Uploaded by JOSEPH HERNANDEZ

8-Anak-ng-Kuweba-Donna-Lyn-V.-Borja

advertisement
Department of Education Division of Quezon
Panuto: Basahin nang tahimik ang teksto. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong at
isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
Anak ng Kuweba
ni Donna Lyn V. Borja
Paaralang Sekundarya ng Heneral Nakar
Biniyayaan ng masaganang mga tanawin ang General Nakar. Isa na rito ang
pinagmamalaking kuweba ng mga Nakareño, ang Tulaog Cave. Ito’y sagradong lugar na
pinangangalagaan ng mga dumagat.
Pahihirapan ng maliit na bukana, mapasok lamang maganda mong hiwaga, kuwebang
katangi-tangi, aral mong marikit sa ami’y ipabatid. Pagtula ang ginagamit upang ipahayag
ang nararamdaman ng magkasintahang sina Og at
Sigan . Naglaho na lang si Og sa
hindi maipaliwanag na dahilan. “Tula ko, aking Og. Halina’t pakinggan. Tula, Og ?! Sa
matagal na paghihintay ni Sigan , humiga siya sa tabi ng dalampasigan. Hanggang sa
siya ay nahimbing. Siya ay naging isang bulumbon ng lupa. Lumitaw ang bundok na tila
babaeng nakahiga. Tumubo rin sa tabi nito ang
mahiwagang kuweba. Pinaniniwalaan
nilang ito ang matagal na niyang hinihintay, ang kanyang kasintahan. Sapagkat sumigla
ang paligid
na para bang kulay ng pag-ibig. Hanggang sa maglaon tinawag ang
kuwebang ito na “Tulaog”. Ito’y sagradong lugar na pinangalagaan ng mga dumagat.
Malinis na puso ang maaaring makapasok sa maliit na bukana ng kuweba. Gapang!
Gagawin mo
ito habang sinasalubong ka ng mga alon sa’yong
pagpasok. Ang ganda
ng loob nito ay sing-ganda parin dapat ng iyong kalooban habang ikaw ay nasa loob.
Kapag may ginalaw ka kahit maliit na bato hindi ka na makakalabas. Ang paraan ng
paglabas sa kuweba ay parang
Maraming
nahuhumaling
sanggol. “Anak ng kuweba” ang iyong ganap.
sa
paraang
ito.
Sinamahan
pa
ng
mahiwagang
karanasan. Kung ano man ang iyong gawi ay siyang babalik sayo. Mahiwaga, tsek! Bagong
karanasan, tsek! Isang magandang aral sa buhay, tsek! Oh! Di ba
saan ka pa? Tulaog Cave na!!
Baitang: G-8
Bilang ng mga Salita: 269
1
Department of Education Division of Quezon
Mga Tanong
1. Saang bayan matatagpuan ang Tulaog Cave? (Literal)
a. General Nakar, Quezon c. Real, Quezon
b. Infanta, Quezon
d. Tiaong, Quezon
2. Kanino isinunod ang pangalan ng mahiwagang kuwebang ito na “Tulaog”?
(Literal)
a. Ug
c. Og
b. Go
d. Sigan
3. Ano ang kinagigiliwang gawain noon sa pagpapahayag ng nadarama ng
mag-kasintahan? (Literal)
a. Pagsayaw
c. Pagsasagawa ng ritwal
b. Pag-awit
d. Pagtula
4. Ang salitang malinis na puso ay nangangahulugang…(Literal)
a. walang sakit sa puso
b. mabuti ang kalooban
c. masayahing bata
d. masunuring anak
5. Ano ang aral na naibigay ng nakatagong hiwaga sa pagpasok at paglabas mo sa
kuweba? (Paghihinuha)
a. Kung ano ang ginawa mo ay siya ring babalik sa iyo.
b. Sumunod sa mga ipinagbabawal na gawain.
c. Maging handa sa anumang sakuna.
d. Paghirapan mo ang mga bagay na nais mong makamtan
6. Ang anak ng kuweba ay nangangahulugang…(Paghihinuha)
a. paglabas sa makipot na bukana ng kuweba
b. pagpasok sa makipot na bukana ng kuweba
c. pag-akyat sa makipot na bukana ng kuweba
d. pagtago sa makipot na bukana ng kuweba
7. Paano mapapangalagaan ng mga kabataan ang ating mga likas-yaman?
(Paghihinuha)
a. Tutulong sa mga proyekto na barangay
2
Department of Education Division of Quezon
b. Mag-aaral ng mabuti
c. Maglilinis ng kapaligiran
d. Hindi makikialam sa anumang pangyayari sa kapaligiran
8. Ano ang nais ipakahulugan ng may-akda sa pahayag na ito “. Ang paraan ng
paglabas sa kuweba ay parang sanggol.” (Kritikal)
a. Nakatutuwa ang paglabas sa kuweba
b. Nakatatakot ang paglabas sa kuweba
c. Napakahirap ang paglabas sa kuweba
d. Nakalulungkot ang paglabas sa kuweba
9. Ang pangunahing ideya ng seleksyon ay matatagpuan sa …(Kritikal)
a. Panimula
b. Gitna
c. Wakas
d. Wala sa nabanggit
10. Ano pa ang maaaring ipalit na pamagat para sa seleksyon? (Kritikal)
a. Yaman ng Inang-kalikasan
b. Pagmamahal sa Bayan ng Heneral Nakar
c. Ipagmalaki ang Lupang Tinubuan
d. Ang Tulaog Cave ng Heneral Nakar
3
Department of Education Division of Quezon
Susi sa Pagwawasto – Anak ng Kuweba
1. A
2. C
3. D
4. B
5. A
6. A
7. A
8. C
9. A
10. D
4
Download