BALUAN NATIONAL HIGH SCHOOL BALUAN, PALIMBANG, SULTAN KUDARAT IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT IKALAWANG SEMESTRE PANGALAN: ___________________________________________ TAON at SEKSIYON: __________________ ISKOR: _______ PANGKALAHATANG PANUTO 1. Basahing mabuti ang mga tanong. Gaya ng pagkilatis mo sa mahal mong hindi naman naging kayo. 2. Isulat ang sagot BAGO(BEFORE) ang bawat bilang. Dapat malinaw ang pagkakasulat. Hindi katulad ng feelings mong hindi mo na maintindihan dahil habol ka ng habol sa kanya kahit may mahal na siyang iba. Hindi mo ikamamatay ang pag-move on besh! 3. ERASURE/S MEANS WRONG! Pag-isipang mabuti bago isulat. Hindi lahat ng bagay o sitwasyon ay maaaring bawiin tulad ng feelings mo sa kanya. Kaya umayos ka sa mga desisyon mo sa buhay besh. 4. HUWAG MANGOPYA! Huwag tumulad sa plastic friend mong inaagaw ang hindi kanya. Oh! ayan tuloy tulala ka, broken hearted ka, at wala ka pang pera kasi ginastos mo na lahat sa kanya. Sorry ka dahil si beshy mo ang pinili at hindi ikaw yon. Kaya kung tapos na, tapos na! I. PAGKILALA SA MGA MAHAHALAGANG KAISIPAN (IDENTIFICATION) A. PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Kilalanin ang inilalarawan sa bawat bilang. Piliin at bilugan ang titik ng wastong sagot sa bawat pangungusap. 1. Ito ay isang kakayahan kung saan nakikilala ng mambabasa ang nakasulat na simbolo at nauunawaan ang kahulugan nito. a. Pagsulat b. Pagbasa c. Pagsalita d. Pananaliksik 2. Isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at magbigay ng impormasyon at tinatawag din itong ekspositori. a. Tekstong Naglalahad b. Tekstong Impormatibo c. Tekstong Persweysib d. Tekstong Prosidyural 3. Kapag ang isang teksto ay may layuning maglarawan ng isang bagay, tao, lugar, karanasan, sitwasyon at iba pa. Ang uri ng sulating ito ay nagpapaunlad sa kakayahan ng mag-aaral na bumuo at maglarawan ng isang partikular na karanasan. a. Tekstong Prosidyural b. Tekstong Deskriptibo c. Tekstong Persweysib d. Tekstong Naratibo 4. Isang uri ng di-piksyon na pagsulat upang kumbinsihin ang mga mambabasa na sumag-ayon sa manunulat hinggil sa isang isyu. a. Tekstong Prosidyural b. Tekstong Deskriptibo c. Tekstong Persweysib d. Tesktong Naratibo 5. Layunin ng tekstong ito na magsalaysay o magkuwento batay sa isang tiyak na pangyayari, totoo man o hindi. Maaaring ang salaysay ay personal na naranasan ng nagkukuwento batay sa tunay na pangyayari o kathang-isip lamang.Ito ay maituturing na Tekstong___. a. Tekstong Argumentatibo b. Tesktong Deskriptibo c. Tesktong Prosidyural d. Tekstong Naratibo 6. Isang uri ng teksto na nangangailangang ipagtanggol ng manunulat ang posisyon sa isang tiyak na paksa o usapin gamit ang mga ebidensiya mula sa personal na karanasan, kaugnay na literatura at pagaaral, ebidensiyang kasaysayan at resulta ng empirikal na pananaliksik. a. Tekstong Argumentatibo b. Tekstong Prosidruyal c. Tekstong Persweysib d. Tekstong Naratibo 7. Isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at instruksiyon kung paanong isasagawa ang isang tiyak na bagay.Layuning makapagbigay ng sunod-sunod na direksyon upang maisagawa ang mga gawain sa ligtas, episyente at angkop na paraan. a. Tekstong Argumentatibo b. Tekstong Prosidyural c. Tekstong Persweysib d. Tekstong Naratibo 8. Ito ay uri ng texto na nagbibigay ng mga impormasyong nakapagpapalawak ng kaalaman at nagbibigay liwanag sa mga paksang inilahad upang mapawi nang lubos ang pag-aalinlangan. a. Tekstong Argumentatibo b. Tekstong Nanghihikayat c. Tekstong Impormatibo d. Tekstong Naratibo 9. Ito ay mga tala ng impormasyon, kaalaman, o kaisipan na nagmula sa anumang publikasyon tulad ng aklat at sa iba pang basahin. a. Tekstong Sanggunian b. Tekstong Prosidyural c. Tekstong Persweysib d. Tekstong Naratibo 10. Ito ay mga tekstong impormatibo maliban sa isa. a. almanac b. encyclopedia c. diksyunaryo d. maikling kwento B. PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Kilalanin ang inilalarawan sa bawat bilang. Piliin at bilugan ang titik ng wastong sagot sa bawat pangungusap. A. NAME CALLING B. GLITTERING GENERALITIES C. TRANSFER D. TESTIMONIAL E. PLAIN FOLKS F. CARD STACKING G. BANDWAGON H. ANACHRONY I. ANALEPSIS J. PROLEPSIS K. TAUHANG BILOG L. TAUHANG LAPAD M. DRAMATIKO _____ 11. Panghihikayat kung saan hinihimok ang lahat na gamitin ang isang produkto o sumali sa isang pangkat dahil ang lahat ay sumali na. _____ 12. Ito ay paraan sa pagpapakilala ng tauhan na kusang mabubunyag ang karakter dahil sa kanyang pagkilos o pagpapahayag. _____ 13. Pagsasalaysay na hindi nakaayos. _____ 14. Ito ay ang magaganda at nakasisilaw na pahayag ukol sa isang produktong tumutugon sa mga paniniwala at pagpapahalaga ng mambabasa. _____15. Ipinakikita nito ang lahat ng magagandang katangian ng produkto ngunit hindi binabanggit ang hindi magandang katangian. _____ 16. Dito ipinapasok ang mga pangyayaring naganap sa nakalipas. _____ 17. Dito ipinasok ang mga pangyayaring magaganap pa lang sa hinaharap. _____ 18. Isang tauhang may multi-dimensiyonal o maraming saklaw ang personalidad. _____ 19. Ito ay ang pagbibigay ng hindi magandang taguri sa isang produkto o katunggaling politiko upang hindi tangkilikin. Karaniwang ginagamit ito sa mundo ng politika. _____ 20. Ang paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa isang produkto o tao ang kasikatan. _____ 21. Karaniwan itong ginagamit sa kampanya o komersiyal kung saan ang mga kilala o tanyag na tao ay pinalalabas na ordinaryong taong nanghihikayat sa boto, produkto, o serbisyo. _____ 22. Ito ay tuwiran o direktang pag iendorso ng isang sikat na personalidad sa produkto o tao. _____ 23. Tauhang nagtataglay ng iisa o dadalawang katangiang madaling matukoy o predictable. II. ENUMERASYON PANUTO: Ibigay ang hinihingi ng bawat bilang. Isulat ang sagot sa nakalaang linya. MGA TEORYA SA PAGBASA 36. ______________________________________________ 24. ______________________________________________ 37. ______________________________________________ 25. ______________________________________________ 38. ______________________________________________ 26. ______________________________________________ 39. ______________________________________________ 27. ______________________________________________ 40. ______________________________________________ MGA PAMAMARAAN SA PAGBASA MGA URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO BATAY SA 28. ______________________________________________ ORGANISASYON 29. ______________________________________________ 41. ________________________________________ 30. ______________________________________________ 42. ________________________________________ 31. ______________________________________________ 43. ________________________________________ 32. ______________________________________________ 44. ________________________________________ MGA MGA URI NG PAGLALARAWAN PARAAN NG MANUNULAT UPANG MAKAHIKAYAT AYON KAY ARISTOTLE 45. ________________________________________ 33. ______________________________________________ 46. ________________________________________ 34. ______________________________________________ 47. ________________________________________ 35. ______________________________________________ MGA BAHAGI NG REAKSYONG PAPEL MGA PARAAN NG PANGAGATWIRAN TUNGO SA 48. ________________________________________ MAAYOS NA PAGSULAT O PAG BUO NG TEKSTONG 49. ________________________________________ ARGUMENTATIBO 50. ________________________________________ --------------------------------------------------------------------------------------------------“MAS MAGANDA ANG MAGHINTAY SA TAMANG PANAHON KAYSA MASAKTAN NG PAULIT-ULIT SA MALING PAGKAKATAON.” Inihanda ni: JUARELLE SHAYNE B. CAROLINO Natanggap ni: ___________________________________________ Pangalan at Pirma ng Magulang/Tagapag-alaga Petsa: ___/___/_____ Guro sa Filipino