LESSON PLAN IN ARALING PANLIPUNAN 6 Inihanda ni: Johaina R. Bongcarawan I. LAYUNIN Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang: Naipapaliwanag ang kahalagahan ng lokasyon ng Pilipinas sa ekonomiya at politika ng Asya at mundo Naipapakita ang isang malikhain presentasyon ukol sa kahalagahan ng lokasyon ng Pilipinas sa ekonomiya at politika ng Asya at mundo Naipapakita ang pakikiisa at kasiyahan sa mga gawain. II. PAKSANG ARALIN Paksa: Kahalagahan ng Lokasyon ng Pilipinas Sanggunian: Kahalagahan ng Lokasyon ng Pilipinas. (2020). Youtube. Retrieved November 26, 2022 from https://www.youtube.com/watch?v=9lOb9r-pjZs Kagamitan: Laptop, Powerpoint presentation, Scrambled letters III. PAMAMARAAN Gawain ng Guro A. Panimulang Gawain a) Panalangin Tayo’y magsitayo upang magdasal Gawain ng Mag-aaral (Ang mga bata ay magdadasal) Bago umupo maaari bang pulutin muna ang mga kalat sa inyong paligid at ayusin ang inyong silya. (Ang mga mag-aaral ay nagpupulot ng kalat at aayusin ang kanilang silya) b) Pagbati - Magandang umaga mga bata! Magandang umaga rin po ma’am c) Pagtatala ng liban (Tatawagin ng Guro ang class monitor) may lumiban bas a araw na Wala po ma’am ito? Magaling! Bigyan ninyo ng tatlong palakpak ang inyong mga sarili. B. Panlinang na Gawain a) Balik-aral Magbalik aral muna tayo tungkol sa huli nating tinalakay, tungkol saan ang huli nating tinalakay? Ano ang dalawang uri ng Direksyon? Ang huling tinalakya natin kahapon ay tungkol sa relatibong lokasyon ng Pilipinas Ang dalawang uri direksyon ay Pangunahing Direksyon at Pangalawang Direksyon. Mahusay mga bata! Ngayon bago tayo dumako sa ating talakaya, may mga katanungan (Ang sagot ng mga bata ay maaaring magkaiba-iba) ba kayo tungkol sa Relatibong Lokasyon ng Pilipinas? b) Pagganyak Bago natin umpisahan ang ating talakayan, mayroon akong inihanda na Gawain na makakatulong sa inyo na magkaroon ng ideya sa ating paksang tatalakayin. Ayusin ang mga ginulong letra upang mabuo ang bawat salita. 1. nahagahakal 2. gn 3. syakolon 4. gn 1. kahalagahan 2. ng 3. lokasyon 5. ng 4. Pilipinas 5. lipinisap c) Paglalahad ng mga halimbawa Ano ang inyong ginawa? Inayos po namin ang mga ginulong letra upang mabuo ang bawat salita. Ano ang inyong nabuo bawat salia? d) Pagtatalakay Ang kahalagahan ng Lokasyon Napakahalaga ng lokasyon ng Pilipinas bilang isang bansa sa Timog-Silangang Asya. Narito ang mga dahilan kung bakit mahalaga ang lokasyon ng ating bansa: 1. Maaaring maging sentro ito ng pamamahagi ng iba't ibang produkto at kalakalan mula sa ibang bansa ng Timog-silangang Base po sa aking palagay,ang nabuo po ay Kahalagahan ng Lokasyon ng Pilipinas Asya at ng mundo dahil daanan ang Pilipinas ng mga sasakyangpandagat at panghimpapawid. 2. Malaki ang naging impluwensiya nito sa kulturang Pilipino na nagsimula sa mga Indian, Arabo, at Tsino. Dulot ito ng pagtungo sa Pilipinas ng mga Austronesyanong nagmula sa Timog Tsina. 3. Napansin mo ba ang impluwensiya ng Europa at Amerika sa kultura natin? Naging tagpuan nila ang ating bansa. Bunga nito, nagkaroon ng impluwensiyang Silanganin at Kanluranin mula sa mga bansa sa Europa at Amerika ang ating Katutubong kultura. 4. Ang magandang estratehikong lokasyon ng Pilipinas ang isang dahilan kung kaya't naging sentro ito ng komunikasyon, transportasyon, at gawaing pangkabuhayan sa Timogsilangang Asya. 5. Angkop ang lokasyon nito para sa pangkaligtasang base laban sa pagsalakay ng mga bansa sa silangan. Ginamit ng mga Amerikano ang base militar sa Pilipinas tulad ng Clark Air Base at Subic Naval Base noong digmaan sa Vietnam. Tinipon ang mga sundalo at armas militar dito bago ipadala sa Vietnam. Ginawa rin nilang lungga ito ng sundalong Amerikano noon. 6. Tinalakay ba ninyo noong isang taon sa Araling Panlipunan ang Opo ma’am tungkol sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig ng mga Amerikano at Hapones? May kaugnayan ang lokasyon ng ating bansa sa digmaang ito. Sinakop ng mga Hapones ang Pilipinas noon dahil sa alitan nila ng mga Amerikano at dahil na rin sa estratehikong lokasyon ng ating bansa at mga hilaw na materyal ng ating bansa na magagamit nila sa kanilang pakikidigma sa ibang bansa. e) Paglalapat o Hahatiin ng guro sa dalawang grupo ang buong klase, at bibigyan ng gawain kada grupo. o Ang dalawang grupo ay gumuhit ng graphic organizer gaya ng makikita sa pisara. Isulat sa bawat kahon ang mga kahalagahan ng lokasyon ng Pilipinas sa ekonomiya at politika ng Asya at mundo. o Isulat ang sagot sa binigay kong manila paper at ipresenta ito sa harap. Nauunawaan ba mga bata? Opo ma’am 1. Maaaring maging sentro ito ng pamamahagi ng iba't ibang produkto at kalakaln mula sa ibang bansa ng TimogSilangang Asya at ng mundo dahil daanan ang Pilipinas ng sasakyang KAHALAGAHAN NG LOKASYON NG PILIPINAS SA ASYA AT SA MUNDO dagat at panghimpapawid ng iba't ibang bansa. 2. Malaki ang naging impluwensya nito sa kulturang Pilipino na nagmula sa sa mga Indian, Arabo, at Tsino. Dulot ito ng pagtungo sa Pilipinas ng mga Austronesyanong nagmula sa Timog Tsina. 3. Nagkaroon ng impluwensyang silanganin at kanluranin mula sa mga bansa sa Europa at Amerika ang ating katutubong kultura. 4. Naging sentro ito ng komunikasyon, transportasyon at gawaing pangkabuhayan sa Timog Silangang Asya 5. Angkop ang lokasyon nio para pangkaligtasang base laban sa pagsalakay ng mga bansa sa Silangan. Naging base militar ito ng Amerikano f) Paglalahat Sagutin ninyo ng isa-isa ang mga tanong na aking ididkta i. Bilang isang kabataan ng ating basa, paano mo pahahalagahan ang lokasyon ng ating bansa? ii. Nararapat bang kahit bat aka pa lamang ay matuto kang magpahalaga sa kayamanan ng ating bansa? IV. PAGTATAYA Isulat ang S kung sang-ayon ka sa ipinapahayag ng pangungusap at DS kung disang-ayon. Isulat sa iyong kwaderno ang iyong sagot. ________1. Ipagpasalamat natin ang pagkakaroon ng magandang lokasyon. 1. S ________2. Mabuti ang lokasyon ng Pilipinas kaya’t sentro ito ng kalakalan at kulturasa Asya. 2. DS ________3. Tungkulin ng mamamayan na alamin ang eksaktong lokasyon ngPilipinas. 3. S ________4. Ang Turtle Islands at Mangsee Islands ay pinamamahalaan ng Pilipinas 4. DS dahil malapit ito sa bansa. ________5. Palawakin ang kaalaman tungkol sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagbabasa ng aklat at magasin V. Takdang Aralin Panuto: magtala ng 5 (limang) Kahalagahan ng lokasyon ng ating bansa sa inyong kwaderno. 1. 2. 3. 4. 5. 5. S