Uploaded by Winter Min

pdfcoffee.com research-epekto-ng-implasyon-sa-mga-mag-aaral-pdf-free

advertisement
BABABA, BABABA BA, BABABA PA BA?: ISANG PAG-AARAL TUNGKOL SA MGA
EPEKTO NG IMPLASYON SA MGA MAG-AARAL NG LCUP SA BAITANG SIYAM AT
SAMPU
____________________
Isang Pananaliksik na Inihain sa mga Guro ng
La Consolacion University Philippines
Basic Education Department
____________________
Bilang Bahagi ng mga Pangangailangan sa
Asignaturang Araling Panlipunan 10:
Kontemporaryong Isyu
____________________
Ipinasa ng:
IKALIMANG PANGKAT
10 PERSEVERANCE
Aguilar, Stephan Kelian S.
Almario, Kyrie Anne M.
Espero, Marc Ernest C.
Lim, Marie Katrina DC.
Reyes, Ian Rafael P.
San Miguel, Darlene Mae L.
Vibar, Hershey G.
Marso 2020
PASASALAMAT
Iniaalay naming ang aming pananaliksik
una, sa aming guro sa Araling Panlipunan
na si Bb. Analiza Dela Paz na walang sawa
kaming tinulungan at ginabayan upang
mabuo ang aming pananaliksik at sa
pagganap niya bilang aming guro sa huli
naming taon bilang isang sekondaryang
mag-aaral ng La Consolacion University
Philippines. Ikalawa, sa aming mga
magulang at iba pa naming kapamilya na
patuloy kaming sinuportahan sa aming
gawain at naglaan ng oras at pera sa amin.
Nais rin po naming pasalamatan ang aming
respondente dahil kung wala sila'y hindi
makukumpleto ang pagsasagawa namin ng
pananaliksik at sa aming mga kaklase na
patuloy na nagtutulungan at hindi nanghila
pababa ng kahit sino mang grupo.
Nagpapasalamat din kami sa mga may
akda ng mga pinagkuhanan namin ng
sanggunian. Higit sa lahat, inaalay namin
ito sa makapangyarihang Diyos na may
likha ng lahat ng biyaya. Nawa'y pagpalain
Niya tayong lahat.
INTRODUKSYON
Ang mga Pilipino ay hindi nauubusan ng kagustuhan at pangangailangan, kung
kaya’y ninanais nila na punan ito sa pamamagitan ng pagbili, ngunit sa bawat pagkakataon na sila
ay maglalabas ng pera ay hindi maitatanggi na ikinokonsidera nila ang presyo nito. Ito ay dahil ang
presyo ng mga produkto ay patuloy na nagbabago at tumataas. Dito pumapasok ang konsepto ng
implasyon. Ang konsepto ng implasyon ay nahahati sa maraming sangay, ito ay ang deplasyon,
boom, at depression. Mula sa isinagawang pag-aaral ni Sarion (2012), ang deplasyon ay tumutukoy
sa pag baba ng presyo ng mga bilihin, boom naman ang tawag sa pinakamataas na bahagi ng trade
cycle at ang panghuli naman ay ang tinatawag na depression, ito naman ay makikita sa
pinakamababang bahagi ng trade cycle na ayon kay Keynes (n.d.), ito ay binubuo ng mga panahon
ng good trade, na nailalarawan sa pagtaas ng mga presyo at mababang porsyento ng kawalan ng
trabaho, paglilipat sa mga panahon ng bad trade na nailalarawan sa pagbagsak ng mga presyo at
mga porsyento ng kawalan ng trabaho. Ang implasyon ay may iba't ibang sanhi o dahilan. Una ay
ang konsepto ng demand pull, nagaganap ang demand pull inflation kapag mayroong malakihang
paggasta ang pamahalaan, sambahayan, bahay-kalakal, at panlabas na sektor. Ito ang dahilan ng
pagkakaroon ng shortage sa pamilihan na nagdudulot ng pagtaas ng presyo sa mga bilihin. Dagdag
pa rito, kapag sobra ang salapi ng mamamayan, malaki ang pagkakataon na patuloy na bibili ng
maraming produkto ang mga konsyumer at dito magsisimula ang pagtaas ng presyo (“Dahilan at
Bunga ng Implasyon”, 2017). Pangalawa ay ang konsepto ng cost push, batay sa impormasyon na
nakalap ni Telan (n.d.), ang cost push naman ay tumutukoy sa pagtaas ng mga gastusin para sa
pamproduksiyon ng iba’t ibang mga produkto na nagiging sanhi ng pagtaas ng bilihin, at ang
panghuli naming konsepto ay ang tinatawag na structural inflation, ito ay nagaganap dahil labis na
umaasa ang ekonomiya sa mga angkat at dayuhang kapital.
Ayon sa Official Gazette ng Republika ng Pilipinas, ang implasyon o inflation ay
ang pagtaas ng presyo ng ilang pang-karaniwang produkto at serbisyong binibili ng mga
konsyumer. Ito rin ang isa sa pangunahing problema ng mga Pilipino na may malaking epekto sa
isang bansa. Kabilang sa mga pangunahing produkto dito sa Pilipinas na naaapektuhan ang presyo
ay ang pagkain katulad ng bigas at karne, kuryente, LPG, at langis. Ayon kay Arao (2008),
nagsimulang lumaganap ang implasyon o ang pagtaas ng bilihin noong 1970s dahil sa biglaang
pagtaas ng langis. Ito ang dahilan kung paano nagsimula ng pandaigdig na paghina ng ekonomiya.
Ngunit, mas malaki ang epekto nito sa bansa na mahihirap o mas kilala bilang Third World Country
na hindi gumagawa ng langis. Isa pang ulat mula sa Pilipino Star Ngayon (2018), ang dahilan ng
pagtaas ng mga pangunahing bilihin ay dahil sa pagtaas ng pandaigdigang presyo ng langis na
patuloy na nagpapalala sa pagbagsak ng piso. Sinasabi na ang implasyon ay maaaring mabuti o
masama. Ang implasyon ay mabuti kung ang dahilan nito ay ang pagtaas ng demand. Ayon kay
Mendoza (2016), ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong nais at kayang
bilhin sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon. Ang presyo nito ay tataas kung kaya’t kikita
ang mga negosyante at prodyuser sa bansa. Ito ang patunay na hindi pabor dito ang mga mag-aaral
sapagkat tataas ang kanilang gastusin sa pang araw-araw kung kaya’t nasasabi na ito ay masama.
Sinabi sa Modern Economics, na ang implasyon ay nagiging masama dahil ito ay nagdudulot ng
pagbaba ng halaga ng pera katulad ng piso o dolyar, dahil sa gastusin ng pamahalaan, o dahil sa
pagtaas ng presyo ng isang bagay sa pandaigdigang merkado na nagreresulta ng implasyon.
Ayon sa interbyung isinagawa ni Cordero (2018), inilathala ni Andanar (2018), na
simula pa lamang noong una, ang implasyon ay problema na ng mga Pilipino. Kung tutuusin, ang
anim punto apat porsyento (6.4%) na naitala noong Agosto 2018 ay mababa pa kumpara sa panahon
nina Corazon Aquino, Ferdinand Marcos, at Fidel V. Ramos. Nabanggit din sa artikulong ito ni
Lambino (2018), na ang anim punto apat porsyento (6.4%) ay mababa pa kumpara sa katampatan na
inflation rate noong 1990s na nasa sampung porsyento (10%). Sa panayam ng DZMM ng ABS CBN,
inilahad ng Philippine Statistics Agency na ang pagtaas ng inflation rate sa naturing na buwan na ito
ay ang pinaka mataas na naitala sa loob ng siyam na taon. Ayon sa mga impormasyon na nakalap
ni Bueza (2018), noong panahon ng dating pangulo Ferdinand Marcos, ito ay dulot ng pagbaba ng
halaga ng piso kontra dolyar, malakihang gastusin ng pamahalaan, presyo ng langis sa
pandaigdigang merkado, at ang sunod-sunod na pananalasa ng mga bagyo sa bansa. Isinasaad ng
pag-aaral na isinagawa ni Punongbayan (2018), ang nag-udyok sa pagtaas ng inflation rate sa bansa
noong 1984, kung bakit naabot natin ang mataas na limampu punto tatlong porsyento (50.3%) sa
inflation rate, ay dahil sa epekto ng digmaang sibil na naganap noong panahon ni Marcos dahil sa
kaniyang mapanakit at nakamamatay na polisiya. Mataas din ang inflation rate sa Pilipinas noong
panahon ng panunungkulan ni Corazon Aquino sa bansa. Ayon sa pag-aaral na isinagawa ni Bueza
(2018), nabanggit din ni Punongbayan (2018), na ang Pilipinas noon ay galing sa panahon ng
pagbagsak ng ekonomiya noong bandang 1980. Dagdag pa niya, ang administrasyong Cory Aquino
ay nabulabog dahil sa power crisis, mga coup d’etat, at mga kalamidad. Sa kasalukuyang panahon,
ang administrasyong Duterte ay kinakaharap din ang mataas na inflation rate ng bansa. Pinanukala
ng Department of Finance ang Republic Act No. 10963 o mas kilala bilang Tax Reform for
Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law ay ang unang bahagi ng Comprehensive Tax Reform
Program na isinusulong ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Layunin ng panukalang
ito na gawing mas madali, makatarungan, at maayos ang pagkolekta ng buwis. Nais nito na
pababain ang tax ng mga mahihirap at ordinaryong mamamayan at gawing mas malaki ang
ibinabayad na buwis ng mga mayayaman. Ang mga sumasahod ng halos dalawampung libong piso
(Php 20,000) kada buwan ay hindi na magbabayad ng income tax. Subalit, kasama ng biyaya ng
dagdag sahod ay ang pagtaas ng tax sa langis at asukal at ang pasunod na pagtaas ng presyo ng
ibang bilihin.
Sa interbyung isinagawa ni Vicencio (2018), mula sa ulat ng ABS CBN, tungkol sa
pagtaas ng presyo ng bilihin, maihahayag ang paghihirap ng iba’t ibang mga estudyante sa kanilang
suliranin patungkol sa implasyon. Sila ay naaapektuhan sa iba’t ibang aspekto katulad na lamang sa
pagbili ng mga pangunahing pangangailangan kagaya ng pagkain, gamit sa panggawa ng mga
proyekto, at pati na rin pamasahe papasok sa eskuwelahan dahil kabilang ito sa mga produkto at
serbisyo na tumaas ang presyo dahil sa mataas na inflation rate. Kung kaya’y iba’t ibang diskarte
ang kanilang ginagawa upang maibsan ang kakulangan sa pera. Masasabi na ang mga estudyante ay
kaniya-kaniyang pagtitipid ang ginagawa depende sa estado nila sa buhay dahil ito pa lamang ang
kanilang magagawa sapagkat wala pa silang trabaho at umaasa pa lamang sa magulang. Ang
pananaliksik na ito ay may layuning malaman ang epekto at suliranin na dulot ng implasyon na
nakapokus sa mga estudyante sa ikasiyam (9) at ikasampung (10) baitang sa isang pribadong
unibersidad ng La Consolacion University Philippines. Dagdag pa rito, ang mga mananaliksik ay
nais ding malaman kung ang isyu ba na ito ay lubos na nakakaapekto at isang malaking suliranin
para sa mga mag-aaral at kung sila ay may sapat na kaalaman tungkol dito.
I. EPEKTO NG IMPLASYON SA MGA MAG-AARAL
Ninais ng mga mananaliksik na alamin ang epekto ng pagtaas ng bilihin sa mga
mag-aaral. Ayon sa pag-aaral ni Kershaw (2008), isinaad dito ni Shipman (2008), na mas nagdurusa
ang mga mag-aaral sa implasyon dahil ang kanilang mga pangangailangan ang isa sa mga
pinakamataas
ang
presyo.
Maraming sanhi ang implasyon at maging ang pamahalaan ay nahihirapan na pigilan at solusyunan
ang implasyon (Montemar, 2018). Lubos na nagdurusa ang mga tao lalo na ang mga kapos-palad.
Ang mga mag-aaral ay patuloy na naaapektuhan ng implasyon, inilahad ni Maity (2018), na ang ilan
sa mga halimbawa nito ay ang pagtaas ng matrikula sa mga paaralan na hindi kayang punan ng
kanilang mga magulang na nagreresulta ng hindi pagkakaroon magandang kalidad ng edukasyon,
ang renta sa bahay ay tataas kung kaya’y bababa ang kalidad ng pagkain upang makatipid na
magreresulta ng pagbaba rin ng nutrisyon na nakakain ng estudyanteng pumapasok sa eskwelahan,
ang pokus ng mag-aaral ay hindi matutuon sa pag-aaral sapagkat ang mga gastusin ang kanyang
madalas na iisipin, at ng dahil sa implasyon, ang mga mayayaman ay lalong yumayaman at ang mga
mahihirap ay lalong naghihirap. Ayon kay Thu (2011), ang implasyon ay nakaaaapekto rin sa pagaaral ng isang estudyante. Dahil sa implasyon, madaming magulang ang hindi nasusuportahan ang
kanilang anak sa pag-aaral dahil sa pagtaas ng matrikula na kinakailangan para sa paaralan at iba
pang bagay tulad ng mga libro. Upang makatipid, hindi bumibili ng pagkain ang mga estudyante
para makaipon ng pambili sa mga libro at iba pang materyales na kailangan sa pag-aaral, kaya wala
silang tamang nutrisyon upang mag-aral ng mabuti. Gamit ang isinagawang talatanungang papel,
ipinakita na sa isang daan at limampu (150) na mag-aaral ng LCUP ay isang daan at tatlumpu’t lima
(136) ang naaapektuhan ng implasyon, sa kabilang banda, ang natitirang labingapat (14) naman ay
hindi nito naaapektuhan.
Sa mga impormasyon na ito, makikita na ang implasyon ay nakaaapekto sa mga
mag-aaral sa iba’t ibang aspeto tulad ng paraan upang matustusan ang kanilang mga pangunahing
pangangailangan. Upang matugunan ng mga naaapektuhan ang mga pangangailangan sa paaralan,
karamihan ay nagtitipid sa pamamaraan na hindi pagbili ng mga bagay na hindi kinakailangan at
hindi pagbili ng kanilang pagkain na maaaring makaapekto sa kanilang kalusugan, may ilan ding
nagtitipid para sa kanilang pamasahe upang mapagkasya ito papunta at pauwi ng paaralan, inilahad
ng isang respondenteng mula sa ikasiyam na baitang ang kaniyang diskarte tungkol sa pagbabadyet,
“Inuuna kong bilhin ang mga bagay na importante at kailangan, sa paraang ito, ako ay nagtitipid at
nakakapag-impok.” Ito ay sinuportahan ng pahayag ni Jairath (2013), na nagsasaad na ang mga
kabataan ay nag-iipon ng pera na galing sa kanilang mga baon. Sa pag aaral niyang ito, naipapakita
kung paano nasasanay ang kabataan sa pagbabadyet at pagiipon ng pera para sa mga gastusin at
bilihin. Dagdag pa niya, ang pagbili ng mga bagay na walang saysay ay malilimitahan ng mga magaaral nang dahil sa pag-iipon. Isa pang respondenteng mula sa ikasampung baitang ang nagsabi na
“Oo, lalo na ngayon na ako ay nagcocommute na lang,” sa sagot na ito ng respondente, sinasaad
dito na sila ay nagtitipid para mabadyet ang kanilang pera at ito ay may magandang naidudulot sa
kanila. Isinaad sa pag-aaral nina Laderas, Munoz, Serevo, Tabulug, Tanzo at Magaway (2010) na,
“Sa mga nagko-commute, wasto ang ipagpatuloy ang pagbabadyet ng baong salapi para sa
pamasahe dahil natututunan ang tamang paghawak at pamamahala sa pera.”
Inilahad ng labingapat (14) na respondente na sila ay hindi gaanong naaapektuhan
ng implasyon sa kadahilanan na sila ay dumedepende pa lamang sa kanilang mga magulang at
sinasabi na sila ay mag-aaral pa lamang at wala pa gaanong gastusin katulad ng mga matatanda,
ayon sa sagot ng isang respondente mula sa ikasampung baitang, “Dahil ako’y estudyante lamang,
ang aking mga magulang ang madalas na magbayad at bumili ng aking mga pangangailangan.”
Bagama’t ang ilang mag-aaral ay hindi pa ramdam sa kanilang pamumuhay ang implasyon, ang
maaari pa lamang nila na gawin ay magtipid dahil sila ay umaasa pa lamang sa kani-kanilang mga
magulang, na sinusuportahan ng isang interbyu na isinagawa ni Vicencio (2018), mula ABS CBN
News, na naglalahad ng iba’t ibang mga diskarte ng ilang mag-aaral kung paano maiibsan ang
kanilang kakulangan sa pera tulad ng pagbabaon ng pagkain, paglalakad papunta at pauwi sa
eskwelahan, at ang ilan ay pagpapaliban kumain.
Nakasaad sa pag-aaral ni Mendoza (2018), ang paglala ng implasyon ay may
epekto sa presyo ng mga bilihin ng mga tao. Dito maaapektuhan ang mga estudyante sapagkat ang
ibang mga estudyante ay kapos-palad lamang. Kung patuloy itong lalala, mas lalong maaapektuhan
ang mga mag-aaral, ito ay ayon sa nakalap ni Vicencio (2018), na magpapakita ng malaking epekto
ng implasyon sa mga mga mag-aaral. Base sa isang mag-aaral na ininterbyu ni Vicencio (2018), ang
ilan sa mga mag-aaral ay hindi na makabili sa kantina dahil sa pagtaas ng presyo ng mga pagkain,
ito ang dahilan ng kagutuman ng iba. Ang lahat ng ito ay sumasang-ayon sa itinala na impormasyon
ni Santos (2018), na magpapatunay na hindi na makasabay ang ibang mga estudyante sa pag-aaral
sa eskwelahan dahil sa lubhang pagtaas ng mga presyo na kailangan nilang gastusin para sa
kanilang mga aktibidad.
II. RESULTA NG IMPLASYON SA MGA MAG-AARAL NG LCUP
Nakalahad sa pangalawang numero ng talatanungan ng mga mananaliksik ang
katanungan sa respondente na, “Paano mo binabadyet ang pang araw-araw mong allowance? Ikaw
ba ay nagtitipid?” Batay sa pag-aaral ni Montemar (2018), hindi maganda ang dulot ng mabilis at
labis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin subalit nakasisira ito ng kabuuang ekonomiya. Ito ay isa
sa dahilan kung bakit nagiging masalimuot ang implasyon. Bunga naman nito ay ang pagpatay ng
interes ng mga tao upang mag-impok. Masasabing kabilang ang mga mag-aaral dito sapagkat
lumabas sa mga datos na ang tatlumpung (13) respondente ay hindi nakakapagtipid o
nakakapagipon dahil sa kinakaharap nila na implasyon.
Isa sa mga respondente na mula sa ikasiyam na baitang ay nag sagot sa inilathang
talatanungan ng mga mananaliksik ay, “Oo, dahil may ibang bagay pa akong bibilin na mas
kailangan kaysa sa kagustuhan.” Ang pagkawala ng interes ng mga estudyante sa pagbili ng
kanilang mga nais na bilhin ay dulot na rin ng implasyon na malalaglag sa Diminished Purchasing
Power. Ayon sa panayam ni Santos (2018), ng GMA News kay Leyco (2018), isang ekonomista,
“Ang Diminished purchasing power ay ang pagkakabawas o paghina ng halaga ng mabibili mo sa
iyong pera. Dati isang dakot ang iyong mabibili, ngunit ngayon ay pirapiraso na lang ang maiuuwi
mo dahil sa implasyon.” Dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin, hindi nagiging sapat ang pera o
baon na dala ng mga mag-aaral dahil hindi ito sapat upang mabili ang kanilang mga kinakailangan
para sa eskwelahan. Nakaaapekto ito sa mga estudyante dahil mas kaunti na lamang ang mga
produkto na kaya nilang bilhin kaya’t nagiging limitado na ang kanilang maaaring gamitin.
Sa kabilang dako, isang daan at tatlumpu’t pitong (137) respondente ang
gumagawa ng iba’t ibang diskarte upang hindi maubos ang kanilang pera. Batay sa nakalap na
impormasyon nina Bosano, Manabat at Vicencio (2018) kaniya-kaniya ng diskarte ang mga tao
kung papaano sila makakatipid sapagkat hindi mapigilan ang pagtaas ng mga presyo o ang
tinatawag na “inflation”. Napatunayan ito sapagkat lumabas sa inilathalang sarbey ng mga
mananaliksik ang mga diskarte na ginagawa ng mga mag-aaral katulad ng pagbabaon ng pagkain at
paggamit ng mga materyales na maaari pang gamitin muli, dulot ng paglobo ng mga bilihin na
kinakailangan para sa mga proyekto at aktibidad sa paaralan. Isinaad ng isang respondente mula sa
ikasiyam na baitang ang kaniyang diskarte upang masolusyonan ang problema sa implasyon, “Ang
aking allowance ay nahahati sa pamasahe, bayarin, at pagkain, ngunit may mga pagkakataon na
nagbabaon ako upang hindi maubos ang aking pera” at ang tugon ng isa pang respondente na mula
rin sa ikasiyam na baitang na, “Nagkakaroon ng Segregation. Nagtatabi ako ng pera pang pamasahe
at perang sapat sa pangkain ko at ang matitira ay iipunin ko.” Ito ay nagiging sanhi kung bakit nagiiba ang paraan ng paghawak ng pera ng mga estudyante. May respondente mula sa ikasiyam na
baitang ang nagpakita na ang pagiimpok ay kinakailangan, “hindi ako kumakain. kailangan ko
magtipid dahil mahirap ang walang pera.”
Sa makabagong panahon, hindi maikakaila na ito ang panahon kung saan patuloy
at laganap ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin ng pangunahing pangangailangan ng mga tao
hinggil sa mga produktong pangkain, damit, tubig, kuryente, renta ng bahay, gasul at marami pang
iba Walang kasiguraduhan kung kailan bababa ang presyo ng mga bilihin o patuloy lang na tataas
ang presyo nito sa mga susunod pang araw. Mahirap isipin na sa nangyayaring ito, ay walang
maaaring gawin kung hindi ang tangapin na ito ang katotohanan na dapat lunukin ng bawat
mamamayan. Kinakailangang magtipid o mag impok at iwasang gumastos ng sobra-sobra nang sa
gayon ay makapag-ipon ng salapi. Ngunit, ang tanong, “nagagampanan ba natin ito?” Lalong higit
sa mga mag-aaral. Hindi madali, sapagkat mayroong mga pagkakataon na nakakalimutan at hindi na
naisasapamuhay ang gawaing ito. Isang halimbawa nito ay ang pagkakataon na nagkakaroon ng
mga biglaang yayaan ang kanilang mga kaibigan na kumain sa labas, magliwaliw o ‘di kaya’y
mayroong biglaang bayarin sa paaralan. Ayon nga sa mga nakatatanda, “ubos-ubos biyaya, Bukas
nakatunganga.” Naisasantabi na ang mga pangunahing pangangailangan para sa sariling kagustuhan
at luho (“PAG-IIMPOK NG SALAPI: ALAMIN ANG KAHALAGAHAN!”, 2016).
May pahayag ang respondente mula sa ikasiyam na baitang ang nagsaad na sila ay
nagbabadyet, “Tinutuon ko ang allowance ko sa pagkain at kapag may mga proyekto naman
tinitipid ko ito upang mas mabili ang gamit na yon.” Ayon sa artikulong isinulat ni Salce (2018),
hindi maaaring ipagpaliban ang mga importanteng gastusin sa pang araw-araw, at ang ilan sa mga
ito ay ang pagkain, pamasahe, at mga materyales para sa proyekto. Dagdag pa niya, upang hindi
matukso na gamitin ang allowance, sikaping ipunin ang kalahati nito at ang isa pang kalahati ay
gamitin sa matalinong pagdedesisyon o mas kilala bilang pagbabadyet. Ang mga produkto na lagi
nilang binibili ay bibihira na lamang na bilhin dahil nadadamay rin ang mga ito sa pagtaas ng
presyo. Ang iba naman ay nagpasya nang tumigil na muna sa pag aaral sapagkat ang iba ay kinapos
na sa salapi upang may maipang gastos lamang sa kanilang pangangailangan.
Ilan sa mga respondente ay sinasabing hindi sila masyadong naapektuhan sa
pagtaas ng presyo na dala ng implasyon dahil nakadepende pa lamang sila sa kanilang mga
magulang o pamilya na kinakasama, ngunit sa kabilang banda, mayroong mga nagsabi sa
talatanungan na nadadagdagan ang kanilang allowance o hindi kaya ay nagtitipid. Natututo rin ang
mga mag-aaral na lagyan ng limitasyon ang kanilang paggastos at paghawak ng salapi. Dagdag pa
rito, may mga mag-aaral din na naaapektuhan sapagkat kinakailangan nilang mamasahe upang
makarating sa paaralan. Ayon kay Dequia (2018), ang pag-intindi ng mga mamamayan tungkol sa
Sektor ng Transportasyon sa pagtaas ng pamasahe sa pampasaherong dyip ay nararapat lang.
Nabanggit ni Javellana (2018), mula sa pag-aaral ni Dequia (2018) sa Radio Veritas, na malaki ang
epekto ng TRAIN Law hindi lamang sa presyo ng produktong petrolyo kundi maging sa mga spare
parts ng mga sasakyan. Maipapakita rito ang katunayan na mayroong epekto ang implasyon sa mga
mag-aaral.
III. POSITIBONG NAIDUDULOT NG IMPLASYON SA MGA MAG-AARAL NG LCUP
Lumabas sa datos na dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, ang
mga mag-aaral ay natututong magtipid, mag-ipon at maging mautak sa paggamit ng pera. Ang
pagiging mapamaraan nila sa kanilang paghawak ng salapi ay isang senyales na ang implasyon ay
hindi lamang negatibo ang naidudulot. Ang lahat ng ito ay sumasang-ayon sa pag-aaral ni Shipman
(2008), para sa mga mag-aaral, ito ang una nilang tikim sa kalayaan, kaya ang pagtungtong nila sa
kasalukuyang ekonomiya ay magiging mahirap. Kung dati man ay nasanay silang makuha kaagad
ang kanilang mga kagustuhan, ngayon naman ay nasanay silang makuntento kung hanggang saan
lang ang kaya ng kanilang badyet.
Bagama’t puro negatibong epekto ang binibigyang pansin kapag may nagaganap
na pagtaas ng bilihin, hindi maikukubli na may positibong dulot din ito. Batay sa inilunsad na
sarbey ng mga mananaliksik, dahil sa problema na dulot ng implasyon, lumabas ang pagiging
masinop sa pera ng mga mag-aaral sa murang edad. Isang daan at tatlumpu’t lima (135) na
respondente ang nagsabi na kinakailangan na magtipid, mag-ipon, at matutong magbadyet ng dahil
sa implasyon. Ayon sa pag-aaral nina Laderas, Munoz, Serevo, Tabulug, Tanzo at Magaway (2010),
masasabing ang simpleng akto ng pagtitipid o pagbabadyet ng mga mag aaral ay isang maliit ngunit
mabisang hakbang o paraan upang maibsan at malabanan ang mga problema na dulot ng implasyon.
Ilan pa sa mga positibong naidudulot nito ay ang pagiging maparaan ng mga
kabataan sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang materyales na maaari pang magamit muli na
nakatutulong sa ating kapaligiran, pagbili ng mga pangunahing kailangan, paghahati ng kanilang
allowance, at paggamit ng mga alternatibong produkto. Sa paggamit ng mga materyales na maaari
pang magamit muli, naiiwasan madagdagan ang masamang dulot ng polusyon na laganap dito sa
Pilipinas. Isa sa mga paraan upang matulungan ang mga estudyante sa pagharap ng implasyon ay
ang pagbibigay nila ng awas. May mga mag-aaral ang namamasahe papunta sa paaralan at pauwi ng
bahay, kaya isa sa mga paraan upang gumaan ang bigat na dinadala nila dulot ng implasyon ay ang
pag-awas ng kanilang fare o pamasahe sa mga pampublikong sasakyan. Ayon kay Garcia (2018),
inaprubahan na ng House Committee on transportation ang pagbibigay ng dalawampung
porsyentong (20%) diskwento sa mga estudyante sa lahat ng uri ng sasakyan kahit na sa mga
katapusan ng linggo at mga pagdiriwang o okasyon.
IV. KAALAMAN NG MGA MAG-AARAL NG LCUP PATUNGKOL SA ISYU NG
IMPLASYON
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng paghahanda ng mga
mananaliksik ng sarbey na ibinahagi sa mga mag-aaral ng La Consolacion University Philippines.
Partikular na ang mga mag-aaral sa ikasiyam (9) at ikasampung (10) baitang, na mayroong sapat na
kaalaman tungkol sa isyu ng implasyon. Alam ng mga respondente na tumataas ang presyo ng mga
bilihin ngunit hindi nila alam ang konsepto na pinagmulan nito. Ang mga resulta ng sarbey ay
nagpapakita na alam ng mga mag-aaral ang kahulugan ng implasyon ngunit hindi nila naiintindihan
ang implasyon sa isang mas malalim na antas. Masasabi rin na sila ay may kaalaman sa isyu
sapagkat nabigyan nila ito ng solusyon sa isinagawang sarbey. Mapatutunayan ito sa interbyung
isinagawa ni Vicencio (2018), “Umaaray na rin ang mga estudyante sa patuloy na pagtaas ng presyo
ng bilihin kaya’t iba’t ibang diskarte na ang ginagawa nila para maibsan ang kakulangan sa pera.”
Sinabi rin nina Ela, Erlano, Espedillon, Fernandez at Flores (2016), “Ang mga tao ay may malaking
bahaging ginagampanan upang mabawasan, kundi man masugpo ang implasyon. Ang paglutas nito
ay kailangan gawin upang hindi maging sagabal sa pag-unlad ng ekonomiya.” Karamihan sa mga
sagot sa inilathalang sarbey na maaaring maging solusyon sa mga suliranin na naidudulot ng
implasyon ay pagtitipid upang makaraos sa araw-araw na gastusin na lalong pinataas ng implasyon.
Isinaad ni Boiles (2013), na “Ang kaalaman tungkol sa implasyon ay makatutulong sa tamang
pagpapasya tungkol sa paggastos.” Malinaw na pinapakita sa kanilang mga sagot na malawak ang
kanilang kaalaman tungkol sa nasabing ideya.
KONKLUSYON
Sa kasalukuyang panahon, isa sa mga pangunahing problema na kinakaharap ng
ating lipunan ay ang problema sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing pangangailangan o mas
kilala sa tawag na implasyon. Isa sa mga taong naaapektuhan nito ay ang mga mag-aaral dahil sa
iba’t ibang aspeto katulad ng hindi sila makasabay sa mga aktibidad ng paaralan dulot ng
pagmamahal ng iba’t ibang materyales sa pagbuo ng mga proyekto. Sa kabilang banda, may mga
positibong epekto ang implasyon. Dahil dito natututo ng tamang pagbabadyet, paggamit ng mga
materyales na maaari pang gamitin muli na makakatulong upang mabawasan ang mga pangarawaraw na gastusin ng mga mag-aaral. Dagdag pa rito mayroong sapat na kaalaman ang mga magaaral patungkol sa implasyon ngunit hindi nila alam ang tawag sa konsepto na ito. Batay din sa
aming pag-aaral, may ilan ding mga mag-aaral na hindi gaano apektado dahil karamihan sa kanila
ay dumedepende pa lamang sa kanilang mga magulang o kaya nama’y mataas ang kanilang
allowance.
Ang maaari nating gawin bilang mag-aaral ay sumunod na lamang sa gagawing
pamamaraan ng ating pamahalaan. Kasabay nito, dapat ding gawin ng gobyerno ang kanilang
gampanin na pataasin ang antas ng pamumuhay o sa aspetong pang-ekonomiya upang mabawasan
ang inflation rate sa bansa tulad ng pagpapatupad ng mga epektibong polisiya para sa bansa. Bawat
isa ay may kakayahan na labanan ang lumalalang krisis ng implasyon sa ating bansa. Bilang
mamamayan o mag-aaral, lahat tayo at may kahilingan at karapatan na dapat ipaglaban hanggang sa
masolusyunan ang ating nararanasang kahirapan
MGA SANGGUNIAN
PAG-IIMPOK NG SALAPI: ALAMIN ANG KAHALAGAHAN! (2016). Mula sa
https://nmaeguinto.wordpress.com/pag-iimpok-ng-salapi-alamin-ang-kahalagahan/
Cordero, T. (2018). 6.4% Inflation too low compared to rates during Marcos, Cory, FVR times.
https://www.gmanetwork.com/news/money/economy/667069/6-4-inflation-too-lowcompared-to-rates-during-marcos-cory-fvr-times/story/
Garcia, G. (2018). 20% discount sa estudyante kahit weekends, holidays aprub.
https://www.google.com/amp/s/www.philstar.com/pilipino-starngayon/bansa/2018/12/06/1874590/20-discount-sa-estudyante-kahit-weekends-holidaysaprub/amp/
Salce, K. (2018). 15 Paraan Paano Magtipid ng Pera Bilang Estudyante (Mag-aaral).
https://www.affordablecebu.com/paano-magtipid-ng-pera-bilang-estudyante-magaaral
Santos, J. (2018). Alamin: Diskarte ng isang college student sanhi ng inflation.
https://www.google.com.ph/amp/s/www.gmanetwork.com/news/balitambayan/talakayan/66
6956/alamin-diskarte-diskarte-ng-isang-college-student-sanhi-ng-isang-college-studentsanhi-ng-inflation/story/%3famp
Official Gazette (n.d.). Alamin ang inflation: Ang pagtaas ng biliin.
https://www.officialgazette.gov.ph/featured/ano-nga-ba-ang-inflation/
Mendoza, R. (2016). Ano ang Demand? – Mga Dapat Mong Malaman Tungkol sa Demand.
https://ekonomiks.info/ano-ang-demand/
Coursehero: Far Eastern University-IABF 13 (2017). Dahilan at Bunga ng Implasyon.
https://www.coursehero.com/file/23369212/DAHILAN-AT-BUNGA-NG-IMPLASYON/
Mendoza, J. (2018). Epekto ng Pagtaas ng Bilihin sa mga Mamimili.
https://www.scribd.com/document/390663983/Fil-Thesis
Bueza, M. (2018). Fast Facts: Philippine inflation rate over the years.
https://www.rappler.com/newsbreak/fast-facts/213604-things-to-know-philippine-inflationover-the-years?fbclid=IwAR1TFsvzg7JoalS03EDaTBTe67KyeYE8vkoM7ri9Qb6
TBIFSEWnEKn41Tn8
Ela, J., Erlano, R., Espedillon, D., Fernandez, J., & Flores, S. (2016). Filipino Thesis: Kaalaman ng
mga Mag-aaral ng Kursong Accountancy Hinggil sa mga Epekto ng Implasyon sa Mamamayan ng
Taytay, Rizal.
https://www.scribd.com/document/361900279/Final-Filipino-Thesis
Punongbayan, J. (2018). Golden Age? Inflation reached 50% during the Marcos Regime.
https://www.rappler.com/thought-leaders/212487-inflation-rate-philippines-during-marcosregime
Thu, B. (2011). How Inflation Affects to Students’s Life.
https://ngongoc2b-fighting.blogspot.com/2011/03/students-living-become-moredifficult.html
Sarion, E. (2012). Ikalawang Bahagi: Implasyon.
https://prezi.com/fs5b22mag5dy/project-in-ap-second-part/
Boiles, B. (2013). Implasyon.
https://billyjawboiles.wordpress.com/2013/11/10/251/
Telan, N. (n.d.). Implasyon.
https://nmaeguinto.wordpress.com/pag-iimpok-ng-salapi-alamin-ang-kahalagahan/
Montemar, L. (2018). Implasyon: Sakit ng lumalagong ekonomiya?
https://pinasglobal.com/2018/06/implasyon-sakit-ng-lumalagong-ekonomiya/
Laderas, C., Munoz, V., Serevo, J., Tabulug, C., Tanzo, L., & Magaway, M. (2010). Isang Pagaaral Tungkol sa Epekto ng Pagko-Commute sa Kabuuang Pagbabadyet ng Allowance ng mga
Estudyante.
http://akademikofilipino.blogspot.com/2010/03/isang-pag-aaral-tungkol-sa-epekto-ng.html
Modern Economics: Collection of Fourth Year Topics in Economics (n.d.). Mga Dahilan ng
Implasyon.
https://economics000rainargifel.wordpress.com/mga-dahilan-ng-implasyon/
Vicencio, L. (2018). Mga estudyante, umaaray na rin sa inflation.
https://news.abs-cbn.com/news/08/10/18/mga-estudyante-umaaray-na-rin-sa-inflation
Pilipino Star Ngayon (2018). Pagtaas ng pamasahe sa jeep, dagdag sa suliranin ng mahihirap.
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2018/07/09/1832003/pagtaas-ngpamasahe-sa-jeep-dagdag-sa-suliranin-ng-mahihirap
Bosano, R., Manabat, J., & Vicencio, L. (2018). Pagtaas ng presyo ng bilihin, maaaring magtuloytuloy pa.
https://news.abs-cbn.com/business/09/06/18/pagtaas-ng-presyo-ng-bilihin-maaaringmagtuloy-tuloy-pa
Jairath, J. (2013). Piggy Bank Money Management: A Primary Analysis of Students’ Financial
Behavior.
http://www.iosrjournals.org/iosr-jbm/papers/Vol15-issue1/A01510110.pdf?id=7380
Kalyan City Life: Sharing Wisdom and Vivid Memories of Life (2011). What is Trade Cycle?
Meaning Definition Features and Types.
https://kalyan-city.blogspot.com/2011/07/what-is-trade-cycle-meaning-definition.html
Arao, D. (2008). Solusyon ng Pamahalaan sa Pagtaas ng Presyo ng Langis.
https://www.bulatlat.com/2008/05/17/%E2%80%98solusyon%E2%80%99-ng-pamahalaansa-pagtaas-ng-presyo-ng-langis-2/
DZMM (2018). Taas-presyo, pinakamataas sa loob ng 9 na taon.
https://news.abs-cbn.com/business/10/05/18/taas-presyo-pinakamataas-sa-loob-ng-9-na-taon
Dequia, N. (2018). TRAIN law, Dahilan ng pisong pagtaas sa pamasahe.
https://www.veritas846.ph/train-law-dahilan-ng-pisong-pagtaas-sa-pamasahe-1/
Department of Finance (n.d.). The Comprehensive Tax Reform Program: Package One.
://www.hgc.gov.ph/downloadable/Tax%20Reform%20Info%20Magazine.pdf
Kershaw, A. (2008). University students hit by inflation.
https://www.independent.co.uk/student/news/university-students-hit-by-inflation901123.html
Maity, S. (2018). What is the impact of inflation on student life?
https://www.quora.com/What-is-the-impact-of-inflation-on-student-life
Download