Aralin 1 ARALIN 1 Ponolohiya PONOLOHIYA Layunin MGA LAYUNIN: Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang natutukoy ang mga angkop na salita o pangungusap ayon sa konteksto ng paksang napakinggan sa mga balita sa radyo at telebisyon, na may tuon sa: ● kahulugan ng ponolohiya, ● mga salik sa pagbuo ng tunog, at ● ponolohiya ng wikang Filipino. Mahahalagang Tanong Sa araling ito ay sasagutin natin ang sumusunod na tanong: ● Ano ang ponolohiya? ● Ano ang katangian at katotohanan sa bawat salita? ● Bakit mahalaga ang tunog sa lahat ng aspekto ng buhay? “Ang makabuluhang tunog ay nakabubuo ng salita, na nakabubuo ng pangungusap, na may kakayahang baguhin ang katauhan o ang sitwasyon ng isang lipunan.” Pagsusuri Ang ponolohiya ay ang pag-aaral ng makabuluhang tunog. Bawat wika ay may kanikaniyang tunog batay sa paraan ng pagsasaayos nito upang ihayag ang iniisip o nadarama. Ang tunog na nagmumula sa lalamunan at bibig ay tinatawag na speech sounds. Sa tulong ng dila, mga labi, at ilong, nakalilikha ang tao ng mga tunog. Ayon kina Cid Alvarez, Magdalena Jocson, at Pat Villafuerte, na mga manunulat, may tatlong salik para makabuo ng tunog: 1.Pinagmulang lakas o enerhiya 2.Artikulador 3.Resonador 1. Ang pinagmulang lakas o enerhiya na siyang gumagawa ng puwersa na nagpapalabas ng hangin mula sa mga baga. 2. Ang artikulador o bagay na nagpapagalaw sa hangin na lumilikha ng mga tunog, kung saan naroon ang vocal cords (nasa larynx). 3. Ang resonador na siyang sumasala ng mga tunog papuntang bibig. Ang mga tagasala (filters) ay ang mga organ na nasa itaas ng larynx (kagaya ng pharynx, oral cavity, at nasal cavity). Apat na mahalagang sangkap sa pagbigkas ng mga tunog: • dila at panga • ngipin at labi • matigas na ngalangala • malambot na ngalangala ANG PONEMA Ito ang pinakamaliit na yunit ng makabuluhang tunog ng isang wika Halimbawa: Ang basa (read), tasa (cup), at lasa (taste) ay magkakaiba ng kahulugan dahil sa mga ponemang /b/, /t/, at /l/. Ito ay alinmang patinig na sinusundan ng malapatinig na /y/ o /w/ sa loob ng isang pantig. Ang diptonggo ng Filipino ay aw, ay, ey, iw, iy, oy, at uy. Halimbawa: • Ang “ay” sa salitang “kamay” ay diptonggo, samantalang ang “ay” sa salitang “kamayan” ay hindi maituturing na diptonggo dahil ang “y” ay napagigitnaan ng dalawang pantig (ka-ma-yan). • Ang ilan pang halimbawa ng diptonggo ay sabaw, kami’y, at aruy. MGA DIPTONGGO MGA PARES MINIMAL Ito ay mga pares ng salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkapareho ng bigkas maliban sa isang ponemang nasa magkatulad na posisyon. Halimbawa: mesa – misa, uso – oso Mga Ponemang Suprasegmental Ang ponemang suprasegmental ay tumutukoy sa mga makahulugang yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat, sa halip, isinisimbolo ito ng mga notasyong ponemiko upang matukoy ang paraan ng pagbigkas. Ang mga uri ng ponemanguprasegmental ay ang diin, intonasyon, at antala. “Anong pinakamahalagang bagay ang natutuhan mo sa tiyak na paksa?” ● Tatlong Salik sa Pagbuo ng Tunog ● Ang Ponema, Mga Patinig, Mga Katinig ● Mga Diptonggo, Mga Pares Minimal, Mga Ponemang Suprasegmental Pagsusuri 1. Langaw 2. Alam mo ba? 3. masa - pasa 4. misa - mesa 5. uso - oso 6. BAta - baTA 7. bulong - gulong 8. kamay 9. Tatay si Mark. 10.bola - bula DIPTONGGO PONEMANG SUPRASEGMENTAL PARES MINIMAL PARES MINIMAL PARES MINIMAL PONEMANG SUPRASEGMENTAL PARES MINIMAL DIPTONGGO PONEMANG SUPRASEGMENTAL PARES MINIMAL Pagsusuri Mahahalagang Tanong Sa araling ito ay sasagutin natin ang sumusunod na tanong: ● Ano ang ponolohiya? ● Ano ang katangian at katotohanan sa bawat salita? ● Bakit mahalaga ang tunog sa lahat ng aspekto ng buhay? Inaasahang Pag-unawa ● Ang ponolohiya ay ang pag-aaral ng makabuluhang tunog. ● Sa bawat salita o wika ay may kani-kaniya at natatanging tunog batay sa paraan ng pagsasaayos nito. ● May kakayahan at kapangyarihang magpabago ng damdamin at isipan ang isang makabuluhang tunog. Paglalagom 1 Ang tunog na nagmumula sa lalamunan at bibig ay tinatawag na speech sounds. Sa tulong ng dila, mga labi, at ilong, nakalilikha ang tao ng mga tunog. 2 May tatlong salik para makabuo ng tunog: pinagmulang lakas o enerhiya, artikulador, at resonador. Paglalagom 3 Saklaw ng ponolohiyang Filipino ang ponema, diptonggo, pares minimal, at ponemang suprasegmental. Kasunduan ● Ano ang morpema? Ano ang mga uri at anyo nito? ● Ano ang pagbabagong morpoponemiko?