Uploaded by Rodalyn Esberto (Dhalyn)

Filipino-Reading-Intervention-2-Catch-up-Friday-Teaching-Guide

advertisement
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN
SDO ANNEX - ORION
Catch-up Fridays Teaching Guide
Reading Intervention
Filipino 6
Objectives
Nasusuri ang mga detalye sa binasang kwento
Time Allotment
Reading Strategies

Pre - Reading
15 minutes

During Reading
Video clips
120 minutes
Hanap/Pares
salita
Activities
-
Pagbasa ng salita,
pangungusap at mga
slogan
Halimbawa.
Ang naglalakad ng
matulin kung matinik ay
malalim
- Bubunot at babasahin
at pag-uugnayin ang
mga salita
(idikit sa pisara)
Halimbawa:
Kagubatan - puno

Tahimik na
pagbabasa
-
Tahimik na
pagbabasa ng kwento
( Tignan ang
nakalakip na
babasahin,
mattagpuan sa
pinoycollection.com)

Pagtalakay
-
Pagsagot sa mga
tanong.
Ilarawan ang
pangunahing tauhan
sa ating kwento.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN
SDO ANNEX - ORION
Saan naganap ang
kwento?
Post Reading
45 minutes

Pangkatang
Gawain
-
Pangkatin ang klase
sa 5.Bawat pangkat
susulat ng bahagi ng
kwento na inyong
nagustuhan at
nagbigay ng
kasiyahan.Ipaliwanag
bakit ito ang inyong
napili.

Pangkatang
Gawain
-
Ihanap Mo Ako ng
Kapares
(Magpapakita ng
larawan ng mga
tauhan sa binasang
kwento at ihahanap
ng katugmang salita.)

-Ano ang aral na
mapupulot natin sa
kwentong binasa?
Pagpapahalaga

Pagsukat ng
Kakayahan
-
Kung ikaw ang nasa
parehas na sitwasyon
ganun din ba ang
iyong magiging ugali?
Bakit?
-
Iguhit ang karakter
ng pangunahing
tauhan sa kwento at
ibigay ang kanilang
katagian.
(mapagmalaki,
mapagpakumbaba,
matapang etc.)
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN
SDO ANNEX - ORION
Prepared:
LANA M. MARTEJA
Teacher III
Recommending Approval:
MARK ANTHONY C. BAUTISTA
Master Teacher I
Approved:
MINERVA P. RILLO, EdD
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN
SDO ANNEX - ORION
Ang Aral ng Damo
May anghel na galing sa langit na nagbisita upang tiyakin kung tunay
ngang ang lahat ng nilalang sa kagubatan ay nasisiyahan.
“Ginoong Punongkahoy, ikaw ba’y maligaya?” tanong ng anghel.
“Hindi,” ang sagot sa tinig na walang sigla, “sapagkat ako’y walang
bulaklak.”
Ang anghel ay nagpunta sa bulaklak upang magsiyasat. “Binibining
Bulaklak, ikaw ba’y maligaya sa iyong paligid?”
“Hindi ako maligaya sapagkat wala akong halimuyak. Masdan mo ang
gardenia sa banda roon. Siya’y umuugoy sa amihan. Ang kanyang bango na
taboy ng hangin ay kahali-halina!”
Ang anghel ay nagpunta sa gardenia upang mabatid ang damdamin nito.
“Ano ang masasabi mo sa iyong halimuyak?”
“Ako’y hindi nasisiyahan. Wala akong bunga. Naiinggit ako sa saging! Iyon,
siya’y natatanaw ko. Ang kanyang mga piling ay hinog na!”
Ang anghel ay lumapit sa saging, nag magandang-araw at nagtanong,
“Ginoong Saging, kumusta? Ikaw ba’y nasisiyahan sa iyong sarili?”
“Hindi. Ang aking katawan ay mahina, hindi matibay na tulad ng sa narra!
Pag malakas ang hangin lalo’t may bagyo, ako’y nababali! Nais ko sanang
matulad sa narra!”
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN
SDO ANNEX - ORION
Nagpunta ang anghel sa narra at nagtanong, “Anong palagay mo sa iyong
matibay na puno?”
“Sa ganang akin, gusto ko pa ang isang damo! Ang kanyang mga dahon ay
matutulis. Ang mga ito’y nagsisilbing proteksiyon!” pakli ng narra.
Ang anghel ay nagpunta sa damo. “Kumusta ka? Ano ang nanaisin mo para
sa iyong sarili?”
“Masaya ako!” sagot ng damo. “Ayaw kong mamumulaklak. Walang kwenta
ang bunga. Ayaw ko rin ng matibay na puno. Gusto ko’y ako’y ako… Hindi
nananaghili kaninuman pagkat maligaya!”
Aral:



Makuntento sa kung anong meron ka. Lahat tayo ay nilikha ng
Diyos na may kanya-kanyang katangian. Huwag maging
mainggitin sa iba.
Maaring ang kahinaan mo ay maging kalakasan ng iba. Gamitin ito
upang makatulong sa kapwa.
Ang sikreto sa masaya at payapang pamumuhay ay ang pagiging
kuntento. Huwag laging tingalain ang iba. Sa halip ay pagyamanin
mo kung anong meron ka at matutong maging masaya para sa
iba.
Ang Punong Kawayan
Sa isang bakuran, may ilang punungkahoy na may kanya-kanyang
katangian. Mabunga ang Santol, mayabong ang Mangga, mabulaklak ang
Kabalyero, tuwid at mabunga ang Niyog. Ngunit sa isang tabi ng bakuran
ay naroroon ang payat na Kawayan.
Minsan, napaligsahan ang mga punungkahoy.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN
SDO ANNEX - ORION
“Tingnan ninyo ako,” wika ni Santol. “Hitik sa bunga kaya mahal ako ng
mga bata.”
“Daig kita,” wika ni Mangga. “Mayabong ang aking mga dahon at hitik pa
sa bunga kaya maraming ibon sa aking mga sanga.”
“Higit akong maganda,” wika ni Kabalyero. “Bulaklak ko’y marami at
pulang-pula. Kahit malayo, ako ay kitang-kita na.”
“Ako ang tingnan ninyo. Tuwid ang puno, malapad ang mga dahon at
mabunga,” wika ni Niyog.
“Tekayo, kaawa-awa naman si Kawayan. Payat na at wala pang bulaklak at
bunga. Tingnan ninyo. Wala siyang kakibu-kibo. Lalo na siyang
nagmumukhang kaawa-awa.”
Nagtawanan ang mga punungkahoy. Pinagtawanan nila ang Punong
Kawayan.
Nagalit si Hangin sa narinig na usapan ng mga punungkahoy. Pinalakas
niya nang pinalakas ang kanyang paghiip. At isang oras niyang pagkagalit
ay nalagas ang mga bulaklak, nahulog ang mga bunga at nangabuwal ang
puno ng mayayabang na punungkahoy. Tanging ang mababang-loob na si
Kawayan ang sumunud-sunod sa hilip ng malakas na hangin ang nakatayo
at di nasalanta.
Aral:


Ang kayabangan ay nagpapababa sa dangal ng tao. Kaya huwag
maging mayabang.
Maging tulad ng kawayan na mapagpakumbaba. Bagaman hindi
siya kasing gaganda at kasing-tikas ng ibang mga puno, siya
naman ay higit na matatag sa oras ng pagsubok.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN
SDO ANNEX - ORION
Catch-up Fridays Teaching Guide
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN
SDO ANNEX - ORION
I. General Overview
Catch-up Subject: Filipino
Quarterly Theme:
Time:
II. Session Outline
Session Title:
Session Objectives:
Grade Level: 6
Sub-theme:
Date:
Key Concepts:
III. Teaching Strategies
Components
Duration
Introduction and
Warm-Up
Concept Exploration
Valuing
Journal Writing
Prepared:
Teacher
Recommending Approval:
Master Teacher/School Teacher
Approved:
MINERVA P. RILLO, EdD
Public Schools District Supervisor
Activities and Procedures
Download