KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG Ang kabisera ng Tsina ay ang siyudad ng Beijing. Ang uri ng gobyerno ay Communist Party-Led State kung tawagin. Ang pangalang China ay mula sa dinastiyang Chin. Zhongguo o Gitnang Kaharian ang tawag sa kanilang lupain. Sa paniniwalang sila ang "sentro ng sibilisasyon", napili nila itong gamitin. Sa mga pananim sila ay sagana Sa bigas, trigo, sorghum, mani, patatas at tsaa. Sila rin ay kilala Sa industriya ng bakal, iron at tela. Mayaman sa kultura at kagamitan Hindi papahuli sa larangan ng panitikan Maging patula o tuluyan. Sa panrelihiyosong usapan, Budismo ang kanilang pinaniniwalaan. World Population Review, isang pagsusuri ng mga bansa Nangunguna ang bansang America, Pumapangalawa ang bansang Rusya, Pangatlo sa pinakamakapangyarihan ang bansang Tsina. Ang pinakamalawak na bansa sa asya, May pinakamalaking bilang ng populasyon ay walang iba kundi ang bansang Tsina. Tayoy magsimula sa paghina ng isang dinastiya Marahil ay dahil sa labanan ng kapangyarihan o impluwensiya Ikalawa, pagkakaroon ng kaguluhan at pag-aalsa Marahil ay dahil sa batas na hindi patas o kakulangan sa demokrasya Ikatlo, paglakas ng mga kaaway Marahil ay dahil sa hindi pagkakapantay-pantay Ikaapat, ang pagbagsak at pag-usbong ng bagong dinastiya Panghuli ay ang pagkakaroon ng kapayapaan at kasaganaan sa ilalim ng malakas na pamumuno. Marahil ay dahil sa epektibong pamamahala at maayos na sistema.