Mga Ideolohiya, ang Cold War, at ang Neokolonyalismo Inihanda Ni: Bb. Kathleen Ann Ano ang C O L D WA R ? Ang Cold War ay kalagayang political kung saan nagkaroon ng tagisan sa pagitan ng mga bansa sa pamamagitan ng pananakot, propaganda, at iba pang paraan maliban sa pakikidigma. Kahulugan ng Ideolohiya Ang ideolohiya ay mga tinakdang paniniwala na nakaaapekto sa pananaw sa mundo. Ito ay madalas na malapit sa itinakdang pagpapahalaga at nararamdaman ng tao o grupo. Ito rin ang nagsisilbing tagasala ng mga makikita ng lahat. Hal: ang relihiyon at paniniwala rito. Mga katangian ng Ideolohiya 1. Nagpapakita na ang ideolohiya ay nanatili sa kalagayan nito kahit nagbabago ang panahon. 2. Napagagalaw ang indibidwal ayon sa kaniyang kagustuhan at sariling saloobin. 3. Nagpapakita ng imahinaryong relasyon ng mga indibidwal at kondisyon nito sa realidad. 4. Nagpapakita na ang material na buhay at Gawain ay magkaugnay. 5. Nagtatanghal na ang mga indibidwal ay nasasakupan ng paniniwalang panlipunan. Dalawang uri ng ideolohiya ang lumaganap sa daigdig: 1. Ideolohiyang Pampolitikal 2. Ideolohiyang Pang-ekonomiya - May kinalaman sa pamumuno o pagpapasunod sa mga mamamayan ng isang bansa. - Tumutukoy sa paghahayag ng pananaw sa kung paano pamamahalaan ang ekonomiya ng isang bansa nang naaayon sa layunin nito. Kasaysayan ng Ideolohiya Unang lumabas ang konseptong ideolohiya nang banggitin ito ni Destutt de Tracy bilang maikling tawag sa “science of ideas”. Ito rin ay halaw sa epistimolohiya nina John Locke at Etienne Bonnot de Condillac na kung saan ang lahat ng karunungan ng tao ay karunungan ng ideya. May impormasyon ding nanggaling kay Francis Bacon na kung saan ang paglawak ng karunungan ng tao ay magbabago sa buhay ng tao sa daigdig. Ang science of ideas ay isang agham na may misyong maglingkod sa sangkatauhan sa pamamagitan ng pag-alis sa kanilang isipan ng hindi tuwid na pagpapalagay at ihanda ito sa kalayaan sa pagpapaliwanag. Ang ika-19 na siglo ay tinawag ng ilang pilosopo bilang Panahon ng Ideolohiya dahil makikitaan ng mga pilosopiya mula sa mga nakaraang siglo na masasabing ideolohikal. Mga Ideolohiyang Politikal 1. Totalitaryanismo 7. Demokrasya 2. Anarkismo 8. Social democracy 3. Awtokrasya 9. Imperyalismo 4. Komunismo 10. Monarkismo 5. Segregasyonalismo 11. Teokrasya 6. Konstitusyonalismo 1. Totalitaryanismo • Ito ay uri ng pamahalaan na hindi nagbibigay ng kalayaan sa indibidwal at naghahangad na ang lahat ng aspekto ng buhay ng mga nasasakupan ay ilagay sa kontrol ng pamahalaan. 2. Anarkismo • Ito ay pinagsama-samang doktrina at pag-uugali na naniniwalang ang pamahalaan ay mapanakit at hindi kinakailangan. 3. Awtokrasya • Ito ay isang sistema ng pamahalaan na kung saan ang lubos na kapangyarihan ay nasa kamay ng iisang tao lamang. • Ang desisyon ay hindi naiimpluwensiyahan ng ano mang panlabas na batas at hindi nakokontrol nino man. • Hal: absolute na monarkiya o diktadoryal 4. Komunismo • Ang komunismo ay isang doktrinang pampolitiko at pangekonomiya na naglalayong palitan ang pribadong pagmamay-ari at ekonomiyang batay sa kita. 5. Segregasyonalismo • Ito ay pamamahalang umaayon sa pagpapangkat-pangkat ng tao ayon sa lahi o kulay ng balat. 6. Konstitusyonalismo • Ang pamahalaan ay dapat na malimitahan ang kapangyarihan at awtoridad. Ang politikal na organisasyon ay para maprotektahan ang interes at kalayaan ng mamamayan, kabilang na ang minoridad. 7. Demokrasya • Ito ang sistema ng pamahalaan na pinamumunuan ng buong populasyon o mga hinirang ng estado sa pamamagitan ng halalan. Dalawang uri ng Demokrasya • Tuwirang demokrasya (Direct Democracy) • Hindi tuwiran (Representative Democracy) - direktang ibinoboto ng mga tao ang gusto nilang pinuno. - Inihahalal ng mga kinatawan ng mga mamamayan ang mamumuno sa pamahalaan. 8. Social democracy • Ito ay isang ideolohiyang political na ang opisyal na hangarin ay makapagsagawa ng pagbabago sa pamamagitan ng reporma sa dahan-dahang pamamaraan. 9. Imperyalismo • Ito ay isang polisiya na nagpapalawak sa kapangyarihan ng isang bansa at naglalayong impluwensiyahan ang bansang nasakop sa pamamagitan ng kolonisasyon at paggamit ng lakas militar. 10. Monarkismo • Ito ay isang uri ng pamahalaan na kung saan ang soberanya ay nakapaloob sa isang namumunong indibidwal hanggang sa kamatayan o pagbaba sa kapangyarihan. 11. Teokrasya • Ito ay isang uri ng pamahalaan ng pinamumunuan ng kleriko at may soberanya sa teritoryo at ang opisyal na polisiya ay para mamahala sa pamamagitan ng mga pinunong itinalaga ng Maykapal. • Ito rin ay depende sa doktrina ng isang particular na relihiyon o grupo. Mga Ideolohiyang Pangekonomiya 1. Liberalismo 2. Sosyalismo 3. Kapitalismo 4. Proteksiyonismo 1. Liberalismo • Ito ay isang pilosopiya na naitatag batay sa ideya ng kalayaan at pagkakapantay-pantay. Ang liberal na pag-iisip ay tumatalima sa iba’t ibang pananaw depende sa pagkakaintindi sa mga prinsipyo. Konsepto ng Liberalismo • Utilitarianism – tumutukoy sa pakikipaglaban sa prinsipyong dapat lamang manaig sa kung ano ang pinakamabuti para sa nakararami. • Laissez-faire – tumutukoy sa paniniwalang higit na nakabubuti ang kawalan ng control ng pamahalaan sa pamilihan. 2. Sosyalismo • Ito ay isang panlipunan at pang-ekonomiyang sistema na natatangi ayon sa panlipunang pag-aari sa pamamagitan ng produksiyon at pagtutulungang pamamahala ng ekonomiya. 3. Kapitalismo • Ito ay isang sistemang pang-ekonomiya at ang paraan ng produksiyon ay sa pamamagitan ng kalakalan, industriya, at ang karamihan sa paraan ng produksiyon ay pag-aari ng pribadong sektor. Ang pribadong kompanya ay gumagana dahil sa kita. 4. Proteksiyonismo • Ito ay polisiyang pang-ekonomiko na siyang pumipigil sa kalakalan sa pagitan ng dalawang estado tulad ng taripa sa imported na produkto, restrictive quota, at iba pang regulasyon ng pamahalaan na idinisenyo para payagan ang patas na kompetisyon sa pagitan ng import at produkto at serbisyo na gawang lokal. Neokolonyalismo • Tumutukoy sa paggamit ng political, kultural, pinansiyal, at iba pang paraan upang makontrol ang dati nang kolonyang bansa. Ang neo-kolonyalismo ay nagaganap sa pamamagitan ng dalawang teorya: TEORYANG DEPENDENCY TEORYANG KULTURAL • Ang mga yamang likas o hilaw na materyales ay dumadaloy patungo sa di-maunlad at umuunlad pa lamang na mga bansa patungo sa mga maunlad na bansa. • Sa prosesong ito, nagagawan ng paraan ng mga makapangyarihang bansa na panghimasukan ang kultura ng isang bansa. Ang mga sumusunod ay mga dahilan ng pananakop: 1. Mahinang kalagayan ng mga puwersang Europeo. 2. Pagkamulat laban sa imperyalismo. 3. Pangangailangan ng mauunlad na estado. 4. Patuloy na pagdepende ng mga bagong estado sa mauunlad na estado. 5. Epekto ng Cold War. 6. Polisiya ng United States at ng dating Soviet Union. Mga anyo ng Neokolon yalismo 1. Pang-ekonomiya 2. Politikal 3. Militar Mga epekto ng Neokolonyalismo 1 . L A B I S N A PA G - A S A S A MGA BANSANG MAUUNLAD • Ang hindi maputol-putol na paghiram ng pera ng hindi pa mauunlad na bansa ay nagiging dahilan ng pagkabaon at palagiang paghingi ng tulong sa bansang mauunlad. 2 . P A G D I K T A S A K A L A G AYA N G P A N G - E K O N O M I YA A T P O L I S I YA SA MAHIHIRAP NA BANSA • Ang mga pamahalaan ay nagiging sunod-sunuran sa mga tagubilin ng mga neokolonyalista. Maraming salamat sa inyong pakikinig!