Uploaded by MARIETTA NAGUIT

AP6 Q2 Mod2of8 PagsusumikapngmgaPilipinoTungosaPagtatatagngNagsasarilingPamahalaan v2 (1)

advertisement
6
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Pagsusumikap ng mga Pilipino
Tungo sa Pagtatatag ng
Nagsasariling Pamahalaan
Araling Panlipunan – Ikaaanim na Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Pagsusumikap ng mga Pilipino Tungo sa Pagtatatag
ng Nagsasariling Pamahalaan
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Bainorfa S. Talipasan
Editor:
Acremah M. Balayanan
Tagasuri:
Ritchel S. Wong
Tagaguhit: Bainorfa S. Talipasan
Tagalapat:
Hasmina Dinas
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Leonardo M. Balala, CESE- Schools Division Superintendent
Nelyn B. Frinal- Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera- Chief, CLMD
Arturo D. Tingson, Jr.- REPS, LRMS
Peter Van C. Amg-ug- REPS, ADM Coordinator
Jade T. Palomar- REPS, Araling Panlipunan
Ismael M. Ambalgan- Chief, CID
Sheryl L. Osano- EPS, LRMS
Haron C. Kartil - EPS, Araling Panlipunan
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon -SOCCSKSARGEN Region
Office Address:
Telefax:
E-mail Address:
Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
(083) 2288825/ (083) 2281893
region12@deped.gov.ph
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para
sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t
ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at
malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga magaaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o
sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang
masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita
kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito
upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga
aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala
sila sa paaralan.
Alamin
Magandang araw sa iyo! Ngayon ay iyong mapag-aaralan ang pagsusumikap ng
mga Pilipino tungo sa pagtatatag ng nagsasariling pamahalaan at ang mga dahilan
ng pagkakaroon ng mga misyong pangkalayaan at ang naging epekto nito sa
pamahalaan. Mababasa mo rin sa modyul na ito ang mahahalagang pangyayaring
may kinalaman sa unti-unting pagsasalin ng kapangyarihan sa mga Pilipino tungo
sa pagsasarili.
Source: www.google.com
Sa modyul na ito matutunan mo ang mga hakbang na isinagawa ng mga
Pilipino at mga batas na naipatupad para sa pagsasarili ng ating bansa mula sa
pananakop ng Estados Unidos. Masisiyasat mo ang pagbibigay ng pagkakataon sa
mga Pilipinong manungkulan sa pamahalaan tulad ng panghuhukom, pananalapi,
kagawaran ng komisyon at serbisyong sibil.
Mababasa dito ang mga misyong ipinadala sa Estados Unidos upang hilingin
na maipagkaloob sa Pilipinas ang kasarinlan.
Pagkatapos mong gawin ang mga aralin sa modyul na ito inaasahang
magagawa mo ang kasanayang

naipaliliwanag ang mga pagsusumikap ng mga Pilipino tungo sa
pagtatatag ng nagsasariling pamahalaan.
1
Subukin
Paunang Pagsusulit
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang titik ng
wastong sagot sa iyong sanayang papel.
1. Ipinagkaloob ng batas na ito ang karapatang pantao sa mga Pilipino at
nagsilbing Batas Organiko ng Pilipinas.
a. Batas Cooper
b. Batas Jones
c. Batas Gabaldon
d. Batas Payne-Adrich
2. Siya ang naitakdang lider ng mayorya or majority floor leader nang maitatag
ang Asamblea ng Pilipinas noong ika-16 ng Oktubre 1907.
a. Manuel L. Quezon
b. Manuel Roxas
c. Franklin D. Roosevelt
d. Claro M. Recto
3. Anong batas ang naging dahilan upang magtagumpay ang misyon ng mga
Pilipino na mahingi ang kasarinlan sa Kongreso ng Estados Unidos?
a. Batas Hare-Hawes-Cutting
b. Batas Tydings-McDuffie
c. Batas Jones
d. Batas ng Pilipinas 1902
4. Hindi naibigan ni Quezon ang Batas Hare-Hawes-Cutting kaya humingi siya
ng mas mabuting probisyon, ito ay tinawag na ___________.
a. Batas Gabaldon
b. Batas Jones
c. Batas Tydings McDuffie
d. Batas Payne-Adrich
5. Ano ano ang mga sangay ng pamahalaan na itinadhana ng Saligang Batas
1935 na may magkakapantay na kapangyarihan?
a. Ehekutibo, Lehislatibo, Hudikatura
b. Republican, Democrat, Asamblea
c. Ehekutibo, Lehislatibo, Plebisito
d. Mababang Kapulungan, Mataas na kapulungan
2
Aralin
1
Pagsusumikap ng mga Pilipino T ungo
sa Pagtatatag ng Nagsasariling
Pamahalaan.
Kumusta ka kaibigan? Naranasan mo na bang magsumikap upang makamit
ang iyong ninanais? Ano ang iyong nararamdaman? Paano mo ito ginawa? Ang
halaga ng pagsusumikap ay ang katatagan ng may iisang layunin o gawain sa
kabila ng mga hadlang o pagsubok. Sa kabila nito, patuloy pa rin tayo sa pagiging
matatag sa harap ng kabiguan. Bilang isang kabataan ngayon, nagsusumikap tayo
upang malagpasan o maiwasang magkaroon ng suliranin upang ganap na
magtagumpay. Sabi nga, “Walang mawawala sa iyo, kung susubukin mo.”.
Nangangahulugan lamang ito na makakamit mo ang iyong pangarap kung may
tiyaga ka sa pag-aaral at adhikain sa buhay.
Balikan
Kumusta ang naging pagsagot mo sa panimulang gawain kaibigan? Ngayon
ay nagkaroon ka na ng ideya sa magiging aralin mo ngayon. Ngunit bago ka
magpatuloy ay balikan mo muna ang iyong ginawa sa nakaraang modyul.
Tingnan ang mga larawan.
Ano-ano ang mga nakikita mo sa mga larawan? Paano binago ng mga Amerikano
ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas? Ano-ano ang naging epekto ng pag-unlad
ng transportasyon at komunikasyon sa pamumuhay ng mga Pilipino? Isulat ang
iyong sagot sa linya sa kalakip na sanayang papel.
https://www.google.com
3
Tuklasin
Ngayon naman ay iyong basahin ang mga sumusunod na teksto tungkol sa
pagsusumikap ng mga Pilipino tungo sa pagtatatag ng nagsasariling pamahalaan .
Tiyak kong kapupulutan mo ito ng aral. Handa ka na ba? Sige simulan mo na.
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902)
 Ang Batas ng Cooper, na kilala rin bilang Batas ng Pilipinas noong 1902, ay
naisabatas ng Komonwelt ng Pilipinas noong 1902. Ito rin ang kaunaunahang batas na ipinasa ng Kongreso ng Estados Unidos sa rehimen nito.
Kaugnay din ito sa mga artikulong kasama ang karapatang pantao ng mga
Pilipino mula sa pananaw ng Estados Unidos. Ito ang isa sa mga batas na
nagsimulang ipakita ang pag-asa ng Pilipinas na umalis sa ilalim ng Estados
Unidos. Nagbigay din ito ng mga talaan ng mga karapatan, ang pagtatatag
ng iba`t ibang mga kagawaran ng gobyerno at parliyamento sa Pilipinas, at
ang proteksyon ng likas na yaman. Itinataguyod nito ang kalayaan sa
pagsasalita at kaligtasan sa sakit mula sa pagkabilanggo dahil sa mga
utang, pagkakapantay-pantay sa harap ng batas at ang karapatan sa
kalayaan mula sa pagka-alipin. Ayon sa Katipunan ng Karapatan, dalawang
miyembro ng komite ang maaaring ipadala sa Kongreso ng Estados Unidos
bilang kinatawan ng Pilipinas. Si Henry Allen Cooper (Henry Allen Cooper)
ay nagsabatas ng Batas ng Cooper noong Hulyo 1, 1902. Kasama sina
Benito Legarda at Pablo Ocampo sa kauna-unahang komisyonado. Nahati
ang partidong politikal sa Federal at Nacionalista. Ang namuno sa Federal
ay si Trinidad Pardo De Tavera at sa Nacionalista naman ay si Pascual H.
Poblete. Ang nanalo ay ang partidong Nacionalista.
 Ayon sa batas na ito, itinatag ang National Assembly o Batasan ng Pilipinas.
Ginanap ang halalan noong Hulyo 30,1907 at pinasinayaan ito noong
Oktubre 16,1907 sa Grand Opera House sa Sta. Cruz, Manila. Si Sergio
Osmeña ay nagsilbing speaker ng Parlyamento, si Manuel L. Quezon bilang
pinuno ng karamihan, at unti-unting pinalitan ng mga Pilipino ang mga
opisyal ng gobyerno ng Estados Unidos. Ang unti-unting pagsasalin ng
pamahalaang Amerikano sa Pilipinas ng kapangyarihang mamahala sa
mamamayang Pilipino ay tinatawag na Pilipinisasyon.
Batas Jones (Philippine Autonomy Act of 1916)
Sa pamamagitan ng Jones Act o ang Philippine Autonomy Act ng 1916, ang Senado
ng Pilipinas ay nilikha ng dating Komisyon ng Pilipinas. Isa rin ito sa mga batas na
namamahala sa kalayaan ng Pilipinas Sa panahon ng paglikha nito, mayroong
ilang mga kundisyon, tulad ng pagsasagawa ng halalan sa bansa upang
4
maitaguyod ang isang matatag at malayang gobyerno Ipinanukala ito ni William
Atkinson Jones ng Virginia, Estados Unidos at naisabatas noong ika-29 ng Agosto
1916.
Ayon sa Batas Jones, mayroong isang paghihiwalay ng kapangyarihan sa pagitan
ng sangay ng ehekutibo at sangay ng pambatasan ng pamahalaan. Ang
Gobernador, ang pinakamataas na opisyal ng bansa, ay hindi na maaaring maging
kasapi ng lehislatura. Bago ang 1916, siya ang namamahala pati sa Philippine
Commission (lehislatura). Ang batas ay nahahati sa dalawang mga kapulungan.
Ang pinakamataas na kapulungan ng komite ay naging Senado at ang mababang
kapulungan ay naging Kapulungan ng mga Kinatawan, na binibigyan ito ng mga
kapangyarihan, tulad ng pagtatatag at paglusaw ng iba't ibang mga kagawaran sa
ilalim ng ehekutibong sangay, at ang pagtatalaga o pag-aalis ng mga pinuno ng
mga kagawaran na ito.
Nagkamit ang mga Pilipino ng kapangyarihan na pamahalaan ang pambansang
lehislatura sa pamamagitan ng halalan. Ang mga miyembro ng Senado ay
kumakatawan sa 12 distrito.22 na senador ang inihalal mula sa 11 distrito para sa
isang anim na taong termino. Nagtalaga ang Gobernador ng dalawang senador
mula sa Mindanao at Sulu at nagsilbi hanggang sa matanggal ang Gobernador.
Ang Kapulungan ng mga Kinatawan ay may 90 miyembro, 81 na inihalal at 9 na
di-Kristiyano na hinirang bilang kinatawan.
Mga Misyong Pangkalayaan
Nagpadala ng mga sunod-sunod ng Misyong Pangkasarinlan ang mga Pilipino sa
Estados Unidos upang hilinging ipagkaloob ang kasarinlan ng bansa, mula 19101923. Noong 1924, nagpadala muli ng Misyong Pangkasarinlan sa Estados Unidos.
Pinamunuan ito ni Isauro Gabaldon at ipinagpatuloy ni Claro M. Recto at Manuel
L. Quezon, ngunit hindi din ito nagtagumpay. Hindi rin ito sinang-ayunan ng mga
sumunod na pangulo ng Estados Unidos na si Pangulong Calvin Coolidge.
Maraming misyon ang ipinadala mula noong 1925 hanggang 1931. Bigo ang lahat
ng misyon dahil nangamba ang mga Amerikano na mawala ang Pilipinas na
mamimili ng kanilang kalakal at hindi na nila magamit ang estratehikong lugar na
ito sa Asya na nagsilbing depensa para sa kanilang sariling kapakanan.
Noong 1933, nagtagumpay ang misyon ng mga Pilipino na humingi ng
kalayaan sa US Congress. Nakamit ito sa pamamagitan ng "Hare-Hawth Cutting
Act" na ipinahayag noong Enero 17, 1933. Nang maiuwi ito nina Sergio Osmeña at
Manuel Roxas, hindi ito ginusto ni Quezon.Humingi si Quezon ng mas mabuting
probisyon ngunit kaunti lamang ang nailagay na pagbabago sa Batas Hare-HawesCutting. Ito ay tinawag na Batas Tydings-McDuffie at nilagdaan ni Pangulong
Roosevelt ng Estados Unidos noong Marso 24, 1934. Ang pamamahala sa bansa ay
unti-unting inilipat ng mga Amerikano sa mga Pilipino sa bisa ng Batas TydingsMcDuffie.
5
Suriin
Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa iyong sanayang papel.
1. Ano ang ibig sabihin ng Pilipinisasyon?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
2. Bakit mahalaga ang Philippine Organic Act of 1902 o Batas ng Pilipinas
sa mga Pilipino?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
Pagyamanin
Maligayang pagbati sa iyo kaibigan dahil nasagot mo ang
katanungan. Nalaman mo rin ang tungkol sa pagsusumikap ng mga Pilipino
tungo sa pagtatatag ng nagsasariling pamahalaan. Ngayon, maaari mo na
itong gamitin sa susunod na mga pagsubok sa modyul na ito.
Gawain (Bubble Map)
Ilarawan sa Pamamagitan ng Bubble map ang Philippine Organic Act of
1902 Isulat ang sagot sa bubble map. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
Asamblea o Batasan ng Pilipinas
Hulyo 2, 1902
Batas Cooper
ipinatupad ng Komonwelt sa Pilipinas
Henry A. Cooper
Batas Jones
unang batas na ipinasa ng Kongreso ng US sa kanilang rehime
6
Philippine
Organic
Act of
1902
Isaisip
Maligayang araw sa iyo kaibigan! Galingan mo ang pagsagot. Isulat ang
sagot sa sanayang papel.
Sagutin ang tanong.
Ano ang naging dulot ng Philippine Autonomy Act of 1916 sa mga Pilipino?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_______________________________.
7
Isagawa
Maligayang pagbati! Maaari mong simulan ang iyong gawain nang may
pananabik at tiwala sa iyong sarili. Gawin ito sa sanayang papel.
Sa iyong palagay, paano matutulungan ng mga mamamayan
pamahalaan upang makapagsarili at maging lubos na malaya ang bansa?
ang
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________.
8
Tayahin
Ang galing mo sa mga nauna mong Gawain. Sikapin mong mas
galingan pa sa susunod mong mga gawain. Kaya mo yan!
A. Panuto: Suriin kung tama o mali ang isinasaad ng mga pangungusap sa bawat
bilang tungkol sa pagsusumikap ng mga Pilipino tungo sa pagtatatag ng
nagsasariling pamahalaan. Isulat ang iyong sagot sa sanayang papel.
_________1. Nang maitatag ang Asamblea ng Pilipinas, nagkaroon ang mga Pilipino ng
pagkakataong makalahok sa pamamalakad ng pamahalaan.
_________2. Hindi sinang-ayunan ni Woodrow Wilson ang maagang pagsasarili ng
Pilipinas.
_________3. Si Henry Allen Cooper ang may akda ng Philippine Organic Act 1902 o
Batas
ng Pilipinas, 1902.
_________4. Ang pangulo ng Amerika sa Panahon ng Komonwelt ay si Donald Trump.
_________5. Ang Asamblea ng Pilipinas ay binubuo ng mga Amerikanong umaalalay sa
pagsasarili ng ating bansa.
Karagdagang Gawain
Magaling kaibigan, binabati kita dahil handa ka na sa susunod na aralin
dahil napaunlad mo ang katatagan ng iyong loob at naisagawa ang mga pagsubok
sa linggong ito. Napag-aralan mo na rin ang tungkol sa pagsusumikap ng mga
Pilipino tungo sa pagtatatag ng nagsasariling pamahalaan.
(K-W-L Chart)
Gumawa ng K-W-L Chart tungkol sa mga misyong pangkalayaan na
ipinadala ng mga Pilipino sa Estados Unidos para sa pagsasarili ng Pilipinas.
K – W – L Chart
Topiko:______________________________________________
Ano ang Alam Ko
Ano ang Nais kong
Ano ang Nalaman Ko
Malaman
9
Karagdagang
Gawain
Maaaring
magkakaiba mga ang
sagot.
Pagyamanin
*Batas Cooper
*Hulyo
2, 1902
*Henry A. Cooper
10
Tayahin
A.
1. Tama
2. Mali
3. Tama
4. Mali
5. Mali
Balikan
Isaisip
Maaaring
magkakaiba ang mga
sagot.
Isagawa
Maaaring magkakaiba
mga ang sagot.
Subukin
Maaaring
magkakaiba ang mga
sagot.
*Asamblea o Batasan
ng Pilipinas
*ipinatupad ng
Komonwelt sa Pilipinas
unang batas na ipinasa
1. a
2. a
3. a
4. c
5. a
Suriin
Maaaring
magkakaiba ang mga
sagot.
ng Kongreso ng US sa
kanilang rehime
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Almario, Virgilio S. Batas Jones Sagisag Kultura (Vol 1) Manila: National
Commission for Culture and the Arts. 2015
https://philippineculturaleducation.com.ph/batas-jones/
Baisa- Julian, Ailene G. et al. Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 6, Quezon City
Phoenix Publishing House, Inc. 2016.
Cacnio, Mark Anthony. Batas ng Pilipinas Batas ng Pilipinas ng 1902.
https://www.scribd.com/doc/283090570/Batas-Ng-Pilipinas-Ng-1902-o-BatasCooper
Olivia, Albert Fish. Image Transportasyong Pilipino Kontribusyon ng mga
Amerikano uploaded 01/30/2011
https://scribblingblues.wordpress.com/2011/01/30/transportasyong-pilipinokontribusyon-ng-mga-amerikano/#jp-carousel-40
Weebly Uploads. “Image and Text Ang Panahon ng mga Amerikano” undated.
https://sinoangpilipino.weebly.com/uploads/1/7/7/8/17784145/8224770_orig.jpg
Wikimedia Commons. Image of Manuel L. Quezon date republished May 6, 2020
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/1/18/Manuel_L._Quezon_%28No
vember_1942%29.jpg/466pxManuel_L._Quezon_%28November_1942%29.jpg
11
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyon Dose, na may pangunahing layunin na ihanda at
tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul
na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC) ng
Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng
bawat mag-aaral ng SOCCSKSARGEN Region simula sa taong panuruan
2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa paglimbag ng modyul
sa ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihimok ang pagbibigay ng
puna, komento at rekomendasyon.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – SOCCSKSARGEN
Learning Resource Management System (LRMS)
Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax No.: (083) 228 8825 / (083) 228 1893
Email Address: region12@deped.gov.ph
12
Download