Uploaded by victoriarinoza

PANALANGIN SA MGA MAY SAKIT 2024

advertisement
𝐏�𝐀�𝐍�𝐀�𝐋�𝐀�𝐍�𝐆�𝐈�𝐍� 𝐏�𝐀�𝐑�𝐀� 𝐒�𝐀� 𝐌�𝐆�𝐀� 𝐌�𝐀�𝐘�𝐒�𝐀�𝐊�𝐈�𝐓�
O Mapagkalingang Birhen ng Lourdes, kaming mga dumaranas ng mga karamdaman ay
dumudulog sa iyo, sapagkat ikaw ang taga-aliw ng mga nagdadalamhati at kalusugan ng mga
maysakit. Lubos kaming nagtitiwala sa iyo dahil sa marami’t mahimalang pagpapagaling na
ginawa mo sa Lourdes at sa buong mundo. Taglay ang maalab na pananampalataya at
pamimintuho, kami’y buong kababaang-loob na sumasamo sa ‘yo para sa aming mga kapatid
na may karamdaman:
Yamang tunay na marami ang gumaling, dahil sa pamimintuho sa iyo, mangyaring gumawa ka
ng isa pa, at iligtas itong mahal namin sa buhay. Ilayo mo sila sa panganib at ibangon sa banig
ng karamdaman upang sila’y makabalik sa paglilingkod sa iyong Anak na nabubuhay at
naghahari magpakailanman. Amen!
Mahal na Birhen ng Lourdes, ipanalangin mo kami!
Maria, Taga-aliw ng Nagdadalamhati, ipanalangin mo kami!
Maria, Kalusugan ng mga Maysakit, ipanalangin mo kami!
Download