Uploaded by Duchess Jireh Gubatan

pagbasa-at-pagsusuri-Autosaved-Autosaved

advertisement
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t
Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik
PAGBASA
▪ isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula
sa mga nakasulat na teksto. (Anderson et al. 1985,
sa aklat na Becoming Nation of Readers)
▪ pagtatanong sa nakatalang teksto at ang pagunawa sa teksto ay ang pagkuha ng sagot sa
iyong mga tanong. (Frank Smith, 1997 sa kanyang
isinulat na Reading Without Non Sense)
PAGBASA
▪ isang psycholinguistic guessing game,
sapagkat ito ay nagdudulot ng interaksyon sa
pagitan ng wika at pag-iisip. (Kenneth Goodman
sa Journal of the Reading Specialist-Badayos,2010)
▪ isang karunungan at kasanayan na tumutugon
sa paghubog sa buong aspeto ng tao na
magagamit upang matutong mabuhay sa
mundong ginagalawan. (RBI 2016)
Kahulugan ng Pagbasa
✓Ay proseso ng pagkokonstrak ng
kahulugan mula sa mga tekstong
nakasulat. Isa itong komplikadong
kasanayan na nangangailangan ng ilang
magkakaugnay na hanguan ng
impormasyon (Anderson, et al., 1985, sa
http://www.eduplace.com).
Kahulugan ng Pagbasa
• Ay proseso ng pagkokonstrak ng kahulugan
sa pamamagitan ng dinamikong interaksyon
ng mga sumusunod: 1.) ng dating kaalaman
ng mambabasa; 2.) ng impormasyong taglay
ng tekstong binabasa; at 3.) ng konteksto ng
sitwasyon sa pagbasa (Wixson, et al., 1987, sa
http://www.eduplace.com)
• Ito ay isang proseso ng pag-aayos, pagkuha, at
pag-unawa ng anumang uri at anyo ng
impormasyon o ideya na kinakatawan ng mga
wika o simbolo na kailangang tingnan at suriin
upang maunawaan. Ang mga sagisag na ito ang
nagsisilbing instrument upang mabigyangkahulugan ang mga kaisipang gustong
ipahayag.
ANO ANG KAHALAGAHAN NG
PAGBABASA?
Sa pamamagitan ng pagbabasa, nahahawan
ang landas ng karunungan sa iba’t ibang
larangan – sining, agham, teknolohiya,
kasaysayan, pulitika, lipunan, at iba pa.
Namumulat ang mambabasa sa katotohanan
at nagkakaroon ng pagkakataong
makisalamuha para sa kanyang ibayong
kapakinabangan.
Kahalagahan ng Pagbasa
• Maaaring libutin ang buong daigdig sa
pamamagitan ng pagbabasa, nakakikilala ng
bagong kultura, nakadaragdag ng karanasan at
kaalaman.
• Ang pagbasa ay isa sa apat na makrong
kasanayang pangwika na mahalaga sa
pakikipagtalastasan. (80% - 90% ng kaalaman
ng tao ay mula sa kanyang pagbabasa)
Ano ang katangian ng pagbasa?
• Masasabing ang tunay na pagbasa ay
ang pang-unawa ng mensahe ng
isang teksto; ito ay isang prosesong
pangkaisipan; at ito ay gumagamit
ng dating kaalaman na inuugnay sa
bagong kaalaman.
Dalawang Kategorya ng
Mapanuring Pagbasa
Intensibong pagbasa ay kinapapalooban
ng malalimang pagsusuri sa
pagkakaugnay, estruktura, at uri ng
diskurso sa loob ng teksto, pagtukoy sa
mahalagang bokabularyong ginamit ng
manunulat, at paulit-ulit at maingat na
paghahanap ng kahulugan.
Dalawang Kategorya ng
Mapanuring Pagbasa
Ang ekstensibong pagbasa naman ay
may layuning makuha ang “gist” o
pinakaesensiya at kahulugan ng binasa
na hindi pinagtutuunan ng pansin na
maunawaan ang pangkalahatang ideya
ng teskto at hindi ang mga ispesipikong
detalye na nakapaloob dito.
MGA KASANAYAN SA MAPANURING PAGBASA
➢
Bago Magbasa
Habang Nagbabasa
alamin ang ideya o
nilalaman ng iyong
babasahin sa
pamamagitan ng
pagtingin sa pabalat
nito
➢ layunin ng
manunulat na
makipagtalastasan
sa kanyang
mambabasa at
ihayag ang kanyang
pananaw
MGA KASANAYAN SA MAPANURING PAGBASA
Mapanuring Pagbasa
Pagbasang Kritikal
➢ Isang paraan ng
➢ Pagbibigay-puna o
pagsusuri, paghahati
ebalwasyon sa
sa maliliit na
teksto o may-akda
konsepto, nang sa
gayon ay makita
ang ugnayan ng
mga bahaging ito sa
bawat isa.
Antas ng Pagbasa
Sa aklat ni Adler at Doren(1973)na tinalakay
naman sa aklat ni Sicat et.al(2016), sinasabi
rito na may apat na antas ng pagbasa. Ito ay
primaryang antas (elementary), mapagsiyasat
na antas (inspectional),analitikal na antas
(analytical),at sintopikal na antas na binubuo
ng isang hakbang-hakbang na proseso.
• Primarya. Ito ay antas ng pagbasa na
tumutukoy sa tiyak na datos at
ispesipikong impormasyon gaya ng
petsa, setting o lugar at mga tauhan sa
isang teksto.
• Mapagsiyasat. Sa antas na
ito,nauunawaan na ang mambabasa
ang kabuoang teksto at nagbibigay ng
mga hinuha o impresyon tungkol dito.
• Nagbibigay ng mabilisan ngunit
makabuluhang paunang rebyu sa isang
teksto nang mas malalim.
• Analitikal. Ginagamit ang mapanuri o
kritikal na pag-iisip upang malalimang
maunawaan ang kahulugan ng teksto at ang
layunin o pananaw ng manunulat.Bahagi ng
antas na ito ang pagtatasa sa katumpakan,
kaangkupan, at kung katotohanan o
opinyon ang nilalaman ng teksto.
MGA URI NG
TEKSTO
MGA IBA’T IBANG URI NG TEKSTO
(Pagbasa, Pagsusuri at Pagsulat)
• Tekstong Impormatibo
• Tekstong Deskriptibo
• Tekstong Persuweysib
• Tekstong Naratibo
• Tekstong Argumentatibo
• Tekstong Prosidyural
Tekstong Impormatibo
• Tinatawag ding ekspositori
• Isang anyo ng pagpapahayag na
naglalayong magpaliwanag at
magbigay ng impormasyon.
• Kadalasang sinasagot ang ang mga
batayang tanong na ano, kailan,
saan, sino at paano.
Tekstong Impormatibo
• Mga tiyak na halimbawa, biyograpiya,
impormasyon na matatagpuan sa
diksyunaryo,encyclopedia, o almanac, papelpananaliksik,journal,siyentipikong ulat at mga
balita sa diyaryo
• Layunin, magpaliwanag sa mga mambabasa
ng anomang paksa na matatagpuan sa tunay
na daigdig
Iba’t Ibang uri ng Tekstong
Impormatibo
1. Sanhi at Bunga
2. Paghahambing
3. Pagbibigay-depinisyon
4. Paglilista ng
Klasipikasyon
URI TEKSTONG IMPORMATIBO
1.
2.
SANHI AT BUNGA – nagpapakita ng
pagkakaugnay – ugnay ng mga
pangyayari at kung paanong
kinalabasan ay naging resulta ng mga
naunang pangyayari.
PAGHAHAMBING - kadalasang
nagpapakita ng mga pagkakaiba at
pagkakatulad sa pagitan ng anumang
bagay, konsepto, o pangyayari
3.PAGBIBIGAY - DEPINISYONipinapaliwanag dito ang kahulugan ng
isang salita, termino o konsepto.
4.PAGLILISTA NG KLASIPIKASYONnaghahati- hati ng isang malaking paksa o
ideya sa iba’t – ibang kategorya o grupo
upang magkaroon ng sistema ang
pagtalakay.
Elemento ng Tekstong
Impormatibo
1.Layunin ng may-akda-Maaaring magkaiba- iba
ang layunin ng may-akda sa pagsulat. Maaaring
ang layunin niyang mapalawak pa ang kaalaman
ukol sa isang paksa; maunawaan ang mga
bagay na mahirap ipaliwanag; matuto ng
maraming bagay ukol sa ating mundo.;
magsaliksik; at mailahad ang mga yugto sa
buhay ng iba't ibang uri ng insekto, hayop at iba
pang nabubuhay.
2.Pangunahing ideya
• Dagliang inilalahad ang mga pangunahing
ideya mambabasa. Nagagawa ito sa sa
pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa
bawat bahagi- tinatawag din itong organized
markers na nakatutulong upang agad makita
at malaman ng mambabasa ang pangunahing
ideya ng babasahin.
3. Pantulong na kaisipan
• Pantulong kaisipan- Mahalaga rin ang
paglalagay ng angkop na mga pantulong
kaisipan o mga detalye upang makatulong
mabuo sa isipan ng mambabasa ang
pangunahing ideyang nais matanim o maiwan
sa kanila
4. Mga estilo sa pagsulat, kagamitan/sangguniang
magtatampok sa mga bagay na binibigyang-diin
• Mga istilo sa pagsulat,
kagamitan/sangguniang magtatampok sa mga
bagay na binibigyang diin- Makatutlong sa
mga mag-aaral na magkaroon ng mas
malawak na pag-unawa sa binasabasang
tekstong impormatibo ang paggamit ng mga
estilo o kagamitang/sangguniiang
magbibigay-diin sa mahahalagang bahagi
tulad ng mga sumusunod
5. Paggamit ng mga nakalarawang
representasyon-makatutulong ang
paggamit ng mga larawan, guhit,
dayagram, tsart, talahanayan,
timeline, at iba pa.
6. Pagbibigay-diin sa mahahalagang salita sa
teksto- nagagamit dito ang mga estilong
tulad ng pagsulat nang nakadiin, nakahilis,
nakasalungguhit o nalagyan ng panipi upang
7. Pagsulat ng mga talasanggunian –
karaniwang inilalagay ng mga
manunulattekstong impormatibo ang mga aklat,
kagamitan, at iba pang sangguniang ginamit
upang higit na mabigyang diin ang
katotohanang naging basehan sa mga
impormasyon.
Tekstong Deskriptibo
• Ay may layuning maglarawan ng isang
bagay, tao, lugar, karanasan,sitwasyon at
iba pa
• Ang uri ng sulatin na ito ay nagpapaunlad sa
kakayahan ng mag-aaral na bumuo at
maglarawan ng isang partikular na
karanasan
• Layunin, magpinta ng matingkad at
detalyadong imahen na makakapukaw sa
isip at damdamin ng mga mambabasa
Katangian ng Tekstong Deskriptibo
1. Ang tekstong deskriptibo ay may isang malinaw at
pangunahing impresyon na nililikha sa mga
mambabasa
2. Ang tekstong deskriptibo ay maaaring maging
obhetibo o suhetibo, at maaari ding magbigay ng
pagkakataon sa manunulat na gumamit ng iba’t
ibang tono at paraan sa paglalarawan
3. Ang tekstong deskriptibo ay mahalagang maging
espisipiko at maglaman ng mga konkretong detalye.
Tekstong Deskriptibo
• Maihahalintulad sa isang ipininta larawang
ipininta o iginuhit kung saan sa kapag
Nakita ito ng iba ay parang nakita na rin nila
ang orihinal na pinagmulan ng larawan.
Subalit sa halip na pintura o pangkulay mga
salita ang ginagamit ng manunulat upang
mabuo sa isipan ng mambabasa ang
paglalarawan sa tekstong deskriptibo.
Mga pang-uri at pang-abay ang
karaniwang ginagamit ng manunulat
upang mailarawan ang bawat tauhan,
tagpuan, mga kilos o galaw o
anumang bagay na nais niyang
mabigyang-buhay sa imahinasyon ng
mambabasa.
Dalawang Uri ng Paglalarawan o
Deskriptibo
1. Deskripsiyong Teknikal – naglalayon
itong maglarawan sa detalyadong
pamamaraan.
Halimbawa
a. Ang ngiting matipid ay bahagya
lamang ang ginawang pagkibot ng bibig.
b. Ang ngiting mapagbigay ay laging
nakangiti.
2. Deskripsiyong Impreyonistiko –
naglalayon itong maglarawan ayon
sa pansariling pananaw na saloobin.
Halimbawa
a. Ang matamis na ngiti ay
maaaring maghatid ng kasiyahan at
maging simula ng magandang
pagkakaibigan.
Dalawang Anyo ng Paglalarawan o
Deskriptibo
1. KARANIWAN- ito ay paglalarawan
hindi sangkot ang damdamin. Ang
paglalarawan ay ayon sa nakikita ng
mata.
Hal. Ang Pilipinas ay isa lamang sa
bansang napapaligiran ng mga
karagatan.
2. MASINING – naglalaman ng damdamin
at pananaw ng taong naglalarawan.
Naglalayong pukawin ang guniguni ng
mambabasa.
Hal. Patuloy siya sa paglakad nang
pasagsag habang pasan ang kaniyang
anak na maputla pa ang kulay sa isang
papel.
Subhetibo- ang paglalarawan kung ang
manunulat ay maglarawan ng napakalinaw at
halos madama na ng mambabasa subalit ang
paglalarawan ay nakabatay lamang sa
kanyang mayamang imahinasyon at hindi
nakabatay sa katotohanan sa totoong buhay
Ito ay karaniwang nangyayari sa paglalarawan
sa mga tekstong naratibo tulad ng mga tauhan
sa maikling kwento. Likhang-isip lamang ng
manunulat ang mga tauhan kaya't ang lahat ng
mga katangiang taglay nila ay batay lamang sa
kanyang imahinasyon
Obhetibo –ang paglalarawan kung ito
ay may pinagbabatayang
katotohanan.
• Halimbawa “Kung ang lugar na inilalarawan
ng isang manunulat ay isa sa magagandang
lugar sa bansa na kilala rin ng kanyang mga
mambabasa, gagamit pa rin siya ng sarili
niyang mga salitang maglalarawan sa lugar
subalit hindi siya maaaring maglagay ng mga
detalyeng hindi taglay ng kanyang paksa
Gamit ng Cohesive Devices o Kohesyong
Gramatikal sa Pagsulat ng Tekstong Deskriptibo
1. Reperensiya (reference)Ito ang
paggamit ng mga salitang maaaring
tumukoy maging referensiya ng
paksang pinag- uusapan sa
pangungusap.
• Maaari itong maging anapora(kung
kailangan bumalik sa teksto upang
malaman kung ano o sino ang
tinutukoy) o kaya'y katapora (kung
nauna ang panghalip at malalaman lang
kung sino o ano ang tinutukoy kapag
ipinagpatuloy ang pagbabasa sa teksto)
Halimbawa:
Anapora
Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi ay
maaaring maging mabuting kaibigan.
(Ang ito sa ikalawang pangungusap ay
tumutukoy sa aso na nasa unang pangungusap.
Kailangang balikan ang unang pangungusap
upang malaman ang tinutukoy sa pangungusap
Halimbawa
Katapora
Siya ang nagbibigay sa akin ng inspirasyong
bumangon sa umaga at masiglang umuwi sa
gabi. Ang matamis niyang ngiti at mainit na
yakap sa aking pagdating ay sapat para sa
kapaguran hindi lang ang aking katawan kundi
ng aking puso at damdamin. Siya si Bella, ang
bunso kong kapatid na mag-iisang taon pa
lamang
• Ang siya sa unang pangungusap ay
tumutukoy kay Bella, ang bunsong kapatid.
Malalaman lamang kung sino ang tinutukoy
ng siya 0 niya kapag ipnagpatuloy ang
pagbasa.)
Gamit ng Cohesive Devices o Kohesyong
Gramatikal sa Pagsulat ng Tekstong Deskriptibo
2. Substitusyon (substitution)Paggamit ng
ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin
ang salita.
Halimbawa: Nawala ko ang aklat mo. Ibibili na
lang kita ng bago.
Ang salitang aklat sa unang pangungusap ay
napalitan ng salitang bago ikalawang sa
pangungusap. Ang dalawang salita'y parehong
tumutukoy sa iisang bagay ang aklat.)
Gamit ng Cohesive Devices o Kohesyong
Gramatikal sa Pagsulat ng Tekstong
Deskriptibo
3. Ellipsis- May binabawas na bahagi ng
pangungusap subalit inaasahang
maiintindihan o magiging malinaw pa rin
sa mambabasa ang pangungusap dahil
makakatulong ang unang pahayag para
matukoy ang nais ipahiwatig.
Halimbawa:
Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina
nama'y tatlo.(mawala ang salitang bumili
gayundin ang salitang aklat para sa bahagi ni
Rina subalit naiintindihan pa rin ng
mambabasa na tulad ni Gina, siya'y bumili rin
ng tatlong aklat dahil nakalahad na ito sa
unang bahagi)
Gamit ng Cohesive Devices o Kohesyong
Gramatikal sa Pagsulat ng Tekstong
Deskriptibo
4. Pang-ugnay
Nagagamit ang mga salitang pang- ugnay tulad
ng at sa pag-uugnay ng sugnay sa sugnay,
parirala sa parirala, at pangungusap sa
pangungusap. Sa pamamagitan nito
nauunawaan ng ay higit mambabasa na o
tagapakinig ang relasyon sapagitan ng mga
pinag-ugnay.
Halimbawa:
Ang mabuting magulang ay
nagsasakripisyo para sa mga anak at ang
mga anak naman ay dapat magbalik ng
pagmamahal sa kanilang mga magulang.
Gamit ng Cohesive Devices o Kohesyong
Gramatikal sa Pagsulat ng Tekstong
Deskriptibo
5. Kohesyong leksikal
Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang
magkaroon ito ng kohesyon. Maari itong mauri
sa dalawa. reiterasyon at ang kolokasyon
a. Reiterasyon:
Kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit nang ilang
beses. Maaari itong mauuri sa tatlo: pag-uulit o
repetisyon, pag-iisa-isa, at pagbibigay-kahulugan.
1. Pag-uulit o repetisyon
Halimbawa:
Maraming bata ang hindi nakapapasok sa paaralan.
Ang mga batang ito ay nagtratrabaho na sa
murang gulang pa lamang
2. Pag-iisa-isa
Halimbawa:
Nagtanim sila ng mga gulay sa bakuran. Ang
mga gulay na ito ay tatlong, sitaw, kalabasa, at
ampalaya.
3. Pagbibigay kahulugan
Halimbawa:
Marami sa mga batang manggagawa ay
nagmula sa mga pamilyang dukha. Mahirap sila
kaya ang pag aaral ay naiisantabi kapalit ng
ilang baryang naiaakyat nila para sa hapagkainan.
b. Kolokasyon- Mga salitang karaniwang
nagagamit nang magkapareha o may
kaugnayan sa isa’t isa kaya’t kapag nabanggit
ang isa ay naiisip din ang isa. Maaaring
magkapareha o maaari ding magkasalungat.
Halimbawa:
• Nanay-tatay, guro-mag-aaral, hilaga-timog
• Puti-itim, maliit-malaki, mayaman-mahirap
Ilang Tekstong Deskriptibong
Bahagi ng Iba pang Teksto
1. Paglalarawan sa tauhan
Sa paglalarawan ng tauhan, hindi lang sapat na
mailarawan ang itsura at mga detalye patungkol
sa tauhan kundi kailangang maging
makatotohanan din ang pagkakalarawan ditto.
Hindi sapat sabihing ang aking kaibigan ay
maliit, maikli at unat ang buhok, at mahilig
magsuot ng pantalong maong at puting
kamiseta.
• Ang mga halimbawang salitang maliit,
matangkad, bata, at iba pa ay pangkalahatang
paglalarawan lamang at hindi nakapagdadala
ng mabisang imahe sa isipan ng mambabasa.
Sa makatuwid mahalagang maging mabisa ang
paglalarawan sa tauhan. Iyon halos nabubuo sa
isipan ang mambabasa ang anyo, gayak, amoy,
kulay at iba pang katangian ng tauhan gamit
ang pinaka angkop na mga pang-uri.
• Mahalaga ring pakilusin ang tauhan para mas
magmarka ang mga katangiang taglay niya
tulad halimbawa ng kung paano siya ngumiti,
maglakad, humalakhak, magsalita, at iba pa.
• Sinasabing ang pinakamahusay na tauhan ay
yaong nabubuhay hindi lang sa pahina ng akda
kundi sa puso at isipan ng mambabasa kaya
namankahit sila'y produkto lang ng mayamang
imahinasyon ng manunulat, hindi sila basta
nakalilimutan.
Ilang Tekstong Deskriptibong
Bahagi ng Iba pang Teksto
2. Paglalarawan sa Damdamin o Emosyon
ang paglalarawan sa damdamin ay bahagi pa rin
ng paglalarawan sa tauhan subalit sa halip na sa
kanyang panlabas na anyo o katangian ito
nakapokus , ang binibigyang diin dito’y ang
kanyang damdamin o emosyong taglay.
• Ang ganitong paglalarawan bagama't tama
ang mga detalye ay hindi magmamarka sa
isipan at pandama ng mambabasa.
Katunayan, kung sakali't isang suspek na
pinaghahanap ng mga pulis ang inilalarawan
ay mahihirapan silang maghahanap siya gamit
lang ang unang paglalarawan. Kulang na
kulang ito sa mga tiyak at magmamarkang
katangian.
Paraan ng paglalarawan sa damdamin o
emosyon nang hindi na malayo at
konektado pa rin sa tauhan.
1. Pagsasaad sa aktuwal na
nararanasan ng tauhan. Maaaninag ng
mambabasa mula sa aktwal na
nararanasan ng tauhan ang damdamin o
emosyong taglay nito.
• Halimbawa: Matindi ang pagkirot ng tiyan ni
Mang Tonyo. Nagdidilim na ang kanyang
paningin at nanlalambot na ang mga tuhod sa
matinding gutom na nadarama. Dalawang
araw na pala nang huling masayaran ng
pagkain ang nanunuyo niyang mga labi.
2. Paggamit ng diyalogo o iniisip.
Maipakikita sa sinasabi o iniisip ng tauhan ang
emosyon o damdaming taglay niya.
Halimbawa: Sa halip na sabihing naiinis siya sa
ginawang pagsingit sa pila ng babae ay maaari
itong gamitan ng sumusunod na diyalogo: "Ale,
sa likod po ang pila. Isang oras na kaming
nakapila rito kaya dapat ng lang na sa hulihan
kayo pumila!"
3. Pagsasaad sa ginawa ng tauhan. Sa
pamamagitan ng pagsasaad sa ginawang
tauhan minsa'y higit pang nauunawaan ng
mambabasa ang damdamin o emosyong
naghahari sa kanyang puso at isipan.
Halimbawa: "Umalis ka na!" ang mariing sabi ni
Aling Lena sa asawa habang tiim bagang na
nakatingin sa malayo upang mapigil ang luhang
kanina pa nagpupumilit bumalong mula sa
kanyang mga mata.
4. Paggamit ng tayutay o
matatalinghagang pananalita. Ang mga
tayutay at matatalinhagang pananalita ay hindi
lang nagagagamit sa pagbibigay ng rikit at
indayog sa tula kundi gayundin sa prosa.
Halimbawa: Ito na marahil ang pinakamadilim
na sandali sa kanyang buhay. Maging ang langit
ay lumuha sa kalungkutang dulot ng pagyao ng
pinakamamahal niyang si Berta.
Paglalarawan sa Tagpuan
Sa paglalarawan sa tagpuan ay mahalagang
mailarawan nang tama ang lugar panahon kung
kailan at saan naganap ang akda sa paraang
makagaganyak sa mga mambabasa.
Ano ang itsura ng barong-barong at kapaligiran
nito? Marumi, luma, kinakalawang, gumigray,
sakaritimarim na basura, naglanang langaw, mga
mangangaikal ng basurang nakasuot ng tagpitagping halos basahan, nakapanlulumong
kahirapan at kapangitan.
Paglalarawan sa isang mahalagang
bagay.
Sa maraming pagkakataon, sa isang
mahalagang bagay umiikot ang mga
pangyayari sa akda at ito rin ang
nagbibigay nang mas malalim na
kahulugan dito. Hindi sapat na maglagay
lamang ng larawan ng nasabing bagay sa
pahina ng akda pang mabigyang diin ang
kahalagahan nito.
• Dapat mailahad kung saan nagmula ang
bagay na ito. Kailangan ding mailarawan itong
mabuti upang halos madama na ng
mambabasa ang itsura, amoy, bigat, lasa,
tunog, at iba pang katangian nito
• Sa tuwing itatayo ko ang krismas tri
kapag nalalapit na ang kapaskuhan ay
parang laging may kulang, pilit kong
dinadagdagan ng mga palamuti. At hindi
basta-basta palamuti, yung mamahalin.
Pagkatapos ng mamahaling bola, nang
sumunod na taon ay magagandang
bulaklak naman ang binili ko.
• Maraming pulang poinsettia na nakapaligid sa
krismas tri. "Ang ganda!" Ang may
pagkamanghang sabi ng bawat nakakikita.
Malalaki at makikintab na pulang bola,
malalaki at magagandang pulang poinsettia.
ah! pero bakit ba tila may kulang pa rin?
TEKSTONG NARATIBO
• Layunin ng tekstong naratibo ang
magsalaysay o magkuwento batay sa
isang tiyak na pangyayari, totoo man o hindi
• Ang tekstong naratibo ay nagkukuwento
ng mga serye ng pangyayari na
maaaring piksiyon (nobela, maikling
kuwento, tula) o di piksyon (memoir,
biyograpiya, balita, malikhaing sanaysay
• Kapuwa gumagamit ito ng wikang
puno ng imahinasyon,
nagpapahayag ng emosyon at
kumakasangkapan ng iba’t ibang
imahen,metapora at simbolo upang
maging malikhain ang katha
Mga Iba’t Ibang Pananaw o Punto de
Vista(Point of View) sa Tekstong Naratibo
1. Unang Panauhan - sa pananaw na
ito, isa sa mga tauhan ang
nagsasalaysay ng mga bagay na
kanyang nararanasan , naalala, o
naririnig kaya gumagamit ng
panghalip na ako.
2. Ikalawang Panauhan- dito mistulang
kinakausap ng manunulat ang tauhang
pinagagalaw niya sa kuwento kaya’t
gumagamit siya ng mga panghalip na ka o
kaw subalit tulad ng unang nasabi, hindi
ito gaanong ginagamit ng mga manunulat
sa kanilang pagsasalaysay
3. Ikatlong panauhan- Ang mga
pangyayari sa pananaw na ito ay
isinasalaysay ng isang taong walang
relasyon sa tauhan kaya ang panghalip na
ginagamit niya sa pagsasalaysay ay siya.
Ang tagapagsalaysay ay tagapag-obserba
lang at nasa labas siya ng mga pangyayari.
Tatlong uri ng Pananaw sa
Ikatlong Panauhan
• Maladiyos na panauhan-nababatid niya
ang galaw at iniisip ng lahat ng mga
tauhan.Napapasok niya ang isipan ng bawat
tauhan at naihahayag niya ang iniisip
,damdamin at paniniwala ng mga ito sa
mambabasa.
• Limitadong Panauhan- Nababatid niya
ang iniisip at ikinikilos ng isa sa mga
tauhan subalit hindi sa ang iba pang
tauhan.
• Tagapag-obserbang panauhan- hindi
niya napapasok o nababatid ang
nilalaman ng isip at damdamin ng mga
tauhan.
• Tanging nakikita at naririnig niyang mga
pangyayari, kilos, o sinsabi lang ang
kanyang isinasalaysay.
4. Kombinasyong Pananaw o
Paningin-dito ay hindi lang iisa ang
tagpagsalaysay kaya’t iba’t ibang
pananaw o paningin ang nagagamit sa
pagsasalaysay.
Paraan ng Pagpapahayag ng Diyalogo,
Saloobin, o damdamin sa Tekstong Naratibo
1. Direkta oTuwirang Pagpapahayag- ang
tauhan ay direkta o tuwirang nagsasaad o
nagsasabi ng kanyang diyalogo, saloobin,
o damdamin
2. Di direkta o Di Tuwirang Pagpapahayagang tagapagsalaysay ang naglalahad sa
sinasabi, iniisip, o nararamdaman ng
tauhan sa ganitong uri ng pagpapahayag.
Mga Elemento ng
Tekstong Naratibo
1. Tauhan
Dalawang Paraan sa pagpapakilala ng tauhan
• Expository- kung ang tagapagsalaysay
ang magpapakilala o maglalarawan
• Dramatiko- kung kusang mabubunyag
ang karakter dahil sa kanyang pagkilos o
pagpapahayag.
Mga Karaniwang Tauhan sa Akdang
Naratibo
• Pangunahing Tauhan
• Katunggaling Tauhan
• Kasamang Tauhan
• Ang May-akda
Dalawang Uri ng Tauhan
• Tauhang Bilog(Round Character)
• Tauhang Lapad(Flat Character)
2. Tagpuan at Panahon
Tumutukoy hindi lang sa lugar kung saan
naganap ang mga pangyayari sa akda
kundi gayundin sa panahon (oras, petsa,
taon) at maging sa damdaming umiiral sa
kapaligiran nang maganap ang mga
pangyayari tulad ng kasayahang dalá ng
pagdiriwang sa isang kaarawan.
2. Tagpuan at Panahon
tákot na umiiral dahil sa malakas na hampas ng
hangin at ulang dála ng bagyo, romantikong
paligid sanhi ng maliwanag na buwang
nakatunghay sa magkasintahang naghahapunan
sa isang hardin, matinding pagod ng
magsasakang nag-aararo sa ilalim ng tirik na
tirik na araw, kalungkutan ng pamilyang
nakatunghay habang ibinababa sa kanyang
huling hantungan ang isang minamahal, at iba
pa.
3. Banghay
Ito ang tawag sa maayos na
daloy o pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayarı sa mga
tekstong naratibo upang
mabigyang-linaw ang temang
taglay ng akda.
3. Banghay
Karaniwang Banghay o balangkas ng isang
naratibo
• Orientation or introduction- pagkakaroon ng
isang epektibong simula kung saan
maipakilala ang mga tauhan, tagpuan, at
tema.
• Problem- pagpapakilala sa suliraning ihahanap
ng kalutasan ng mga tauhan.
Rising Action-pagkakaroon ng saglit na
kasiglahang hahantong sa pagpapakita ng
aksiyong gagawin ng tauhan tungo sa
paglutas sa suliranin.
Climax- patuloy sa pagtaas ang
pangyayaring humahantong sa isang
kasukdulan.
• Falling Action-pababang pangyayari
na humahantong sa isang
resolusyon o kakalasan.
• Ending- pagkakaroon ng isang
makabuluhang wakas.
Pamamaraan ng Narasyon
a. diyalogo- sa halip na direktang
pagsasalaysay ay gumagamit ng paguusap ng mga tauhan upang isalaysay
ang pangyayari
b. foreshadowing-nagbibigay ng mga
pahiwatig o hints hinggil sa kung ano
ang kinahihinatnan o mangyayari sa
kuwento.
c. plot twist- tahasang pagbabago sa
direksyon o inaasahang
kalalabasan ng isang kuwento.
d. ellipsis-omisyon o pag-aalis ng
ilang yugto ng kuwento kung saan
hinahayaan ang mga mambabasa
na magpuno sa naratibong antala.
e. comic book death- isang teknik
kung saan pinapatay ang
mahahalagang karakter ngunit
kalaunan ay biglang lilitaw upang
magbigay linaw.
F. Reverse chronology- nagsisimula
sa dulo ang salaysay patungong
simula.
g. In medias res- nagsisimula ang narasyon sa
kalagitnaan ng kuwento. Kadalasang
ipinakikilala ang mga karakter, lunan,at
tensyon sa pamamagitan ng mga flashback.
H. Deus ex machina(God from the machine)isang plot device na ipinapaliwanag ni Horace sa
kanyang “Ars Poetica” kung saan nabibigyangresolusyon ang tunggalian sa pamamagitan ng
awtomatikong interbensyon ng isang absolutong
kamay.
I .Analepsis- (flashback)dito
ipinapasok ang mga pangyayaring
naganap sa nakalipas.
J. Prolepsis- (flash-forward)- dito
nama’y ipinapasok ang mga
pangyayaring magaganap pa
lamang.
4. Paksa o Tema
Ito ang sentral na ideya kung saan umiikot
ang mga pangyayan sa tekstong naratibo.
Mahalagang malinang ito ng husto sa kabuoan
ng akda upang mapalutang ng may-akda
ang pinakamahalagang mensaheng nais
niyang maiparating sa kanyang mambabasa.
Dito rin mahuhugot ang mga pagpapahalaga,
mahahalagang aral, at iba pang
pagpapahalagang pangkatauhang nagagamit
sa mabuting pamumuhay at pakikisalamuha
sa kapwa.
1. May mabuting pamagat
a. Orihinal
b. Kapanapanabik
c. Makahulugan
d. Maikli
3. Mahalaga ang paksa at diwa.
4. Maayos ang pagkakasunodsunod ng mga pangyayarari.
Mula sa natutuhan sa tekstong naratibo,
sumulat ng isang maikling kwento tungkol sa
inyo sariling karanasan sa buhay.
Binubuo ito ng tatlong talata may simula, gitna
at wakas.
Sa isang talata binubuo ito ng limang
pangungusap.
Bumuo ng sariling pamagat ng inyong kwento
Gawing gabay ang rubric sa ibaba para sa iyong susulating
maikling kuwento.
Puntos
25
20
Pamantayan
Napakahusay ng
pagkakasulat, lubhang
nakaaaliw, at nakapag-iiwan
din ng mahahalagang aral
sa mambabasa.
Mahusay ang pagkakasulat,
nakaaaliw, at nagtataglay
ngmahahalagang aral para
sa mambabasa.
Puntos
Pamantayan
15
Hindi gaanong mahusay
ang pagkakasulat kaya
naman hindi naaakit ang
mambabasa at hindi
malinaw na naipabatid ang
taglay na aral.
Maraming kakulangan sa
pagkakasulat, hindi
nakaakit, at hindimalinaw
ang taglay na aral.
10
Download