Uploaded by victoriarinoza

PANALANGIN SA MAHAL NA STA. CRUZ

advertisement
PANALANGIN SA MAHAL NA STA. CRUZ
O Panginoong Hesu-Kristo, sa pamamagitan ng Iyong kamatayan sa krus dinulot Mo ang aming
kaligtasan. Ang Krus na sagisag ng kaparusahan at kamatayan ay naging tanda ng kaligtasan
at buhay. Ang Krus na gamit ng tao sa paghusga at pagparusa ay naging instrumento ng Diyos
upang yakapin ang taong nagkasala.
Ang Krus na nagtutuldok ng buhay ay siyang nagdulot ng buhay na walang hanggan. O Mahal
na Sta. Cruz, niyayakap ka naming sa oras ng aming mga kahinaan at kasalanan, pagkalooban
mo kami ng biyayang kinakailangan upang ito’y aming mapaglabanan. Niyayakap ka namin sa
oras ng pagdurusa at pagsubok sa buhay.
Pagkalooban mo kami ng lakas at Liwanag upang ito’y aming mapagtagumpayan. Niyayakap ka
namin sa gitna ng mga sakit at karamdaman, pagkalooban mo kami ng ganap na kagalingan.
Niyayakap ka namin sa oras ng kalamidad at hagupit ng kalikasan. Pagkalooban mo kami ng
kapanatagan sapagkat batid naming hindi mo kami pababayaan. O Mahal na Sta. Cruz, sa mga
oras na ito, kami’y dumudulog at humihingi ng biyaya, (sa katahimikan ay banggitin ang sariling
kahilingan) at sa pagtanggap namin sa mga biyayang hinihiling, aming pinapupurihan si HesuKristong Panginoon namin.
O Mahal na Sta. Cruz, kaisa ng Mahal na Inang si Maria, kami’y magbabantay sa iyong paanan
taglay ang luha ng pagbabalik-loob at ang galak ng pagpupuri at pasasalamat sa Panginoong
aming Manunubos. Amen!
Download