Mary Shella C. Calingasan Enero 13, 2020 (February 3, 2020) Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 5 Ikaapat na Markahan I. Layunin Natatalakay ang mga lokal na pangyayari tungo sa pag-usbong ng pakikibaka ng bayan. Nasusuri ang reporma sa ekonomiya at pagtatatag ng monopolyo ng tabako. Napapahalagahan ang mga mabuting epekto ng pagtatatag ng monopolyo sa tabako. II. Paksang-Aralin a. Paksa: Monopolyo ng Tabako b. Kagamitan: powerpoint presentation, chalk and board, larawan, aklat c. Sanggunian: Curriculum Guide 5, III. Pamamaraan a. Panimulang Gawain a.1. Balik Aral Pagkakaroon ng balitaan na may kaugnayan sa paksang tatalakayin. Ipabasa nang malakas ang tula. Bigyang-konteksto ito. a.2. Pagganyak Tumawag ng mga boluntir. Gamit ang kanilang katawan, ipasulat ang mga letrang bumubuo sa mga salitang Monopolyo. Ipahula sa pangkat o klase ang nabuong salita. Bigyan ng kredit ang naunang nakahula 2. Itanong: •Madali bang hulaan ang mga letra kapag isinusulat gamit ang katawan? •Alam ba ninyo ang ibig sabihin ng salitang nabuo ninyo? •Sa palagay ninyo, ano ang ibig sabihin ng salitang Monopolyo? 3. Isulat sa pisara ang mga sagot ng mga bata. 4. Iugnay ang mga ito sa aralin. b. Panlinang na Gawain b.1. Paglalahad Ilahad ang aralin gamit ang powerpoint presentation: Mga susing tanong: Ano ang monopolyo sa tabako? Kailan ito ipinatupad sa Pilipinas? Anu-ano ang mga kabutihang dulot ng monopolyo ng tabako? Anu ano naman ang hindi mabuting epekto nito? b.2. Pagtatalakay Magdaos ng brainstorming kaugnay ng mga tanong. Tanggapin lahat ang sagot ng magaaral. Ipabasa ang paksa mula sa aklat sa pahina 227-228. Talakayin ang paksa. c. Pangwakas na Gawain c.1. Paglalapat Kung ikaw ay isa sa mga magsasaka noong panahon ng Espanyol, ano ang magiging reaksyon mo sa pagtatatag ng monopolyo ng tabako? c.2. Paglalahat Bigyang-diin ang mga kaisipan: Upang lumaki ang kita, nagkaroon ng pagbabago sa ekonomiya sa panahon ni Gobernador-Heneral Jose Basco. Ang monopolyo ng tabako ay naitatag. Tabako lamang ang itinatanim sa Hilagang Luzon. May takdang dami ng itatanim at may takdang presyo rin. Nahirapan ang mga Pilipino dahil kinapos sa pagkain. IV. Pagtataya Panuto: Iguhit ang masayang mukha sa unahan ng bilang kung ang pahayag ay nagpapakita ng kagandahang naidulot na monopolyo ng tabako, malungkot na mukha kung ito ay nagpapakita ng kasamaang naidulot nito sa ating bansa. Gawin ito sa notbuk. 1. Marami sa mga opisyal ng pamahalaan ang naging mapagsamantala. 2. Natutustusan na ng kinikita sa monopolyo ng tabako ang pangangailangan ng kolonya at hindi na kailangan pang humingi ng suporta mula sa Espanya. 3. Malaking lupain din ang nalinang upang gawing taniman ng tabako. 4. Naging mapang-abuso ang ilang mga opisyal sa tuwing maghahalungkat ng mga bahay ng magsasaka na pinaghihinalaang nagtatago ng tabako. 5. Nanguna ang Pilipinas sa pag-aani ng tabako sa buong silangan. V. Takdang Aralin Ilarawan. Sino sa mga Pilipinong nag-alsa laban sa mga Español ang higit mong hinangaan? Bakit? Mary Shella C. Calingasan Enero 14, 2020 ( February 4, 2020) Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 5 Ikaapat na Markahan I. Layunin Natatalakay ang mga lokal na pangyayari tungo sa pag-usbong ng pakikibaka ng bayan. Nasusuri ang mga pangyayari tungkol sa mga pag aalsa sa loob ng estadong kolonyal. Napapahalagahan ang mga mabuting epekto ng mga pag-aalsa sa loob ng estadong kolonyal AP5PKB-IVa-b-1. II. Paksang-Aralin a. Paksa: Pag-aalsa sa Estadong Kolonyal b. Kagamitan: powerpoint presentation, chalk and board, larawan, aklat c. Sanggunian: Curriculum Guide 5, Pilipinas Bilang Isang Bans app. 232-236 III. Pamamaraan a. Panimulang Gawain a.1. Balik Aral Ano ang monopolyo sa tabako? Paano ito nakaapekto sa pamumuhay ng sinaunang Pilipino? a.2. Pagganyak Pagpapakita ng larawan ng mga pag aalsa ng mga katutubo noong kolonyalismong Espanyol mula sa powerpoint presentation. b. Panlinang na Gawain b.1. Paglalahad Ilahad ang aralin sa pamamagitan ng susing tanong: Bakit nag-alsa ang mga katutubo? Sinu sino ang mga katutubo na natatandaan mong nag alsa laban sa mga Espanyol na nabanggit sa nakaraan nating aralin? Sa inyong palagay, nagtagumpay kaya ang mga katutubo sa kanilang ginawang mga pag aalsa laban sa Espanyol? Tanggapin lahat ang sagot ng mag-aaral. b.2. Pagtatalakay Talakayin ang paksa sa aklat mula pahina 232-236: Mga Pag aalsang Naganap sa Panahon ng Kolonyalismo c. Pangwakas na Gawain c.1. Paglalapat Kung ikaw ay isa sa mga pinuno ng mga katutubo noong panahon ng Espanyol, isa ka rin ba sa mga mag aalsa laban sa pamamahala ng Espanyol? Bakit? c.2. Paglalahat Bigyang-diin ang mga kaisipan : Nagsipaglaban sa mga Espanyol ang mga Pilipino upang tutulan ang mga kalupitan at di-makatarungang pamamahala. Karamihan sa mga pag-aalsa ay nabigo dahil kanyakanya sila ng ipinaglalaban. Ilan sa mga ito ay pinamunuan ni Lakan Dula, Magat Salamat, Bancao, Tamblot, Silang, Sumuroy, Maniago, Malong, Dagohoy, Pule at Tapar. IV. Pagtataya Bilugan ang letra ng tamang sagot. 1. Sino ang namuno sa pag-aalsa ng mga Tagalog? A. Diego Silang C. Hermano Pule B. Felipe Catabay D. Magat Salamat 2. Bakit nag-alsa si Tamblot? Ano ang ipinaglaban niya? A. Nais nilang bumalik sa pananampalataya sa mga diyos ng kanilang mga ninuno. B. Inalis ni Gobernador Heneral Guido de Lavezares ang karapatang ipinagkaloob ni Legazpi sa mga katutubo. C. Ipinadala ng mga manggagawang taga-Samar sa Cavite upang magtrabaho sa gawaan ng barko. D. Tinutulan nila ang sapilitang pagtratrabaho ng mga Español. 3. Anong pangkat-etniko sa Luzon ang sumuko sa pakikipaglaban sa mga Español? A. Apayao B. Cebuano C. Badjao D. Gaddang 4. Ano ang isa sa mga dahilan ng pag-aalsa ng mga katutubo laban sa mga Español? A. Pagyakap sa relihiyong Kristiyanismo. B. Mabuting pakikitungo ng mga Español sa mga katutubo. C. Pangangamkam ng mga lupain ng mga pinunong Español. D. Paniningil ng tamang buwis sa mga katutubong Pilipino. 5. Bakit hindi nagtagumpay ang mga rebelyon ng mga Pilipino laban sa mga Español? A. Wala silang pinuno. C. Wala silang pagkakaisa. B. Wala silang mga armas. D. Wala silang sapat na dahilan. V. Takdang Aralin Magsaliksik tungkol sa mga pag aalsang pang-agraryo noong kolonyalismong Espanyol. Isulat ito sa kwaderno. Mary Shella C. Calingasan Pebrero 10, 2020 Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 5 Ikaapat na Markahan I. Layunin Natatalakay ang mga lokal na pangyayari tungo sa pag-usbong ng pakikibaka ng bayan. Nasusuri ang mga pangyayari tungkol sa mga pag aalsang pang agraryo sa panahon ng kolonyalismong Espanyol. Napapahalagahan ang mga mabuting epekto ng mga pag-aalsa sa loob ng estadong kolonyal AP5PKB-IVa-b-1. II. Paksang-Aralin a. Paksa: Pag-aalsa sa Estadong Kolonyal b. Kagamitan: powerpoint presentation, chalk and board, larawan, aklat c. Sanggunian: Curriculum Guide 5, Pilipinas Bilang Isang Bansa pp. 228-229 III. Pamamaraan a. Panimulang Gawain a.1. Balik Aral Maglaro tayo: Pass the Ball Magpapatugtog ang guro ng isang awit. Habang tumutugtog ang masayang awitin, Ipapasa ng mga bata ang bola sa buong klase. Ang batang matatapatan ng bola kapag inihinto ang awitin ay siyang sasagot sa katanungan: Sinu sino ang mga pinuno ng mga katutubo na nag alsa laban sa Kolonyalismong Espanyol? a.2. Pagganyak Ipakita ang mga larawan ng paring Dominicano, Heswita, at Agustino. Talakayin at iugnay ito sa aralin. b. Panlinang na Gawain b.1. Paglalahad Ilahad ang aralin sa pamamagitan ng susing tanong: Bakit nagkaroon ng pag aalsang pang agraryo laban sa kolonyalismong Espanyol? Anu anong mga lugar ang kasapi sa pag aalsang pangraryo ? Sa inyong palagay, nagtagumpay kaya ang mga katutubo sa kanilang ginawang mga pag aalsa laban sa Espanyol? Tanggapin lahat ang sagot ng mag-aaral. b.2. Pagtatalakay Talakayin ang paksa sa aklat mula pahina 232-236: Mga Pag aalsang Pang agraryo sa Panahon ng Kolonyalismo c. Pangwakas na Gawain c.1. Paglalapat Tingnan ang mapa. Tukuyin ang mga lugar kung saan naganap ang kilusang agraryo noong 1745. Kung ikaw ay isa sa mga pinuno ng mga katutubo noong panahon ng Espanyol, isa ka rin ba sa mga mag aalsa laban sa pamamahala ng Espanyol? Bakit? c.2. Paglalahat Bigyang-diin ang mga kaisipan : Ang pag-aalsang ito ay bunsod ng hindi makatarungang pang-aagaw at pangangamkam ng mga pari sa lupa ng mga katutubo. Libo-libong mga Pilipino ang humawak ng sandata upang ipakita ang kanilang pagtutol dito. Nangyari ang mga ganitong uri ng pag-aalsa sa Silang, Cavite noong Abril 1745 na mabilis na kumalat sa mga nayon ng Taguig, Parañaque, Hagonoy, Bacoor, San Mateo, at Bulacan. IV. Pagtataya Isulat ang Tama kung wasto ang ipinapahayg ng bwat pangungusap. Kung mali, iwasto ang mga nakasalungguhit na salita. 1. Ang mga lupain at kita nito ay napupunta sa mga relihiyosong pari tulad ng mga Indiano, Heswita, at Agustino. 2. Tatlong piso ang bayad ng mga biyudo at biyuda sa lupain. 3. Sa Kabisayaan ang sentro ng kilusang agraryo. 4. Isa sa mga dahilan ng pag-aalsa ay ang pandaraya sa mga lupain at hindi makatarungang paniningil ng buwis sa kanilang lupain 5. Tinanggalan ng mga nakamulatang karapatan ang mga katutubo. V. Takdang Aralin Panuto: Magsaliksik at alamin ang mga pangyayari tungkol sa pag aalsa sa pangunguna ni Hermano Pule laban sa mga Espanyol. Date: April 16, 2024 Quarter 4 Week 2 Day 2 Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 5 Ikaapat na Markahan I. Layunin A. Natatalakay ang mga lokal na pangyayari tungo sa pag-usbong ng pakikibaka ng bayan. B. Nasusuri ang mga pangyayari tungkol sa pag aalsa ng Kapatiran ng San Jose. C. Napapahalagahan ang mga mabuting epekto ng pag aalsa ng Kapatiran ng San Jose. AP5PKB-IVa-b-1. II. Paksang-Aralin a. Paksa: Pag-aalsa ng Kapatiran ng San Jose b. Kagamitan: powerpoint presentation, chalk and board, larawan, aklat c. Sanggunian: Curriculum Guide 5, Pilipinas Bilang Isang Bansa pp. 230-231 III. Pamamaraan a. Panimulang Gawain 1. Balik Aral Magbalik-tanaw sa nakaraang aralin. Sino ang nanguna sa mga pag aalsang pang agraryo laban sa kolonyalismong Espanyol? Ano ang layunin ng pag aalsang ito? Ano ang nagtulak upang isagawa ang pag aalsang ito? 2. Pagganyak Pagpapakita ng larawan ni Hermano Pule Sino ang nasa larawan? Ano ang kanyang naging papel sa paksang ating tatalakayin ngayong araw? 3. Paglalahad Ilahad ang aralin sa pamamagitan ng susing tanong: Ano ang kapatirang ito? Bakit nagsipag-alsa ang mga kasapi? Ano ang nag udyok kay Hermano Pule upang pamunuan ang pag aalsang panrelihiyon? Sino ang namuno sa pag aalsang ito? Tanggapin lahat ang sagot ng mag-aaral. 4. Pagtatalakay Talakayin ang paksa sa aklat mula pahina 230-231 Pag aalsa ng Kapatiran ng San Jose 5. Paglalapat Kung ikaw ay isa sa mga Pilipino na kasama ni Hermano Pule noong panahon ng Espanyol, ano ang masasabi mo sa naging hakbang niya tungkol sa pag aalsang panrelihiyon? 6. Paglalahat Bigyang-diin ang mga kaisipan : Naitatag ang Samahan ng San Jose dahil sa isyu ng diskriminasyon sa lahi. Ginawa itong kahalili ng Katolisismo ng mga kasapi. Nag-umpisa ang pag-aalsa nang sumalakay sakanila ang mga Español. Bagama't nagtanggol ang mga Pilipino, tinalo sila ng mga kalaban. IV. Pagtataya Panuto: Isulat ang mga salitang nawawala sa bawat pangungusap. Humanap ng kasagutan sa loob ng kahon. 1. Itinatag ni Pule ang , isang samahan na Pilipino lamang ang pwedeng sumali. 2. Sa tulong ni , hiniling ni Pule na kilalanin ng pamahalaan at ng simbahan ang kanyang samahan. 3. Mula sa punong himpilan ng nito sa , nagkaroon sila ng malawak na kapatiran sa iba’t ibang lalawigan. 4. Sinalakay ng mga ang kapatiran noong Oktubre, 1841. 5. Nahuli si Pule at hinatulang mamatay sa . V. Takdang Aralin Panuto: Magsaliksik tungkol sa naging pananakop ng mga Ingles sa Maynila. Date: April 17, 2024 Quarter 4 Week 2 Day 3 Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 5 Ikaapat na Markahan I. Layunin A. Natatalakay ang mga lokal na pangyayari tungo sa pag-usbong ng pakikibaka ng bayan. B. Nasusuri ang mga pangyayari tungkol sa okupasyon ng mga Ingles sa Maynila. C. Napapahalagahan ang kabutihang naidulot ng naging okupasyon ng mga Ingles sa Maynila noong 1762. AP5PKB-IVa-b-1. II. Paksang-Aralin a. Paksa: Okupasyon ng mga Ingles sa Maynila b. Kagamitan: powerpoint presentation, chalk and board, larawan, aklat c. Sanggunian: Curriculum Guide 5, Pilipinas Bilang Isang Bansa pp. 229-230 III. Pamamaraan a. Panimulang Gawain 1. Balik Aral Magbalik-tanaw sa nakaraang aralin. Sino ang nanguna sa mga pag aalsang panrelihiyon? Ano ang layunin ng pag aalsang ito sa pamumuno ni Hermano Pule? Ano ang nagtulak upang isagawa ang pag aalsang ito sa pamumuno ni Hermano Pule? 2. Pagganyak Pagpapakita ng larawan ng mga Ingles. 3. Paglalahad Ilahad ang aralin sa pamamagitan ng susing tanong: Nasakop pala ng Great Britain ang Maynila? Bakit? Paano? Tanggapin lahat ang sagot ng mag-aaral. 4. Pagtatalakay Talakayin ang paksa sa aklat mula pahina 229-230 Okupasyon ng mga British sa Maynila 5. Paglalapat Ano ang reaksyon mo sa naging pananakop ng mga Ingles sa Maynila? Nakabuti kaya ito sa mga Pilipino? Sa paanong paraan? 6. Paglalahat Bigyang-diin ang mga kaisipan : Nasakop ng Britanya ang Maynila noong panahon ng mga Espanyol. Ito ay nangangahulugang hindi na ang Espanya ang pinakamalakas na bansa. Mahina na ito at kaya nang talunin ng mga Pilipino. IV.Pagtataya Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot. Pumili sa mga konseptong nasa loob ng kahon. 1. Si ay itinalaga bilang isang British Governor-General ng Maynila. 2. Nang lusubin ng mga Ingles ang Look ng Maynila, isa si sa mga namuno nito. 3.Noong , pinagsumikapang lumaban ng mga Español upang di mapasakamay ng mga Ingles ang Maynila. 4. Itinatag ni Governor General Drake ang na may ganap na kapangyarihang ipabilanggo ang sinumang nais niyang ipabilanggo. 5. Noong sinalakay ng mga Ingles ang Pilipinas upang maging bahagi ito ng kanilang imperyo sa Asya. IV. Takdang Aralin Panuto: Magsaliksik tungkol sa naging pananakop ng mga Ingles sa Maynila. Date: April 18, 2024 Quarter 4 Week 2 Day 4 Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 5 Ikaapat na Markahan I. Layunin A. Nasusuri ang mga naunang pagaalsa ng mga makabayang Pilipino. B. Natatalakay ang sanhi at bunga ng mga rebelyon at iba pang reaksiyon ng mga Pilipino sa kolonyalismo. C. Naisasadula ang pagtutol ng mga katutubong Pilipino laban sa Kristyanismo, pagmamalabis ng mga Espanyol. AP5PKB-IVe-3 II. Paksang-Aralin a. Paksa: Mga Reaksyon sa Kolonyalismo b. Kagamitan: powerpoint presentation, chalk and board, larawan, aklat c. Sanggunian: Curriculum Guide 5, Pilipinas Bilang Isang Bansa pp. 229-230 III. Pamamaraan 1. Balik Aral Pagbabalik aral sa nakaraang paksang aralin. 2. Pagganyak Ganyakin ang mga bata sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga larawan ng mga taong nag aalsa. 3. Paglalahad Ipanuod sa mga bata ang isang video clip tungkol sa mga unang pag-aalsa. 4. Pagtatalakay Sino-sino ang mga Pilipinong nag-alsa laban sa mga Espanyol? Saang mga lugar sa Pilipinas nagkaroon ng pag-aalsa? Anu-ano ang mga dahilan ng pag-aalsa ng mga katutubo laban sa mga Espanyol? 5. Paglinang Ibigay ang opinyon mo tungkol sa salitang nakalahad. Hayaan ang bata ang sumulat ng kanilang sagot. PAG-AALSA 6. Paglalapat Pumili ng ilang mag aaral upang magsadula ng reaksyon ng mga katutubo sa pagmamalabis ng mga Espanyol. 7. Paglalahat Bigyang-diin ang mga kaisipan : Nagpahayag pag-aalsa ang matinding galit ang mga Pilipino laban sa pananakop ng Espanyol. Nagsagawa sila ng mahigit na 100 pag-aalsa o rebelyon laban sa mga ito. Ilan sa mga dahilan ng pag-aalsa ng mga katutubo laban sa mga Espanyol ay ang mga sumusunod: 1. Pagbawi sa nawalang kalayaan 2. Pang-aabuso at masamang gawain ng mga pinunong Espanyol 3. Pangangamkam ng mga lupain ng mga pinunong Espanyol 4. Sapilitang Paggawa 5. Kahigpitan sa Relihiyon 6. Paniningil ng labis-labis naa buwis IV. Pagtataya Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na tanong. 1. Ano ang dahilan ng pag aalsa? 2. Sinu sino ang namuno at nakilahok sanasabing paag aalsa? 3. Anu ano ang naging dahilan ng mga katutubo sa kanilang pag aalsa? V. Takdang Aralin Panuto: Sagutin ang tanong. Bilang isang mag-aaral, paano mo ipinakikita ang iyong pananampalataya sa iyong relihiyon? Isulat sa kwaderno ang iyong sagot. Date: April 19, 2024 Quarter 4 Week 3 Day 3 Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 5 Ikaapat na Markahan I. Layunin A. Naipaliliwanag ang pananaw at paniniwala ng mga Sultanato (Katutubong Muslim) sa pagpapanatili ng kanilang kalayaan. AP5PKB-IVe-3 B. Naiisa isa ang mga pananaw at paniniwala ng mga Sultanato tungkol sa kolonyalismo. C. Napapahalagahan ang pananaw at paniniwala ng mga Sultanato sa pagpapanatili ng kanilang kalayaan. II. Paksang-Aralin a. Paksa: Pananaw ng mga Muslim sa Pagpapanatili ng Kanilang Kalayaan b. Kagamitan: powerpoint presentation, chalk and board, larawan, aklat c. Sanggunian: Curriculum Guide 5, Pilipinas Bilang Isang Bansa pp. 215-217 III. Pamamaraan a. Panimulang Gawain a.1. Balik Aral Pagbabalik aral sa nakaraang paksang aralin. a.2. Pagganyak Ganyakin ang mga bata sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga larawan ng sinaunang muslim. Anu-ano ang mga katangian ng mga Muslim? Saan lugar sila sa Pilipinas matatagpuan? b. Panlinang na Gawain b.1. Paglalahad Ilahad ang aralin sa pamamagitan ng susing tanong. Itanong: Ano ang pamahalaang sultanato? Anu ano ang dahilan ng mga Muslim sa hindi pagpapasakop sa mga Espanyol? b.2. Pagtatalakay Bakit nahirapan ang mga Espanyol sa pagsupil sa mga Pilipinong Muslim? Pakinggan ang mga sagot ng mag-aaral. Tanggapin ang lahat ng kanilang sagot. Ipabasa ang tekstong naglalahad ng pagtatalakay sa mga katangian ng sultanato at mga pananaw ng mga katutubong Muslim. c. Pangwakas na Gawain c.1. Paglalapat Halimbawa ikaw ay isang muslim. Dumating ang mga Espanyol at iniaalok sa iyo ang relihiyong kristiyanismo. Ano ang magiging reaskyon mo? c.2. Paglalahat Bigyang-diin ang mga kaisipan : Ang sultanato ay ang pamahalaan ng mga Muslim sa Mindanao. Labis na pinahahalagahan ng mga Muslim ang kanilang teritoryo at kalayaan. Ito angdahilan kung bakit hindi sila nagpasakop sa mga Espanyol. IV. Pagtataya V. Takdang Aralin Panuto: Tukuyin ang pagkakatulad at pagkakaiba sa karanasan ng mga Igorot at Muslim sa tangkang pananakop sa kanila ng mga Espanyol. Date: April 22, 2024 Quarter 4 Week 3 Day 2 Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 5 Ikaapat na Markahan I. Layunin A. Naipapaliwanag ang epekto ng mga pandaigdigang pangyayari sa pag-usbong ng kamalayang makabayan. B. Natatalakay ang paghina at tuluyang paglipas ng merkantilismo at ang epekto nito sa pakikibaka ng bayan. C. Natutukoy ang epekto ng La Illustracion sa Pilipinas sa pamamagitan ng paggawa ng diagram. II. Paksang-Aralin a. Paksa: Paglipas ng Merkantilismo at Kaisipang La Illustracion b. Kagamitan: powerpoint presentation, chalk and board, larawan, aklat c. Sanggunian: Curriculum Guide 5, Bansang Pilipinas, lahing Pilipino pp. 286-287 III. Pamamaraan a. Panimulang Gawain a.1. Balik Aral Pagbabalik aral sa nakaraang paksang aralin. Anu- ano ang mga dahilan ng pagkabigo ng pag-aalsa ng mga katutubo laban sa mga kolonyalismong Espanyol? a.2. Pagganyak Ganyakin ang mga bata sa pamamagitan ng pagpapakita ng Cartolina strip na may nakasulat na salitang MERKATILISMO at LA ILLUSTRACION. MERKANTILISMO LA ILLUSTRACION Anu- ano ang mga salitang naiisip ninyo na may kaugnayan sa mga salitang nakasulat sa inyong harapan? Ano nga ba ang merkantilismo ? Ano ang kahulugan nito? Ano naman ang la illustracion? b. Panlinang na Gawain b.1. Paglalahad Ilahad ang aralin sa pamamagitan ng powerpoint presentation. b.2. Pagtatalakay Ano ang kahulugan ng merkantilismo? Ano ang kaisipang la Illustracion? Ano ang naging bunga ng pagbubukas ng Suez Canal sa Pilipinas? Ano ang kabutihang naidulot sa mga Pilipino ng pagbubukas ng kalakalang pandaigdig? c. Pangwakas na Gawain c.1. Paglalapat Sa iyong palagay, ano ang naging epekto ng paglipas ng merkantilismo sa kalagayang pang-ekonomiya at panlipunan ng Pilipinas? c.2. Paglalahat Anu- ano ang sa;lik ng pag usbong ng kamalayang makibaka at at pambansa ng mga Pilipino? . IV. Pagtataya Panuto: Gumawa ng diagram na nagpapakita ng epekto ng La Illustracion sa Pilipinas. Epekto ng La Illustracion V. Takdang Aralin Panuto: Sagutin ang tanong. Isulat ang sagot sa kwaderno. Bakit mahalagang maunawaan ang epekto ng mga pangyayari sa labas ng Pilipinas noong ika-18 siglo sa pagkabuo ng kamlayang makabayan at pakikibaka ng mga Pilipino? Date: April 23, 2024 Quarter 4 Week 3 Day 3 Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 5 Ikaapat na Markahan I. Layunin A. Nasusuri ang mga naunang pagaalsa ng mga makabayang Pilipino. B. Natatalakay ang sanhi at bunga ng mga rebelyon at iba pang reaksiyon ng mga Pilipino sa kolonyalismo. C. Naisasadula ang pagtutol ng mga katutubong Pilipino laban sa Kristyanismo, pagmamalabis ng mga Espanyol. AP5PKB-IVe-3 II. Paksang-Aralin a. Paksa: Mga Reaksyon sa Kolonyalismo b. Kagamitan: powerpoint presentation, chalk and board, larawan, aklat c. Sanggunian: Curriculum Guide 5, Pilipinas Bilang Isang Bansa pp. 229-230 III. Pamamaraan a. Panimulang Gawain a.1. Balik Aral Pagbabalik aral sa nakaraang paksang aralin. a.2. Pagganyak Ganyakin ang mga bata sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga larawan ng mga taong nag aalsa. b. Panlinang na Gawain b.1. Paglalahad Ipanuod sa mga bata ang isang video clip tungkol sa mga unang pag-aalsa. b.2. Pagtatalakay Sino-sino ang mga Pilipinong nag-alsa laban sa mga Espanyol? Saang mga lugar sa Pilipinas nagkaroon ng pag-aalsa? Anu-ano ang mga dahilan ng pag-aalsa ng mga katutubo laban sa mga Espanyol? b.3.Paglinang Ibigay ang opinyon mo tungkol sa salitang nakalahad. Hayaan ang bata ang sumulat ng kanilang sagot. PAG-AALSA c. Pangwakas na Gawain c.1. Paglalapat Pumili ng ilang mag aaral upang magsadula ng reaksyon ng mga katutubo sa pagmamalabis ng mga Espanyol. c.2. Paglalahat Bigyang-diin ang mga kaisipan : Nagpahayag pag-aalsa ang matinding galit ang mga Pilipino laban sa pananakop ng Espanyol. Nagsagawa sila ng mahigit na 100 pag-aalsa o rebelyon laban sa mga ito. Ilan sa mga dahilan ng pag-aalsa ng mga katutubo laban sa mga Espanyol ay ang mga sumusunod: • Pagbawi sa nawalang kalayaan • Pang-aabuso at masamang gawain ng mga pinunong Espanyol • Pangangamkam ng mga lupain ng mga pinunong Espanyol • Sapilitang Paggawa • Kahigpitan sa Relihiyon • Paniningil ng labis-labis naa buwis IV. Pagtataya Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na tanong. 1. Ano ang dahilan ng pag aalsa? 2. Sinu sino ang namuno at nakilahok sanasabing paag aalsa? 3. Anu ano ang naging dahilan ng mga katutubo sa kanilang pag aalsa? V. Takdang Aralin Panuto: Sagutin ang tanong. Bilang isang mag-aaral, paano mo ipinakikita ang iyong pananampalataya sa iyong relihiyon? Isulat sa kwaderno ang iyong sagot. Date: April 24, 2024 Quarter 4 Week 3 Day 5 Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 5 Ikaapat na Markahan I. Layunin A. Naipaliliwanag ang pananaw at paniniwala ng mga Sultanato (Katutubong Muslim) sa pagpapanatili ng kanilang kalayaan. AP5PKB-IVe-3 B. Naiisa isa ang mga pananaw at paniniwala ng mga Sultanato tungkol sa kolonyalismo. C. Napapahalagahan ang pananaw at paniniwala ng mga Sultanato sa pagpapanatili ng kanilang kalayaan. II. Paksang-Aralin a. Paksa: Pananaw ng mga Muslim sa Pagpapanatili ng Kanilang Kalayaan b. Kagamitan: powerpoint presentation, chalk and board, larawan, aklat c. Sanggunian: Curriculum Guide 5, Pilipinas Bilang Isang Bansa pp. 215-217 III. Pamamaraan a. Panimulang Gawain a.1. Balik Aral Pagbabalik aral sa nakaraang paksang aralin. a.2. Pagganyak Ganyakin ang mga bata sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga larawan ng sinaunang muslim. Anu-ano ang mga katangian ng mga Muslim? Saan lugar sila sa Pilipinas matatagpuan? b. Panlinang na Gawain b.1. Paglalahad Ilahad ang aralin sa pamamagitan ng susing tanong. Itanong: Ano ang pamahalaang sultanato? Anu ano ang dahilan ng mga Muslim sa hindi pagpapasakop sa mga Espanyol? b.2. Pagtatalakay Bakit nahirapan ang mga Espanyol sa pagsupil sa mga Pilipinong Muslim? Pakinggan ang mga sagot ng mag-aaral. Tanggapin ang lahat ng kanilang sagot. Ipabasa ang tekstong naglalahad ng pagtatalakay sa mga katangian ng sultanato at mga pananaw ng mga katutubong Muslim. c. Pangwakas na Gawain c.1. Paglalapat Halimbawa ikaw ay isang muslim. Dumating ang mga Espanyol at iniaalok sa iyo ang relihiyong kristiyanismo. Ano ang magiging reaskyon mo? c.2. Paglalahat Bigyang-diin ang mga kaisipan : Ang sultanato ay ang pamahalaan ng mga Muslim sa Mindanao. Labis na pinahahalagahan ng mga Muslim ang kanilang teritoryo at kalayaan. Ito ang Dahilan kung bakit hindi sila nagpasakop sa mga Espanyol. IV. Pagtataya V. Takdang Aralin Panuto: Tukuyin ang pagkakatulad at pagkakaiba sa karanasan ng mga Igorot at Muslim sa tangkang pananakop sa kanila ng mga Espanyol. Date: April 25, 2024 Quarter 4 Week 4 Day 1 Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 5 Ikaapat na Markahan I. Layunin A. Naipaliliwanag ang pananaw at paniniwala ng mga Sultanato (Katutubong Muslim) sa pagpapanatili ng kanilang kalayaan. AP5PKB-IVe-3 B. Napapahalagahan ang pananaw at paniniwala ng mga Sultanato sa pagpapanatili ng kanilang kalayaan. C. Nakapagsasadula ang ilan sa mga pananaw at paniniwala ng mga Sultanato sa pagpapanatili ng kanilang kapayapaan. II. Paksang-Aralin a. Paksa: Pananaw ng mga Muslim sa Pagpapanatili ng Kanilang Kalayaan b. Kagamitan: powerpoint presentation, chalk and board, larawan, aklat, rubric c. Sanggunian: Curriculum Guide 5, Pilipinas Bilang Isang Bansa pp. 215-217 III. Pamamaraan a. Panimulang Gawain a.1. Balik Aral jumbled letters TONAAULST Ano ang nabuong salita ? Ano ang sultanato? Ipaliwanag kung ano ang pananaw at paniniwala ng mga Muslim sa pagpapanatili ng kanilang kalayaan. a.2. Pagganyak Ganyakin ang mga bata sa pamamagitan ng pagbuo ng larawan na may kinalaman sa paksang aralin. Ano ang larawang nabuo? Sino kaya ang nasa larawan? b. Panlinang na Gawain b.1. Paglalahad Ilahad ang aralin sa pamamagitan ng susing tanong. Itanong: Anu ano ang dahilan ng mga Muslim sa hindi pagpapasakop sa mga Espanyol? b.2. Pagtatalakay Bakit nahirapan ang mga Espanyol sa pagsupil sa mga Pilipinong Muslim? Pakinggan ang mga sagot ng mag-aaral. Tanggapin ang lahat ng kanilang sagot. Ipabasa ang tekstong naglalahad ng pagtatalakay sa mga katangian ng sultanato at mga pananaw ng mga katutubong Muslim. b.3. Pangkatang Gawain Hahatiin sa apat na pangkat ang klase. Bawat pangkat ay bibigyan ng card kung saan nakasulat ang panuto para sa pangkatang gawain. Isasadula ang ilan sa mga pananaw at paniniwala ng mga Sultanato sa pagpapanatili ng kanilang kapayapaan. Pumili lamang ng isang paniniwala bawat pangkat. Bibigyan ang bawat pangkat ng sapat na oras upang maisagawa ang gawain. Maghanda sa presentasyon pagkatapos ng takdang oras. c. Pangwakas na Gawain c.1. Paglalapat Halimbawa ikaw ay isang muslim. Dumating ang mga Espanyol at iniaalok sa iyo ang relihiyong kristiyanismo. Ano ang magiging reaskyon mo? c.2. Paglalahat Bigyang-diin ang mga kaisipan : Ang sultanato ay ang pamahalaan ng mga Muslim sa Mindanao. Labis na pinahahalagahan ng mga Muslim ang kanilang teritoryo at kalayaan. Ito ang dahilan kung bakit hindi sila nagpasakop sa mga Espanyol. IV. Pagtataya ( Pangkatan) Gagamit ang guro ng rubric bilang batayan sa pagbibigay ng marka mula sa presentasyon ng bawat pangkat bilang pangkatang pagtataya. V. Takdang Aralin Panuto: Tukuyin ang pagkakatulad at pagkakaiba sa karanasan ng mga Igorot at Muslim sa tangkang pananakop sa kanila ng mga Espanyol. Date: April 26, 2024 Quarter 4 Week 4 Day 2 Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 5 Ikaapat na Markahan I. Layunin A. Natatalakay ang paghina at tuluyang paglipas ng merkantilismo at ang epekto nito sa pakikibaka ng bayan. B. Nasusuri ang ilang mahahalagang pangyayari sa pag-usbong ng kamalayang pambansa at pakikibaka. C. Nasasagot nang wasto ang mga pagsasanay na may kinalaman sa paksang aralin. II. Paksang-Aralin a. Paksa: Paglipas ng Merkantilismo at Kaisipang La Illustracion b. Kagamitan: powerpoint presentation, chalk and board, larawan, aklat c. Sanggunian: Curriculum Guide 5, Bansang Pilipinas, lahing Pilipino pp. 286-287 III. Pamamaraan a. Panimulang Gawain a.1. Balik Aral Pagbabalik aral sa nakaraang paksang- aralin. Anu- ano ang mga dahilan ng pagkabigo ng pag-aalsa ng mga katutubo laban sa mga kolonyalismong Espanyol? a.2. Pagganyak Ganyakin ang mga bata sa pamamagitan ng pagpapakita ng Cartolina strip na may nakasulat na salitang MERKATILISMO at LA ILLUSTRACION. La Illustracion Sekularisasyon Anu- ano ang mga salitang naiisip ninyo na may kaugnayan sa mga salitang nakasulat sa inyong harapan? Ano nga ba ang sekularisasyon? Ano ang kahulugan nito? Ano naman ang la illustracion? b. Panlinang na Gawain b.1. Paglalahad Ilahad ang aralin ang gawain gamit ang powerpoint presentation. b.2. Pagtatalakay Talakayin ang naging sagot ng mga bata sa pagsasanay. Gagabayan ng guro ang mga bata ukol sa sagot ng mga ito. c. Pangwakas na Gawain c.1. Paglalapat Sa iyong palagay, ano ang epekto ng mga pangyayari noong ika-18 siglo sa pagkabuo ng kamalayang makabayan at pakikibaka ng mga Pilipino? c.2. Paglalahat Anu- ano ang salik ng pag usbong ng kamalayang makibaka at pambansa ng mga Pilipino? . IV. Pagtataya Panuto: Pag- ugnayin ang dalawang konsepto sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa papel. 1. Suez Canal at ilustrado 2. Pag-aalsa sa Cavite at sekularisasyon 3. Pandaigdigang kalakalan at kaisipang liberal V. Takdang Aralin PANUTO: Basahin muli ang tinalakay natin at itala Ang mga natutunan sa inyong kwaderno. Date: April 29, 2024 Quarter 4 Week 4 Day 1 Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 5 Ikaapat na Markahan I. Layunin A. Natatalakay ang partisipasyon ng iba’t-ibang rehiyon at sector (katutubo at kababaihan) sa pakikibaka ng bayan. AP5PKB-IVf-4 B. Naiisa isa ang mga pangkat ng mga katutubo na nagkaroon ng partisipasyon sa pakikibaka ng bayan. C. Napapahalagahan ang partisipasyon ng ng iba’t-ibang rehiyon at sector (katutubo at kababaihan) sa pakikibaka ng bayan. II. Paksang-Aralin a. Paksa: Paglipas ng Merkantilismo at Kaisipang La Illustracion b. Kagamitan: powerpoint presentation, chalk and board, larawan, aklat c. Sanggunian: Curriculum Guide 5, Bansang Pilipinas, lahing Pilipino pp. 286-287 III. Pamamaraan a. Panimulang Gawain a.1. Balik Aral Pagbabalik aral sa nakaraang paksang- aralin. Ano ang La Illustracion? Ano ang naging papel nito sa pagkagising ng diwang makabayan ng mga Pilipino? a.2. Pagganyak Ganyakin ang mga bata sa pamamagitan ng pagpapakita ng Cartolina strip na may nakasulat na salitang pakikibaka. Pakikibaka Anu- ano ang mga salitang naiisip ninyo na may kaugnayan sa mga salitang nakasulat sa inyong harapan? Ano nga ba ang kahulugan ng salitang pakikibaka? b. Panlinang na Gawain b.1. Paglalahad Ilahad ang aralin ang paksa gamit ang powerpoint presentation. b.2. Pagtatalakay Talakayin kasama ng mga mag-aaral ang mga naging bunga o kinahitnan ng mga pakikibaka na binigyang partisipasyon ng iba’t ibang rehiyon at sector sa bansa laban sa mga kastila. Itanong ang mga sumusunod na mga katanungan: a. Sinu-sino ang mga nabanggit na mga tauhan na nakibaka para sa bayan? b. Sa paanong paraan sila nakibaka laban sa mga kastila? c. Bakit nila ginawa nga kanilang pakikibaka? d. Anu-ano ang naging epekto o bunga ng kanilang pakikibaka? c. Pangwakas na Gawain c.1. Paglalapat Kung nabubuhay ka noong panahon ng Espanyol, sino ka kaya sa mga nag-alsa? c.2. Paglalahat Sinu-sino ang mga pangkat na nag-alsa sanhi ng relihiyon at anu-ano ang kanilang mga ginawa? . IV. Pagtataya Panuto: Sagutan ang tsart upang matukoy kung anu-ano o sinu-sino ang tinutukoy na kaugnay na salita na nasa gitna ng buong Graphic Organizer. V. Takdang Aralin Panuto: Magsaliksik at itala kung sinu-sino ang mga kababaihan na nagkaroon ng partisipasyon sa pakikibaka ng bayan laban sa mga Espanyol. Itala sa kwaderno. Maghanda para sa pagbabahagi sa klase. Date: April 30, 2024 Quarter 4 Week 4 Day 2 Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 5 Ikaapat na Markahan I. Layunin A. Natatalakay ang partisipasyon ng iba’t-ibang rehiyon at sector (katutubo at kababaihan) sa pakikibaka ng bayan. AP5PKB-IVf-4 B. Naiisa isa ang mga kababaihan na nagkaroon ng partisipasyon sa pakikibaka ng bayan. C. Napapahalagahan ang partisipasyon ng ng iba’t-ibang rehiyon at sector (katutubo at kababaihan) sa pakikibaka ng bayan. II. Paksang-Aralin a. Paksa: Paglipas ng Merkantilismo at Kaisipang La Illustracion b. Kagamitan: powerpoint presentation, chalk and board, larawan, aklat c. Sanggunian: Curriculum Guide 5, Bansang Pilipinas, lahing Pilipino pp. III. Pamamaraan a. Panimulang Gawain a.1. Balik Aral Pagbabalik aral sa nakaraang paksang- aralin. Maglaro tayo! Isa-isahin ang mga pangkat ng katutubo na nagkaroon ng partisipasyon sa pakikibaka ng bayan laban sa mga Espanyol. Ano ang naging papel nito sa pagkagising ng diwang makabayan ng mga Pilipino? a.2. Pagganyak Ganyakin ang mga bata sa pamamagitan ng pagpapakita ng Cartolina strip na may nakasulat na salitang kababaihan KABABAIHAN Anu- ano ang mga salitang naiisip ninyo na may kaugnayan sa mga salitang nakasulat sa inyong harapan? Ano nga ba ang mga salitang kaakibat ng salitang kababaihan? b. Panlinang na Gawain b.1. Paglalahad Ilahad ang aralin ang paksa gamit ang powerpoint presentation. b.2. Pagtatalakay Talakayin kasama ng mga mag-aaral ang mga naging bunga o kinahitnan ng mga pakikibaka na binigyang partisipasyon ng iba’t ibang rehiyon at sector sa bansa laban sa mga kastila. Itanong ang mga sumusunod na mga katanungan: a. Sinu-sino ang mga nabanggit na mga kababaihan na nakibaka para sa bayan? b. Sa paanong paraan sila nakibaka laban sa mga kastila? c. Bakit nila ginawa nga kanilang pakikibaka? d. Anu-ano ang naging epekto o bunga ng kanilang pakikibaka? c. Pangwakas na Gawain c.1. Paglalapat Kung nabubuhay ka noong panahon ng Espanyol, sino ka kaya sa mga nag-alsang kababaihan? c.2. Paglalahat Sinu-sino ang mga kababaihan na nag-alsa laban sa mga Espanyol at anu-ano ang kanilang mga ginawa? . IV. Pagtataya Panuto: Sagutan ang tsart upang matukoy kung anu-ano o sinu-sino ang tinutukoy na kaugnay na salita na nasa gitna ng buong Graphic Organizer. V. Takdang Aralin Panuto: Sumulat ng limang kahalagahan na naidulot ng pakikibaka ng iba’t ibang rehiyon at sector laban sa mga kastila. Date: May 1, 2024 Quarter 4 Week 5 Day 1 Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 5 Ikaapat na Markahan I. Layunin A. Natatalakay ang partisipasyon ng iba’t-ibang rehiyon at sector (katutubo at kababaihan) sa pakikibaka ng bayan. AP5PKB-IVf-4 B. Naiisa isa ang mga kababaihan at mga pangkat ng katutubo na nagkaroon ng partisipasyon sa pakikibaka ng bayan. C. Napapahalagahan ang partisipasyon ng ng iba’t-ibang rehiyon at sector (katutubo at kababaihan) sa pakikibaka ng bayan. II. Paksang-Aralin a. Paksa: Paglipas ng Merkantilismo at Kaisipang La Illustracion b. Kagamitan: powerpoint presentation, chalk and board, larawan, aklat c. Sanggunian: Curriculum Guide 5, Bansang Pilipinas, lahing Pilipino pp. III. Pamamaraan a. Panimulang Gawain a.1. Balik Aral Pagbabalik aral sa nakaraang paksang- aralin. Fill in the Blank…. Babasahin ng guro ang pangungusap o deskripsyon at sasagutan ng mga mag-aaral ang bawat patlang mula sa binasa ng guro upang mawasto kung sino ang mga pangkat ng katutubo o kababaihan na tinutukoy na nagkaroon ng partisipasyon sa pakikibaka ng bayan laban sa mga Espanyol. a.2. Pagganyak Ganyakin ang mga bata sa pamamagitan ng pagpapakita ng talahanayan na nahahati sa tatlong hanay. Relihiyon ekonomiko politikal Sa isang sobre ay bubunot ang mga bata ng mga pangalan ng pag-aalsa at ilalagay nila kung saan ito wastong hanay nabibilang. b. Panlinang na Gawain b.1. Paglalahad Ilahad ang panuto para sa pagsasagawa ng pangkatang-gawain. Bawat pangkat ay bubunot mula sa sobre kung anong sector ang nakatoka para sa kanilang pangkat. -kababaihan -panrelihiyon -pang-ekonomiko -pampolitiko b.2. Pagtatalakay Talakayin ng buong pangkat ang mga naging bunga o kinahitnan ng mga pakikibaka na binigyang partisipasyon ng iba’t ibang rehiyon at sector sa bansa laban sa mga kastila. Itanong ang mga sumusunod na mga katanungan: a. Sinu-sino ang mga nabanggit na mga kababaihan na nakibaka para sa bayan? b. Sa paanong paraan sila nakibaka laban sa mga kastila? c. Bakit nila ginawa ang kanilang pakikibaka? d. Anu-ano ang naging epekto o bunga ng kanilang pakikibaka? Tatalakayin ng guro ang naging awtput ng bawat pangkat. c. Pangwakas na Gawain c.1. Paglalapat Para sa iyo, mahalaga ba ang ginawang pag-aalsa o pakikibaka ng iba’t ibang sektor laban sa mga Espanyol? c.2. Paglalahat Sinu-sino ang mga kababaihan na nag-alsa laban sa mga Espanyol at anu-ano ang kanilang mga ginawa? . IV. Pagtataya Panuto: Isulat kung sino ang tinutukoy sa bawat pangungusap. 1. Siya ang Ina ng Katipunan. 2. Nag-alsa siya dahil hindi binigyan ng mga Prayle nang marangal na libing ang kayang kapatid na namatay. 3. Mga kapampangang encomendero na nag-alsa laban sa mga Espanyol. 4. Nag-alsa siya sapagkat nagnais siyang maging pari ngunit hindi tinanggap ng mga Prayle. 5. Lakambini ng Katipunan at asawa ni Andres Bonifacio. V. Takdang- Aralin PANUTO: Basahin ang tinalakay na aralin at Isulat sa kwarderno ay inyong natutunan. Date: May 02, 2024 Quarter 4 Week 5 Day 4 Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 5 Ikaapat na Markahan I. Layunin A. Nababalangkas ang pagkakaisa o pagkakawatak-watak ng mga Pilipino sa mga mahahalagang pangyayari at mga epekto nito sa naunang mga pag-aalsa laban sa kolonyalismong Espanyol AP5PKB-IVh-6. B. Napapahalagahan ang mga mabubuting epekto ng kalakalang Galyon sa buhay ng mga Pilipino. C. Naisasadula ang mga naging epekto ng kalakaalang galyon sa Pilipinas maging sa buhay ng mga Pilipino. II. Paksang-Aralin a. Paksa: Implikasyon ng mga Naunang Pag-aalsa KALAKALANG GALYON b. Kagamitan: powerpoint presentation, chalk and board, larawan, aklat c. Sanggunian: Curriculum Guide 5, Bansang Pilipinas, lahing Pilipino pp. III. Pamamaraan a. Panimulang Gawain a.1. Balik Aral Magpakita ng larawan ng daungan ng Maynila. Ipaliwanag na dati ay hindi pa ito nabubuksan. Talakayin sa mga mag-aaral kung anu-ano ang mga maaring naging epekto ng pagbubukas ng daungan ng Maynila sa kalakalan ng bansa. a.2. Pagganyak Pagpapakita ng larawan tungkol sa aralin tulad ng sistema ng sinaunang kalakalan sa bansa (barter), merkantilismo, daungan ng Maynila, galyon, iba’t ibang uri ng halaman na dala ng kalakalang galyon. b. Panlinang na Gawain b.1. Paglalahad Sabihin sa mga mag-aaral na sa loob ng 5 araw ay pag-aaralan ng klase ang kalakalang galyon at mga epekto nito sa mga Pilipino at sa bansa. Ilahad ang aralin sa pagsasagot sa mga tanong sa Alamin Mo, LM, pahina Pakinggan ang mga sagot ng mga mag-aaral. Tanggapin ang lahat ng kanilang mga kasagutan. Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na mga katanungan: a. Nakinabang ba ang mga katutubo sa kalakalang galyon? Sa paanong paraan kaya? b. Bakit napabayaan ng mga pinunong –bayan ang pagpapaunlad sa agrikultura at industriya ng bansa? c. Anu-ano ang mga naging epekto ng kalakalang galyon sa mga Pilipino lalo’t higit sa kanilang pamumuhay? b.2. Pagtatalakay Ipabasa at talakayin sa klase kung anu-ano ang dahilan kung bakit hindi napaunlad ang mga lupang sakahan ng mga Pilipino noong panahon ng pananakop ng mga espanyol. Talakayin ang mga naging epekto ng kalakalang galyon sa buhay ng mga Pilipino. Pangkatin ang mga mag-aaral upang mapag-usapan nila ang mga naging epekto ng kalakalang galyon sa mga Pilipino at hayaang iulat ng bawat pangkat ang kanilang napag-usapan. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng nakatalagang kanilang pag-uusapan sa pangkat c. Pangwakas na Gawain c.1. Paglalapat Para sa iyo, nakatulong ba ang kalakalang galyon sa bansang Pilipinas? c.2. Paglalahat ang daungan ng Maynila at nabuo ang Kalakalang Galyon sa pagitan ng Maynila at Acapulco Mexico. ang galyon ng iba’t ibang kalakal na halaman at hayop mula sa Acapulco at mula naman sa Maynila ay nadala ang mga palamuti, pagkain, halaman, spices at iba pang mga kasangkapan sa Mexico. ng sapilitang pagtatanim ng mga kalakal sa mga sakahan na naging sanhi ng kakulangan sa bigas. ng mga alcalde mayor at gobernadorcillo ang kanilang mga nasasakupan dahil na rin sa Galyon. sa loob ng 250 taon ang Kalakalang Galyon. . IV. Pagtataya (Pangkatan) Panuto: Ayon sa mga napag-usapan, pabunutin ng salita na nakasulat sa mga papel na tiniklop ang bawat pinuno ng pangkat. Ang kanilang nabunot ay gagawan nila ng isang role play batay sa kung anuano ang mga naging epekto ng kalakalang galyon sa Pilipinas gayundin sa mga Pilipino. V. Takdang- Aralin Panuto: Bumuo ng isang maikling awit / rap / jingle na naglalaman ng aralin. Date: May 03, 2024 Quarter 4 Week 5 Day 5 Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 5 Ikaapat na Markahan I. Layunin A. Nababalangkas ang pagkakaisa o pagkakawatak-watak ng mga Pilipino sa mga mahahalagang pangyayari at mga epekto nito sa naunang mga pag-aalsa laban sa kolonyalismong Espanyol AP5PKB-IVh-6. B. Napapahalagahan ang mga mabubuting epekto ng kalakalang Galyon sa buhay ng mga Pilipino. C. Naisasadula ang mga naging epekto ng kalakaalang galyon sa Pilipinas maging sa buhay ng mga Pilipino. II. Paksang-Aralin a. Paksa: KALAKALANG GALYON b. Kagamitan: powerpoint presentation, chalk and board, larawan, aklat c. Sanggunian: Curriculum Guide 5, Bansang Pilipinas, lahing Pilipino pp. 271-273 III. Pamamaraan a. Panimulang Gawain a.1. Balik Aral Ano ang nasa larawan? Ano ang iyong nalaman tungkol sa kalakalang galyon? Maari mo bang isa-isahin ang mga ito? a.2. Pagganyak jumbled words MGA KALAKALANG LALAWIGAN GALYON DAHIL ANG NAPABAYAAN NG BIGYANGPANSIN MAS PINUNO BAYAN NG MGA ANG ANG NAKATULONG SA MAYNILA PAG-UNLAD NG GALYON KALAKALANG Clue: Epekto ng kalakalang galyon. NAPABAYAAN ANG MGA LALAWIGAN DAHIL MAS BINGYANG-PANSIN NG MGA PINUNO NG BAYAN ANG KALAKALANG GALYON. NAKATULOG SA PAG-UNLAD NG MAYNILA ANG KALAKALANG GALYON. b. Panlinang na Gawain b.1. Paglalahad Ilalahad ang gawain kaugnay ng paksang-aralin. Magkakaroon tayo ng pangkatanggawain. Pipili ang bawat pangkat ng isang mabuting epekto at isang masamang epekto ng kalakalang galyon sa Pilipinas at maging sa mga Pilipino. Ipapaliwanag ito sa pamamagitan ng malikhaing pamamaraan. -Role Playing -Poster Making -Broadcasting/ Reporting etc. Ipapakita ang rubric para sa gawain. Bibigyan ng sapat na oras ang bawat pangkat para sa gawain. b.2. Pagtatalakay Talakayin ang awtput ng bawat pangkat. Suriin ang ginawa at presentasyon ng mga bata. Gabayan ang mga bata sa pagbubuo ng ideya batay sa kinalabasan ng kanilang ginawa. c. Pangwakas na Gawain c.1. Paglalapat Para sa iyo, nakabuti ba o nakasama ang kalakalng galyon? c.2. Paglalahat Mga Epekto ng Kalakalang Galyon sa Pilipinas at mga Pilipino 1. Napabayaan at hindi napaunlad ang pagsasaka at industriya sa bansa. 2. Napabayaan ang pamamahala sa mga lalawigan kung kaya’t ang mga mamamayan ay nawalan ng inaasahang paglilingkod na nararapat ibigay sa pamahalaan. 3. Ang kita mula sa galyon ang inasikaso ng mga opisyal ng pamahalaan na nag-unahan sa pagpapayaman. 4. Pinahirapan ng kalakalang galyon ang mga Pilipinong sapilitang pinagawa sa mga daungan nang walang bayad. 5. Napaunlad ang Maynila sa tulong ng kalakalang galyon. 6. Ang bahagi ng kinikita mula sa kalakalang galyon ay nakatulong bilang pantustos sa mga pangangailangan ng kolonya upang hindi lubusang umasa sa Espanya at Mexico. IV. Pagtataya (Pangkatan) Panuto: Gumawa ng diagram na nagpapakita ng mabuting epekto at di-mabuting epekto ng kalakalang galyon. Epekto ng Kalakalang Galyon sa Pilipinas at mga Pilipino Mabuting Epekto Di- Mabuting Epekto V. Takdang- Aralin Panuto: Bumuo ng isang maikling awit / rap / jingle na naglalaman ng aralin. Date: May 03, 2024 Quarter 4 Week 5 Day 5 Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 5 Ikaapat na Markahan I. Layunin A. Nababalangkas ang pagkakaisa o pagkakawatak-watak ng mga Pilipino sa mga mahahalagang pangyayari at mga epekto nito sa naunang mga pag-aalsa laban sa kolonyalismong Espanyol AP5PKB-IVh-6. B. Naiisa-isa ang dahilan ng pagtatagumpay at hindi pagtatagumpay ng mga naunang pagaalsa laaban sa mga Espanyol. C. Naisasadula ang ilan sa mga dahilan ng pagtatagumpay at hindi pagtatagumpay ng mga naunang pag-aalsa laban sa mga Espanyol. II. Paksang-Aralin a. Paksa: Implikasyon ng mga Naunang Pag-aalsa b. Kagamitan: powerpoint presentation, chalk and board, larawan, aklat c. Sanggunian: Curriculum Guide 5, Bansang Pilipinas, lahing Pilipino pp. III. Pamamaraan a. Panimulang Gawain a.1. Balik Aral Ano ang kalakalang galyon? Anu-ano ang mga naging epekto ng kalakalang galyon sa Pilipinas at maging sa mga Pilipino? a.2. Pagganyak Magpakita ng 2 larawan kung saan ang sa isa ay nagtagumpay ang paghihimagsik o ng pakikibaka laban sa mga kastila at sa isa naman ay hindi nagtagumpay ang naging paghihimagsik. Itanong ang mga sumusunod: a. Ano ang dahilan ng kanilang pakikibaka? b. Laban kanino ang kanilang pakikibaka? c. Maliban sa aking nabanggit, anu-ano pa kaya ang iba pang mga maaring maging dahilan kung bakit ang pakikibaka ay hindi nagtatagumpay? b. Panlinang na Gawain b.1. Paglalahad Ilahad sa mga mag-aaral na ang pag-aaralan ng klase ay ang mga pagkakaisa o pagkakawatak-watak ng mga Pilipino sa mga mahahalagang pangyayari at mga epekto nito sa naunang mga pag-aalsa laban sa kolonyalismong Espanyol. b.2. Pagtatalakay Bigyan ng meta cards ang bawat nabuong pangkat at hayaang paghiwalayin nila ang mga pag-aaklas kung ito at nagtagumpay o kaya naman ay kung hindi ito nagtagumpay. Mga nilalaman ng Meta cards: o Lakandula o Sumuroy o Katipunan o Propaganda o Tamblot o Dagohoy o Hermano Pule o Diego at Gabriela silang o Reporma Pag-uulat ng bawat pangkat ayon sa gabay ng guro. Pagtatalakay at pagsusuri sa ulat ng bawat pangkat. c. Pangwakas na Gawain c.1. Paglalapat Kung ikaw ay isa sa mga pinunong Pilipino na nag-aklas noon laban sa mga Espanyol, ano ang pangunahing kailangan upang magtagumpay ang isang pag-aaklas? c.2. Paglalahat c.3. Anu-ano ang mga kadahilan upang maging matagumpay ang mga naganap na pagaaklas o rebolusyon gayundin ang mga dahilan kung bakit karamihan sa mga ito ay hindi naging matagumpay? IV. Pagtataya (Pangkatan) Panuto: Bigyan ng panahon ang mga mag-aaral na makabuo ng isang maikling dula na nagpapakita kung papaano nagsimula ang pag-aaklas at kung ano ang naging kinahinatnan ng pag-aaklas at kung anu-ano ang mga naging dahilan kung bakit hindi ito naging matagumpay o hindi. V. Takdang- Aralin Panuto: Gumawa ng isang islogan tungkol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng pagkakaisa. Mary Shella C. Calingasan Marso 5, 2020 Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 5 Ikaapat na Markahan I. Layunin Nakapagbibigay-katuwiran sa mga naging epekto ng mga unang pag-aalsa ng mga makabayang Pilipino sa pagkamit ng kalayaaan na tinatamasa ng mga mamamayan sa kasalukuyang panahon. AP5PKB-IVi-7 Natatalakay ang mga dahilan ng mga katutubong Pilipino sa pag-aalsa laban sa mga Espanyol. Naisasadula ang mga piling dahilan ng mga katutubong Pilipino sa pag-aalsa laban sa mga Espanyol. II. Paksang-Aralin a. Paksa: Implikasyon ng mga Naunang Pag-aalsa b. Kagamitan: powerpoint presentation, chalk and board, larawan, aklat c. Sanggunian: Curriculum Guide 5, Bansang Pilipinas, lahing Pilipino pp. III. Pamamaraan a. Panimulang Gawain a.1. Balik Aral Ano ang kalakalang galyon? Anu-ano ang mga naging epekto ng kalakalang galyon sa Pilipinas at maging sa mga Pilipino? a.2. Pagganyak Magpakita ng larawan tungkol sa pakikibaka ng mga Pilipino laban sa mga kastila . •Ano kaya ang naging dahilan ng pag-aaalsa ng mga sinaunang Pilipino? •Ano kaya ang sitwasyon natin ngaun kung hindi nagkaroon ng mga pag-aalsa? •Sa palagay ninyo, ano kaya ang naidulot ng hindi mabilang na pag-aalsa ng mga sinaunang Pilipino? b. Panlinang na Gawain b.1. Paglalahad Mga dahilan sa pag-aalsa ng mga katutubo laban sa mga Espanyol 1. Pagbawi sa nawalang kalayaan. 2. Pang-aabuso at masamang Gawain ng mga pinunong Espanyol. 3. Pangangamkam ng mga lupain ng mga pinunong Espanyol. 4. Sapilitang paggawa. 5. Kahigpitan sa relihiyon. 6. Paniningil ng labis-labis na buwis. b.2. Pagtatalakay Itanong ang mga sumusunod: 1. Ano ang udyok sa mga Pilipino na mag-alsa laban sa mga Espanyol? 2. Nagtagumpay ba ang mga pag-aalsang ito? 3. Ano ang naging dahilan kung bakit nabigo ang mga pag- aalsa? c. Pangwakas na Gawain c.1. Paglalapat Kung ikaw ay isa sa mga pinunong Pilipino na nag-aklas noon laban sa mga Espanyol, ano ang pangunahing kailangan upang magtagumpay ang isang pag-aaklas? c.2. Paglalahat TANDAAN MO Tinanggap ang mga sinaunang Pilipino ang pagpasok ng mga Espanyol dahil sa maganda at maayos na pamamalakad ni Legazpi, ngunit ang naging kapalit niyang si Gobernador-heneral Guido de Lavezares ay hindi naibigan ng mga katutubo dahil bigla niyang inalis ang mga karapatang ipinagkaloob ni Legazpi. Pinagmalupitan at pinagsamantalahan ng mga Espanyol ang mga katutubo. Sa hirap at png-aabusong dinanas ng mga Pilipino, nag-ugat ang mga pag-aalsa. Sa higit na 100 na pag-aalsa, ang mga ito ay nabigo dahil sa kawalan ng plano, armas at kaalaman sa pakikidigma. Sa kabila ng kabiguan ang mga pag-aalsa ay naging daan parin upang umalab ang damdamin pangkamakabayan ng mga Pilipino na naging panimula upang makamit natin ang kasarinlan na tinatamasa natin hanggang sa kasalukuyan. IV. Pagtataya (Pangkatan) Panuto: Bigyan ng panahon ang mga mag-aaral na makabuo ng isang maikling dula na nagpapakita ng dahilan ng pag-aalsa ng sinaunang Pilipino. V. Takdang- Aralin Panuto: Gumawa ng likhang sining na maaring magpakita ng iyong pagpapahalaga sa kasarinlan na tinatamasa ng ating bansa. Mary Shella C. Calingasan Marso 6, 2020 Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 5 Ikaapat na Markahan I. Layunin Nakapagbibigay-katuwiran sa mga naging epekto ng mga unang pag-aalsa ng mga makabayang Pilipino sa pagkamit ng kalayaaan na tinatamasa ng mga mamamayan sa kasalukuyang panahon. AP5PKB-IVi-7 Natatalakay ang mga dahilan ng mga katutubong Pilipino sa pag-aalsa laban sa mga Espanyol. Nakagagawa ng poster tungkol sa pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol. II. Paksang-Aralin a. Paksa: Implikasyon ng mga Naunang Pag-aalsa b. Kagamitan: powerpoint presentation, chalk and board, larawan, aklat c. Sanggunian: Curriculum Guide 5, Bansang Pilipinas, lahing Pilipino pp. III. Pamamaraan a. Panimulang Gawain a.1. Balik Aral Ano ang udyok sa mga Pilipino na mag-alsa laban sa mga Espanyol? Nagtagumpay ba ang mga pag-aalsang ito? Ano ang naging dahilan kung bakit nabigo ang mga pag- aalsa? a.2. Pagganyak Magpakita ng larawan tungkol sa pagkamit ng kasarinlan ng Pilipinas mula sa mga Espanyol: •Ano kaya ang naging dahilan ng pagkamit natin ng kalayaan? •Ano kaya ang sitwasyon natin ngayun kung hindi nagkaroon ng mga pag-aalsa? b. Panlinang na Gawain b.1. Paglalahad Ilahad ang mga sumusunod: Mga bunga ng Pag-aalsa ng mga Pilipino Nabigo ang lahat ng pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol. Nabigo sila dahil kulang sila sa pagkakaisa at kulang ang kakayahan ng mga lider na namuno sa mga pagbabangon. Marami sa knila ang walang maayos na plano at kulang sa mga armas. Nagpangkat-pangkat sila at nahati sa iba’t-ibang tribo. Pumanig sa mga Espanyol ang karamihan sa mga Pilipino noon. Naging sunudsunuran din sila sa mga kagustuhan ng mga ito. Naging mas matapat pa sila sa mga Espanyol kaysa sa kapwa nila Pilipino. Sinamantala rin ng mga Espanyol ang pagkakawatak-watak ng mga katutubo. Ginamit ng mga Espanyol ang mga Pilipino. Dahil sa likas na kaugalian ng mga Pilipino na magtimpi at matiisin, sila ay nanatiling alipin ng mga dayuhan sa mahabang panahon. Naging mahalaga rin ang mga nauanag pag-aalsa kahit puro kabiguan ang kinalabasan ng mga ito. Dahil dito, napatunayan na ang lahing Pilipino ay may pagmamahal sa kalayaan. Nakita rin nila ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagsasamasama upang matamo ang kanilang nilalayon. b.2. Pangkatang- Gawain Bumuo ng tatlong pangkat. Ipagawa ang sumusunod. Pangkat I- Poster na nagpapakita ng pang-aabusong dinanas ng mga Pilipino. Pangkat II- Poster na nagpapakita ng pag-aalsa isinagawa ng mga Pilipino Pangkat III- Poster na nagpapakita ng kasarinlan ng ating bansa. b.3. Pagtatalakay Talakayin ang awtput ng bawat pangkat. Bigyan ng pagkakataon ang bawat pangkat na ipaliwanag ang kanilang ginawa. c. Pangwakas na Gawain c.1. Paglalapat Kung ikaw ay isa sa mga katutubong nakipaglaban sa mga Espanyol, paano mo mapapahalagahan ang inyong pag-aalsa bagaman ito ay nabigo? c.2. Paglalahat TANDAAN MO Mahalaga ang mga naunangg pag-aalsa kahit puro kabiguan ang kinalabasan ng mga ito. Dahil dito, napatunayan na ang lahing Pilipino ay may pagmamahal sa kalayaan. Nakita rin nila ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagsasama-sama upang matamo ang kanilang nilalayon. IV. Pagtataya Panuto: Isulat kung TAMA o MALI ang isinasaad ng sumusunod na pangungusap. 1. Hindi nagtagumpay ang mga pag-aalsa dahil sa pagkakawatak-watak at pagkakanya-kanya ng mga Pilipino. 2. Dumanas ang mga Pilipino ng maayos na pamamahala mula sa mga Espanyol sa loob ng mahigit 300 taon. 3. May mga katutubong sumanib sa mga Espanyol at nilabanan ang kapwa Pilipino sa panahon ng pagaalsa. 4. Hindi man nagtagumpay ang mga naunang pag-aalsa naging simbolo naman ito ng pagiging makabansa ng sinaunang Pilipino. 5. Malaki ang naging epekto ng mga unang pag-aalsa upang makamit natin ang kasarinlan. Mary Shella C. Calingasan Marso 10, 2020 Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 5 Ikaapat na Markahan I. Layunin Nakapagbibigay-katuwiran sa mga naging epekto ng mga unang pag-aalsa ng mga makabayang Pilipino sa pagkamit ng kalayaaan na tinatamasa ng mga mamamayan sa kasalukuyang panahon. AP5PKB-IVi-7 Natatalakay ang mga dahilan ng mga katutubong Pilipino sa pag-aalsa laban sa mga Espanyol. Nakagagawa ng poster tungkol sa pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol. II. Paksang-Aralin a. Paksa: Implikasyon ng mga Naunang Pag-aalsa b. Kagamitan: powerpoint presentation, chalk and board, larawan, aklat c. Sanggunian: Curriculum Guide 5, Bansang Pilipinas, lahing Pilipino pp. III. Pamamaraan a. Panimulang Gawain a.1. Balik Aral Ano ang udyok sa mga Pilipino na mag-alsa laban sa mga Espanyol? Nagtagumpay ba ang mga pag-aalsang ito? Ano ang naging dahilan kung bakit nabigo ang mga pag- aalsa? a.2. Pagganyak Magpakita ng larawan tungkol sa pagkamit ng kasarinlan ng Pilipinas mula sa mga Espanyol: •Gaano kahalaga ang pagkamit natin ng kalayaan? •Ano kaya ang sitwasyon natin ngayon kung hindi nagkaroon ng mga pag-aalsa? b. Panlinang na Gawain b.1. Paglalahad Ilahad ang mga sumusunod: Sa kabila ng panunupil at pananakot ng mga Espanyol, ang mga Pilipino ay naghanagad ng kalayaan. Nadama nila ang maling pamamalakad ng mga Espanyol. Ang pagpataw ng mataas at labis na buwis, ang sapilitang paglilingkod, ang pang-aabuso ng mga pinunong Espanyol at mga prayle ay ilan lamang sa mga dahilan upang magising ang damdamin ng mga Pilipino. Kung isa sa mga dahilan ng pagkabigo ng mga naunang pag-aalsa ay dahil sa walang pagkakaisa ng mga Pilipino, sa pagkakataong ito ay natanto nila na kailangan ang pagkakaisa upang matupad ang nilalayon nilang kalayaan. b.2. Pangkatang- Gawain Bumuo ng tatlong pangkat. Bawat pangkat ay mayroong representante. Mag uunahan sila sa pagsulat ng sagot sa pisara. Panuto: Isulat kung TAMA o MALI ang isinasaad ng sumusunod na pangungusap. 1. Hindi nagtagumpay ang mga pag-aalsa dahil sa pagkakawatak-watak at pagkakanya- kanya ng mga Pilipino. 2. Dumanas ang mga Pilipino ng maayos na pamamahala mula sa mga Espanyol sa loob ng mahigit 300 taon. 3. May mga katutubong sumanib sa mga Espanyol at nilabanan ang kapwa Pilipino sa panahon ng pag-aalsa. 4. Hindi man nagtagumpay ang mga naunang pag-aalsa naging simbolo naman ito ng pagiging makabansa ng sinaunang Pilipino. 5. Malaki ang naging epekto ng mga unang pag-aalsa upang makamit natin ang kasarinlan. c. Pangwakas na Gawain c.1. Paglalapat Kung ikaw ay isa sa mga katutubong nakipaglaban sa mga Espanyol, paano mo mapapahalagahan ang inyong pag-aalsa bagaman ito ay nabigo? c.2. Paglalahat TANDAAN MO Naging mahalaga ang mga naunang pag-aalsa kahit pawang kabiguan ang nilabasan ng mga ito. Dahil dito ay napatunayan ng mga pIlipino ang pagmaamahal nila sa kalayaan. Nakita rin nila ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagsasama sama upang matamo ang nilalayong kalayaan laban sa mga Espanyol. IV. Pagtataya Panuto: Gumawa ng islogan tungkol sa kahalagahan ng mga naunang pag-aalsa ng mga katutubo laban sa mga Espanyol. V. Takdang Aralin Panuto: Humanda para sa pagtatalakay ng ginawang islogan tungkol sa kahalagahan ng mga naunang pag-aalsa ng mga katutubo laban sa mga Espanyol. Mary Shella C. Calingasan Marso 9, 2020 Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 5 Ikaapat na Markahan I. Layunin Nakapagbibigay-katuwiran sa mga naging epekto ng mga unang pag-aalsa ng mga makabayang Pilipino sa pagkamit ng kalayaaan na tinatamasa ng mga mamamayan sa kasalukuyang panahon. AP5PKB-IVi-7 Natatalakay ang mga dahilan ng mga katutubong Pilipino sa pag-aalsa laban sa mga Espanyol. Naisasadula ang mga piling dahilan ng mga katutubong Pilipino sa pag-aalsa laban sa mga Espanyol. II. Paksang-Aralin a. Paksa: Implikasyon ng mga Naunang Pag-aalsa b. Kagamitan: powerpoint presentation, chalk and board, larawan, aklat c. Sanggunian: Curriculum Guide 5, Bansang Pilipinas, lahing Pilipino pp. III. Pamamaraan a. Panimulang Gawain a.1. Balik Aral Ano ang kalakalang galyon? Anu-ano ang mga naging epekto ng kalakalang galyon sa Pilipinas at maging sa mga Pilipino? a.2. Pagganyak Magpakita ng larawan tungkol sa pakikibaka ng mga Pilipino laban sa mga kastila . •Ano kaya ang naging dahilan ng pag-aaalsa ng mga sinaunang Pilipino? •Ano kaya ang sitwasyon natin ngaun kung hindi nagkaroon ng mga pag-aalsa? •Sa palagay ninyo, ano kaya ang naidulot ng hindi mabilang na pag-aalsa ng mga sinaunang Pilipino? b. Panlinang na Gawain b.1. Paglalahad Iba pang mga dahilan sa pag-aalsa ng mga katutubo laban sa mga Espanyol May mahahalagang dahilan kung bakit naging bigo ang lahat ng pagaalsa ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol mula kay Lakandula hanggang kay Hermano Pule. Nabigo sila dahil kulang sila sa pagkakaisa. Kulang din sa kakayahan ang mga lider na namumuno sa mga pag- aalsa. Marami sa kanila ang basta na lamang nagrebelde nang walang maayos na plano at walang sapat na armas. Nagpangkat-pangkat ang mga katutubong Pilipino noon at sila ay nahati sa maraming tribo. Sinamantala ng mga Espanyol ang pagkakawatak-watak ng mga katutubo at pinagaway-away sila. Higit sa lahat, marami rin sa mga Pilipino ang pumanig sa mga Espanyol. Hindi Nakiisa sa mga katutubo ang mga mayayamang angkan na nagtamasa ng kaginhawaan sa ilalim ng mga Kastila. Naging mas matpat sila sa Espanyol kaysa sa kapwa nila Pilipino. Naging taksil din ang iba at isinuplong ang mga kasamahan. Naging sunod-sunuran sila sa mga kagustuhan ng mga Espanyol kaya't napasailalim ang ating bansa sa mga dayuhan sa mahabang panahon. Bagama't nabigo, may kahalagahan din ang mga unang pag-aalsa. Dito napatunayan na nais maging malaya ng mga Pilipino. Naging aral sa mga Pilipino na dapatr magkaisa upang matamo ang kanilang nilalayon. b.2. Pagtatalakay Itanong ang mga sumusunod: 1. Nagtagumpay ba ang mga pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol? 2. Ano ang naging dahilan kung bakit nabigo ang mga pag- aalsa? c. Pangwakas na Gawain c.1. Paglalapat Kung ikaw ay isa sa mga pinunong Pilipino na nag-aklas noon laban sa mga Espanyol, ano ang pangunahing kailangan upang magtagumpay ang isang pag-aaklas? c.2. Paglalahat TANDAAN MO Tinanggap ang mga sinaunang Pilipino ang pagpasok ng mga Espanyol dahil sa maganda at maayos na pamamalakad ni Legazpi, ngunit ang naging kapalit niyang si Gobernador-heneral Guido de Lavezares ay hindi naibigan ng mga katutubo dahil bigla niyang inalis ang mga karapatang ipinagkaloob ni Legazpi. Pinagmalupitan at pinagsamantalahan ng mga Espanyol ang mga katutubo. Sa hirap at png-aabusong dinanas ng mga Pilipino, nag-ugat ang mga pag-aalsa. Sa higit na 100 na pag-aalsa, ang mga ito ay nabigo dahil sa kawalan ng plano, armas at kaalaman sa pakikidigma. Sa kabila ng kabiguan ang mga pag-aalsa ay naging daan parin upang umalab ang damdamin pangkamakabayan ng mga Pilipino na naging panimula upang makamit natin ang kasarinlan na tinatamasa natin hanggang sa kasalukuyan. IV. Pagtataya (Pangkatan) Panuto: Bigyan ng panahon ang mga mag-aaral na makabuo ng isang maikling dula na nagpapakita ng dahilan ng pagkabigo ng pag-aalsa ng sinaunang Pilipino. V. Takdang- Aralin Panuto: Gumawa ng likhang sining na maaring magpakita ng iyong pagpapahalaga sa kasarinlan na tinatamasa ng ating bansa. Mary Shella C. Calingasan Marso 11, 2020 Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 5 Ikaapat na Markahan I. Layunin Nakapagbibigay-katuwiran sa mga naging epekto ng mga unang pag-aalsa ng mga makabayang Pilipino sa pagkamit ng kalayaaan na tinatamasa ng mga mamamayan sa kasalukuyang panahon. AP5PKB-IVi-7 Nasasabi ang kahulugan ng nasyonalismo. Natatalakay ang ilang saknong mula sa tulang tungkol sa pagpapahalaga sa kasarinlan. II. Paksang-Aralin a. Paksa: Implikasyon ng mga Naunang Pag-aalsa b. Kagamitan: powerpoint presentation, chalk and board, larawan, aklat c. Sanggunian: Curriculum Guide 5, Bansang Pilipinas, lahing Pilipino pp. III. Pamamaraan a. Panimulang Gawain a.1. Balik Aral Anu- ano ang mga dahilan ng pag-aalsa ng mga katutubong Pilipino? Lahat ba ng pag-aalsa ay nagtagumpay? Anu-ano ang mga dahilan ng pagkabigo ng mga pag-aalsang ito? a.2. Pagganyak jumbled letters AYSONALMSION NASYONALISMO Ano ang nasyonalismo? Ang nasyonalismo ay isang damdamin at simulaing makabayan; pagsisikap at pagmamalasakit sa kapakanan ng sariling bayan; kilusan sa pagtatanggol ng kalayaan ng bayang tinubuan. b. Panlinang na Gawain b.1. Paglalahad Bigkasin nang malakas at madamdamin: b.2. Pagtatalakay 1. Para kanino ang tulang binasa? 2. Alin ang pinukaw sa iyo ng tula; isipan, damdamin o kaasalan? Ipaliwanag. 3. Paano inilahad ng may-akda ang kanyang pag-ibig sa bayan? 4. Sa anong saknong niya ito isinatinig? c. Pangwakas na Gawain c.1. Paglalapat Kung buhay kaya ang mga taong namatay dahil sa pagtatanggol sa bayan, ano kaya ang magiging reaksyon nila sa nangyayari sa ating bayan ngayon? c.2. Paglalahat Paano ipinakita ng mga Pilipino ang diwa ng nasyonalismo? . IV. Pagtataya (Pangkatan) Panuto: Pumili ng isang saknong mula sa tula na tumatak sa iyong puso at isipan. Ipaliwanag kung bakit ito ang iyong napili. V. Takdang- Aralin Panuto: Gumawa ng tula na maaring magpakita ng iyong pagpapahalaga sa kasarinlan na tinatamasa ng ating bansa.