Masusing Banghay sa Filipino 5 I - Layunin: Nasasabi ang sanhi at bunga ng mga pangyayari II – Paksang-Aralin A. Paksa: Sanhi at bunga B. Sanggunian: Banghay sa Filipino 5 pp. 180-181. C. Kagamitan: Pictures, tarpapel, powerpoint presentation, video clip, flash cards D. Balyu Pokus: Pangangalaga sa kalikasan, pagiging matulungin III – Pamamaraan: Teacher’s Activity Pupils’ Activity A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Pagtala ng lumiban sa klase 3. Pambungad/ Pamukaw Sigla Magandang umaga mga bata! Magandang umaga po Sir Gemelo! Kamusta ang araw ninyo? Maayos naman po Sir. Mabuti! Bago natin simulan ang bago nating aralin ngayong araw, mayroon akong inihanda na awitin sa para sa inyo. gusto niyo ba? Opo! Ang pamagat n gating awitin ay “Sanhi at Bunga”. Hayaan ninyo muna akong awitin ito at making kayo ng mabuti. Pagkatapos, sabay-sabay na tayong lahat await, maliwanag? Opo! “Sanhi at Bunga” (Tono: Leron Leron Sinta) By: Patrick P. Gemelo) Sa bawat sanhi Katumbas ay bunga Tulad ng pagbaha Sa ating ilog. Ano sa tingin mo Ang sanhi nito? Sanhi ang dahilan Bunga ang resulta. Tungkol saan ang awiting ating inawit? Tungkol sa sanhi at bunga Ayon sa awitin, ano ang sanhi? Ang sanhi ay ang dahilan Tama! ano naman ang bunga? Ang bunga naman ay ang resulta. Magaling! Base sa awitin, ano sa tingin ninyo ang sanhi o dahilan ng pagbaha sa ating ilog? (Iba-iba ang maaring sagot ng mga bata) Ginagawa rin ba ninyo iyan? bakit? bakit hindi? Oo/ hindi. (iba-iba ang maaaring kanilang dahilan) 4. Drill sanhi (Babasahin ng mga mga bata ang plaskards na dahilan bunga resulta pamamasyal nangangamba kumilos umaapaw malinaw ipapaita ng sabay-sabay.) B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak (Magpakita ng Video Clip) Ano ang masasabi ninyo sa video na inyong napanood? Maduming ilog, puno ng basura ang ilog. Alam niyo ba kung anong ilog iyon? Oo/ hindi Sino sa palagay ninyo ang dahilan ng pagkasira ng ilog? Ang dahilan ng pagkasira ng ilog ay ang mga tao. 2. Paglalahad Ngayong umaga, mayroon tayong babasahing teksto tungkol sa ilog na inyong nakita kanina sa video. Pero bago natin ito basahin ng sabay-sabay, anu-ano muna ang mga pamantayan sa pagbasa ng sabaysabay at malakas? Magbigay ng halimbawa. 1. basahin ng sabay-sabay at huwag mag-uunahan. 2. Unawaing mabuti ang binabasa. 3. Manatili sa upuan habang bumabasa. 4. Huwag magpalakasan ng boses habang bumabasa. 3. Paglilinaw Bago natin tuluyang basahin ang teksto, mayroon muna tayong kailangan linawin na nga salita na ating mababasa sa loob ng teksto upang mas lubos pa nating maintindihan ang mga ito. Panuto: Punan ang nawawalang letra sa loob ng kahon upang mabuo ang salitang inilalarawan sa bawat bilang. (Sa pamamagitan ng strips na ipapaloob sa isang kahon, ipaiikot ito saliw ng isang kanta at ipabubunot sa kung sino man ang natigilan nito.) 1. Walang dumi o mantsa M l n i Malinis 2. Pagpunta o pagbisita sa magagandang lugar. p m a m s a 3. Pagpuno ng tubig sa isang lalagyan. U m a p 4. Natatakot sa anumang mangyari. N n g g A 5. Paggawa ng aksyon sa isang bagay. k m l s l W m b Pamamasyal Umaapaw Nangangamba Kumilos 4. Pagbasa sa motibong tanong “Bakit nasira ang kagandahan at kalinisan ng Ilog Pasig?” Ito ay sasagutan natin pagkatapos natin basahin ang teksto. (Ang mga bata ay magbubuo ng kani-kanilang maaaring kasagutan) 5. Pagbasa ng teksto Noon, malinis, mabango at malinaw ang tubig kaya marami ang namamasyal at naliligo sa IlogPasig. Kaya nasira ang kagandahan ng makasaysayang ilog dahil pinabayaan ito ng mga tao. Marami ang nagtatapon ng basura sa ilog kaya sa kaunting pag-ulan ay umaapaw agad ito. Namatay ang mga isda dahil sa marumi na ang tubig sa ilog. Nangangamba ang mga tao na tuluyan nang masira ang Ilog Pasig, kaya kailangan kumilos sila bago mahuli ang lahat. (Babasahin ng mga bata ang teksto ng sabay-sabay at malakas) 6. Pagsagot sa motibong tanong “Bakit nasira ang kagandahan at kalinisan ng Ilog Pasig?” Nasira ang kagandahan at kalinisan ng Ilog Pasig dahil sa kapabayaan ng mga tao at sa mga basurang itinatapon nila dito. 7. Pagtatalakay 1. Tungkol saan ang tekstong binasa? 2. Ano ang masasabi ninyo sa Ilog Pasig noon at sa ngayon ? Magbigay halimbawa. 3. Kung kayo ang papipiliin, ano ang mas pipiliin ninyong Ilog Pasig, noon o sa ngayon? bakit? 4. Anu-ano naman ang mga sanhi o dahilan at bunga o resulta ng pagkasira ng makasaysayang Ilog Pasig? Magbigay halimbawa. Ang binasang teksto ay tungkol sa Ilog Pasig. (Ang mga bata ay magbibigay halimbawa ng Ilog Pasig noon at ngayon) (Iba-iba ang maaaring sagot ng mga bata. Sanhi/ Dahilan 1. 2. 3. Bunga/ resulta 1. 2. 3. 5. Bukod sa ilog, anu-ano pang mga anyong tubig ang kailangan nating pangalagaan at protektahan? Magbigay halimbawa. Ang iba pang anyong tubig na maaari nating pangalagaan ay ang dagat o karagatan, talon, sapa at iba pa. 6. Ano ang tawag natin sa mga ito? Mga likas na yamang tubig 7. Likas na yamang tubig lang ba ang kailangan natin pangalagaan? Anu-ano pa? Magbigay halimbawa. Hindi. Pati narin ang ating likas na yamang lupa tulad ng mga kabundukan at kabukiran. 8. kung gayon, ano ang tawag nating sa mga yamang tubig at yamang lupa? Ang tawag natin sa mga ito ay mga Likas na Yaman. 9. Kailangan ba natin pangalagaan o protektahan ang ating mga likas na yaman? Bakit? Dahil dito tayo kumukuha ng ating ikanabubuhay at maari rin itong magdulot sa atin ng kalamidad kapag hindi natin pinangalagaan ng mabuti. 10. Bilang kabataan, paano mo maipapakita ang pangangalaga o pagpoprotekta sa ating likas na yaman? Magbigay halimbawa. (Iba-iba ang maaring sagot ng mga bata) 11. Kung may makita kang nagtatapon ng basura sa ilog, ano ang gagawin mo? Pagsasabihan siya na huwag magtapon ng basura sa ilog. 12. Dito sa ating lugar, anu-anong mga anyong tubig ang alam ninyo? Magbigay halimbawa. Malogo River, Gawahon Falls. 13. Sino dito sa inyo ang nakatira malapit sa ilog? Ako po sir! 14. Ano ang mararamdaman mo kung ang ilog na malapit sa tirahan ninyo ay naging katulad sa Ilog Pasig? Magiging malungkot ako at manghihinayang. 15. Kung magkagayon at umulan ng malakas, ano sa tingin ninyo ang mangyayari sa ilog? 16. Bilang kamag-aaral, paano mo maipapakita ang pagtulong sa iyong kaklaseng nabahaan? Sa anong paraan? Aapaw ang tubig sa ilog. Magkakaroon ng baha. Bibigyan ng tulong o ayuda. 17. Dahilan para hindi makapasok sa eskwela ang inyong kaklase, ako, bilang guro, pwede rin ba akong makatulong? Sa anong paraan? Opo! magbibisita sa kanilang bahay at magkakaroon ng remidyal na klase at ihahatid ang modules. 18. Anong kaugaliang Pilipino ang ipanapakita. sa mga ganitong sitwasyon? Matulungin. 19. Saan-saan pang mga sitwasyon o okasyon ipinapakita natin ang pagiging matulungin. (Magpakita/ magpabasa ng isa pang teksto) Pagbabayanihan. Sa oras ng pangangailangan katulad ng sakuna at marami pang iba. Si Ana at ang kanyang kapatid na babae ay nalalaro sa daan. Biglang umulan nang malakas kaya sila ay nabasa. Kinagabihan, si Ana at ang kapatid niya ay nilagnat. Dahil dito sila ay dinala sa doktor para ipakonsulta at mabigyan ng gamot. Nang sumunod na araw, magalig na sila at naging masaya ang kanilang mga magulang. 20. Ibigay ang sanhi at bunga mula sa nabasang teksto. Sanhi/ Dahilan 1. 2. 3. Bunga/ resulta 1. 2. 3. 3. Pangkatang Gawain Bago tayo magpangkatang gawain, anu-ano ang mga pamantayan na dapat nating sundin? Magbigay. 1. pumili ng lider 2. huwag mang-iistorbo sa kabilang pangkat. 3. sundin ang mga panuto. 4. tulungan ang pangkat sa paggawa ng gawain. 5. tahimik kung gumagawa. Unang Pangkat Panuto: Ibigay ang maaaring maging bunga ng sanhi. Sanhi Bunga Pag-aaral ng mabuti Sumakit ang tiyan ni ben. Ikalawang Pangkat Panuto: Salungguhitan ang sanhi at bilugan ang bunga sa pangyayari. 1. Napagod si tatay dahil sa sobrang pagtatrabaho sa bukid. 2. Nahihilo ako dahil sa sobrang init. 3. Mababa ang kanyang iskor dahil hindi siya nakapag-aral. 4. Maraming pagkain ang kinuha ng bata kaya wala ng natira sa mesa. 5. Tinanghali siya ng gising kaya siya nahuli sa pagpasok sa paaralan. Pangatlong Pangkat Panuto: Magbigay ng pangungusap ng ugnayang sanhi at bunga sa bawat larawan. 1. ______________________________________ 2. ______________________________________ 3. _______________________________________ 4. _______________________________________ 8. Pag-uulat Ngayon, kung tapos na kayo sa inyong gawain, pumili kayo sa inyong grupo na mag-uulat ng inyong ginawa. ( Ang bawat pangkat ay mag-uulat ng kanilang ginawa) 5. Paglalapat Panuto: Ibigay ang maaaring sanhi at bunga ng mga sumusunod na sitwasyon. A. Ibigay ang bunga 1. Isang malaking pabrika ang tumatapon ng kemikal sa liog Namatay ang mga isda sa ilog. 2. Sumusunod si Ana sa payo ng kanyang magulang. Hindi siya naligaw ng landas. 3. Hindi nag-aaral ng mabuti si Ben. B. Ibigay ang sanhi Kaya mababa ang kanyang iskor sa pagsusulit. 4. Tanghali na gumising si Andrew. Madaling araw na siyang natulog. 5. Umiiyak ang sanggol. Nagugutom na kase ito. 6. Paglalahat Ano ang natutunan ninyo ngayon sa ating aralin? Ang natutunan ko ngayon sa ating aralin ay tungkol sa sanhi at bunga. Ano ang sanhi? Ang sanhi ay ang dahilan ng isang pangyayayi. Ano ang bunga? Ang bunga ay ang resulta ng isang pangyayari. IV – Pagtataya Panuto: Ibigay ang maaaring sanhi o bunga ng sumusunod na pangyayari. 1. Parating nangunguna sa klase si Jose. 2. Ang mga mangingisda ay gumagamit ng dinamita sa panghuhuli. 3. Ang mga tao ay tumatapon ng kanilang basura sa ilog. 4. Lalong umiinit ang paligid. 5. Paborito ni Vina ang prutas na Abyo. V – Takdang Aralin Panuto: Sumulat ng limang pangungusap na nag-uugnay ng sanhi at bunga. Prepared by: PATRICK P. GEMELO Observed by: BENNELIE D. JUELE