DepEd TV - SCRIPT Subject/Grade Level: ARALING PANLIPUNAN 1 Quarter: 3 Week: 1 Module: 1 Episode 1 (Unang Bahagi) MELC: Nasasabi ang mga batayang impormasyon tungkol sa sariling paaralan: pangalan nito (at bakit ipinangalan ang paaralan sa taong ito), lokasyon, mga bahagi nito, taon ng pagkakatatag at ilang taon na ito, at mga pangalan ng gusali o silid (at bakit ipinangalan sa mga taong ito) Teacher-Broadcaster: Danilyn B. Espinola & Venus M. Garcia Executive Producer: Jhanice Gayl Casallo- Damaso ` VIDEO / GRAPHICS DEPED OBB I. AUDIO / SCRIPT GUIDE DEPED OBB Introduction GFX ng batang Pilipino (lalaki at babae wearing straw hat) SPIEL 1 Masayang araw sa iyo batang Pilipino ! Ako si Teacher Dada! Ang magDADAla sa iyo sa mundo ng Araling Panlipunan at sasamahan ka upang maging isang mabuting mamamayan. Kaya ihanda na ang iyong lapis at papel at tayo ay magsisimula na sa ating aralin! II. Theme Song / ARPAN OBB ArPan Theme song/ MTV of Teacher Dada ARPAN SONG Sarili ay kilalanin Pamilya ay mahalin Paaralan ay alamin Komunidad ay aralin Sa Araling Panlipunan Tuklasin kaalaman Sa ating kapaligiran Tiyak na may matututuhan Ako si Teacher Dada Ika’y sasamahan Maging mabuting mamamayan At magDADAla sa iyo… Sa makulay na mundo ng ARPAN! TITLE CARD TITLE CARD ARPAN Ang Aking Paaralan (Unang Bahagi) III. BALIK ARAL SPIEL 2 Natatandaan mo pa ba ang mga pinag-aralan natin noong nakaraang markahan? Hmmm (thinking pose) Magbalik-aral nga tayo ! Noong mga nakaraang aralin ay napag-usapan natin ang mga impormasyon tungkol sa iyong sarili napag-usapan din natin ang kuwento ng iyong pamilya. Magkakaiba man ang uri ng pamilya, mahalaga pa rin na mahalin natin sila sapagkat sila ang binigay ng poong maykapal upang ating makasama at magprotekta sa atin. Ngayon bago na naman ang ating aalamin at tutuklasin dito sa ARPAN IV. PRELIMINARY ACTIVITY / MOTIVATION SPIEL 5 sfx: School bell (school bell) Naririnig mo ba iyon? Ibig sabihin magsisimula na ang ating klase! Halika at tayo ay mag-aaral na! sfx: Warning sound (warning sound) (Napatigil si Teacher Dada, nagtataka) SPIEL 6 (Scene for teacher V) Teacher V: Hello saiyo Teacher Dada at sa iyo rin batang Arpan! Kinalulungkot ko na hindi kayo makapapasok sa ating aralin hangga’t hindi ninyo nalalagpasan ang aking pagsubok. Kinakailangan muna masagutan ng bata ang ibibigay kong katanungan. Kaya bata, handa ka na ba? SPIEL 7: Gfx image: (Ipakikita ang 4 na picture) 4 images : iba’t ibang klase ng paaralan Teacher V: Ito ay tinatawag na 4 pics 1 word. Bibigyan ko kayo ng sampung segundo upang masagutan ito. (10 seconds timer) (10 seconds) Pop up text: PAARALAN Ang tamang sagot ay PAARALAN Tama ba ang iyong sagot? Kung opo, mahusay! Pop up image: key Narito na ang susi upang ikaw ay makapasok sa ating aralin. SPIEL Sfx: Yehey Teacher Dada: Mahusay mga bata, nalagpasan ninyo ang pagsubok ni Teacher V. . Pop up text: PAARALAN Ang tamang sagot sa kanyang pagsubok ay PAARALAN. May alam ka ba tungkol sa paaralan? Huwag kang mag-alala dahil pag-aaralan natin sa episode na ito ang mga impormasyon tungkol sa sariling paaralan. V. DISCUSSION SPIEL 6 GFX: Different images of school Nakapasok ka na ba sa paaralan? Ano ba ang hitsura nito? Ano kaya ang makikita dito? Anong klaseng lugar kaya ito? At higit sa lahat para saan ba ang lugar na ito? Alamin natin iyan sa kuwentong pag-uusapan natin ngayon. Dito sa ARPAN KWENTUHAN! ARPAN KWENTUHAN MTV (Enter ang Arpan Kwentuhan MTV) Bago yan. . Ano na nga ulit ang mga dapat tandaan sa pakikinig ng kwento? Umupo ng maayos Ang mata ay dito lamang ang tingin sa screen At ang tenga ay makikinig lamang sa nagkukwento. VO Pop up text: Kayamanang di Mananakaw Ni: Bb. Venus M. Garcia Kayamanang di Mananakaw Ni: Bb. Venus M. Garcia Pop up images: alahas, malaking bahay, magandang kotse at mga pera at batang babae. Makikinang na alahas, malaking bahay, maraming kotse, magarbong mga damit at makapal na pera. Yan ang pangarap na makuha ng batang si Mikay. Isang batang babae na nakatira sa isang tagpi-tagping bahay na malapit sa riles ng tren. Tapos dadaan yung tren pag sinabi ang wrd na “tren”. Si Mikay ay isang bata na nakatira sa isang tagpi-tagping bahay na nakatayo malapit sa riles ng tren sa Barangay Uno Cabuyao City, Laguna. Pop up ng isang tatay sa tabi ng bata at isang nanay sa tabi ng nagpp na tatay. Siya ang nag-iisang anak ng mag-asawang Miko at Karla. Si Miko ay isang dyanitor sa Cabuyao Central School. Habang ang ina naman nito ay nakikipaglabada. Ipakita na nag-aaral o nagbabasa ang batang babae. Ipakita na tumutulong ang batang babae sa paglalabada ng nanay niya. Tuwing Lunes hanggang Biyernes ay nag-aaral ng mabuti ang batang si Mikay, at tuwing Sabado at Lingo naman ay tumutulong siya sa kanyang ina sa pakikipaglabada. Nag-uusap ang mag-ina. Isang araw ng Sabado, habang naglalaba ang mag-inang Karla at Mikay ay biglang nagtanong ang bata na “Ina, maari po bang tumigil na ako sa pag-aaral? Tutulungan ko nalang po kayo sa paglalaba. Maglalaba po ako ng maraming marami para makaipon ako at magkaroon ng maraming kayamanan.” “Hindi anak. huwag kang titigil sa pag-aaral. Kaya nga kami nagtatrabaho ng maigi ng iyong ama ay upang mabigyan ka ng magandang kinabukasan. at upang hindi ka matulad sa amin ng tatay mo na kinakailangang tumigil sa pagaaral dahil sa hirap ng buhay” Sagot ng ina niyang si Karla. Nalungkot si Mikay sa narinig. “Pero inay, hindi naman po ako magaling magaling magbasa katulad ng kaklasi kong si Lala at magbilang kagaya ni Kiko. Kaya ayaw ko na pong mag-aral.” “Naku. Ganoon ba? Huwag kang mag-alala, mamayang pag-uwi ay tuturuan kitang magbasa at magbilang. ” Sagot naman ni Karla. “maraming salamat po inay!” masayang tugon ng batang si Mikay. Ilang sandal pa ay natapos na sa paglalaba ang mag-ina at umuwi na upang sabay sabay maghapunan. Settings: hapag-kainan. Kumakain ang pamilya. Habang kumakain ay biglang nagsalita si Miko. Gawin pong nag-uusap ang pamilya. “Kanina ay pinuntahan ako ng kaibigan kong si Kardo para ibalita na nanakawan ng maraming alahas at pera ang may ari ng magandang bahay sa Barangay Dos. Nakaka-awa naman.” “Itay, nakakatakot naman po iyon. Parang ayaw ko na pong yumaman baka nakawin. Huwag nap o kaya akong mag-aral?” sagot ni Mikay. “Anak, huwag mong sabihin iyan. Mahalaga na mag-aral kang mabuti sa paaralan dahil ditto mo makukuha ang kayamanang hindi mananakaw ninuman. Ito ay ang kayamanan ng kaalaman, magin ang kakayahang magbasa, magsulat, magbilang at ang pahakakaroon ng hubog na kagandahang asal. Upang sa paglaki mo ay hindi ka malamangan o maligaw at makamit mo rin ang iyong mga pangarap. ” mahabang paliwanag g amang si Miko. “Pahalagahan mo ang pag-aaral anak. Dahil liban doon ay wala na kaming maipapamanang kayamanan sa iyo.” Sabi ngaman ni Karla. “Opo Inay, Itay. Gagawin kop o ang sinabi ninyo. Simula ngayon ay mas pagbubutihan ko na po ang pag-aaral” Ipakita po na naging teacher na yung bata. Pop up text: Ganoon nga ang ginawa ng batang si Mikay. Tinandaan din niya ang payo ng anyang mga magulang kaya naman ang mga paying iyon din ang patuloy na itinuturo niya sa kanyang mga estudyante dahil isa ng magaling na guro ang dating batang si Mikay. VO 1. Sinu-sino ang mga tauhan sa kwento? 1. Sinu-sino ang mga tauhan sa kwento? Ang mga tauhan sa kwento ay sina Mikay, Miko at Karla. Tama! Ang mga tauhan sa kwento ay sina Mikay, Miko at Karla. 2. Saan Nakatira si Mikay? Sila ay nakatira sa Barangay Uno Cabuyao City, Laguna. 2. Saan Nakatira si Mikay? Sila ay nakatira sa Barangay Uno Cabuyao City, Laguna. 3. Ano ang trabaho ng tatay ni Mikay? 3. Ano ang trabaho ng tatay ni Mikay? Ang trabaho ni Miko ay dyanitor sa Cabuyao Central School. Ang trabaho ni Miko ay dyanitor sa Cabuyao Central School. 4. Bakit ayaw ng mag-aral ng batang si Mikay? Dahil hirap siyang magbasa at magbilang. 4. Bakit ayaw ng mag-aral ng batang si Mikay? Dahil hirap siyang magbasa at magbilang. 5. Sa iyong palagay, mahalaga ba ang pag-aaral? Bakit? 5. Sa iyong palagay, mahalaga ba ang pag-aaral? Bakit? Opo, Dahil ang pag-aaral ay ang susi upang maabot mo ang iyong mga pagarap. Opo, Dahil ang pag-aaral ay ang susi upang maabot mo ang iyong mga pagarap. Discussion Sa ating kuwento ay ipinakita ang kahalagahan ng paaralan. GFX: HOUSE THEN ARROW GOING TO SCHOOL Pop up text: Pagbasa Pagsulat Pagbilang Kagandahang asal Ang paaralan ay hindi lamang lugar upang turuan ang mga bata, dahil ito rin ay tinatawag na pangalawang tahanan mo at ang iyong guro ay iyong pangalawang magulang . Bakit kaya? Sapagkat sa paaralan, tinuturuan ka ng mga kaalaman na magagamit mo sa iyong pang arawaraw na gawain. Dito nahuhubog ang iyong kaalaman sa pagbasa, pagsulat, pagbilang at gayundin nang mabuting asal upang lumaki kang maging mabuting mamamayang Pilipino. Ang paaralan ay napakahalaga sa ating komunidad. Dahil dito natututo ang bawat magaaral ng mga mahahalagang aral na kailangan nilang isabuhay. Dahil dito, mas napauunlad ang edukasyon ng isang bansa na kung saan ay sa edukasyon umuunlad ang isang bansa. VI. ACTIVITY 1 (LOTS) (Ringing) Sfx: (warning effects) Naku, naririnig mo ba iyon? Mukhang may pagsubok ka muli. Aalamin ni teacher V kung ikaw ay may natutuhan. Alam kong kaya mo yan! Teacher V: Alam kong marami kayong natutuhan ngayon at alam ko rin na kaya mong masagutan ito. Handa ka na ba? Pop up Text: TAMA o MALI 1. Ang paaralan ay itunuturing pangalawang tahanan. TAMA o MALI (with 3 seconds timer) 2. Ang paaralan ay tumutulong sa paghubog sa mga batang mag-aaral TAMA o MALI (with 3 seconds timer) 3. Sa paaralan nagtatrabaho ang mga doctor at nars. TAMA o MALI (with 3 seconds timer) 4. Sa paaralan nakikilala ng mga bata ang kanilang mga guro at kamag-aral. TAMA o MALI (with 3 seconds timer) 5. Ang paaralan ay lugar kung saan tinuturuan ang mga estudyante upang magkaroon ng kaalama Madali lamang ito sapagkat ang gagawin mo lamang ay isusulat mo ang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng wasto at MALI naman kung hindi. VO UNANG TANONG 1. ANG PAARALAN AY ITUNUTURING PANGALAWANG TAHANAN. ITO BA AY TAMA O MALI? IKALAWAN, 2. ANG PAARALAN AY TUMUTULONG SA PAGHUBOG SA MGA BATANG MAGAARAL. TAMA O MALI? IKATLO, 3. SA PAARALAN NAGTATRABAHO ANG MGA DOCTOR AT NARS. ITO BA AY TAMA O MALI? IKAAPAT, 4. SA PAARALAN NAKIKILALA NG MGA BATA ANG KANILANG MGA GURO AT KAMAG-ARAL. TAMA O MALI? IKALIMA AT HULING TANONG, 5. ANG PAARALAN AY LUGAR KUNG SAAN TINUTURUAN ANG MGA ESTUDYANTE UPANG MAGKAROON NG KAALAMA ITO BA AY TAMA O MALI? NARITO ANG MGA TAMANG SAGOT SA ATING UNANG GAWAIN. 1. ANG PAARALAN AY ITUNUTURING PANGALAWANG TAHANAN. 1. ANG PAARALAN AY ITUNUTURING PANGALAWANG TAHANAN. POP UP: TAMA 2. ANG PAARALAN AY TUMUTULONG SA ANG TAMANG SAGOT AY TAMA. ANG PAARALAN AY ITINUTURING PANGALAWANG TAHANAN. 2. ANG PAARALAN AY TUMUTULONG SA PAGHUBOG SA MGA BATANG MAGAARAL. PAGHUBOG SA MGA BATANG MAG-AARAL. POP UP: TAMA ANG TAMANG SAGOT AY TAMA. ANG PAARALAN AY DAPAT LAMANG NA MAIHUBOG NG WASTO NG MAY MAGANDANG ASAL ANG BAWAT MAG-AARAL TULAD MO. 3. SA PAARALAN NAGTATRABAHO ANG MGA DOCTOR AT NARS. 3. SA PAARALAN NAGTATRABAHO ANG MGA DOCTOR AT NARS. POP UP: MALI ANG TAMANG SAGOT AY MALI. SAPAGKAT ANG MGA NARS AT DOCTOR AY NAGTATRABAHO SA HOSPITAL AT HINDI SA PAARALAN. NGUNIT MAY IBANG PAARALAN DIN NA MAYROONG NARS AT DOCTOR SA ATING PAARALAN O KAYA NAMAN BUMIBISITA SILA SA PAARALAN. 4. SA PAARALAN NAKIKILALA NG MGA BATA ANG KANILANG MGA GURO AT KAMAG-ARAL. 4. SA PAARALAN NAKIKILALA NG MGA BATA ANG KANILANG MGA GURO AT KAMAGARAL. ANG TAMANG SAGOT AY TAMA. KADALASAN SA MGA BATANG TULAD MO AY NAKAHAHANAP NG KAIBIGAN SA PAARALAN. 5. ANG PAARALAN AY LUGAR KUNG SAAN TINUTURUAN ANG MGA ESTUDYANTE UPANG MAGKAROON NG KAALAMAN. POP UP: TAMA 5. ANG PAARALAN AY LUGAR KUNG SAAN TINUTURUAN ANG MGA ESTUDYANTE UPANG MAGKAROON NG KAALAMAN. Ang tamang sagot ay TAMA , ang paaralan ay lugar para sa kaalaman. Lahat ba ng iyong sagot ay tama? Kung opo! Ikaw ay ARPANALO! POP UP: TAMA Oooppppsss pero mga bata, hindi pa tayo tapos dahil may isa pang pagsubok si Teacher V para sainyo. (toink sound) VII. ACTIVITY 2 (HOTS) Teacher V : Handa na ba kayong muli ? VO 1. BAKIT MAHALAGA SA ISANG BATA ANG PUMASOK SA PAARALAN ? A. PARA MAY IBA PANG LUGAR NA MAPUPUNTAHAN. B. PARA MATUTONG BUMASA, SUMULAT AT BUMILANG. C. PARA MAGKAROON LAGI NG PAGKAIN AT JUICE. 2. ANO ANG MANGYAYARI KUNG WALA TAYONG PAARALAN? A. HINDI MAGKAKAROON NG KAIBIGAN ANG ISANG BATA. B. MAHIHIRAPAN MATUTO AT MAKAPAG-ARAL ANG MGA BATA. C. HINDI MAKAKAKAIN ANG MGA BATA. Una,1. Bakit mahalaga sa isang bata ang pumasok sa paaralan ? A. Para may iba pang lugar na mapupuntahan B. Para matutong bumasa, sumulat at bumilang C. Para magkaroon lagi ng pagkain at juice Ikalawa, 2. Ano ang mangyayari kung WALA tayong paaralan? A. Hindi magkakaroon ng kaibigan ang isang bata. B. Mahihirapan matuto at makapag-aral ang mga bata C. Hindi makakakain ang mga bata Ikatlo, 3. Paano nakatutulong ang paaralan sa komunidad ? 3. PAANO NAKATUTULONG ANG PAARALAN SA KOMUNIDAD ? A.NAPAUUNLAD ANG EDUKASYON NG BANSA. B.NAKAPAGPAPAUNLAD NG PROYEKTO NG BANSA. C. NAKAPAGPAPAUNLAD NG TURISMO NG BANSA. A. Napauunlad ang edukasyon ng bansa B. Nakapagpapaunlad ng proyekto ng bansa C. Nakapagpapaunlad ng turista ng bansa. NGAYON, TINGNAN NAMAN NATIN KUNG TAMA ANG IYONG SAGOT ! 1. BAKIT MAHALAGA SA ISANG BATA ANG PUMASOK SA PAARALAN ? B. PARA MATUTONG BUMASA, SUMULAT AT BUMILANG. UNA, BAKIT MAHALAGA ANG PAARALAN ? 2. ANO ANG MANGYAYARI KUNG WALA TAYONG PAARALAN? IKALAWA, ANO ANG MANGYAYARI KUNG WALA TAYONG PAARALAN ? B. MAHIHIRAPAN MATUTO AT MAKAPAG-ARAL ANG MGA BATA. ANG TAMANG SAGOT AY LETRANG B, MAHIHIRAPAN MATUTO AT MAKAPAG-ARAL ANG MGA BATA. ANG TAMANG SAGOT AY LETRANG B, MAHALAGA ANG PAARALAN SAPAGKAT DITO NATIN NATUTUHAN ANG KAALAMAN NATIN SA PAGBASA, PAGSULAT AT PAGBILANG. 3. PAANO NAKATUTULONG ANG PAARALAN SA KOMUNIDAD? IKATLONG BILANG, PAANO MAKATUTULONG ANG PAARALAN SA ATING KOMUNIDAD ? A. NAPAUUNLAD ANG EDUKASYON NG BANSA. ANG TAMANG SAGOT AY LETRANG A, NAKATUTULONG ITO SA PAG-UNLAD EDUKASYON NG ATING BANSA, AT HIGIT SA LAHAT MAGKAKAROON TAYO NG PAGKAKAINITINDIHAN AT UNAWAAN SA BAWAT ISA. Pop up image: star Lahat ba ng iyong sagot ay tama ? Kung opo ! Ikaw ay Arpanalo ! At dahil dyan ikaw ay mayroong bituin! Teacher Dada : Mahusay ! Nalagpasan mo ang pagsubok na binigay saiyo ni teacher V ! Ikaw ay ARPANALO! Ngayon ay mayroon na tayong Bituin, at magagamit natin ito upang tayo ay makapasok sa susunod natin Aralin. Maraming Salamat din Teacher V, sa pagsubok na ibinigay mo upang malaman natin kung sila nga ay may natutuhan. Kaya binabati ko muli ang batang Arpanalo tulad mo na nanonood na humarap sa hamon ni Teacher V! VIII. SUMMARY/ VALUING Ating natutuhan ngayong araw ang patungkol sa Paaralan, at ano nga ba ang kahalagahan nito para iyo bilang mag-aaral. Pop up image: light bulb Tandaan mga bata ang paaralan ay pangalawang tahanan natin na dapat ingatan at pahalagahan sapagkat ito ang naghuhubog ng ating kaalaman at kagandahang asal na magagamit natin upang maging mabuting mamamayang Pilipino. IX. KARAGDAGANG GAWAIN Para naman sa iyong karagdagang gawain. #ArPanPaaralan Arpan1depedtv@gmial.com Iguhit mo ang iyong paaralan, at kuhanan mo ito ng larawan. At upang ito ay aming makita, maaari mong Ibahagi ang iyong gawa sa facebook gamit ang #ArPanPaaralan o kaya naman ipadala sa arpan1depedtv@gmail.com Abangan ko yan ha. Logo: DepEd TV Facebook DepEd TV Youtube Channel X. Pano mga bata magpapaalam muna tayo ha. . Pero huwag mag-alala dahil maaari ninyo pa rin balik-balikan ang mga aralin sa Araling Panlipunan sa ating DepedTv official facebook page at sa DepEd Tv official Youtube channel, huwag din kakalimutan mag subscribe! EXTRO Muli ako si teacher Dada, ang iyong gurong gabay, na nagsasabing “paaralan ay pahalagahan, upang umunlad ang iyong kakayahan” Paalam! END OF EPISODE DEPED CBB