“Ang Suliranin at ang Kaligiran nito” By Group III I. ANG PANIMULA O INTRODUKSYON (RASYONAL) Ito ay isang maikling talataang kinapapalooban ng pangkalahatang pagtalakay ng paksa ng pananaliksik. Dito tinatalakay ang mga sagot sa tanong na Ano at Bakit. “Ano ba ang tungkol sa iyong pinagaaralang paksa at Bakit kailangan pa itong pagaralan.” Sa mga mananaliksik na mag-aaral, ang isa’t kalahating pahina sa bahaging ito ay sapat na. I. ANG PANIMULA O INTRODUKSYON (RASYONAL) Ito ang unang bahagi ng papel Nakatala dito ng mahahalagang impormasyon tungkol sa paksa Inilalalahad sa unang bahaging ito kung saan at paano nagsimula ang ideya. Krusyal ang papel ng pinakaunang pangungusap na bibitawan sa bahaging ito. Siguruhing mababanggit ng mga naunang pag-aaral na may kaugnayan sa paksa. Isang paraan ito upang patunayan na feasible ang proyekto. II. LAYUNIN NG PAG-AARAL (Paglalahad ng Suliranin) Inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit isinasagawa ang pag-aaral. Tinutukoy din dito ang mga pangunahing suliranin na nasa anyong patanong. Sa bahaging ito nilalahad at inilalarawan ang suliraning nais bigyan ng mahalagang pokus. Inilalahad ditto ang mga impormasyong tungkol sa kahalagahan ng paksa. Ito ay isa sa pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik. Ito ang pokus o sentro ng pag-aaral. Ang mga katanungang inilahad ay nararapat na masagutang lahat ayon sa pagkakasunod-sunod nito. II. LAYUNIN NG PAG-AARAL (Paglalahad ng Suliranin) Mga anyo/paraan ng paglalahad ng suliranin: ANYONG PATANONG (Question Form) - Ginagamitan ng tanong na "Ano" o "Paano". AYONG PAPAKSA (Topical Form) - Ang anyong ito ay mas ginagamit sa mga pangkalakalang pananaliksik na sa halip na tawaging "paglalahad ng suliranin" pinapalitan ito ng katagang "mga layunin ng pag-aaral". III. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL Nilalahad dito ang signifikans ng pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa ng pag-aaral. Inilalahad dito kung sino ang makikinabang sa nasabing pag-aaral. Tinatalakay sa bahaging ito ang kahalagahan ng buong pag-aaral at kung ano ang magiging kontribusyon nito sa larangan ng edukasyon at siyensya. IV. SAKLAW AT LIMITASYON Tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik. Dito itinakda ang parameter ng pananaliksik. Ipinakikita sa bahaging ito ang lawak ng angkop ng ginagawang pagaaral. Nagtataglay ito ng dalawang talata. Ang Unang talata ay naglalaman ng saklaw ng pag aaral, habang ang Ikalawang talata ay tumutukoy naman sa limutasyon ng pananaliksik. Tinatalakay ng bahaging ito ng pananaliksik ang maaaring sasaklawin sa pag aaral. Ipinapakita sa bahaging ito ang lawak ng sangkop ng ginagawang pag-aaral. Ipinapaalam din dito ang mismong paksa ng pag-aaral gayundin ang katatagpuan ng mga datos na kakailanganin. Naglalaman ang bahaging ito ng tiyak na bilang ng mga kasangkot sa pag-aaral, tiyak na lugar at ang hangganan ng paksang tatalakayin pati na ang tiyak na panahong sakop ng pag-aaral. V. DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA Inililista rito ang mga salitang ginagamit sa pagaaral. Tanging mga katawagan, salita, o pariralang may espesyal na gamit o natatanging kahulugan sa pag-aaaral ang bibigyan ng depinisyon. Ang pagbibigay ng kahulugan ay may dalawang paraan... Maaaring itong: Operasyonal na Pagpapakahulugan – dito bibigyang kahulugan ang mga salitang mahahalaga o pili na ginagamit sa pananaliksik. Bibigyang linaw ang mga ito sa paraang kung paano ito ginamit sa loob ng pangungusap. Konseptwal na Pagpapakahulugan – Ito ay ang istandard na kahulugan. matatagpuan sa mga diksyunaryo. Ito ay isang akademiko at unibersal na kahulugan ng salita na nauunawaan ng maraming tao.