of the tent makes a soft sound as I open it, and I step inside, expecting to see
Mela. Inside the canvas tent are just a dresser with lightings and makeups, a table and
chairs, and my things for specific scenes. No Mela in sight. Where could she go?
Napatingin ako sa isang DSLR camera na nasa sahig lamang. Nahulog yata.
It doesn’t look familiar to me. Nilapitan ko iyon at kinuha. Nagsalubong ang mga kilay ko
nang makaramdam ng malagkit na likido mula rito.
I check what it is… My eyes widen when I realized it’s blood.
“Hi.”
Mabilis akong napabaling sa aking likuran dahil sa gulat. “Jesus fucking Christ, Phoemela!
You startled me!” asik ko. Natawa naman siya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“I’m sorry.” She laughs. “Dinala ko na ‘yong dinner natin para rito na kumain,” saad niya at
bahagyang ipinakita ang mga dala niyang styrofoam. I watch her grimace when she looks
at what I am holding.
“Bagong bili mo?” tanong niya na sinagot ko sa pamamagitan ng pag-iling.
“I was just thinking if it’s yours…”
Sumulyap siya sa tuwalyang nakasaukbit sa akin.
“Oo nga pala, you’re soaking with rainwater,” she says and moves to get something in my
things.
“It’s fine, Mela. Ito na lang ang gagamitin ko tutal ay nabasa na rin,” I say to stop her but she
faces me immediately with a towel in her hand. Hinayaan ko na lang.
"That scene was intense. You were amazing!" she says as she walks in front of me. Inalis
niya ang tuwalyang inabot sa akin ni Jem at pinalitan ito ng hawak niya.
Binigyan ko siya ng isang pagod ngunit totoong ngiti. “Thanks, Mela. It drained me, but I
think Direk got what he needed.”
She tosses the towel from Jem on one corner before preparing our dinner.
"You've got a meeting with the director in the morning to go over tomorrow's scenes. And he
wants to discuss some tweaks to today's footage," pagsasalita ni Mela matapos ang ilang
minuto.
Bumuntong-hininga ako, mas naramdam ang pagod sa buong araw. “Alright, let’s get ready
for that. Nakapag-ayos na kaya si Jem?”
Mela nods. “Umalis na siya kanina lang. I think he’s having a late dinner in his tent,”
seryosong sagot niya. Sinulyapan ko siya at tumango na lang.
It’s almost two weeks since the filming started. Nandito kami sa isang tago at hindi
masiyadong nadadayong bayan sa Albay, Camarines Sur, tamang-tama para sa aming
pelikula.
Inuna naming gawin ang mga eksena na magkasama kami ni Jem at naging mabilis lang
ang mga iyon. The scene we filmed last night is the last, and for this week, we will be
filming individual scenes.
Dahil nagtuturuan kami kung sino ang mauuna, pinag-Jack en Poy na lang kami ni Direk.
I grin widely when I win the game. Sumimangot ang mukha niya na ikinatawa ko.
Download