Uploaded by John Paler

Epektibong Paggamit ng Diyalekto Bilang Lingguwaheng Pampaunawa

advertisement
City of Naga Integrated Center for Science Technology Culture
and Arts
Sarbey sa Epektibong Paggamit ng Diyalekto, Bilang
Lingguwaheng Pampaunawa sa Filipino-10 (S.Y.
2023-2024, CNICSTCA, 10-Mozart)
KABANATA 1
MGA MIYEMBRO:
Bacariza, Kenth Laurence
Dela Calzada, Ma. Stephanny
Diaz, Meredith Milcah
Gentapa, James Melvin
Gepuit, Jheyden Andymiel
Lapiz, Jade
Orlanda, Jason Christoper
Paler, John Yoel
Sabanal, Jared
Selim, Chelsea Angel
Tapao, Cjay
Villarin, Drew
Bb. Mary Rose Ann Quiros
Gng. Patricio M. Manundan
GURONG TAGAPAGPAYO
GURO SA PANANALIKSIK
2023
1
TALAAN NG MGA NILALAMAN:
2
Kabanata
1.
ANG SULIRANIN AT KAGILIRAN
Panimula
3
Batayang Konseptwal
4
Paglalahad ng Suliranin
5
Kahalagahan ng Pananaliksik
5
Saklaw at Limitasyon
6
Kahulugan ng mga Katawagan
7
2. REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
8
Literaturang Panlokal
8
Literaturang Pambanyaga
10
Panlokal na Pag-aaral
10
Pambanyagang Pag-aaral
11
3. METODOLOHIYA
Disenyo ng Pag-aaral
13
Respondente at Populasyon
13
Teknik sa Pagpili ng mga Respondente
13
Interpretasyon ng Datos
15
Pagsusuri ng mga Datos
17
2
PANIMULA
Sa panahon na ito, maraming diyalekto ang karaniwang ginagamit sa pagtuturo at
pagpapaunawa sa isang partikular na asignatura sa mga Pilipinong mag-aaral ngayon. Sa
asignaturang Filipino, kasanayan sa mga mag-aaral na ang gamit na lingguwahe bilang
pampaunawa ay tagalog. sapagkat, nagbago na ang sistema ng pagpapaunawa at karamihan sa mga
guro ay gumagamit na nang sariling diyalektong nakasanayan sa pagtuturo ng asignaturang
Filipino. Sa pananaliksik na ito, susuriin namin kung epektibo ba ang diyalektong ginagamit ng
mga mag-aaral ng ika-10 baitang, seksyon Mozart sa CNICSTCA bilang lingguwaheng
pampaunawa .
Ang korelasyon ng sapat na paguunawa ng mga mag-aaral sa leksiyon ng asignaturang
Filipino, at ang preferensya nilang gamitin ang kanilang diyalekto sa pagdurugtong ng
konseptong nakatuon dito ay may kaugnayan sa teorya ng pagkatuto at pagkakaintindi ng mga
mag-aaral ng sariling nilang pananaw sa mundo. Ang teoryang ito ay kung papaano ba nakukuha,
naproproseso, at napapanatili ang pag-aaral ng mga tao. Nakapalibot sa impluwensiyang
kognitobo, emosyonal, at kapaligiran, gayundin sa mga nakaraang karanasan ang teorya upang
mabigyan ng kaunawaan ang pamamaraan ng pagkakalap o pagbabago ng kaalaman at
kasanayan ng isang bata (Illeris Knud, 2004).
Ang “Mother Tongue” ay isang sanasay na isinulat ni Amy Tan noong 1990. Ito ay isang
pag-aaral ng kanyang personal na karanasan bilang isang anak ng mga Chineese immigrants sa
Amerika at kung paano ito nakakaaapekto sa kanyang pag-uunawa sa wika at kanyang
pagkakakilanlan. Sa sanaysay na ito, ipinakita ni Amy Tan kung paano ang kanyang ina, na hindi
3
marunong mag salita ang ingles na may magandang kalakip na Amerikano, ay nagdulot ng
komplikasyon sa kanilang komunikasyon.
BATAYANG KONSEPTWAL
INPUT
1. Pagsusuri kung ano ang mabisang paggamit ukol sa diyalekto upang ito’y
maging batayan ng paguunawa ng mga bata at pagsusuri sa epekto nito sa
pag-aaral nila sa ika 10-Mozart.
2. Paggawa ng questionnaire at pagsasagawa ng survey para sa mga mag
aaral — mga pangunahing impormasyon ukol sa kanilang paggamit ng
diyalekto.
PROSESO
1. Pagsagawa ng survey sa mga mag-aaral ng 10-Mozart hinggil sa
paguunawa nila sa mga leksiyon ng asignaturang Filipino kaugnay sa
diyalekto.
2. Pananaliksik sa mga mapagkakatiwalaanng literatura tungkol sa paggamit
ng diyalekto at ang epekto nito sa pag-aaral ng mga mag-aaral.
AWTPUT
1. Pagbuo ng mga karampatang sagot ukol sa epekto nang diyalekto sa
paguunawa ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino at kung paano ito
nagpapalago sa mga isipan ng mag-aaral galing sa batayang datos.
2. Pagbibigay ng rekomendasyon tungkol sa mga solusyon ng problemang
maaring hahadlang sa epektibong paggagamit ng diyalekto ng mga magaaral sa larangan nag paguunawa sa mga aralin.
4
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa Epektibong Paggamit ng Diyalekto, Bilang
Lingguwaheng Pampaunawa sa Filipino-10 (S.Y. 2023-2024, CNICSTCA, 10 Mozart). Ang
layunin ng pag-aaral na ito ay nagbibigay bagong kaalaman upang alamin kung epektibo ba ang
maging resulta sa paggamit ng diyalekto bilang lingguwaheng pampaunawa
1. Ano ang mga epekto sa paggamit ng diyalekto, bilang lingguwaheng pampaunawa?
2. Paano ito nakakatulong sa pag-unawa sa asignaturang Filipino?
3. Ano-ano ang mga kaalamang maaring maipamahagi ng paggamit ng diyalektong ito?
4. Saan ginagamit ang diyalekto bilang lingguwaheng pampaunawa sa iba’t-ibang aspeto
ng komunikasyon?
5. Mayroon ba itong positibong epekto sa pag-unlad ng pagsasalita ng Filipino?
KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK
Ang pananaliksik tungkol sa Epektibong Paggamit ng Diyalekto Bilang
Lingguwaheng Pampaunawa sa Filipino, ay isang pagsusuri sa mabisang paggamit at paguunawa
ng diyalekto bilang pamaraan ng pagkakaintindi ng mga leksyon sa asignaturang Filipino ng mga
mag-aaral sa ika-10, Seksyon Mozart, S.Y. 2023-2024, JHS, galling sa City of Naga Integrated
Center for Science Technology Culture and Arts. Tutukuyin nito ang mga mabibisang paraan ng
paggamit ng mga diyalekto bilang plataporma sa pagkatuto, pati na rin ang pagtukoy sa mga
karaniwang salik na nakakaapekto sa kakayahan ng mga mag-aaral sa pagkakaunawa ng mga
5
konsepto at pananaw galing sa asignaturang Filipino. Sa pag-aaral na ito, maaring makakagawa
tayo ng paraan upang lutasin ang problema sa kakulangan ng sapat na paggugol ng mga mag-aaral
sa asignaturang Filipino at sa pagbigay ng pagmumungkahi na ipagkahalaga ang kanilang likas na
diyalekto bilang sandalan ng kanilang kognitibo at behebiyoral na kahusayan patungo sa pagaaral na ito.
Sa mga Magulang - Maaring maging sentral ito sa pagkalago ng kaisipan ng kanilang
anak ukol sa asignaturang Filipino at maari din na matukoy ang mga problemang umiiral sa
pagkatuto ng kanilang anak.
Sa mga Guro, partikular na ang mga Guro sa Filipino. Maaring mabibigyang linaw
ang mga suliranin na dinadaan ng mga mag-aaral hinggil sa paguunawa sa leksiyon na inihahanda,
at maaring mabibigyang pagkakataon ang mga mag-aaral na ilahad ang kanilang reserbasyon ukol
sa aralin.
Sa mga Mag-aaral. Mabibigyang linaw ang mga pamamaraan ng epektibong paggamit
ng diyalekto bilang pagiintindi sa mga komplikadong ideya na nauukol sa leksiyon ng Filipino at
mabibigyang diin ang kahalagahan ng asignaturang Filipino sa kabataan ngayon, hindi lamang sa
pagbigay opurtunidad na tangkilikin ang likas na diyalekto, kundi bigyan rin nang pamamaraan sa
paguunawa sa konseptong mabibigat.
SAKLAW AT LIMITASYON
Na sasaklaw ng Survey sa Epektibong Paggamit ng Diyalekto bilang Lingguwaheng
Pampaunawa sa Filipino-10, ang mga pag-aaral sa paggamit ng iba't ibang diyalekto bilang
6
pamaunawa sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Kasama sa punto na aming inilahad ay, ang mga
nauugnay na aralin tungkol sa laman at kaugalian ng diyalekto, galing sa mga nakaraang mga
pananaliksik ukol nito. Ang mga pag-aaral na nakatuon sa kognitibong kahusayan ng isang bata
ay kasali sa sentral na ideya ng aming paksa sapagkat ito’y nangangahulugan sa pagunlad ng
mga bata sa kanilang abilidad upang matuto at lumago sa larangan o asignatura ng Filipino. Ang
ika 10-Seksiyon ng Mozart ang piniling batayan sa pagkalap ng datos galing sa survey sapagkat
mas madaling tayahin ang mga sagot ng mga mag-aaral at mas madaling tukuyin ang pag-iisip
ng mga mag-aaral tunkol sa paksang ito. Ang gagamiting uri ng pagkalap ng impormasyon ay
ang Survey Questionnaire, na limitado lamang sa 5-10 na katanungan upang matugunan ang
limitasyon sa oras at panahon.
KAHULUGAN NG MGA KATAWAGAN
Diyalekto
Ito ay isang natatanging uri ng wika na ginagamit sa isang rehiyon o lugar. Ang mga diyalekto ay
tinatawag ding wikain o salitang bernakyular.
Salik
Ito ay tumutukoy sa mga bagay na maaring naging dahilan ng isang pangyayari. Ito ay mayroong
direktang epekto sa isang paksa.
Kognitibo
Ito ay ginagamit ang pag-iisip upang makaunawa at makaalam ng bagong impormasyon
Behebiyoral
7
Ito ay ang hanay ng mga aksyon at mannerismo na ginawa ng isang indibiduwal, organismo,
sistema o artipisyal na nilalang sa ilang kapaligiran.
Karampatang
Ito ay ginagamit sa tama o tuwid, nauukol o nararapat
KABANATA 2
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Ang bahaging ito ay naglalaman ng akademiko at propesyonal na mga babasahin na
may kinalaman sa ginagawang pag-aaral. Nagbibigay rin ng higit na malinaw na kaalaman ang
mga literatura at pag-aaral na inilakip sa pananaliksik na ang motibo ay madagdagan ang kaalaman
ng mga mambabasa, lalo na ang mga kasama sa bahaging Kahalagahan ng Pag-aaral. Mayroon
ding mga bahagi na makapagbibigay-ambag sa napapanahong mga isyu partikular na sa larang ng
Edukasyon.
LITERATURANG PANLOKAL
Likas na ang larangan at pag-aaral ng lingguwistiko ay napaka lawak at impormatibo
sa iba-ibang aspeto ng pag-iisip o pilospiya ng isang tao at maari itong mawawala habang isinusuri
ang mahalagang layunin ng pag-aaral na ito. Kaya, ang mga sumusunod na literaturang nakalap
namin ay dapat nauugnay sa tatlong alintunin:
1. Ang mga pananaliksik ay dapat napaloob o nasasakop lamang sa pag-aaral ng diyalekto,
2. Ito'y nagbabanggit sa diyalekto bilang tulay ng pagkikipagkomunikasyon ng mga mag-aaral sa
kanilang pinag-aaralan — sa kasong ito, Filipino.
8
3. At pangatlo, ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pag-aaral ng siko-sosyohikal na kalagayan
ng mga kabataan, patungkol sa mga diyalekto.
Ayon kay Garcia (2010), ang paggamit ng lokal na wika ay naglalarawan ng kultura
at identidad ng isang komunidad, nagbibigay ng mas malalim na koneksyon sa mga tao, at
nagpapahayag ng pambansang pagkakakilanlan.
Sa kanyang aklat, ibinukas ni Reyes (2012) ang usapin ng epekto ng paggamit ng diyalekto sa
pag-unawa ng mga impormasyon. Ipinaliwanag niya kung paano ang pagsasalita sa sariling wika
ay maaaring magkaruon ng masusing kahulugan sa iba't ibang konteksto, lalo na sa larangan ng
edukasyon at komunikasyon.
Bukod dito, ang pagsusuri ni Bautista (2012) sa mga porma ng wika sa lipunan ay nagpapakita
ng mga patakaran at praktika na nag-aambag sa pagpapabuti ng epekto ng diyalekto sa
komunikasyon. Ipinakita niya ang mga potensyal na benepisyo ng masusing paggamit ng lokal na
wika, partikular sa pag-unlad ng intelehensiyang pangwika ng isang indibidwal.
Sa konteksto ng teknolohiya, ang pag-aaral naman ni Enriquez (2016) ay naglalaman ng mga
resulta mula sa isang surbey na naglalayong alamin ang karanasan ng mga tao sa pagsusuri ng
sariling wika gamit ang iba't ibang plataporma. Ang kanyang mga natuklasan ay nagpapakita ng
pagiging makabago ng mga indibidwal sa paggamit ng diyalekto sa iba't ibang aspeto ng kanilang
buhay.
9
LITERATURANG PAMBANYAGA
Ayon kay Gorgonio (2012). May kaugnayan naman sa pag aaral ng pananaliksik ay
nag bibigay benepisyo ng paggamit ng wika sapagtuturo para sa kapwa natin mag aaral upang
makamit ang pag aaral sa akademikong paaralan.
Nagbibigay rin ito ng kahalagahan na ang edukasyon ang pagagamitan ng wika ay para
sa lahat lalo na sa mga bata. Upang maging edukado at maging pang habangbuhay na aral sa mga
mag-aaral, dapat gawin ito sa pamamagitan ng pag aaral ng mismong wika. Samakatuwid ang
paggamit ng diyalekto bilang pampaunawa ay mas naging madali ang pagpapaintindi sa kapwa
natin tao lalo na sa estudyante.
Sabi ni Gorgonio ang kahalagahan sa pag-sasagawa ng pag-aaral na ito ay magbibigay
makabuluhang reyalisasyong tungkol sa paggamit ng diyalektong wika sa pagtuturo, kung maari
itong maitaguyod ang mas mahusay na pagganap sa akademiko sa mga mag-aaral sa kanilang pagaaral. Ang ilang mga pag aaral ay ginawa tungkol sa wika o dayalektong ginagamit sa paaralan ng
bansa. May pangangailangan para sa higit pang pananaliksik na magpapakita ng kahalagahan ng
paggamit ng mga wikang ito na epektibo sa proseso ng pagtuturo at pag aaral ng maaring
mapahusay ang pagganap sa akademiko ng mga mag aaral.
PANLOKAL NA PAG-AARAL
Wikang Pambansa, Wikang Filipino, Akademikong Wikang Filipino
Ang pag-aaral na ito na minungkahi ni Alvin Metrillo (2000) ay nakatuon sa paggamit
ng wikang Filipino ng mga mag-aaral sa paaralan. Isinagawa ang pananaliksik upang matukoy
kung paano ginagamit at kung paano nahihikayat ng mga mag-aaral sa gawaing pampaaralan ang
mga kapwa mag-aaral, magulang at opisyales ng barangay. Nilayon din na mabatid ang mga salik
10
na nakahahadlang sa kalagayan ng paggamit ng wikang Filipino. Nakaangkla ito sa palarawang
disenyo at random sampling. Talatanungan ang pangunahing instrumentong ginamit sa
pangangalap ng datos at tiniyak na kumpidensyal ang mga impormasyon at mga naging kasagutan
ng mga kalahok. Sa isinagawang pagsusuri, ginamit ang payak na estadistika upang mapagtibay
at maging balido ang datos na nakalap. Natuklasang paminsan-minsang ginagamit ang wikang
Filipino ng mga mag-aaral sa paaralan sa iba’t-ibang paraan. Sa pamamagitan ng paggamit ng
naturang wika, hinihikayat ang pakikilahok ng mga mag-aaral, magulang at lokal na opisyales ng
barangay. Ang mga salik na nakahahadlang sa paggamit ng wikang Filipino ay panghihikayat ng
paaralan sa paggamit ng wikang ingles sa pakikipag-usap , pagsusulat sa wikang ingles ng mga
ulat-pasalaysay (narrative reports), dokumento at iba pa. Ang mga naging kalahok sa pananaliksik
ay dalawang-daan at dalawmpu’t apat (224) na mga mag-aaral sa SHS, dawalang-daan at
dalawampu’t apat (224) na magulang at labing anim (16) na opisyales ng barangay Bayorbor.
Naniniwala ang mga mananaliksik na mahalaga ang pag-aaral na isinagawa sapagkat ang paggamit
ng wikang Filipino ay isang paraan upang pahalagahan at mapayabong ang sariling atin. Gayundin,
ito ay magsisilbing pundasyon upang malinang ang kultura ng komunikasyon sa loob at labas ng
paaralan. Magsisilbing batayan ang mungkahing gawaing pang mag-aaral na binuo ng mga
mananaliksik.
PAMBANYAGANG PAG-AARAL
Ayon sa pag aaral ni Herdeline Aroña (2012) mas magandang gamitin ang Ingles
bilang midyum ng pagtuturo dahil mas maipapaliwanag ang mga ideya at konsepto sa mas
madaling paraan sapagkat karamihan sa mga Pilipino ay madalas ng gumagamit ng internet na ang
lengguwahe ay Ingles. Tulad na lamang ng asignaturang Matimatika, nahihirapan ang ating kapwa
Pilipino na intindihin ito gamit ang lengguwaheng Filipino. Sa pananaliksik na ginawa ni Abraham
11
at Kaidonis (2001; 2003). Ayon dito, binigyang diin nila ang pagsasama ng lengguwaheng Ingles
at karunungang bumasa at sumulat. Sinaad rin doon ang pag uugnay ng akawnting at iba’t-ibang
lingguwistik galing sa mga aklat ng iba’t-ibang bansa. Ayon sa pag aaral na ginawa ni Herdeline
Aroña (2012) na may pamagat na “Attitudes of Students, Parents, Teachers of Schools towards an
English and Filipino Medium Construction.” Ang mga estudyante at mga kaguruan ay mas piniling
gamitin ang sariling wika o diyalekto bilang pampaunawa, dahil ito ay mas madaling gamitin sa
pagpapaliwanag ng mga ideya at konsepto. Sa wikang ito ay naipaparating ang nais ipabatid at ito
rin ang wikang pinagkauunawaan natin.
12
KABANATA 3
DISENYO NG PAG-AARAL
Layunin ng pananaliksik na ito na malaman ang bilang ng mga mag aaral sa
CNICSTCA sa ika 10 na baitang seksiyon mozart ang Epektibong Paggamit ng Diyalekto,
Bilang Lingguwaheng Pampaunawa sa Filipino. Ang pamamaraan ng pananaliksik na ito ay
gamit ang Survey Questionnaires upang malaman kung ito ay epektibo sa Pagpaunawa sa
Filipino sa Mozart 10. Ito ay ginagamitan ng deskriptibong pananaliksik o qualitatibong
pamamaraan. Ang pag aaral na ito ay nakalaan sa unang semester. Magiging kapaki-pakinabang
ang pamamaraang ito dahil nangangailangan ito ng kaunting oras sa proseso ng pangongolekta
ng data dahil saklaw nito ang malaking grupo sa maikling panahon.
RESPONDENTE AT POPULASYON
Ang respondente ng aming surbey ay ang mga mag-aaral sa City of Naga Integrated
Center for Science Technology Culture and Arts na nasa departamento ng SPA sa baitang 10,
seksiyon Mozart. Ang populasyon nang respondente namin ay labing-isa (11) at lahat sila'y
nakakapagsalita at nakakapagunawa ng Cebuano-Bisaya.
TEKNIK SA PAGPILI NG MGA RESPONDENTE
Ang mga inpormasiyon ng pananaliksik ukol sa paksang "Epektibong Paggamit ng
Diyalekto, Bilang Lingguwaheng Pampaunawa sa Filipino-10 (S.Y 2023-2024, CNISCTCA 10
13
Mozart). Ginamit ang simpleng random sampling kung saan ang pag pili ng respondente ay
malaya mula sa kinabibilangan nitong grupo. Ang napiling respondente sa pagsusuring ito ay ang
mga mag-aaral na nasa Ika-10 baitanf ng SPA sa Seksyon Mozart ng City of Naga Intregated
Center for Science Technology Culture and Arts, Lungsod ng Naga. Malayang pumili ang
mananaliksik ng labing isa (11) mag-aaral na maaring kumakatawan sa kabuuan ng pag-aaral.
Mag-aaral at tagasagot ng mga talatanungan mula sa ika-10 baitang ng SPA-Seksyon
Mozart ng City of Naga Integrated Center for Science Technology Culture and Arts, Lungsod ng
Naga taong 2023-2024.
Kabuuang bilang ng
Kasarian ng mga Mag-aaral na Tagapagsagot
mag-aaral
11
Lalaki
Babae
6
7
Ang kabuuang bilang ng mga sumasagot ay labing isa (11) na mag-aaral mula sa Ika10 baitang ng SPA Seksyon Mozart sa City of Naga Center for Science Technology Culture and
Arts.
Ayon sa kasarian ng mga tagasagot mahigit sa kalahati o Apat naput lima (45) sa
mga sumasagot ay babae at limang put lima (55) din naman sa lalaki. Apat naput limang
porsyento (45%) ng mga tagasagot o lima (5) na mag-aaral ay mula sa grupo ng mga babae.
Limang put limang porsyento (55%) ng mga tagasagot o anim (6) na mag-aaral ay mula sa grupo
ng mga lalaki.
14
INTERPRETASYON NG MGA DATOS
1. Ginagamit mo ba ang iyong diyalekto bilang tulay
para sa paguunawa mo sa mga leksyong inyong
itinatalakay sa Filipino?
Oo
Hindi
Imahe 1. Resulta ng kaukulang datos mula sa Surbey, Tanong 1.
Sa labing isang (11) mag-aaral ng Seksiyon Mozart, labing-isa (100%) ang
sumangayon at sero (0%) naman ang hindi sumangayon.
2. Mas naiintindihan mo ang mga leksyon sa Filipino
kung ito'y binabanggit sa sarili mong diyalekto?
Oo
Hindi
Imahe 2. Resulta ng kaukulang datos mula sa Surbey, Tanong 2.
Sa labing isang (11) mag-aaral ng Seksiyon Mozart, walo (73%) ang sumangayon at
tatlo (27%) naman ang hindi sumangayon.
15
3. Para sayo, epektibo ba ang diyalekto sa
pakikipagtalastasan ng mga ideya mo sa ibang tao?
Oo
Hindi
Imahe 3. Resulta ng kaukulang datos mula sa Surbey, Tanong 3.
Sa labing isang (11) mag-aaral ng Seksiyon Mozart, labing-isa (100%) ang
sumangayon at sero (0%) naman ang hindi sumangayon.
4.Mas gusto mo bang magsalita ng iyong diyalekto
kung bibigyan ka ng pagkakataon?
Oo
Hindi
Imahe 4. Resulta ng kaukulang datos mula sa Surbey, Tanong 4.
Sa labing isang (11) mag-aaral ng Seksiyon Mozart, labing-isa (100%) ang
sumangayon at sero (0%) naman ang hindi sumangayon.
16
5. Mahalaga ba sayo ang diyalekto sa pang-arawaraw mong pakikipagkomunikasyon?
Oo
Hindi
Imahe 5. Resulta ng kaukulang datos mula sa Surbey, Tanong 5.
Sa labing isang (11) mag-aaral ng Seksiyon Mozart, labing-isa (100%) ang
sumangayon at sero (0%) naman ang hindi sumangayon.
PAGSUSURI NG MGA DATOS
Ayon sa mga datos na inirepresenta ng mga graps sa ibabaw, halos lahat ng mga
mag-aaral ay sumasangayon sa mga tanong na aming ibinigay galing sa surbey. Ang kalakihan
ng mga tanong ay tungkol sa kapakinabangan ng kanilang diyalekto bilang batayan sa kanilang
pagunawa sa Filipino at kung epektibo ba nga ito sa kanilang pag-aaral sa asignatura. Sa
pagsusuring ito, makikita natin kung ano ang kahalagahan ng diyalekto sa pag-iisip ng mga magaaral ng CNISTCA at kung paano ito mapapakinabangan sa iba’t ibang aspeto ng pag-aaral ng
mag-aaral sa eskuwelahan na ito.
Sa unang tanong, makikita natin na sa lahat ng mga respondente/tagapagsagot,
labing-isa (100%) ang sumagot na “Oo” sa tanong na “Ginagamit mo ba ang iyong diyalekto
17
bilang tulay para sa paguunawa mo sa mga leksyong inyong itinatalakay sa Filipino?” Ito’y
nagpapahiwatig na mas sinasangayon pa nang mga mag-aaral sa seksyon Mozart ang paguunawa
sa mga leksyong kanilang itinalakay sa Filipino at nagpapakita din ito na makabuluhan ang
diyalekto sa kanilang pagtuto sa bawat konsepto na maaring ibinigay o ibibigay ng asignaturang
Filipino. Sa ikalawa naman, walo ang sumasangayon (73%) at tatlo naman ang hindi (27%). Sa
tanong na ito, nagtaka kami kung bakit sumalungat ang tatlong mga respondente/tagapagsagot na
lahat sila sa pinaka unang tanong ay sumangayon na mas naiintindihan pa nila ang mga aralin ng
Filipino gamit ang tulay na inibigay ng diyalekto. Ngunit sa malalim namin na pag-iisip tungkol
sa suliraning ito, nalaman namin na ang dahilan ay maaring ang diyalektong Cebuano-Bisaya ay
mayroong mahihirap na intindihin na salita at maaring hindi gaanong maisasalin sa Filipino at
maari din na mahirap isalin ang ibang mga salita sa Filipino sa Cebuano-Bisaya.
Sa ikatlo, ikaapat at ikalimang mga tanong, ang mga mag-aaral sa seksiyon Mozart
ay sumangayon sa mga tanong na aming inihain sa kanila at sa mga tanong na ito naipakita
talaga kung ano gaano kahalaga ang diyalekto sa kanilang pag-uunawa.
18
Download