Uploaded by sophianicolemontecastro

Hirarkiya-ng-Pagpapahalaga-Revised

advertisement
MARCH 07, 2023
Baitang:
Baitang 7
Markahan: Ikatlong Markahan
Asignatura: Edukasyon sa Pagpapakatao 7
Guro: Sophia Nicole Montecastro
DETALYADONG BANGHAY ARALIN
I. LAYUNIN
A. Pamantayang
Pangnilalaman
B. Pamantayan
Paggawa
C. Pamantayang
Pampagkatuto
Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa hirarkiya ng
pagpapahalaga.
sa Naisasagawa ng mag-aaral ang paglalapat ng mga tiyak na
hakbang upang mapataas ang antas ng kaniyang mga
pagpapahalaga
Natutukoy ang iba’t-ibang antas ng pagpapahalaga at ang
mga halimbawa ng mga ito.
D. Mga Tiyak Na Layunin Nakakagagawa ng hagdan ng sariling pagpapahalaga batay
sa Hirarkiya ng mga Pagpapahalaga ni Max Scheler
II. NILALAMAN
A. Paksang-aralin
B. Baitang
Hirarkiya ng Pagpapahalaga
Baitang 7, Ikatlong Markahan, Ikatlong Linggo
C. Batayan at Mga Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Kagamitan ng Mag-aaral
Pahina
(Ikalawang Bahagi) Modyul 10, Pahina 23
D. Mga Kagamitan
Laptop, TV, PowerPoint Presentation
III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro
Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Maaari bang tumayo ang lahat para Tumayo ang
sa panalangin? (Tumawag ng mag- panalangin.
aaral
upang
simulan
ang
panalangin.)
lahat
upang
2. Pagbati
Bago magsiupo ang lahat, maaari (Ginawa ang iniutos ng guro)
bang tumingin muna sa inyong
paligid at pulutin ang mga kalat na
inyong makikita?
Malinis na ba?
Kung gano’n maaari na kayong
maupo.
3. Pagtala ng lumiban sa klase
(Tawagin ang class monitor at
tanungin kung sino-sino ang
lumiban sa klase)
Mabuti naman at kumpleto kayo
ngayong araw.
Opo
simulan
ang
MARCH 07, 2023
4. Pamantayan sa klase
Bago tayo magsimula, nais ko
munang ipabatid sa inyo ang ating
magiging alituntunin ngayong araw.
(Tumawag ng mag-aaral at ipabasa
ang nasa slide)
1. Makinig nang Mabuti.
2. Itaas ang kamay kung mayroong nais
sabihin na kaugnay sa aralin.
3. Makilahok sa talakayan at mga gawain
na ipapagawa ng guro.
Mahusay! Maaasahan ko ba ito sa Opo.
inyong lahat?
B. Balik – Aral
Ngayon naman, ating balikan ang ating
napag-aralan sa nakaraang aralin sa
pamamagitan ng ating magiging (Hahatiin ng mga mag-aaral ang klase sa
paghula sa salitang maaaring mabuo ng dalawa)
jumbled word na ito.
Handa na ba ang lahat?
(Ipapakita ang unang jumbled letters)
PGAHAPLAPAGAA
Sino po ang nais magbahagi ng Ma’am, ang sagot po ay pagpapahalaga.
kaniyang kasagutan?
(Tatawag ng mag-aaral para sumagot)
Tama,
ang
tamang
sagot
ay
pagpapahalaga o values na sa saritang
latin ay valere at nangangahulang
pagiging malakas o matatag at pagiging
makabuluhan or pagkakaroon ng
saysay o kabuluhan.
Ito ay may dalawang uri, ano kaya ito?
Ma’am, ang dalawang uri po ng
pagpapahalaga ay ang Ganap na
Pagpapahalagang moral at Pagpapahalagang
kultural na panggawi.
Mahusay, ang dalawang uri nito ay
ganap na pagpapahalaga moral o Opo.
Absolute Moral Values kung saan ito
ay itinuturing na universal truth at ang
ikalawa naman ay Pagpapahalagang
kultural na panggawi o cultural
behavioral
values.
Ito
ay
pagpapahalagang nagmula sa loob ng
tao. Naunawaan po ba?
Para rin sa inyong kaalaman mayroong
mga katangian ang Absolute Moral
Values,
obhetibo
o
objective,
pangkalahatan
at
eternal.
Samantalang ang katangian naman ng
cultural values ay subhetibo o Ma’am, ang sagot po ay Birtud.
subjective,
panlipunan
at
sitwasyonal.
Sunod naman
(Ipapakita ang sunod na jumbled letters)
BRITDU
MARCH 07, 2023
Sino ang maaaring magbigay ng
kanilang kasagutan? (tatawag ng magaaral)
Tama, birtud o virtue na galing sa
salitang latin na virtus na ang ibig
sabihin ay pagiging tao, pagiging
malakas at pagiging matatag.
Mayroon itong dalawang uri na kung
tawagin ay intelektuwal na birtud at
moral na birtud. Ang intelektuwal na
birtud ay ginagamit ang ating isip
samantalang ang moral na birtud
naman ay may kinalaman sa ating
kalooban.
Mahusay! Tunay ngang naunawaan
niyo na ang Kaugnayan ng Birtud at
Pagpapahalaga. Ngayon naman ay
dumako na tayo sa ating panibagong
aralin.
C. Paghahabi sa layunin
Sa aralin na ito, inaasahang
maipamamalas mo ang mga
sumusunod na kaalaman,
kakayahan at pag-unawa:
1. Natutukoy ang iba’t-ibang antas
ng pagpapahalaga at ang mga
halimbawa ng mga ito.
2. Nakakagagawa ng hagdan ng
sariling pagpapahalaga batay
sa Hirarkiya ng mga
Pagpapahalaga ni Max Scheler
D. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa
bagong aralin
Magpapakita ang guro ng mga larawan
at ipapaayos ito sa mga mag-aaral
ayon sa antas ng pagpapahalaga nila
rito.
Panuto:
Makikita
mo
sa
mga
sumusunod a larawan ang ilang bagay
na mahalaga sa tao. Ayusin mo ang
mga larawan ayon sa antas ng
pagpapahalaga mo dito. Simulan sa
mababang halaga hanggang sa
pinakamahalaga.
Kukuha ang mag-aaral ng kanilang kwaderno
at sisimulang gawin ang pinapagawa ng guro.
MARCH 07, 2023
Mga Bagay
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
(Tatawag ng mag-aaral upang ibahagi ang (Ibabahagi ang pagkakasunod-sunod ng mga
bagay na mahahalaga sa kanila)
kanilang nagawa)
Maraming salamat sa inyong pagbabahagi.
Ngayon, ano kaya ang hirarkiya ng
pagpapahalaga at bakit kaya hindi pantaypantay ang pagbibigay natin ng pagpapahalaga
sa mga bagay?
E. Talakayan
Hirarkiya ng Pagpapahalaga ni Max
Scheler
Ang hirarkiya ng pagpapahalaga ay
maihahalintulad sa isang hagdan na
binubuo ng iba’t-ibang baitang o lebel.
Ano-ano ang mga mahahalagang bagay Pamilya po Ma’am, pagkain at damit.
para iyo bilang isang nagbibinata at
nagdadalaga? (tatawag ng mag-aaral)
Kung mapapansin ninyo, magkakaiba
tayo ng pinapahalagahan. Maaaring
mayroong pagkakataon na tayo
mayroong
pagkakaperaho
sa
pinapahalagan, ngunit ang paraan at
antas natin sa pagpili ay magkakaiba.
Ang Hirarkiya ng Pagpapahalaga ni Max
Scheler ay makakatulong upang
mabigyang linaw ang antas ng iyong
mga pinapahalagahan kasabay sa kung
paano mo mapapataas ang mga ito
upang makamit ang iyong kaganapan
bilang tao.
Para lubos maunawaan ang Hirarkiya
ng Pagpapahalaga, kailangan munang
maunawaan ang limang katangian ng
mataas ng pagpapahalaga. Ito ang
pamantayan sa pagpapasya ng antas
MARCH 07, 2023
Limang Katangian ng Mataas na
Pagpapahalaga (isinulat ni Max
Scheler mula sa thesis ni Tong-Keun
Min na “A Field Study on the
Hierarchy of Values”)
1. Mas tumatagal ang mas mataas na
pagpapahalaga kung ihahambing sa
mababang mga pagpapahalaga.
2. Mas mahirap mabawasan ang
kalidad ng pagpapahalaga.
3. Mataas
ang
antas
ng
pagpapahalaga kung ito ay lumikha
ng iba pang mga pagpapahalaga.
4. May likas na kaugnayan ang antas
ng pagpapahalaga at ang lalim ng
kasiyahang nadarama sa pagkamit
nito.
5. Ang isang pagpapahalaga ay nasa
mataas na antas kung hindi ito
nakabatay
sa
organismong
nakararamdam nito.
Mula sa nabanggit na mga prinsipyo,
nabuo ni Scheler ang Hirarkiya ng
Pagpapahalaga. Tinawag niya itong
“ordo amoris” o order of the heart.
Hirarkiya ng Pagpapahalaga ayon kay
Max Scheler
1. Pandamdam na Pagpapahalaga
- Itinuturing na pinakamababang
antas ng pagpapahalaga.
Hal. pagkain, damit, tirahan, mga
luho ng tao
2. Pambuhay na Pagpapahalaga
- Ito ay mga pagpapahalagang
may kinalaman sa mabuting
kalagayan ng buhay.
Hal. pagkain ng masustansyang
pagkain, paghinga, pagkausap sa
mga tao
3. Ispiritwal na Pagpapahalaga
- Ito ay tumutukoy sa mga
pagpapahalagang
para
sa
kabutihan.
Hal. pagpapahalaga sa katarungan,
pagkilala sa katotohanan
Problems of a Sociology of
Knowledge na isinulat ni Max
Scheler:
a.
Mga
pagpapahalagang
pangkagandahan
(aesthetic
values
b. Pagpapahalaga sa katarungan
(values of justice)
c. Pagpapahalaga sa ganap na
pagkilala sa katotohanan (values
of full cognition of truth)
4. Banal na Pagpapahalaga
- Ito ay pinakamataas sa lahat ng
antas ng mga pagpapahalaga.
Hal.
mga
kinakailangan
sa
pagharap sa Diyos
MARCH 07, 2023
F. Paglapat ng aralin sa pang araw araw
na buhay
Ipapanood ang isang video at magbibigay ng Gawain:
katanungan mga guro tatalakayin kung anong
naunawaan ng mga mag-aaral at kung paano Panuto: Sa video na inyong pinanood, itala ang
ito maiuugnay sa Hirarkiya ng Pagpapahalaga. lahat ng mga pagpapahalaga na inyong nakita
sa bida at iugnay ito sa inyong sarili. Ano ang
gagawin ninyo para mapataas pa ang
pagpapahalaga rito at kung paano niyo ito
magagamit sa pang-araw-araw.
G. Paglalahat ng Aralin
Sa pagtatapos ng ating aralin, sa ano nga
ulit maihahalintulad ang Hirarkiya ng
Pagpapahalaga?
“Ma’am maihahalintulad po ito sa hagdan po.”
Mahusay! Bakit ito naihahalintulad sa isang
hagdan?
“Ma’am dahil kagaya po ng hagdan mayroon po
itong iba’t-ibang lebel.
Tama, dahil mayroon din itong iba’t -ibang
antas ng ating pagpapahalaga.
Bakit kailangan nating maunawaan ang
limang
katangian
ng
mataas
na
Pagpapahalaga?
“Ma’am para po mas maunawaan natin kung
paano mapatataas ang antas ng ating
pagpapahalaga.”
Magaling, ang limang katangian ng mataas
na antas ng pagpapahalaga ay siyang
magsisilbing gabay sa atin upang matukoy
kung
tama
nga
ba
ang
ating
pinapahalagahan.
Ano-ano
ang
apat
na
antas
Pagpapahalaga ayon kay Max Scheler?
ng
“Ma’am, ang apat na antas po ng
pagpapahalaga ay una, pandamdam na
pagpapahalaga,
pambuhay
na
pagpapahalaga, ispirituwal na pagpapahalaga
at banal na pagpapahalaga.”
IV. PAGTATAYA
Panuto: Gumawa ng sariling Hagdan ng Pagpapahalaga batay sa hirarkiya ng pagpapahalaga
ni Max Scheler. Mula sa iyong mga larawan ng mga mahahalaga, tukuyin mo kung saang antas
nabibilang ang mga ito.
MARCH 07, 2023
V. TAKDANG ARALIN
Takdang Aralin: Magsaliksik tungkol sa panloob na salik na nakaiimpluwensya sa
paghubog ng mga pagpapahalaga at ipaliwanag ang mga ito.
Inihanda ni:
Sophia Nicole Montecastro
Student Teacher
Sinuri ni:
Gng. Ivy Fiona E. Ibasco
Teacher III
Download