DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA AP 4 I. LAYUNIN Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na: A. Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pang-unawa sa bahaging ginagampanan ng pamahalaan sa lipunan, mga pinuno at iba pang naglilingkod sa pagkakaisa, kaayusan at kaunlaran ng bansa. B. Ang mag-aaral ay nakapagpapakita ng aktibong pakikilahok at pakikiisa sa mga proyekto at gawain ng pamahalaan at mga pinuno nito tungo sa kabutihan ng lahat (common good). C. Nasasabi ang mga katangian ng isang mahusay na pinuno ng pamahalaan. II. PAKSANG ARALIN Paksa: Mga Katangian ng Isang Mabuting Pinuno ng Pamahalaan Sanggunian: ADM Modyul sa Ap 4 https://www.officialgazette.gov.ph/about/gov/ang-lehislatibongsangay-ng-pamahalaan/ Kagamitan: Powerpoint presentation, larawan, tsart Pagpapahalaga: Pinapakita ang kahalagahan ng gampanin sa lipunan Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral III. ESTRATEHIYA A. Mga Gawain bago 1. Pamukaw sigla Magandang araw mga bata! Magandang araw din po, Teacher! Bago tayo magsimula sa ating klase, may panonoorin muna tayong maikling bidyo na makakapag bigay buhay sa ating lahat, ayos ba Ayos po iyon, Teacher! yon mga bata? 2. Balik-aral May nakakaalala pa ba sa inyo ng ating tinalakay noong nakaraang linggo? Ano ano nga bang programang pang impraestraktura ang ibinibigay ng pamahalaan sa mga mamamayan na katulad natin? Magaling ang iyong sagot at tayo ngayon ay handang hand ana para sa ating talakayin ngayong araw. Isa po sa binibigay nila teacher sa mga tulad natin ay ang libreng pabahay po, para po ito sa mga pamilyang wala pong sariling bahay. 3. Pagganyak May ipapakita si teacher na isang larawan at sasabihin nyo kung sino nga ba ito. Pagmasdan nyong mabuti ang larawan na nasa ibaba. • Sino ang nasa larawan? Sya po ang ating pangulo, teacher. Sya po si Ferdinand Marcos Jr. o mas kilala po na Bongbong Marcos. • Ano ang katungkulan niya sa ating bansa? Ang katungkulan po nya sa ating bansa ay ang pagiging pangulo ng pilipinas po. • Sa iyong palagay, ano-ano ang mga katangiang tinataglay niya bilang isang lider o pinuno ng ating pamahalaan? Teacher sa tingin ko po ang isa sa tinataglay Nyang katangian sa pagiging guronay mabait at matulungin po sya. B. Mga gawain habang 1. Paglalahad Ang mga Katangian ng Isang Mahusay na Pinuno Ano nga ba ang katangian ng isang mahusay na pinuno? Isang biyayang maituturing sa isang bansa ang pagkakaroon ng isang magaling na pinuno. Sa pinuno nakasalalay ang kaayusan at kaunlaran ng kanilang nasasakupan. Saklaw ng kanilang kapangyarihan ang pagpapasya alangalang sa kapakanan at ikabubuti ng mamamayan. May kapangyarihan din silang linangin, panatilihin at gamitin sa wastong pamamaraan ang likas ng yaman ng bansa. Upang lubusang maging epektibo ang pamamahala sa lipunan, may mga katangiang dapat taglayin ang pinuno ng pamahalaan. Ano ng aba ang mga ito? 2. Pagtalakay Ating alamin ang mga epektibong katangian ng isang mahusay na pinuno. 1.Pagbibigay ng pagpapahalaga sa kapakanan ng nakakarami bago ang kanyang sarili. Palagiang pagpanig at pagbibigay halaga sa kapakanan ng publiko sa ibabaw ng kapakanan ng sarili. 2. Propesyonalismo Paggawa at pagtupad ng tungkulin nang may taglay na pinakamataas na antas ng kahusayan, propesyonalismo, katalinuhan at pagkabatikan. 3. Pagkamakatarungan at Pagkamatapat -Pananatilling totoong palagi sa mga tao. Pagkilos ng may katarungan at katapatan at walang diskriminasyon laban kanino man, lalo na sa mahirap at kapus-palad. -Pagrespeto at paggalang sa karapatang pantao sa lahat ng oras, pag-iwas o paglabag sa batas, mabuting asal. 4. May Pantay na pagtingin sa mga kapwa na nanunungkulan sa pamahalaan. -Paglilingkod sa lahat ng walang pagtatangi o diskriminasyon at di pagpanig o pagsaping mga pinaglilingkuran sa anumang Partido. Ngayong tayo ay tapos na sa ating talakayin, tayo na ay tutungo sa simpleng aktibidad na susukat kung may natutunan kayo sa ating talakayin kanina. Ito ay pangkatang gawain; Isulat nyo sa graphic organizer ang katangian ng isang mahusay na pinuno. C. Mga gawain pagkatapos 1. Paglalapat Sa inyong klase ay nabigyan ka ng pagkakataon na maging pangulo. Ano anong katangian ang dapat mong taglayin? Una na po rito teacher ang pagiging matapat at laging totoo sa mga tao, para po hindi sila magsisi na ako ang binoto nila at para din po magkaroon sila ng tiwala sa akin. Wow magaling ang iyong sagot. Sino pa ang gusting sumagot? Aba magaling ang iyong sagot! Isa din po teacher ang may pantay na pagtingin sa lahat ng tao o sa nasasakupan ko po, kailangan po pantay pantay mayaman man po o mahirap po sila. 2. Paglalahat Sa pagpili ng mga pinuno ng ating bansa, nararapat lamang na sila ay nagtataglay ng mga mabuting katangian at kaugalian. Ito ay dahil sila ang pangunahing instrumento sa pagsulong ng bayan tungo sa kaunlaran. Ngayon tayo na ay tutungo sa inyong maikling pagtataya ngayong araw na ito. 3. Pagtataya nagsasabi na ito ay magandang katangian ng ung hindi. _____1. Inuulat ng buong katotohanan ang mga ginagawa ng pamahalaan sa kanyang nasasakupan. _____ 2. Nakikipag-ugnayan sa ibang lider ng mga karatig bansa sa usaping pangkapayapaan. _____ 3. Walang konkretong solusyon para sa mga taong nawalan ng hanapbuhay dahil sa Covid-19. _____ 4. Nagpapakita ng malasakit sa bayan sa pamamagitan ng pagpapabilis ng sistema sa pagseserbisyo ng mga kawani ng gobyerno. _____ 5. Patuloy ang paggasta sa mga proyekto na hindi naman makakatugon sa pangangailangan ng bansa.