Uploaded by Mark Steven Yusi

Sektor ng Agrikultura

advertisement
Araling Panlipunan 9
(Ekonomiks)
MARK STEVEN S. YUSI
Guro
MGA ALINTUNTUNIN SA KLASE
1. Umupo ng maayos.
2. Makinig nang mabuti sa guro at sa kaklase na
nagsasalita.
3. Lumahok sa mga gawain at talakayan sa
klase.
4. Iwasan ang sabayang pagsagot.
5. Itaas ang kamay kung gustong sumagot sa
mga tanong.
Balik-aral: Kilalanin mo!
Panuto: Tukuyin kung anong
Estratehiya na makatutulong sa
pag-unlad ng bansa ang
ipinapakita ng bawat larawan.
MAPANAGUTAN
/
MAABILIDAD
MAPANAGUTAN
MAALAM
/
MAABILIDAD
MAABILIDAD
MAALAM
/
MAKABANSA
MAKABANSA
MAALAM
/ MAABILIDAD
MAALAM
PASSING OF THE TORCH!
•Paghahalaman
•Paghahayupan
•Pangingisda
•Paggugubat
Mga layunin:
Sa pagtatapos ng talakayan, ang mag-aaral
inaasahang:
1. naipaliliwanag ang kahulugan ng agrikultura;
2. naiisa-isa ang mga sektok ng Agrikultura para sa
Pambansang Kaunlaran;
3. naisasagawa ang bawat saklaw ng sektor ng
agrikultura sa pamamagitan ng tableau; at
4. nabibigyang halaga ang ginagampanang papel ng
sektor ng agrikultura sa pang-araw-araw na
pamumuhay ng mga Pilipino.
ay
-isang agham kung saan nililinang ang
pag-aalaga at pagpaparami ng mga
halaman at hayop. Ito ay ginagawa upang
makalikha ng pagkain, damit, at iba pang
produkto na makatutulong para
masustentuhan ang pamumuhay ng tao.
Ito ay nanggaling sa salitang Latin na
“AGRI” na ibig-sabihin ay “LUPA”, at
“CULTURA” na nangangahulugan
namang “PAGLILINANG”.
Bakit sinasabing bansang agrikultural
ang Pilipinas?
 Ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural
dahil malaking bahagi nito ang ginagamit
sa mga gawaing pang-agrikultural.
 Malaking bahagi ng mga mamamayan ang
nasa sector na ito ng ekonomiya.
Ang Kagawaran ng Agricultura
(Department of Agriculture) ay
responsable sa pagsulong
ng paglago ng agrikultura.
SAKLAW NG AGRIKULTURA
1. Paghahalaman
2. Paghahayupan
3. Pangingisda
4. Pangugubat
PAGHAHALAMAN
-Ang sektor na ito ng agrikultura ay nakatuon
sa pagpaparami ng mga halaman na maaring
mapagkunan ng hilaw na materyales at iba
pang produkto. Ang gawaing maiuugnay dito
ay ang pagsasaka.
PAGHAHAYUPAN
-Ang paghahayupan ay nakapokus sa
pag-aalaga at pagpaparami ng hayop.
Ang mga hayop na madalas alagaan sa
Pilipinas ay manok, baboy, baka at
kambing. Nagbibigay ito ng suplay ng
pagkain tulad ng karne, itlog, at gatas
PANGINGISDA
-Ang pangisdaan ay naka-sentro sa
paglinang, pag-aalaga, pagpaparami at
panghuhuli ng isda. Matatagpuan ito sa
mga pamayanang malapit sa anyong tubig
tulad ng dagat, ilog, at lawa.
-Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa
mga pinakamalaking tagatustos ng isda
sa buong mundo. Isa sa pinakamalalaking
daungan ng mga huling isda ay
matatagpuan sa ating bansa.
a. Pangingisdang Komersiyal
-ito ay tumutukoy sa uri ng pangingisdang
gumagamit ng mga bangka na may kapasidad na
hihigit sa tatlong tonelada para sa mga gawaing
pangkalakalan o pagnenegosyo. Sakop ng
operasyon ay 15 kilometro sa labas ng
nasasakupan ng pamahalaang bayan.
b. Pangingisdang Munisipal
-ito ay nagaganap sa loob ng 15 kilometro
sakop ng munisipyo at gumagamit ng bangka
na may kapasidad na tatlong tonelada o mas
mababa pa na hindi nangangailangan na
gumamit ng mga fishing vessel.
c. Pangingisdang Aquaculture
-Ito naman ay tumutukoy sa pag-aalaga
at paglinang ng mga isda at iba pang uri
nito mula sa iba't ibang uri ng tubig
pangisdaan - fresh (tabang), brackish
(maalat-alat) at marine (maalat).
PAGGUGUBAT
-Ang paggugubat ay isang pangunahing pangekonomikong gawain sa sektor ng agrikultura.
Tulad ng paghahalaman, ito ay isa sa
pinagkukunan ng mga hilaw na materyales. Dito
nakakakuha ng mga punong kahoy na
ginagamit sa paggagawa ng muwebles at iba
pang kasangkapan sa bahay.
-Mahalaga itong pinagkukunan ng plywood,
tabla, troso, at veneer. Bukod sa mga
nabanggit na produkto, pinagkakakitaan din
ang rattan, nipa, anahaw, kawayan, pulotpukyutan at dagta ng almaciga.
 Kahalagahan ng sektor ng agrikultura
sa pang-araw-araw na pamumuhay ng
mga Pilipino
1. Ang agrikultura ay pangunahing
pinagmumulan ng pagkain.
2. Pinagkukunan ng materyal para
makabuo ng bagong produkto.
3. Pinagkukunan ng kitang panlabas
4. Pangunahing nagbibigay ng trabaho sa mga
Pilipino.
5. Pinagkukunan ng sobrang manggagawa mula
sa sektor agrikultural patungo sa sektor ng
industriya at paglilingkod.
SAKLAW NG AGRIKULTURA
 Panghahalaman
 Panghahayupan
 Pangingisda
 Paggugubat
PAMANTAYAN SA PAGHAHATOL NG TABLEAU
25
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod at ipaliwanag
ng mabuti ang iyong sagot.
1. Ano ang kahulugan ng agrikultura?
2. Ano-ano ang mga saklaw ng sektor ng
agrikultura?
3. Sa palagay mo, ano ang ginagampanang papel
ng sektor ng agrikultura sa pang-araw-araw na
pamumuhay ng mga Pilipino at bakit ito mahalaga
sa atin?
Takdang-aralin
Sumulat ng limang produkto sa bawat
saklaw ng agrikultura.
1. Paghahalaman
2. Paghahayupan
3. Pangingisda
4. Paggugubat
Thank you for listening!!!
Download