Uploaded by adescatamiento

COT-Filipino 5

advertisement
Masusing Banghay sa Filipino 5
I - Layunin:
Nasasabi ang sanhi at bunga ng mga pangyayari
II – Paksang-Aralin
A. Paksa: Sanhi at bunga
B. Sanggunian: Banghay sa Filipino 5 pp. 180-181.
C. Kagamitan: Pictures, tarpapel, powerpoint presentation, video clip, flash cards
D. Balyu Pokus: Pangangalaga sa kalikasan, pagiging matulungin
III – Pamamaraan:
Teacher’s Activity
Pupils’ Activity
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagtala ng lumiban sa klase
3. Pambungad/ Pamukaw Sigla
Magandang umaga mga bata!
Magandang umaga po Sir Gemelo!
Kamusta ang araw ninyo?
Maayos naman po Sir.
Mabuti! Bago natin simulan ang bago nating aralin
ngayong araw, mayroon akong inihanda na awitin sa
para sa inyo. gusto niyo ba?
Opo!
Ang pamagat n gating awitin ay “Sanhi at Bunga”.
Hayaan ninyo muna akong awitin ito at making kayo
ng mabuti. Pagkatapos, sabay-sabay na tayong lahat
await, maliwanag?
Opo!
“Sanhi at Bunga”
(Tono: Leron Leron Sinta)
By: Patrick P. Gemelo)
Sa bawat sanhi
Katumbas ay bunga
Tulad ng pagbaha
Sa ating ilog.
Ano sa tingin mo
Ang sanhi nito?
Sanhi ang dahilan
Bunga ang resulta.
Tungkol saan ang awiting ating inawit?
Tungkol sa sanhi at bunga
Ayon sa awitin, ano ang sanhi?
Ang sanhi ay ang dahilan
Tama! ano naman ang bunga?
Ang bunga naman ay ang resulta.
Magaling! Base sa awitin, ano sa tingin ninyo ang
sanhi o dahilan ng pagbaha sa ating ilog?
(Iba-iba ang maaring sagot ng mga bata)
Ginagawa rin ba ninyo iyan? bakit? bakit hindi?
Oo/ hindi. (iba-iba ang maaaring kanilang dahilan)
4. Drill
sanhi
(Babasahin ng mga mga bata ang plaskards na
dahilan
bunga
resulta
pamamasyal
nangangamba
kumilos
umaapaw
malinaw
ipapaita ng sabay-sabay.)
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
(Magpakita ng Video Clip)
Ano ang masasabi ninyo sa video na inyong
napanood?
Maduming ilog, puno ng basura ang ilog.
Alam niyo ba kung anong ilog iyon?
Oo/ hindi
Sino sa palagay ninyo ang dahilan ng pagkasira ng
ilog?
Ang dahilan ng pagkasira ng ilog ay ang mga tao.
2. Paglalahad
Ngayong umaga, mayroon tayong babasahing teksto
tungkol sa ilog na inyong nakita kanina sa video. Pero
bago natin ito basahin ng sabay-sabay, anu-ano
muna ang mga pamantayan sa pagbasa ng sabaysabay at malakas? Magbigay ng halimbawa.
1. basahin ng sabay-sabay at huwag mag-uunahan.
2. Unawaing mabuti ang binabasa.
3. Manatili sa upuan habang bumabasa.
4. Huwag magpalakasan ng boses habang
bumabasa.
3. Paglilinaw
Bago natin tuluyang basahin ang teksto, mayroon
muna tayong kailangan linawin na nga salita na ating
mababasa sa loob ng teksto upang mas lubos pa
nating maintindihan ang mga ito.
Panuto: Punan ang nawawalang letra sa loob ng
kahon upang mabuo ang salitang inilalarawan sa
bawat bilang.
(Sa pamamagitan ng strips na ipapaloob sa isang
kahon, ipaiikot ito saliw ng isang kanta at ipabubunot
sa kung sino man ang natigilan nito.)
1. Walang dumi o mantsa
M
l
n
i
Malinis
2. Pagpunta o pagbisita sa magagandang lugar.
p
m a m
s
a
3. Pagpuno ng tubig sa isang lalagyan.
U
m
a
p
4. Natatakot sa anumang mangyari.
N
n g
g A
5. Paggawa ng aksyon sa isang bagay.
k
m
l
s
l
W
m
b
Pamamasyal
Umaapaw
Nangangamba
Kumilos
4. Pagbasa sa motibong tanong
“Bakit nasira ang kagandahan at kalinisan ng Ilog
Pasig?”
Ito ay sasagutan natin pagkatapos natin basahin ang
teksto.
(Ang mga bata ay magbubuo ng kani-kanilang
maaaring kasagutan)
5. Pagbasa ng teksto
Noon, malinis, mabango at malinaw ang tubig
kaya marami ang namamasyal at naliligo sa IlogPasig. Kaya nasira ang kagandahan ng
makasaysayang ilog dahil pinabayaan ito ng mga
tao. Marami ang nagtatapon ng basura sa ilog
kaya sa kaunting pag-ulan ay umaapaw agad ito.
Namatay ang mga isda dahil sa marumi na ang
tubig sa ilog. Nangangamba ang mga tao na
tuluyan nang masira ang Ilog Pasig, kaya
kailangan kumilos sila bago mahuli ang lahat.
(Babasahin ng mga bata ang teksto ng sabay-sabay
at malakas)
6. Pagsagot sa motibong tanong
“Bakit nasira ang kagandahan at kalinisan ng Ilog
Pasig?”
Nasira ang kagandahan at kalinisan ng Ilog Pasig
dahil sa kapabayaan ng mga tao at sa mga basurang
itinatapon nila dito.
7. Pagtatalakay
1. Tungkol saan ang tekstong binasa?
2. Ano ang masasabi ninyo sa Ilog Pasig noon at sa
ngayon ? Magbigay halimbawa.
3. Kung kayo ang papipiliin, ano ang mas pipiliin
ninyong Ilog Pasig, noon o sa ngayon? bakit?
4. Anu-ano naman ang mga sanhi o dahilan at bunga
o resulta ng pagkasira ng makasaysayang Ilog Pasig?
Magbigay halimbawa.
Ang binasang teksto ay tungkol sa Ilog Pasig.
(Ang mga bata ay magbibigay halimbawa ng Ilog
Pasig noon at ngayon)
(Iba-iba ang maaaring sagot ng mga bata.
Sanhi/ Dahilan
1.
2.
3.
Bunga/ resulta
1.
2.
3.
5. Bukod sa ilog, anu-ano pang mga anyong tubig ang
kailangan nating pangalagaan at protektahan?
Magbigay halimbawa.
Ang iba pang anyong tubig na maaari nating
pangalagaan ay ang dagat o karagatan, talon, sapa at
iba pa.
6. Ano ang tawag natin sa mga ito?
Mga likas na yamang tubig
7. Likas na yamang tubig lang ba ang kailangan natin
pangalagaan? Anu-ano pa? Magbigay halimbawa.
Hindi. Pati narin ang ating likas na yamang lupa tulad
ng mga kabundukan at kabukiran.
8. kung gayon, ano ang tawag nating sa mga yamang
tubig at yamang lupa?
Ang tawag natin sa mga ito ay mga Likas na Yaman.
9. Kailangan ba natin pangalagaan o protektahan ang
ating mga likas na yaman? Bakit?
Dahil dito tayo kumukuha ng ating ikanabubuhay at
maari rin itong magdulot sa atin ng kalamidad kapag
hindi natin pinangalagaan ng mabuti.
10. Bilang kabataan, paano mo maipapakita ang
pangangalaga o pagpoprotekta sa ating likas na
yaman? Magbigay halimbawa.
(Iba-iba ang maaring sagot ng mga bata)
11. Kung may makita kang nagtatapon ng basura sa
ilog, ano ang gagawin mo?
Pagsasabihan siya na huwag magtapon ng basura sa
ilog.
12. Dito sa ating lugar, anu-anong mga anyong tubig
ang alam ninyo? Magbigay halimbawa.
Malogo River, Gawahon Falls.
13. Sino dito sa inyo ang nakatira malapit sa ilog?
Ako po sir!
14. Ano ang mararamdaman mo kung ang ilog na
malapit sa tirahan ninyo ay naging katulad sa Ilog
Pasig?
Magiging malungkot ako at manghihinayang.
15. Kung magkagayon at umulan ng malakas, ano sa
tingin ninyo ang mangyayari sa ilog?
16. Bilang kamag-aaral, paano mo maipapakita ang
pagtulong sa iyong kaklaseng nabahaan? Sa anong
paraan?
Aapaw ang tubig sa ilog. Magkakaroon ng baha.
Bibigyan ng tulong o ayuda.
17. Dahilan para hindi makapasok sa eskwela ang
inyong kaklase, ako, bilang guro, pwede rin ba akong
makatulong? Sa anong paraan?
Opo! magbibisita sa kanilang bahay at magkakaroon
ng remidyal na klase at ihahatid ang modules.
18. Anong kaugaliang Pilipino ang ipanapakita. sa
mga ganitong sitwasyon?
Matulungin.
19. Saan-saan pang mga sitwasyon o okasyon
ipinapakita natin ang pagiging matulungin.
(Magpakita/ magpabasa ng isa pang teksto)
Pagbabayanihan.
Sa oras ng pangangailangan katulad ng sakuna at
marami pang iba.
Si Ana at ang kanyang kapatid na babae ay
nalalaro sa daan. Biglang umulan nang malakas
kaya sila ay nabasa. Kinagabihan, si Ana at ang
kapatid niya ay nilagnat. Dahil dito sila ay dinala
sa doktor para ipakonsulta at mabigyan ng gamot.
Nang sumunod na araw, magalig na sila at
naging masaya ang kanilang mga magulang.
20. Ibigay ang sanhi at bunga mula sa nabasang
teksto.
Sanhi/ Dahilan
1.
2.
3.
Bunga/ resulta
1.
2.
3.
3. Pangkatang Gawain
Bago tayo magpangkatang gawain, anu-ano ang mga
pamantayan na dapat nating sundin? Magbigay.
1. pumili ng lider
2. huwag mang-iistorbo sa kabilang pangkat.
3. sundin ang mga panuto.
4. tulungan ang pangkat sa paggawa ng gawain.
5. tahimik kung gumagawa.
Unang Pangkat
Panuto: Ibigay ang maaaring maging bunga ng sanhi.
Sanhi
Bunga
Pag-aaral ng
mabuti
Sumakit ang tiyan
ni ben.
Ikalawang Pangkat
Panuto: Salungguhitan ang sanhi at bilugan ang
bunga sa pangyayari.
1. Napagod si tatay dahil sa sobrang pagtatrabaho sa
bukid.
2. Nahihilo ako dahil sa sobrang init.
3. Mababa ang kanyang iskor dahil hindi siya
nakapag-aral.
4. Maraming pagkain ang kinuha ng bata kaya wala
ng natira sa mesa.
5. Tinanghali siya ng gising kaya siya nahuli sa
pagpasok sa paaralan.
Pangatlong Pangkat
Panuto: Magbigay ng pangungusap ng ugnayang
sanhi at bunga sa bawat larawan.
1.
______________________________________
2.
______________________________________
3.
_______________________________________
4.
_______________________________________
8. Pag-uulat
Ngayon, kung tapos na kayo sa inyong gawain, pumili
kayo sa inyong grupo na mag-uulat ng inyong ginawa.
( Ang bawat pangkat ay mag-uulat ng kanilang
ginawa)
5. Paglalapat
Panuto: Ibigay ang maaaring sanhi at bunga ng mga
sumusunod na sitwasyon.
A. Ibigay ang bunga
1. Isang malaking pabrika ang tumatapon ng kemikal
sa liog
Namatay ang mga isda sa ilog.
2. Sumusunod si Ana sa payo ng kanyang magulang.
Hindi siya naligaw ng landas.
3. Hindi nag-aaral ng mabuti si Ben.
B. Ibigay ang sanhi
Kaya mababa ang kanyang iskor sa pagsusulit.
4. Tanghali na gumising si Andrew.
Madaling araw na siyang natulog.
5. Umiiyak ang sanggol.
Nagugutom na kase ito.
6. Paglalahat
Ano ang natutunan ninyo ngayon sa ating aralin?
Ang natutunan ko ngayon sa ating aralin ay tungkol
sa sanhi at bunga.
Ano ang sanhi?
Ang sanhi ay ang dahilan ng isang pangyayayi.
Ano ang bunga?
Ang bunga ay ang resulta ng isang pangyayari.
IV – Pagtataya
Panuto: Ibigay ang maaaring sanhi o bunga ng sumusunod na pangyayari.
1. Parating nangunguna sa klase si Jose.
2. Ang mga mangingisda ay gumagamit ng dinamita sa panghuhuli.
3. Ang mga tao ay tumatapon ng kanilang basura sa ilog.
4. Lalong umiinit ang paligid.
5. Paborito ni Vina ang prutas na Abyo.
V – Takdang Aralin
Panuto: Sumulat ng limang pangungusap na nag-uugnay ng sanhi at bunga.
Prepared by:
PATRICK P. GEMELO
Observed by:
BENNELIE D. JUELE
Download