Uploaded by Bernadette Comediero

Maragtas

advertisement
Maragtas (Epikong Bisayas)
-itong uri ng epikong ito ay nabuo dahil sa kwento ng sampung magigiting, matatapang at mararangal na datu dahil sa
kasaysayan ng kanilang paglalakbay mula sa kanilang tinitirahang bayan na Borneo patungo sa lugar ng Panay. Ang
sampung magigitng at matatapang na datu na iyon ay sina Datu Puti, Datu Sumakwel, Datu Bangkaya, Datu Paiborong,
Datu Paduhinogan, Datu Domongsol, Datu Lubay, Datu Dumangsil, Datu Domalogalog at Datu Balensuela.
Salaysay Ng Maragtas (Epikong Bisayas) kaya naglakbay ang sampung magigiting na datu ay dahil sa hindi na nila kaya
ang pamumunong malupit at masama ng kanilang sultan sa lugar ng Borneo na si Sultan Makatunao dahil kinakamkam
nito lahat ng yaman sa nasasakupan nyang lugar at kanya ring pinupugayan ang mga asawa ng datu at ang ilang anak ng
mga datu. Isang gabi binalak halayin ni Sultan Makatunao ang asawa ni Datu Paiborong na si Pabulanan! Nalaman ng
Datu ang nais gawin ng Sultan sa kanyang asawa kung kaya ang mga matatapang na Datu ay nagbalak ng paglaban sa
Sultan. Nagusap-usap sila ng palihim. Naisipan din nilang humingi ng tulong kay Datu Sumakwel ngunit ayaw ng datu
ang balak na paglaban sa Sultan. Pumunta si Datu Sumakwel kay Datu Puti na punog ministro ni Makatunao. Ayaw din
ni Datu Puti ang balak na paglaban ng ibang datu dahil marami daw ang dadanak na dugo kung sakaling matutuloy na
pag laban sa Sultan! Kung kaya nagpasya sina Datu Sumakwel at Datu Puti na Tumakas na lang sa kanilang lugar upang
maiwasan ang pagdanak ng dugo. Isang hating gabi sakay sa kani kanilang mga baniday o barangay ang sampung Datu
at pumalaot na ng dagat upang sila ay maglakbay na at lisanin ang kanilang lugar para takasan ang kanilang malupit na
sultan. Ang Borneo ay kilala sa tawag na Bisya o Bisaya! Lumipas ang ilang araw at gabi nilang paglalakbay sa laot
narating nila ang isang isla na ang tawag ay Panay o kilala din sa tawag na Aninipay may nakita silang ati at kinausap ito
ng isang kasamahan ni Datu Puti na maalam sa katutubong salita ng ati tinanong nila kung sino ang pinuno ng lugar at
nais nila ito makita upang makipagkaibigan. At dumating ang tamang araw ng pagkikita ng mga ati sa pamumuno ni
marikudo at ng mga bisaya sa pamumuno ni Datu Puti nagpahanda si Marikudo ng maraming pagkain dahil nakita ni
Marikudo na para namang mababait ang mga dayuhan na bisaya sa kanila at naglabas din naman ang mga lalaking
bisaya ng mga itak, kampit at insenso para sa mga lalaking Ati, tapos ang mga babaeng bisaya naman ay naglabas ng
maraming suklay, kwintas at panyo para naman sa mga babaeng Ati. Nagusap ang dalwang pinunong ng magkabilang
panig na sina Marikudo at Datu Puti. Gusto ni Datu Puti na bilhin ang lupain ng mga Ati, pumayag si Marikudo at ang
sabi ni Marikudo ay ang mga Ati ay sa kabundukan na lang maninirahan. tinanong ni Datu Puti kung gaano kalaki ang
pulo ang sagot ni Marikudo sa Datu kung lalakadin ang baybay dagat sa buwan ng Abril ay makakabalik siya sa dating
pook sa buwan ng Oktubre. Noong nakaalis na ang mga Ati sa kapatagan madaling isinaayos ni Datu Puti ang mga
bisaya. Si datu Bangkaya kasama ang kanyang asawa at mga anak pati na rin ang ilang katulong nito ay tumira sa Aklan.
Sumunod na inihatid ni Datu Puti sina Datu Paiborong kasama ang kanyang pamilya! Sina Datu Lubay, Datu
Dumalogalog, Datu Domongsol at Datu Paduhinogan ay kasama ni Datu Sumakwel na maninirahan sa Malandog.
Nagpaalam na si Datu Puti kay Datu Sumakwel at sinabi nito sa datu na pamunuhan ng maayos ang mga kasamahang
bisaya. Matapos magpaalam sa Datu uamalis na ang tatlong barangay ang isa ay kay Datu Puti at ang dalawa naman ay
sa Dalawang binatang Datu. Nakarating sila sa Luzon tumigil ang tatlong barangay sa lugar ng balayan at pinasya ng
dalawang Datu na dun na sila manirahan kasama ang mga taga-ilog. At lumipas lang ang isang araw ay umalis na din
sina Datu Puti at Pinampangan upang tumungo na pabalik sa Borneo!!
Download