BANGHAYARALIN SA FILIPINO Grade Level Teacher 11 JIANNE PEARL F. DE TORRES Learning Area FILIPINO Teaching Dates and Time Ika-17 ng Oktubre , 2022 Quarter Unang Markahan Pagpapakitang Turo sa Filipino I. LAYUNIN A. Pamantayang Pangnilalaman B. Pamantayang Pagganap 1. Nabibigyan ng kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan; 2. Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng mga linya o pahayag; at 3. Naipapahayag ang kahalagahan ng wika sa isang lipunan Nasusuri ang gamit ng wika sa lipunan C. Kasanayang Pampagkatuto Naipaliliwanag nang pasalita ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng mga pagbibigay halimbawa (F11PSId87) II. NILALAMAN GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN III. KAGAMITANG PANTURO Sanggunian Mga Pahina sa Teksbuk Iba pang Sanggunian Modyul 4 : KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO “ Gamit ng Wika sa Lipunan” Ang Wika at Lipunan http://www.scribd.com/doc/61281040/6WikaatLipunan#scribd Ang Tungkulin ng Wika http://www.slideshare.net/pesiaplaza6291/angtungkulinngwika Iba pang Kagamitang Panturo IV. PAMAMARAAN (Powerpoint Presentation) Strips of Paper, Tarp-Papel/ Manila Paper A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Pagbati 3. Pagsasaayos ng silid-aralan 4. Pagtatala ng liban B. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin. Pagbabalik aral sa kahalagahan ng wika sa bansa. 1. Bakit mahalaga ang wika sa isang komunidad? A. Instrumento ng pakikipagkomunikasyon B. Maipahayag ang damdamin o saloobin at ideya C. Naipapanatili ang isang maayos na pakikipag-ugnayan C. Pagganyak A. Basa, Artehan! Ang guro ay may inihandanglinyang babasahin ng mga mag-aaral. Bago simulan ang gawaing ito, ang klase ay papangkatin sa anim na grupo. Matapos mapangkat-pangkat ay ipapaliwanag na ng guro ang gawaing gagawin. Sa harapan ay may mga piraso ng mga papel inihanda ang guro para sa bawat grupo. Bawat papel ay may nakasulat na mga linya. Ang bawat linya/ pahayag ay babasahin ng bawat grupo ayun sa emosyon, sitwasyon at/o taong nagpapahayag nito. Inaasahang matatapos ang gawaing ito sa loob ng 10 minuto. Mga Linya/Pahayag na ipapabasa: a) “Uuuy pare! Long time no see. Maligayang kaarawan!” b) “Bumangon ka na at mamalengke. Bumili ka ng buhay na manok para sa salusalo mamaya.” c) Paano magparehistro bilang botante para sa mga 1st Time Voters? Siguraduhing mayroon kang sapat na kwalipikasyon bago magparehistro (Pilipino, 18 taon gulang o higit pa, kasalukuyang naninirahan sa Pilipinas ng isang taon o higit pa bago ang araw ng eleksyon at naninirahan ng hindi bababa ng anim na buwan sa bayan o siyudad kung saan siya boboto sa araw ng halalan) Pumunta sa Lokal na COMELEC na malapit sa inyong lugar. Magdala ng 2 valid ID. Sagutan at ipasa ang application form (CEF1A) . Pagdaanan ang proseso ng validation o ang pagkuha ng biometrics data (litrato, pirma, at finger prints. Itago ang ibibigay ng registration stub. d) “Ang sa akin lang, hindi ako komportable na nagpopost ng litrato sa internet gamit ang aking social media accounts tulad ng facebook at instagram.” e) “Anu-anong elemento ang matatagpuan sa planetang Mars? Sapat ba ito para suportahan ang buhay ng halaman?” f) “Kamakailan, inilunsad ng pamahalaan ang P2P Bus System o Point to Point System na may ruta mula sa SM North Edsa Quezon City – Glorietta, Makati City sa Kamaynilan. Naglalayon itong maibsan ang matinding trapiko sa EDSA. Ang P2P bus system ay nagsasakay at nagbaba lamang sa isang napiling bus stop.” D. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin Gawain 1. Pag-unawa Base sa mga linya o pahayag na pinabasa sa bawat grupo ay sasagutin ng mga mag-aaral ang bawat palaisipan Mga Palaisipan: a) Saang lugar maaring marinig ang mga pahayag na inyong binasa? b) Sino-sino ang maaring nagsasalita at maaring kinakausap sa mga pa hayag na inyong binasa? c) Sa anong sitwasyon maaring maganap ang mga pahayag na inyong binasa? E. Pagtalakay sa bagong konsepto a. Tatalakayin ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan Gawain 2. Think-Group-Share Balikan muli ang mga pahayag na ginamit sa pagganyak. Tanungin sa mga mag-aaral kung ano sa tingin nila ang layunin ng tagapagsalita sa bawat pahayag? Ano ang nais mangyari ng tagapagsalita? PAHAYAG A B C D E MGA POSIBLENG SAGOT NG MGA MAG-AARAL 1. Nangangamusta ang tagapagsalita. 2. Nais bumati ng tagapagsalita sa kanyang kaibigan. 1. Ang layunin ng tagapagsalita ay magutos sa kinakausap. 2. Nais tagapagsalita na bumangon ang kausap para makibili ng manok para sa salusalo mamaya. 1.Ang pahayag ay nagbibigay ng instruksyon sapagpaparehistro sa COMELEC. 2. Ang pahayag ay nagsasabi kung ano ang dapat gawin upang maging rehistradong botante sa COMELEC. 1. Ang tagapagsalita ay nagpapahayag ng kanyang opinyon sa paggamit ng social media. 2. Nais ng nagsasalita na ilahad ang kanyang saluobin tungkol sa pagpopost ng litratro sa facebook at Instagram. 1. Gusto malaman ng nagtatanong kung anuanong elemento ang meron sa planetang Mars. F 2. Ang pahayag ay naglalayong makakalap ng impormasyon tungkol sa Mars. 1.Sa tingin ko parang news sa TV, radyo o diyaryo yung pahayag. 2. Ang pahayag ay nagbibigay ng update sa mga tao. a.1 Pormal na Talakayan/ Paglilinaw sa Paksa Ayon kay Michael A.K. Halliday, isang linggwistang Briton, may 6 na gamit ang wika sa lipunan – instrumental, regulatoryo, interaskyonal, personal, hueristiko at impormatibo. INTERAKSYUNAL GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN Gamit ng wika upang mapanatili ang pakikipagkapwa-tao Pasalita: pormulasyong panlipunan (Hal. Magandang Umaga! Maligayang Kaarawan! Nakikiramay kami sa inyong pamilya.) Pasulat: Liham pangkaibian REGOLATORYO Gamit ng wika para kumontrol o gumabay sa kilos at asal ng iba. Pasalita: pagbibigay ng panuto, direksyon o paalala Pasulat: resipe, mga batas INSTRUMENTAL Gamit ng wika para may mangyari o may maganap na bagay-bagay. Pasalita: paguuots Pasulat: lihampangangalakal, mga liham na humihiling o umoorder F. Paglalapat ng aralin PERSONAL Gamit ng wika sa pagpapahayag ng sariling damdamin o opinion. Pasalita: pagtatapat ng damdamin ng isang tao Pasulat: editoryal, liham sa patnugot HUERISTIKO Gamit ng wika bilang kagamitan sa pagkatuto ng mga kaalaman at pag-unawa. Pasalita: pag-interbyu, pagtatanong Pasulat: surbey form IMPORMATIBO Gamit ng wika sa pagpaparating ng kaalman tungkol sa daigdig, paguulat ng mg pangyayari, paglalahad, pagpapaliwanag ng mga pagkakaugnayugnay, paghahatid ng mga mensahe, atbp. Pasalita: pagtuturo, pagbabalita, pag-uulat , pagpapaliwanag o pagsagot sa mga katanungan Pasulat: pagsulat ng panahunang papel o tesis Gawain 3. KaALAMan KO! Muling babalikan ang mga pahayag na ginamit sa pagganyak. Ipapaliwanag ng mga mag-aaral kung ano ang gamit ng wika sa bawat pahayag na ginamit sa pagganyak. a) Unang Pahayag: “Uuuy pare! Longtimenosee. Maligayang kaarawan!” Tamang sagot (Layunin): INTERAKSIYONAL - patungkol sa pagpapanatili o pagpapatagtag ng relasyon sa kapwa Paliwanag: Ito ay isang pagbati sa pagitan ng magkaibigan batay sa salitang “pare.” Ang wika ay ginagamit para mapanatili o mapatatag ang relasyon sa pagitan ng tapagagsalita at kausap. b) Ikalawang Pahayag: “Bumangon ka na at mamalengke. Bumili ka ng buhay na manok para sa salusalo mamaya.” Tamang sagot (Layunin): INSTRUMENTAL - ginagamit ang wika para may mangyari o maganap ang bagay-bagay . Paliwanag: Ang pahayag ay isang utos… “bumangon ka na..bumili ka ng…” Ang wika ay ginamit para utusan ang kausap na bumili ng manok para sa salusalo mamaya. c) Ikatlong Pahayag: Paano magparehistro bilang botante para sa mga 1st Time Voters? Siguraduhing mayroon kang sapat na kwalipikasyon bago magparehistro (Pilipino, 18 taon gulang o higit pa, kasalukuyang naninirahan sa Pilipinas ng isang taon o higit pa bago ang araw ng eleksyon at naninirahan ng hindi bababa ng anim na buwan sa bayan o siyudad kung saan siya boboto sa araw ng halalan) Tamang sagot (Layunin): REGULATORY, -kumokontrol o gumagabay sa kilos at asal ng iba Paliwanag: Ang pahayag ay sa pagitan ng pamahalaan at ng mga mamayan. Ang wika ay ginamit para alalayan ang mga pangyayari, sa pagkakataong ito, ang pagpaparehistro sa COMELEC. d) Ikaapat na Pahayag: “Ang sa akin lang, hindi ako komportable na nagpopost ng litrato sa internet gamit ang aking social media accounts tulad ng facebook at instagram.” Tamang sagot (Layunin): PERSONAL-nagpapahayag ng sariling damdamin o opinion Paliwanag: Ang pahayag ay nagsasaad ng saloobin ng tagapagsalita. Ang wika ay ginamit upang ipahayag ang katauhan ng isang tao . d) Ikaanim na Pahayag: “Anuanong elemento ang matatagpuan sa planetang Mars? Sapat ba ito para suportahan ang buhay ng halaman?” Tamang sagot (Layunin): HEURISTIKO- naghahanap ng mga impormasyon o datos na magpapayaman ng kaalaman Paliwanag: Ang pahayag ay isang tanong. Ito ay maaring magsimula ng isang pananaliksik upang mapalago pa ang kaalaman tungkol sa planetang Mars. f) Ikapitong Pahayag: “Kamakailan, inilunsad ng pamahalaan ang P2P Bus System o Point-to-Point System na may ruta mula sa SM North Edsa Quezon City – Glorietta, Makati City sa Kamaynilan. Naglalayon itong maibsan ang matinding tra piko sa EDSA. Ang P2P bus system ay nagsasakay at nagbaba lamang sa isang napiling bus stop.” Tamang sagot (Layunin): IMPORMATIBO, - nagpaparating ng mga kaalaman sa daidig, paguulat ng mga pangyayari G. Paglalahat H. Pagtataya Paliwanag: Ang pahayag ay isang ulat patungkol sa bagong bus system na inilunsad sa Kamaynilaan. Ginamit ang wika upang magbigay ng impormasyon. Tatawag ang guro ng mga mag-aaral na sasagot sa ilang katanungan patungkol sa paksang tatalakayin 1. Ano-ano ang mga gamit ng wika sa lipunan? 2. Bakit mahalaga malaman at maunawaan ang gamit ng wika sa lipunan? Basahin ang bawat pahayag at isulat sa isang kapat na papel ang tinitukoy na gamit ng wika sa lipunan. 1. Anim ang patay sa trahedya sa lansangan kahapon ng umaga sa may baryo San Agustin. 2. Magandang umaga Sarah! 3. Heneral Luna: “Kung magiging isang bansa man tayo kailangan natin ng isang radikal na pagbabago. Mga kapatid, mayroon tayong mas malaking kaaway kaysa mga Amerikano- ang ating mga sarili.” 4. Pabili po ng isang kilong asukal at harina. 5. “Diri na lang ko kutob, diri na lang ko taman, dili na ko mogukod sa tawong kusog modagan.” V. TAKDANGARALIN Tingnan at basahin ang mga post ng iyong mga kaibigan sa newsfeed ng inyong Facebook account. Pansinin kung anong gamit ng wika ang iyong nakikita sa iba’t ibang post. Base sa iyong obserbasyon, paano ginagamit ng iyong mga kaibigan ang social media? Magbigay ng limang halimbawa (post ng inyong mga kaibigan) bilang suporta sa iyong sagot. Isulat sa isang buong papel. Iniwasto ni: GNG. ELIZABETH P. LOMOLJO