Uploaded by Maureen Villacoba

Grade 5 Performance Task in Music -No.1

advertisement
MUSIC 5
Performance Task No. 1
Quarter 1
Name: ________________________________________ Score: _________
A. Kilalanin ang mga notes at rest at isulat ang mga halaga nito sa
time signatures.
B. Panuto: Isagawa ang wastong pagkumpas sa mga notes at rests sa pamamagitan ng
pagtapik.
1.
2.
3.
4.
5.
ARTS 5
Performance Task No. 1
Quarter 1
Name: ________________________________________ Score: _________
A. Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung tama ang mga sumusunod na pahayag at ekis (X) naman
kung hindi.
_____1. Ang archaeological artifacts ay makikita sa Pambansang Museo sa Pilipinas.
_____2. Sa pagguhit ng mga ito, isinasaalang-alang lamang ang lapad ng isang bagay.
_____3. Ang mga bagay na nasa bandang itaas ng isang larawan ay nagmumukhang mas malayo
sa mga mata ng tumitingin sa larawan.
_____4. Ang mga bagay na maliit ay nagmumukhang mas malapit.
_____5. Hindi mahalaga ang espasyo sa pagguhit.
B. Punan ng tamang sagot ang patlang.
6.Ang mga sinauna o antigong __________ ay maaaring pagkunan ng kaalaman tungkol sa
pamamaraan ng buhay sa nakaraang panahon.
7. Ang _________ ay anyo o kagamitan sa pagluluto na hinulma mula sa pulang putik o luwad.
8. Sa _________ natuklasan ang mga bahagi ng bangay.
9 . Ang __________ ay ang pinakalumang sasakyang pandagat na ginamit sa Timog Silangang Asya.
10. Ang __________ ay inukit na disenyo ng sarimanok o naga sa kahoy at nagsisilbing palamuti sa
labas ng dingding ng torogan.
PHYSICAL EDUCATION 5
Performance Task No. 1
Quarter 1
Name: ________________________________________ Score: _________
A. Isulat ang tsek (/) kung Tama ang ipinapahayag ng bawat pangungusap at ekis (X) naman kung
Mali.
___1. Ang pagiging patas sa paglalaro ay pagsunod sa mga patakaran at regulasyon.
___2. Ang pagwa warm-up at pag cool-down ay maaaring makapag dulot ng pinsala sa katawan.
___3. Isipin lamang ang pansariling nais.
___4. Ang pagsunod sa mga patakaran ay nagpapakita na ikaw ay isport
___5. Ang pagkakaisa at pagtutulungan ay mahalaga sa isang laro.
Isulat sa patlang ang T kung totoo at H kung hindi ang mga pangungusap.
________6. Ang larong syato ay isang Larong Pinoy na maaaring laruin ng iilan lamang o kaya
pangkat ng mga manlalaro na siyang magiging tagapalo at tagasalo.
________7. Ang kailangnang manlalaro ay may tatlong pangkat na may da-lawa o higit na
miyembro.
________8. Kung hindi nasalo ang patpat, mula sa butas pabayaan na lamang ito.
________9. Ang paglalaro ng syato ay nangangailangan ng diskarte at pagkakaisa ng grupo
________10. Ang syato ay mainam na paraan upang mapaunlad ang tatag ng puso at baga
(cardiovascular endurance) at power.
HEALTH 5
Performance Task No. 1
Quarter 1
Name: ________________________________________ Score: _________
A. Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Isulat kung ano ang nararapat mong gawin sa
bawat sitwasyon na nagpapakita ng kalusugang mental, emosyonal, at sosyal. Bilugan ang
letra ng tamang sagot.
________1. Nagkaroon ka nang mabigat na suliranin.
a. Magmukmok at magkulong sa kwarto.
b. Mag-inom ng alak upang makalimutan ang suliranin.
c. Magsabi sa magulang o sa iyong guro ng suliranin at humingi ng payo.
d. Maglayas at mamasyal upang makalimutan ang suliranin.
________2. May mga batang nang-aasar sa iyo tuwing recess.
a. Hayaan na lamang at umiwas.
b. Hayaan sila at magsabi sa guro ng sitwasyon.
c. Makipag-away upang tumigil sila ng pang-aasar.
d. Sigawan sila na tigilan ka na.
_________3. May nanghihikayat sa iyong uminom ng alak at manigarilyo.
a. Tumanggi at iwasan na lamang sila.
b. Tumanggi at pagsabihan sila nang maayos na mali ang kanilang ginagawa.
c. Subukan ang pag-inom at paninigarilyo para sa bagong karanasan.
d. Subukan upang maipakita ang pakikisama.
_________4. Napagsabihan ka ng iyong guro dahil sa mali mong nagawa.
a. Huwag ng pumasok sa paaralan.
b. Huwag ng kausapin at pansinin ang guro.
c. Humingi ng paumanhin sa guro sa nagawang mali.
d. Humingi ng tulong sa magulang.
_________5. Bumagsak ka sa pagsusulit.
a. Malungkot at umiyak dahil bumagsak.
b. Mag-aral na mabuti para sa susunod na pagsusulit.
c. Magwala sa klase dahil hindi nakapasa sa pagsusuli.
d. Magalit sa guro.
B. Alamin kung anong kasanayan sa buhay ang isinasaad ng bawat sitwasyon.
Isulat ang A-Komunikasyon, B-Pagpapahayag ng Nararamdaman, C-Pansariling
Pamamahala, at D-kung Pagpapasya.
_________6. Pagpapakita kung paano kontrolin ang sariling emosyon.
_________7. Pagpaplano kung ano ang nararapat gawin.
_________8. Pagpapahayag ng sariling karapatan at ninanais sa buhay.
_________9. Proseso ng pagpapadala o pagtanggap ng mensahe na maaring pasalita o pakilos.
_________10. Pagsang-ayon o hindi pagsang-ayon sa iginigiit ng kausap.
Download