Uploaded by agnotehanslee

G7 AP Q4 Week 3 Pagbuo ng Nasyonalismo sa Asya

advertisement
Nasyonalismo
SaSilangangAsya
at sa TimogSilangang Asya
Nasyonalismo
SaSilangangAsya
at sa TimogSilangang Asya
Ang mga pinakitang
watawat ay ang ilan sa
mga bansa sa Silangan
at Timog-Silangang
Sa mga larawan na ito ay pinapakita
ang iilan sa mga bagay na ginamit
ng mga Asyano sa Silangan at
Timog-silangang Asya upang
makamit ang kanilang minimithing
kalayaan. Samakatuwid,
Pagusbong ng Nasyonalismo
Sa Silangang
Asya
China
• Hindi man tuwirang nasakop ng mga Kanluranin, dumanas ng maigting
na imperyalismo ang Silangang Asya lalo na noong ika-18 siglo. Isa sa
mga patunay nito ay ang pagpapatupad ng sphere of influence ng mga
Kanluranin sa China at ang paggigiit ng Open Door Policy ng United
States sa Japan. Ang imperyalismong Kanluranin sa Silangang Asya ay
nagdulot ng epekto sa kabuhayan, pamahalaan, lipunan at kultura ng
mga Asyano. Naghangad ang mga Tsino at Hapones na makawala mula
sa imperyalismong Kanluranin dahil sa hindi mabuting epekto nito sa
kanilang pamumuhay. Ang paghahangad na ito ang nagbigay-daan sa
pag- usbong ng nasyonalismo sa dalawang bansa.
China
• Nagsimula ang pagkawala ng kontrol ng China sa kaniyang bansa
nang matalo ito sa Great Britain sa Unang Digmaang Opyo (18391842) at sa Great Britain at France noon Ikalawang Digmaang Opyo
(1856- 1860). Bunga nito, nilagdaan ang Kasunduang Nanking
(1843) at Kasunduang Tientsin (1858) na naglalaman ng mga
probisyon na hindi patas para sa mga Tsino.
• Upang ipahayag ang kanilang pagtutol mula sa panghihimasok ng
mga dayuhan, nagsagawa ng dalawang rebelyon ang mga Tsino. Ito
ay ang Rebelyong Taiping (Taiping Rebellion) noong 1850 at
Rebelyong Boxer (Boxer Rebellion) noong 1900.
Ano nga ba ang
Rebelyong Taiping
at Rebelyong
Boxer?
Rebelyong taiping sa china
• Petsa: Disyembre 1850 –Agosto 1864
• Lokasyon: TimogTsina
• Layunin: Mapabagsak ang Dinastiyang Qing (Dinastiyang
Manchu) na pinamumunuan ng mga dayuhang Manchu
• Bunga: Nagapi ng Dinastiyang Qing (Manchu) ang
RebelyongTaiping sa tulong mga British at French
Rebelyong taiping sa china
• Pinamunuan ni Hung Hsiu Ch’uan (Hong Xiuquan) ang Rebelyong
Taiping laban sa Dinastiyang Qing na pinamumunuan ng mga
dayuhang Machu. Layunin ng rebelyong ito na mapabagsak ang
Dinastiyang Qing upang mahinto na ang pamumunong mga
dayuhan sa kanilang bansa. Bukod dito, hangad din ng Rebelyong
Taiping ang pagbabago sa lipunan. Kabilang dito ang
pagkakapantaypantayng karapatan para sa kababaihan.
Rebelyong Boxer sa china
•Sumiklab ang Rebelyong Boxer noong
1899. Tinawag itong Rebelyong Boxer
dahil ang mga naghimagsik ay
miyembro ng samahang I-ho chu’an o
Righteous and Harmonious Fists. Ang
mga miyembro nito ay may
kasanayan sa gymnastic exercise.
Bukod sa pagtuligsa sa korupsyon sa
Rebelyong Boxer sa china
Rebelyong Boxer sa China
•Nagsagawa ng maramihang
pagpatay ang mga mga boxer.
Pinaslang nila ang mga
misyongerong Krisityano at
mga Tsino na naging deboto ng
relihiyong Kristiyanismo.
Rebelyong Boxer sa China
•Nagpadala ng puwersang military
na mayroong 2,100 na sundalo
ang United States, Great Britain,
Russia, France, Italy at Japan.
Dahil dito nagapi ang mga boxer
dahil pagtutulungan ng mga
imperyalistang dayuhan.
Rebelyong Boxer sa China
•Nagpadala ng puwersang military
na mayroong 2,100 na sundalo ang
United States, Great Britain,
Russia, France, Italy at Japan.
Dahil dito nagapi ang mga boxer
dahil pagtutulungan ng mga
imperyalistang dayuhan.
Rebelyong Boxer sa china
•Nang mamatay si Empress
Dowager Tzu Hsi noong 1908,
lalong lumala ang sitwasyon ng
kahirapan sa Tsina. Siya ay
pinalitan ni Puyi na naging
emperador sa edad na dalawang
taon. Si Puyi o Henry Puyi para
sa mga Kanluranin ang
Ang China sa gitna ng dalawang
magkatunggaling ideolohiya
•Ang pagsisimula ng ika-20 siglo ay
nangangahulugan ng pagpasok ng
dalawang magkatunggaling
ideolohiya sa Tsina. Lumaganap sa
bansa ang ideolohiya ng demokrasya
at komunismo. Ito ay nagdulot ng
pagkakahati ng bansa.
Ideolohiyang Demokrasya sa China
•Ang pagbagsak ng dinastiyang Manchu
ay senyales ng pagwawakas ng mahigit
sa 2,000 taon ng pamumuno ng mga
dinastiya sa China. Hinarap ng mga Tsino
ang isang malaking hamon sa kanilang
bansa – ito ay ang pagtukoy sa ipapalit
na pamumuno ng mga emperador.
Ideolohiyang Demokrasya sa China
• Sa panahon na ito ng kaguluhang pampolitikal at
kawalan ng pagkakaisa nakilala si Sun Yat Sen.
Nakapag-aral si Sun sa Hawaii at sa Hong Kong
Medical School. Isinulong niya ang pagkakaisa ng mga
Tsino gamit ang tatlong prinsipyo (three principles):
ang San Min Chu-i o nasyonalismo, Min-Tsu-Chu-I o
demokrasya at Min-Sheng-Chu-I o kabuhayang
pantao. Binigyang-diin ni Sun na ang pagkakaisa ng
mga Tsino ang susi sa tagumpay laban sa mga
imperyalistang bansa.
Ideolohiyang Demokrasya sa China
• Naging ganap ang pamumuno ni Sun sa China
nang pamunuan niya ang mga Tsino sa
pagpapatalsik sa mga Manchu sa tanyag na
Double Ten Revolution na naganap noong
Oktubre 10, 1911. Tinawag itong Double Ten
dahil naganap ito sa ika-sampung buwan ng taon
(Oktubre) at ikasampung araw ng buwan. Sa
araw ding ito, itinatag ang bagong Republika ng
China.
Ideolohiyang Demokrasya sa China
• Dahil sa kaniyang tagumpay, pansamantalang itinalaga si Sun
bilang pangulo ng bansa noong impluwensiya ng mga
Kanluranin sa pamahalaang Manchu. Nang mamatay si
Empress Dowager Tzu Hsi noong 1908, lalong lumala ang
sitwasyon ng kahirapan sa Tsina. Siya ay pinalitan ni Puyi na
naging emperador sa edad na dalawang taon. Si Puyi o Henry
Puyi para sa mga Kanluranin ang huling emeprador ng
dinastiyang Qing (Manchu) at itinuturing din na huling
emperador ng Tsina ng reporma subalit hindi ito413 Oktubre
29, 1911, tinagurian siya bilang “Ama ng Republikang Tsino”.
Ideolohiyang Demokrasya sa China
• Itinatag ni Sun Yat-Sen ang Partido Kuomintang o Nationalist
Party noong 1912. Naging batayan ng kaniyang pamumuno
ang paggamit ng konsiliasyon (conciliation) at pagkakasundo
(compromise) upang maiwasan ang alitan at maisulong ang
kaunlaran ng bansa. Naniniwala din siya na dapat pagtuunan
ng pansin ang regulasyon ng puhunan (regulation of capital)
at pantay-pantay na pag-aari ng lupa (equalization of land
ownership). Higit sa lahat, hindi naniniwala si Sun Yat-Sen na
kailangan ang tunggalian ng mga uri o class struggle upang
makamit ang pagkakaisa, kaayusang panlipunan at
kaunlarang pang-ekonomiya.
Ideolohiyang Demokrasya sa China
•Humalili si Heneral Chiang Kai Shek bilang
pinuno ng Partido Kuomintang nang
mamatay si Sun Yat-Sen noong Marso 12,
1925. Sa ilalim ng pamumuno ni Chiang Kai
Shek ay ipinagpatuloy ng Kuomintang ang
pakikipaglaban sa mga warlords
(nagmamay-ari ng lupa na may sariling
sandatahang lakas.
Ideolohiyang Komunismo sa China
•Ang pagpasok ng ideolohiyang komunismo sa China ay
nagsimula noong 1918. Naging tanyag ang komunismo sa
China sa pamumuno ni Mao Zedong. Si Mao ay mula sa
pamiya ng magbubukid sa probinsiya ng Hunan.
Sinuportahan at isinulong ni Mao ang mga prinsipyo ng
komunismo tulad ng tunggalian ng uring manggagawa o
proletariat laban sa uri ng kapitalista o bourgeois. Sa
tunggalian na ito, naniniwala ang mga komunista na
mananaig ang mga manggagawa at maitatatag ang isang
lipunang soyalista. Sa lipunang ito, ang estado ang siyang
hahawak sa lahat ng pag-aari ng bansa.
Ideolohiyang Komunismo sa China
Japan
• Kung iyong matatandaan, magkatulad at
magkaiba ang naging pakikitungo ng mga
Tsino at Hapones sa mga Kanluranin.
Magkatulad dahil noong una parehas nilang
isinara ang kanilang bansa at daungan mula
sa mga Kanluranin. Subalit magkaiba ang
naging pagtugon ng dalawang bansa sa banta
ng imperyalismo. Patuloy na naging sarado
ang China na nagresulta sa sapilitang
pagpasok ng mga Kanluranin sa pamamagitan
ng digmaan. Sa kabilang banda, tinanggap ng
Ang Modernisasyon ng Japan: Panahon ng
Meiji Restoration
•Nakita ni Emperador Mutsuhito ang
maaaring maging epekto sa Japan
kung patuloy silang magpupumilit na
isara ang bansa mula sa mga
Kanluranin. Natuto siya mula sa
karanasan ng China sa pakikidigma
nito sa mga kanluranin. Bagama’t
handang lumaban para sa kanilang
Ang Modernisasyon ng Japan: Panahon ng
Meiji Restoration
•Nang tanggapin ng mga Hapones ang
mga Kanluranin sa bisa ng
Kasanduang Kanagawa ay naging
pinuno ng Japan si Emperador
Mutsuhito. Tumagal ang kaniyang
pamumuno mula 1867 hanggang
1912. Siya ang naglipat ng kabisera
ng Japan sa Edo (Tokyo sa
Ang Modernisasyon ng Japan: Panahon ng
Meiji Restoration
Pagusbong ng Nasyonalismo
SaTimogsilangangAsya
Indonesia
• Ang mga patakarang pang-ekonomiya na ipinatupad ng mga
Dutch tulad ng culture system at pagkontrol sa mga sentro
ng kalakalan ay nagkaroon ng negatibong epekto sa
kabuhayan ng mga Indones. Lahat ng kapakinabangan sa
mga nabanggit na patakaran ay napunta sa mga mananakop
na Kanluranin. Bagama’t hindi gaanong pinanghimasukan ng
mga Dutch ang kultura ng Indonesia, naapektuhan naman ng
kapabayaan ng mga Dutch sa sistema ng edukasyon sa bansa
ang kultura at antas ng karunungan ng mga Indones.
Indonesia
• Umunlad ang nasyonalismong Indones dahil sa paghahangad na
matigil ang mga hindi makatarungang patakaran ng mga
mananakop na Dutch. Nagsimula ang pakikibaka ng mga Indones
noong 1825. Sa taong ito ay pinamunuan ni Diponegoro ng Java
ang isang malawakang pag-aalsa. Noong 1930 nalupig ng mas
malakas na puwersa ng mga Dtuch ang puwersa ni Diponegoro.
BUrma
• Tulad ng China, nagsimulang mawala ang kalayaan ng Burma
bunga ng pagkatalo nito sa digmaan sa mga British.
Nilagdaan ang Kasunduang Yandabo na naging dahilan ng
tuluyang pagkontrol ng Great Britain sa teritoryo ng Burma.
Isa sa mga hindi matanggap ng mga Burmese ay nang gawing
lalawigan lamang ng Indian ang Burma. Hinangad ng
maraming Burmese na maihiwalay ang kanilang bansa mula
sa India. Magaganap lamang ito kung sila ay lalaya mula sa
pananakop ng mga British. Ang paghahangad na lumaya ang
nagtulak sa mga Burmese na ipahayag ang kanilang
damdamaing nasyonalismo.
BUrma
• Ang pagpapahayag ng damdaming nasyonalismo sa
Burma ay nagsimula noong 1900s sa pamumuno ng
mga edukadong Burmese na nakapag-aral sa loob at
labas ng bansa. Bagama’t binigyan ng pagkakataon
ng mga British na maging bahagi ng lehislatura ang
mga Burmese, hindi ito naging sapat upang
maisulong ang kapakanan ng Burma. Nagpatuloy ang
pakikibaka ng mga Burmese sa pamamagitan ng
rebelyon at pagtatatag ng mga makabayang samahan
BUrma
• Si Saya San ay isang monghe at physician na naghangad ng
mas maayos na pamumuhay para sa kaniyang mga
kababayan. Pinamunuan ni Saya San ang serye ng rebelyon
laban sa mga British mula noong 1930 hanggang 1932.
Nagapi ng malakas na puwersa ng mga British ang Rebelyong
Saya San.
• Tulad ng Rebelyong Saya San hangad din ng All-Burma
Students’ Union na makamit ang kalayaan ng Burma.
Tinatawag na Thankin ang mga miyembro ng samahang ito
na ang ibig sabihin ay master. Isinulong nila ang kanilang mga
hangarin sa pamamagitan ng demonstrasyon at rally.
BUrma
• Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nasakop ng Hapon ang
Burma. Ang kaganapang ito ay sinamantala ng mga Burmese at idineklara nila ang
kanilang kalayaan mula sa Great Britain. Subalit sa kabila ng paglaya mula sa mga
British ay nananatili pa dn ang kaototohanan na sila ay sakop ng isang dayuhang
bansa.
• Muling nakipaglaban para sa kalayaan ang mga Burmese ngunit sa pagkakataon
ito ay upang mapalayas ang mga Hapones. Itinatag ni Aung San ang Anti-Facist
People’s Freedom League. Nakipagtulungan ang samahan na ito sa hukbo ng
Allied Powers. Nagtagumpay ang samahan na mapatalsik ang mga Hapones. Dahil
sa kaniyang pamumuno, itinalaga si Aung San bilang punong ministro ng Burma
noong 1947. Hindi nasilayan ni Aung San ang bunga ng kaniyang pakikipaglaban
para sa kalayaan dahil siya ay binawian ng buhay noong Hulyo 19, 1947, bago
ideklara ang kasarinlan ng Burma. Ang kaniyang kasamahan na si U Nu ang
pumalit sa kaniya bilang punong ministro. Noong 1951 nahalal si U Nu bilang
pangulo ng bansa at naulit ito noong 1956.
Pilipinas
• Nasakop ng mga Espanyol ang Pilipinas sa loob ng 333 taon.
Nagpatupad ang mga Espanyol ng mga patakarang pangkabuhayan,
pampolitika at pangkultura na nakaapekto sa pamumuhay ng mga
Pilipino. Marami ang naghirap dahil sa hindi makatarungang
pagpapataw ng buwis, pagkamkam sa mga ari-arian at mga
produktong Pilipino. Nabago din ang kultura ng mga Pilipino dahil sa
pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyanismo. Naging laganap din ang
racial discrimination sa pagitan ng mga Espanyol at mga Pilipino na
tinatawag na Indio ng mga mananakop. Higit sa lahat, nawala ang
karapatan at kalayaan ang mga Pilipino na pamunuan ang kanilang
sariling bansa. Naging sunudsunuran sila sa ilalim ng mapagmalupit
na mga Espanyol.
Pilipinas
• Bagama’t may mga pag-aalsa na naganap sa
Pilipinas sa pagitang ng ika-16 hanggang sa
unang bahagi ng ika-19 na siglo, lahat ng ito ay
nabigo. Ilan sa mga dahilan ay ang mas malakas
na armas ng mga Espanyol, kawalang ng
damdaming pambansa na mag-uugnay at
magiisa laban sa mga mananakop at ang
pagtataksil ng ilang Pilipino.
Pilipinas
• Sa pagpasok ng ika-19 na siglo, nagkaroon ng malaking pagbabago
sa ekonomiya at lipunang Pilipino. Nabuksan ang Pilipinas sa
pandaigdigang kalakalan. Pumasok sa Pilipinas ang mga produkto
mula sa mga Kanluranin. Naging tanyag at mabili sa Kanluran ang
mga produkto ng mga Pilpino tulad ng asukal, kopra, tabako at iba
pa. Ito ang nagbigay-daan sa pag-unlad ng kalakalan sa bansa.
Umusbong ang gitnang uri o middle class. Sila ay mayayamang
Pilipino, mestisong Tsino at Espanyol. Ang mga anak ng gitnang uri
ay nakapag-aral sa mga kilalang unibersidad sa Pilipinas at maging
sa Espanya. Ang grupo ng ito ay tinatawag na ilustrado mula sa
salitang Latin na ilustre na ang ibig sabihin ay “naliwanagan”.
Pilipinas
• Sa pagpasok ng ika-19 na siglo, nagkaroon ng malaking pagbabago
sa ekonomiya at lipunang Pilipino. Nabuksan ang Pilipinas sa
pandaigdigang kalakalan. Pumasok sa Pilipinas ang mga produkto
mula sa mga Kanluranin. Naging tanyag at mabili sa Kanluran ang
mga produkto ng mga Pilpino tulad ng asukal, kopra, tabako at iba
pa. Ito ang nagbigay-daan sa pag-unlad ng kalakalan sa bansa.
Umusbong ang gitnang uri o middle class. Sila ay mayayamang
Pilipino, mestisong Tsino at Espanyol. Ang mga anak ng gitnang uri
ay nakapag-aral sa mga kilalang unibersidad sa Pilipinas at maging
sa Espanya. Ang grupo ng ito ay tinatawag na ilustrado mula sa
salitang Latin na ilustre na ang ibig sabihin ay “naliwanagan”.
Download