Science 3 Science – Ikatlong Baitang Pangatlong Markahan – Modyul 1: Posisyon ng Tao Batay sa Ibang Tao Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda. Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig. Komite sa Pagsulat ng Modyul Manunulat: Editor: Tagasuri: Tagaguhit: Tagalapat: Tagapamahala: Nemia S. Sadicon Marites R. Borras at Liza A. Alvarez Liza A. Alvarez at Marites R. Borras Margie Rosario Ma. Evalou Concepcion A. Agustin OIC-Schools Division Superintendent Carolina T. Rivera, CESE OIC-Assistant Schools Division Superintendent Manuel A. Laguerta, Ed.D Chief, Curriculum Implementation Division and Education Program Supervisors Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE) Liza A. Alvarez (Science/STEM/Research/SSP) Bernard R. Balitao (AP/HUMSS) Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS) Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports) Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM) Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang) Perlita M. Ignacio PhD (EsP) Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE) Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM) Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig Science 3 Pangatlong Markahan Modyul para sa Sariling Pagkatuto - 1 Posisyon ng Tao Batay sa Ibang Tao Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Agham – Ikatlong Baitang ng Modyul 1 para sa araling Posisyon ng Tao Batay sa Ibang Tao! Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng modyul sa loob kahong ito: Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala at estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral. Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Agham – Ikatlong Baitang Modyul 1 ukol sa Posisyon ng Tao Batay sa Ibang Tao! Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silidaralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. MGA INAASAHAN Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul. PAUNANG PAGSUBOK Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang malaman sa paksa. BALIK-ARAL Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga naunang paksa. ARALIN Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang pampagkatuto. MGA PAGSASANAY Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay na dapat sagutin ng mga mag-aaral. PAGLALAHAT Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyang-halaga. PAGPAPAHALAGA Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga. PANAPOS NA PAGSUSULIT Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral. MGA INAASAHAN Sa modyul na ito, tatalakayin ang ang pagsasabi ng posisyon ng tao batay sa isa pang tao gamit ang batayang posisyon o reference point sa pagtukoy ng kinalalagyan o posisyon ng isang tao batay sa iba pang tao. Ito ay isang kalinangan na mahalagang matutunan dahil ito ay nakapagbibigay ng detalye tunkol sa lokasyon ng taong inilalarawan. Pagkaraang pag-aralan ang modyul na ito, may kakayahan ka nang: 1. mailarawan ang posisyon ng isang tao batay sa posisyon ng iba pang tao gamit ang mga salitang sa harap, sa likod, sa kanan, sa kaliwa, sa gitna, at sa dulo; 2. magamit ng wasto sa pagtukoy ng lokasyon ng tao ang mga salitang sa harap, sa likod, sa kanan, sa kaliwa, sa gitna, at sa dulo; 3. maipaliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng batayang posisyon o reference point sa pagtukoy ng lokasyon ng tao; at 4. magamit ang konsepto ng batayang posisyon o reference point sa paglalaro at pakikipagkaibigan sa kapwa bata. PAUNANG PAGSUBOK Bago umpisahan ang pag-aaral ng modyul na ito, sagutan muna ang sumusunod na pagsubok upang malaman kung gaano na kalawak ang iyong kaalaman tungkol sa paksa ng modyul na ito. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa isang malinis na papel. 1. Sino ang batayang posisyon o reference point ng nasa larawan: Si Jeffrey ay nasa tabi ni Lara habang nagbabasa. A. Lara C. guro B. Jeffrey D. Jeffrey at Lara Para sa bilang 2-3. Pag-aralan ang posisyon ng pamilya Sadicon sa larawan. 2. Ano ang posisyon ng bunso sa larawan? A. Siya ay katabi ng kaniyang kuya. B. Siya ay katabi ng kaniyang tatay. C. Siya ay katabi ng kaniyang nanay. D. Nasa gitna siya ng kanyang mga magulang. 3. Sino ang nasa kaliwa ni nanay? A. Si kuya B. Si tatay C. Si ate D. Sina kuya at bunso 4. Naglalaro ng habul-habulan ang magkaibigang Eric, Che, Jen. Sino ang nasa dulo ni Che? A. Jen Jen B. Eric C. Eric at Jen D. mahirap matukoy Che c Eric 5. Masayang nagkukwentuhan ang magkakaibigang sina Dan, Kaye, at Mher. Ilarawan ang posisyon ng bawat isa batay sa larawan? Kaye Dan Mher https://www.unicef.org/philippines/what-we-do A. Si Dan ay nasa kaliwang bahagi. Si Mher ay nasa kanang bahagi. Si Kaye ay nasa gitna. B. Si Mher ay nasa kanang bahagi. Si Dhan ay nasa kaliwang bahagi. Si Kaye ay nasa gitna. C. Si Kaye ay nasa kanang bahagi. Si Mher ay nasa kaliwang bahagi. Si Dan ay nasa tabi ni Mher. D. Si Mher ay nasa kaliwang bahagi. Si Dan ay nasa kanang bahagi. Si Kaye ay nasa gitna ng kaniyang mga kaibigan. BALIK-ARAL Sa nakaraang aralin tinalakay ang mga pangunahing pangangailangan ng mga tao, hayop, at mga halaman upang mabuhay sa sa kanilang pook-tirahan. Kailangan din nila ang pangangalaga at pag-iingat sa kapaligiran upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Ang bawat tao, bata man o matanda ay may magagawa para mapabuti ang ating kapaligiran. Panuto: Gumuhit ng masayang mukha ( ) sa bilog kung ang sitwasyon ay gumagawa ng tama at malungkot na mukha ( ) kung hindi. 1. Itinatapon ni Luisa ang plastic na pinagbalutan ng kanyang sandwich sa labas ng bintana ng kanilang sasakyan. 2. Nagtanim si Mang Benito ng mga punong pamalit sa mga punong natumba noong nagdaang bagyo. 3. Ang mga tao sa lungsod ng Pasig ay sumusunod sa proyektong paghihiwalay-hiwalay ng mga nabubulok at di nabubulok na basura. Naipagbibili pa nila ang mga basurang di nabubulok. 4. Galit na galit si Aling Lusing dahil binabaha ang kanilang lugar pero tuwing gabi’y palihim niya pa ring itinatapon ang kanyang basura sa gilid ng ilog. 5. Inililipat na ng gobyerno ang mga taong nakatira sa mumunting bahay na nakatayo sa gilid ng ilog Pasig dahil hindi sila ligtas doon. Sumunod ang mga tao kaya’t naging mas ligtas sila sa kanilag nilipatan. Mahusay! Alam mo na ang mga dapat gawin upang makatulong sa pangangalaga sa inyong kapaligiran. Tara alamin na natin ang ating bagong aralin! ARALIN Ang posisyon ng mga tao ay maaring matukoy batay sa iba pang mga kasama niya. Ang batayang posisyon o reference point ay mahalaga sa paglalarawan ng posisyon ng isang tao o mga bagay upang maibigay ang tama o eksaktong posisyon nito. Masdan ang larawan. Ang reference point o batayang posisyon sa larawan ay ang tutang si Brownie. Si nanay ay nasa kanan ni ate. Si ate ang reference point o batayang posisyon. Si ate ay nasa gitna nina nanay at bunso. Figure 1 Si bunso ang nasa kaliwa ni ate. Miguel Francis Pag-aralan natin ang Figure 2. Si Miguel ang reference point o batayang posisyon sa larawan. Kaya masasabi natin ang posisyon ni Francis ay nasa kaliwa siya ni Miguel. Miguel Francis Figure 2 Kung si Francis naman ang reference point o batayang posisyon sa larawan. Masasabi nating nasa kanan niya si Miguel. Figure 3 Pagmasdan naman natin ang larawan ng tradisyonal na larong Hilahang Lubid o Tug of War. Mapapansin ninyo na ang bawat pangkat ng manlalaro ay may nasa harap o unahan at likuran o dulo. Ang kanilang batayang posisyon ay ang nasa harap o unahan ng bawat pangkat. Batayang posisyon o reference point dulo o likuran Unahan o harapan Figure 5 dulo o likuran Sa anu-ano pang mga sitwasyon sa tunay na buhay magagamit ang kaalaman mo tungkol sa paglalarawan sa posisyon ng isang tao kaugnay sa posisyon ng iba pang tao gamit ang mga salitang iyong natutunan. Ang kaalaman tungkol sa paglalarawan sa posisyon ng isang tao batay sa posisyon ng iba pang tao gamit ang mga salitang natutunan ay magagamit natin sa tunay na buhay. Katulad ng ipinapakita sa Figure 6. Sa inyong tahanan kapag kakain na kayo may posisyon din ang bawat pamilya. Alam ninyo ang inyong pwesto sa hapag-kainan. Katulad ng posisyon mo noong pumapasok ka sa paaralan at nagkikitakita pa tayo, kung saan dapat ang iyong upuan at alam mo ang iyong mga katabing kaklase. Maging sa mga programa sa paaralan, kung kasali ka sa pangkatang presentasyon katulad ng sayaw, awit, sabayang pagbigkas, at marami pang iba, may mga posisyong ibinibigay ang inyong guro o tagapagsanay. Sa paglalaro ay may posisyon din. Katulad ng paglalaro ng luksong lubid, ang taya ay nasa kanan at kaliwa samantalang ang tumitira ay nasa gitna. Sa mga kompetisyon sa paglalaro ay may mga posisyon ding tinatandaan ang mga manlalaro katulad ng basketball, baseball, at iba pang laro. Ang batayang posisyon o reference point ay pangunahing gabay upang maihambing o matukoy ang posisyon ng tao. Ito ang batayan ng paglipat-lipat o paggalaw ng isang tao. Ngayon malinaw na sa inyo ang tungkol sa mga salitang ginagamit sa pagtukoy sa posisyon ng isang tao. Halika! Higit pa nating alamin ang tungkol sa posisyon ng isang tao at ang kaugnay na posisyon nito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gawain sa pagsasanay. MGA PAGSASANAY Subukan nating alamin at tukuyin ang posisyon ng bawat tao sa mga sumusunod na pagsasanay. Pagsasanay 1: Nasaan Siya? Panuto: Tukuyin ang posisyon na bawat tao sa larawan. Kompletuhin ang pahayag sa bawat pangungusap. 1. Ang mga bata ay nasa ng taga-ulat sa telebisyon. harap gitna kanan likod 2. Ang mga magulang ay nasa ng kanilang mga anak. ibaba gitna kaliwa likod 3. Ang anak ay nasa ng kanyang nanay. harap gitna dulo likod 4. Ang beybi ay nasa kanyang ama. harapan gitna unahanunahan Lina Edith Marlon Aiza ng kanan likod 5. Ang magpipinsan ay pumila para sa ibibigay na gamit pampaaralan ng Kapitan ng Barangay. Si Aiza ang nasa ng pila. gitna hulihan unahan likuran ibabaunahanunahan Pagsasanay 2: Paglalarawan ng “Family Picture” Panuto: Pag-aralan ang larawan ng pamilya Santos. Isulat ang tamang salitang naglalarawan sa posisyon ng bawat miyembro ng pamilya. Pumili ng salita sa loob ng kahon. tabi unahan Arnel kaliwa likod Lolo Simon kanan gitna Tatay Berting Lola Maria Nanay Diane Alice 1. Kung kasali ang kanilang alagang aso si Lola Maria ay nasa ________________. 2. Si nanay Diane at lola Maria ay nasa _____________ ni tatay Berting. 3. Si tatay Berting ay nasa _____________ ni lola Maria. 4. Si Arnel ay nasa ________________ ni lolo Simon. 5. Sina Arnel at Alice ay nasa ________________. Pagsasanay 3: Ang Tumbang Preso Panuto: Pag-aralan ang larawan ng magkakaibigan. Buuin ang mga pangungusap na naglalarawan sa posisyon ng bawat isa. Gamitin ang mga salita mula sa kahon. likuran kanan gitna harap kaliwa Hannah Abbie Cezar Naglalaro ng Tumbang Preso ang magkakaibigang Hannah, Abbie, at Cezar. Kung si Hannah ang batayang posisyon o reference point si Abbie ang nasa 1. __________________, si Cezar naman ang nasa 2. ___________________, at siya ang nasa 3.________________ . Si Cezar ang taya kaya siya ay nasa 4. ______________ upang bantayan ang lata. Samantalang ang dalawang batang nanonood ay nasa kanilang 5._____________ PAGLALAHAT Paano natin matutukoy at mailalarawan ang posisyon ng isang tao batay sa posisyon ng isa pang tao? Pag-aralan ang larawan sa ibaba at tukuyin ang mga posisyon ng mga bata habang nagbabasa ng paborito nilang aklat. Isulat ang iyong ang mga sagot sa bawat kahon. nasa harap nasa kanan nasa gitna nasa kaliwa nasa dulo nasa likod 2. PAGPAPAHALAGA Mayroon ka bang kaibigan? Mahilig ka bang makipaglaro sa kanila tulad ng nasa larawan? Maaari mo bang matukoy ang posisyon ng magkakaibigang Macmac, Alden, at Mario? Macmac Joel Alden Sino ang nasa kanan? Sino ang nasa kaliwa? Sino-sino ang nasa gitna? Sino-sino ang nasa dulo o likod? Mario Natukoy mo ba ang posisyon ng bawat bata sa larawan? Sino ang ginawa mong batayang posisyon o reference point? Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng batayang posisyon sa pagtukoy sa posisyon ng tao? Mahalaga rin ba sa mga bata ang pakikipagkaibigan at pakikipaglaro? PANAPOS NA PAGSUSULIT Panuto: Isulat sa malinis na papel ang titik ng tamang sagot. 1. Sino ang batayang posisyon o reference point ng nasa larawan? Nasa harap ng tatay ang kanyang anak. A. anak B. tatay C. ang anak at tatay D. mahirap matukoy Para sa bilang 2-3. Pagaralan ang posisyon ng magkakaibigang Cathy, Dervie, at Alvin. Cathy Dervie Alvin 2. Ano ang posisyon ni Dervie sa larawan? A. nasa kaliwa ni Alvin B. nasa kanan ni Cathy C. nasa likod nina Cathy at Alvin D. nasa gitna nina Cathy at Alvin 3. Sino ang katabi ni Cathy? A. Si Cathy B. Si Alvin C. Si Dervie D. Cathy at Alvin 4. Nasa parke ang pamilya Cruz. Pag-aralan ang kanilang posisyon? Nasaan sina kuya at bunso? bunso Nanay kuya tatay A. Nasa tabi ni nanay at tatay. B. Nasa gitna nina tatay at nanay. C. Nasa harap nina nanay at tatay D.Nasa likod nina nanay at tatay 5. Nagkakasayahan ang magpipinsang Charlotte, Nicole, Francis, Lalaine, at Mark. Ano ang posisyon ng magpipinsan kung si Frances ang pagbabatayan ng posisyon o reference point? Charlotte Nicole Frances Lalaine Mark A. Sina Charlotte at Nicole ay nasa kaliwang bahagi. Sina Lalaine at Mark ay nasa kanang bahagi. B. Sina Charlotte at Nicole ay nasa kanang bahagi. Sina Lalaine at Mark ay nasa kaliwang bahagi. C. Sina Charlotte at Nicole ay nasa harapang bahagi. Sina Lalaine at Mark ay nasa likurang bahagi. D. Sina Charlotte at Nicole ay nasa gilid na bahagi. Sina Lalaine at Mark ay nasa likurang bahagi. Sanggunian Sacatropes, Arthur DC., et al. Science Learner’s Material 3. Kagawaran ng Edukasyon at Lexicon Press, Inc. Pilipinas: Lungsod ng Pasig, 2014. Pilipinas. Lungsod ng Quezon.2019. Alma M. Dayag. Pinagyaman Pluma 3 pahina 246. (K-12) Ikalawang Edisiyon. PHOENIX PUBLISHING HOUSE INC. Pilipinas. Lungsod ng Quezon.2019 https://www.google.com https://www.canva.com https://www.google.com/search?q=pixabay+traditional+Fipilino+games&tbm=isch&ved=2ahUKEwiJ yZi80OrrAhUHg5QKHTYbAX0Q2cCegQIABAA&oq=pixabay+traditional+Fipilino+games&gs_lcp=CgNpbWcQA1ChmwFYrrsBYKrQAWgA cAB4AIABZogB9ASSAQM4LjGYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img&ei=GtgX4ntNIeG0gS2toToBw&bih=629&biw=1366&hl=en#imgrc=qcKHJ64rj6EObM&imgdii=aj2PMGeEO MC7SM https://www.google.com/search?q=pixabay%2C+3+filipino+kids+going+to+school&tbm=isch&ved=2 ahUKEwiittWFuOzrAhUezYsBHe7KBtQQ2cCegQIABAA&oq=pixabay%2C+3+filipino+kids+going+to+school&gs_lcp=CgNpbWcQA1CmiQdYhKsH YPOuB2gAcAB4AIABS4gBsgiSAQIxNpgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=y15hXKkIZ6ar7wP7pWboA0&bih=629&biw=1366#imgrc=qEN1VZN4CMhHpM&imgdii=00R6CANdLyaENM https://www.google.com/search?q=pixabay%2C+filipino+family+picnic&tbm=isch&ved=2ahUKEwjc8 r2SvOzrAhX2wIsBHWMmDc4Q2cCegQIABAA&oq=pixabay%2C+filipino+family+picnic&gs_lcp=CgNpbWcQA1C6elienwJguKcCaARwAH gAgAFaiAHzEZIBAjMymAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=GGNhX9yGCvaBr7wP 48y08Aw&bih=629&biw=1366#imgrc=zKgvgOEcV_pUzM&imgdii=6BFXL5RssAmaWM https://www.google.com/search?q=pixabay%2C+filipino+teens+party&tbm=isch&ved=2ahUKEwjN2 eTRxezrAhWDzYsBHfw_Cb8Q2- cCegQIABAA&oq=pixabay%2C+filipino+teens+party&gs_lcp=CgNpbWcQA1AAWABgu9YNaABwAHgA gAEAiAEAkgEAmAEAqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=DG1hX82jM4Obr7wP_P-kAs&bih=629&biw=1366#imgrc=SrZuoTJa2zXMeM