Uploaded by paragasshairanicole6

FV Q3 AP3 Module

advertisement
ARALING PANLIPUNAN 3
Ikatlong Markahan
Araling Panlipunan 3
Supplementary Learning Material
Ikatlong Markahan
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o
ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot.
BUMUO SA PAGSUSULAT NG MODYUL: Eric John D. Lao, Angelita Poquiz. Frank
Guardians, Theodosia Martel, Mary Ann DR. Carińola Jovy A. Swing,
TAGAPAMAHALA NG MODYUL: Romela M. Cruz, CESO VI, Aurelio G. Alfonso, CESE,
Alyn G. Mendoza, Emma G. Arrubio, Ceasar A. Nachor, Ruby E. Baniqued, Dorothy
Grace I. Reyes at Calixto N. Camangeg
Mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Gamitin ang modyul sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Ang mga gawain sa modyul na ito ay maaaring sagutan nang mag-isa o sa
tulong ng mga guro, magulang, tagapangalaga, nakatatandang kapatid at
iba pang may kakayahan na magturo.
4. Tapusin ang modyul ayon sa nakatakdang Linggo.
5. Pakibalik ang modyul na ito sa tagapagdaloy kung tapos ng sagutan ang
lahat ng pagsasanay.
KUWARTER 3
ARALIN 1: Ating Pagkakakilanlang Kultural ng
Rehiyon
MELCs Code: AP3KLR- IIla-1
Pangalan:_____________________________ Petsa:_______ Iskor:______
Layunin: a.Nailalarawan ang kultura ng mga lalawigan sa
kinabibilangang rehiyon
b. Naipaliliwanag ang kahulugan ng kultura
c. Naibibigay ang pagkakaiba ng materyal at dimateryal na kultura
Konsepto:
Ang bawat lugar ay may nakagawiang mga gawain na
nagpapasalin-salin mula pa sa mga ninuno hanggang sa
kasalukuyan. Ito ang pamamaraan na ginagawa ng mga tao
upang sagutin ang kanilang suliranin o tugunan ang kanilang
pangangailangan. Nakikita ito sa araw-araw nilang
pamumuhay. Sa kanilang mga tradisyon at paniniwala, sa
kanilang mga pagdiriwang na panlalawigan, sa mga
kagamitan, sa mga kasabihan at pananaw, at sa kanilang
mga awit at iba pang sining.
Kasama sa kanilang kultura ang kabuoan ng lahat ng ito
na naging paraan o sistema ng kanilang pamumuhay.
3
Ano ang Kultura?
Kultura -ito ay tumutukoy sa kabuuang paraan ng
pamumuhay ng mga tao bilang kasapi ng isang lipunan o
komunidad. Ito ay may dalawang uri, ang material na
kultura at di-materyal na kultura.
Dalawang Uri ng Kultura
Kulturang Materyal
Kulturang Di-Materyal
✓ kasangkapan
✓ kasuotan
✓ pagkain
✓ tahanan
✓ edukasyon
✓ pamahalaan
✓ pamahiin
✓ paniniwala
✓ relihiyon at
pananampalataya
✓ kaugalian
✓ sining at agham
✓ wika
Kung susuriin ang mga materyal na kultura ay mga
bagay na ating nahahawakan at nakikita. Samantalang
ang di-materyal na kultura naman ay mga bagay na hindi
nahahawakan at hindi rin nakikita.
Kulturang Materyal
Kasangkapan
Bago pa man dumating ang mga dayuhang
Espanyol sa Pilipinas, may iba’t ibang uri ng kagamitang
gawa ang ating mga ninuno para sa pang-araw-araw
nilang pamumuhay. Natuklasan ito sa mga yungib na
ginawa nilang panirahan at sa loob ng mga banga.
4
Inukit, hinasa, pinakinis, at nililok nila ang mga
kasangkapan ayon sa kagamitang nais nilang mabuo.
Ito ay isang katangian ng pagiging malikhain.Sa
kasalukuyan, nakikita ang ating kultura sa mga disenyo
ng ating kasangkapan iba’t iba man ang uri ng
materyal nito.
Kasuotan
Katangi-tangi rin ang pananamit ng ating mga
ninuno noon. Nagkakaiba-iba sila ayon sa kanilang
pinagmulan at pag-aangkop sa klima ng kapaligiran.
Para sa mga kalalakihan
Kangan -pang-itaas na damit na walang kuwelyo at
manggas
Bahag -kapirasong tela na ginagamit pang-ibaba
Putong -kapirasong tela na iniikot sa ulo
Para sa mga kababaihan
Baro- pang-itaas na may mahabang manggas
Saya-kapirasong tela o tapis na iniikot sa baywang.
Patadyong - ang tawag ng mga Bisaya rito.
Pagkain
Dahil hindi pa marunong magtanim ang mga
ninunong Pilipino noong unang yugto ng prehistorikong
panahon nanggagaling lamang sa dagat, ilog, at mga
punongkahoy sa kagubatan ang kanilang pagkain. Sa
pakikipag-ugnayan sa ibang pangkat ng tao sa
lalawigan ay natuto silang magsaka kung kaya’t
naidagdag sa kanilang pagkain ang kanin at mga
lamang ugat. Niluluto nila ang kanilang pagkain sa
palayok o sa bumbong ng kawayan. Nakakamay sila
kung kumain sa dahon o sa bao ng niyog. Umiinom sila
sa pinakinis na bao o biyas ng kawayan.
5
Tahanan
Walang naging tiyak na tirahan ang ating mga
ninuno kaya sila ay tinawag na nomadiko. Kung saan
may pagkain silang makukuha doon sila namamalagi ng
pansamantala. Batay sa mga pagsasaliksik ng mga magaaral o dalubhasa sa pinagmulan ng tao, nanirahan
muna sila sa loob ng kuweba. Sa paglipas ng panahon,
natuto silang gumawa ng isang palapag na bahay na
yari sa pawid, kahoy, kawayan, sawali, at kugon. Ang
sahig ay yari sa kawayan at nakaangat sa lupa. Ang
silong ng bahay ay imbakan ng mga panggatong,
kagamitan sa pagsasaka, at kulungan ng mga alagang
hayop. Ang batalan naman ang bahagi ng bahay na
pinaglalagyan ng tapayan ng tubig.
Kulturang di-Materyal
Edukasyon
Natutong sumulat at bumasa ang ating mga ninuno
bunga ng kanilang karanasan at pagmamasid sa
kalikasan. Sa tahanan, ang mga babae ay tinuturuan ng
mga ina ng gawaing pantahanan tulad ng pagluluto,
paglalaba, at pag-aalaga ng bata. Ang mga lalaki
naman ay tinuturuan ng kanilang ama sa mga gawaing
kailangan sa pang- araw-araw na pamumuhay tulad ng
pangangaso at pangingisda. Ang kalalakihan at
kababaihan ay nagtutulungan sa pagbubungkal ng lupa,
pagtatanim, at pag-aani sa mga lupang sakahan.
Kaugalian
Maraming kaugalian ang ating mga ninuno.
Halimbawa, bago mag-asawa ang lalaki ay naninilbihan
sa pamilya ng babaeng ibig niyang pakasalan. Siya ay
umiigib ng tubig, nagsisibak ng kahoy, at tumutulong sa
pagbubungkal ng lupa.
6
Pamahalaan
Noon pa man ay may kaalaman na sa
pamamahala ang ating mga ninuno. Balangay ang
tawag sa kanilang pamayanan. Binubuo ito ng
tatlumpu hanggang isangdaang pamilya. Datu ang
tawag sa pinuno na tinutulungan ng pangkat ng mga
matatanda na tinatawag na Maginoo. Sila ang
nagbibigay payo sa datu. Ang datu ang
nagpapatupad ng mga itinakdang batas.
Bagama’t ang sistema ng pamamahala sa
kasalukuyan ay sumusunod sa batas na itinakda ng
ating bansa, may ilang bahagi ng kultura ng ating mga
ninuno ang umiiral pa rin. Halimbawa, ang mga tao ay
naghahain ng reklamo at nilulutas ang hindi
pagkakaunawaan sa kanilang Barangay Hall. Ang
kapitan ang siyang namamagitan sa dalawang panig.
Pamahiin
Karamihan sa atin ay naniniwala sa mga pamahiin
superstitious beliefs. Halos lahat ng mga okasyon sa
ating buhay ay may mga pamahiin na pinaniniwalaan
ng mga nakatatanda. May mga taong nagsasabing
wala naman tayong napapala sa pagsunod nito sa
kadahilanang ito ay hindi nakabatay sa katuwiran o
kaalaman tulad ng baligtarin ang kasuotan kapag
naliligaw sa kagubatan dahil maaari raw pinaglalaruan
ng mga engkanto, iwasan ang pagputol sa mga
punong pinaniniwalaang tinitirhan ng mga engkanto
dahil babalikan ka nito.
Paniniwala at Relihiyon
Bathala ang tawag sa itinuturing na Panginoon ng
ating mga ninuno. Itinuturing nila itong
7
pinakamakapangyarihan sa lahat. Naniniwala silang
may lugar na pinupuntahan ang mga kaluluwa kapag
namatay na ang mga tao. Naniniwala din sila sa
kapangyarihan ng iba’t ibang espirituwal na
tagabantay tulad ng diyos, diwata, at anito. Ang mga
ito ay kaisa ng kalikasan kaya’t sinasamba,
pinapahalagahan, at pinapangalagaan nila ang mga
ito sa pamamagitan ng pagsamba sa imahe na yari sa
kahoy, bato, o ginto. Dinadasalan at inaalayan pa nila
ang mga ito ng pagkain.
Sining at Agham
Makikita ang mga nakaukit at nakalilok sa bubong
at ibang bahagi ng bahay ng ating mga ninuno. Ibaiba rin ang disenyo at hugis ng kanilang mga
kagamitan gaya ng krus, bulaklak, tatsulok, at iba pa.
Ang pagkahilig nila sa sining ay ipinapakita rin sa mga
tattoo nila sa katawan. Ito ay patunay na nakaka-angat
sa buhay ang ating mga ninuno.
Wika
Mahigit 100 wika at diyalekto ang salita ng ating
mga ninuno. Ang walong pangunahing wika ay Iloko,
Pangasinan, Kapampangan, Tagalog, Bikolano,
Hiligaynon, Sinugbuanong Binisaya, at Waray.
PANIMULANG PAGTATAYA
PANUTO: Isulat sa linya ang salitang TAMA kung ang pangungusap ay
nagpapahayag ng wasto at MALI naman kung hindi wasto.
_____1. Ang bawat lugar ay may nakagawiang mga gawain na
nagpapasalin-salin mula pa sa mga ninuno hanggang sa
kasalukuyan.
8
_____2. May dalawang uri ng kultura ang Pilipinas.
_____3. Ang pagkain ay hindi bahagi ng ating kultura.
_____4. Katangi-tangi rin ang pananamit ng ating mga ninuno noon.
_____5. Ang kulturang materyal ay mga bagay na hindi
nahahawakan at hindi rin nakikita
_____6. Ang kulturang di-materyal ay mga bagay na nahahawakan at
nakikita.
_____7. Walang tiyak na tirahan ang ating mga ninuno noong unang
panahon.
____8. Ang pagluluto sa palayok ay ginagawa pa rin sa iba’t ibang
lalawigan.
____9. May mahigit na 200 wika at diyalekto ang salita ng ating mga ninuno.
_____10. Natutong sumulat at bumasa ang ating mga ninuno
bunga ng kanilang karanasan at pagmamasid sa kalikasan
PAGSANAYAN NATIN
PANUTO: Isulat sa linya ang KM kung ang nasa bilang ay
Kulturang Materyal at KDM kung ito ay Kulturang Di- Materyal.
______1. tahanan
______9. agham
______2. wika
______10. kaugalian
______3. relihiyon
______11. paniniwala
______4. kasuotan
______12. pananamit
______5. kasangkapan
______13. simbahan
______6. sining
______14. edukasyon
______7. pamahalaan
______15. pamahiin
______8. pagkain
9
LINANGIN NATIN
Gawain 1.
PANUTO: Hanapin ang tamang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang
letra sa linya.
a. edukasyon
b. kasangkapan
c. kasuotan
d. kaugalian
e. pagkain
f. pamahalaan
g. paniniwala
h. pananampalataya
i. sining
j. tahanan
k. wika
___1. Inukit, hinasa, pinakinis, at nililok ang ilan sa mga kagamitan
na ginamit nila sa kanilang pang araw – araw na
pamumuhay.
___2. Baro’t saya ang kasuotan ng kababaihan noong panahon
ng mga Espanyol.
___3. Ang mga magulang ang nagtuturo sa kanilang mga anak
ng mga gawaing bahay, pangangaso, pangingisda, at
pagsasaka.
___4. Karamihan sa mga ninunong Pilipino ay palipat-lipat ng
tirahan.
___5. Naniniwala ang ating mga ninuno sa iba’t ibang espirituwal
na taga-bantay tulad ng diyos, diwata, at anito.
___6. May walong pangunahing wika o diyalekto ang ginagamit
sa bansa.
___7. Ang namamahala sa buong komunidad ng sinaunang
Pilipino ay isang datu.
___8. Ang pagbibigay ng dote o bigay-kaya sa magulang ng
babae.
10
___9. Nagkakamay kung kumain ang mga sinaunang Pilipino.
___10. Makikita sa mga haligi ng bahay ang nakaukit at nakalilok
na mga disenyo.
PAUNLARIN NATIN
Panuto: Hanapin ang tamang sagot sa loob ng kahon at Isulat sa linya.
Bathala
bahag
kultura
putong
tattoo
baro
silong
batalan
patadyong
nomadiko
___1. Ito ang tawag sa kasuotan ng kababaihan
na pang- itaas na may mahabang manggas.
___2. Tumutukoy sa kabuoang paraan ng pamumuhay
ng mga tao bilang kasapi ng isang lipunan o
komunidad.
___3. Ang bahagi ng bahay na pinaglalagyan ng
tapayan ng tubig.
___4. Ito ay isang sining ng ating mga ninuno na makikita sa
kanilang mga katawan.
__5. Ito ang tawag ng mga Bisaya sa isang kasuotan ng
kababaihan.
___6. Ito ang imbakan ng mga panggatong ng ating
mga ninuno.
___7. Ito ang tawag sa mga sinaunang tao dahil walang silang
permanenteng tirahan.
___8. Kapirasong tela na ginagamit pang-ibaba ng kalalakihan.
___9. Tawag sa itinuturing na Panginoon ng ating mga ninuno.
___10. Kapirasong tela na iniikot sa ulo ng kalalakihan.
11
KUWARTER 3
ARALIN 2:
MELCs Code: AP3KLR- IIla-2
Pangalan:_____________________________ Petsa:_______ Iskor:______
Layunin: a. Naipaliliwanag ang kaugnayan ng heograpiya sa
pagbuo ng uri ng pamumuhay ng mga lungsod o
bayan
b. Nakatutukoy ng mga halimbawa ng epekto
ng lokasyon at klima sa uri ng pamumuhay ng
kinabibilangang lungsod o bayan
c Naipaliliwanag kung paano nakaiimpluwensiya ang
lokasyon at klima sa uri ng pamumuhay ng sariling
lungsod o bayan sa rehiyon
Konsepto: Mayroong kaugnayan ang pisikal na kapaligiran
ng lugar at ang uri ng pamumuhay ng mga tao rito. Saan
matatagpuan ang iyong lungsod o bayan?
Ano ang panahon sa iyong lungsod o bayan ngayon?
Maulan ba o maaraw? Giniginaw ka ba o naiinitan? Sa
pagkakaiba-iba ng lokasyon at klima ay nahuhubog at
nabubuo ang uri ng pamumuhay sa isang lugar.
Heograpiya ang tawag sa pag-aaral tungkol sa
kinalalagyan o kinaroroonan ng isang lugar maging ang
pamumuhay ng mga tao at iba pang katangian nito. Klima
ang tawag sa pangkalahatang kalagayan ng panahon sa
isang lugar sa loob ng mahabang panahon. Ang lagay ng
panahon o weather naman ang pang araw-araw na
kalagayan ng papawirin, kasama na ang ulap, hangin, at
temperatura sa isang lugar.
12
Sa lugar ng Mandaluyong ay may mahigit pitong
kilometro sa Timog-Silangan ng Maynila. Matatagpuan
ang Makati sa Timog nito, Pasig sa Silangan, at sa Hilaga
naman ay San Juan at Lungsod ng Quezon. Ang
Mandaluyong ay binubuo ng dalawampu’t pitong (27)
barangay at may lawak na 11.26 kilometro kwadrado
(2596 ektarya) at nahahati sa dalawang distrito.
Ang lugar ay bulubundukin at tinatayang
natatamnan noon ng mga punong “luyong”, na naging
isang basehan sa pagbibigay ng pangalan sa lugar. Ang
pinakamataas na lugar ay umaabot sa 40-metro mas
mataas sa “sea level” sa may Barangay Wack-Wack,
Greenhills. Ang Mandaluyong ay mayroong tatlong
daluyan ng tubig, ito ay ang; Maytunas Creek, Buhangin
Creek, at Maysilo Creek.
Ang Mandaluyong ay nasa gitna ng Metropolitan
Manila at tinatawag na “The Heart of the Golden Triangle”
sapagkat napapagitnaan ito ng Lungsod Quezon, Maynila
at Pasig. Ang dating lupain na natatamnan ng mga puno
at palay ay nagtataglay ngayon ng mga naglalakihang
mga gusali, pabrika at shopping malls. Sa kabila ng
komersiyalisasyon at industriyalisasyon, ang lupain ng
Mandaluyong ay nanatiling pang residensiyal pa rin.
Ang Lungsod ng Mandaluyong ang isa sa sentro ng
kalakalan, industriya at ekonomiya ng Pambansang
Punong Rehiyon o NCR at ng bansa. Pangunahing
ikinabubuhay ng mga tao rito ay iba’t ibang uri ng serbisyo
at industriya. Ang mga lungsod na malapit sa dagat tulad
ng Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela
(CAMANAVA) Taguig, Bayan ng Pateros, at iba pa ay
pangingisda ang kanilang pangunahing ikinabubuhay.
Kapag masama ang panahon o maulan naaapektuhan
ang kanilang panghuhuli ng isda.
13
Kung may matinding pag-ulan na nagdudulot ng
pagbaha naaapektuhan din ang iba pang kabuhayan
ng Kalakhang Maynila.
Pansinin natin ang klima ng mga karatig-lugar ng
rehiyon. Lahat ng produkto ng ibang mga rehiyon ay
dinadala sa NCR tulad ng abaka, niyog, at bigas na
karaniwang pananim at pinagkakakitaan sa Rehiyon ng
Bicol. Tubo at niyog naman ang angkop sa lugar na ang
klima ay higit na maulan kaysa maaraw tulad ng
Zamboanga at Tarlac.
Kung panahon naman ng tag-ulan at bagyo ay
humihina ang kita ng mga mangingisda sa Naujan,
Oriental Mindoro. Mapanganib ang dagat dahil sa alon
at malakas na hangin. Hindi rin sila makapagbilad ng
isdang dinadaing. Ngunit pinaghahandaan ng mga
mangingisda ang ganitong pagkakataon. Sila ay
nagtatanim, nag-iipon ng tuba, nagpapawid at iba pang
maaari nilang pagkakitaan. Gayundin, sa NCR sa mga
buwan ng Hunyo hanggang Nobyembre dahil sa
habagat kaya ibayong paghahanda ang ginagawa ng
mga nasa industriya, pagawaan at serbisyo para
matugunan nang matiwasay at maayos ang
pangangailangan ng mga tao. Hindi lamang mga
pananim at pinagkakakitaan ang nakakaimpluwensiya sa
uri ng pamumuhay ng mga tao sa isang lugar.
Ibinabagay rin nila ang kanilang kasuotan ayon sa
kanilang klima. Sa Pambansang Punong Rehiyon o
National Capital Region (NCR) ang modernong kasuotan
na kanilang isinusuot ay impluwensya ng mga dayuhang
bansa. Ibinabagay din nila ang kanilang kasuotan sa uri
ng lugar, trabaho o hanapbuhay na mayroon sila.
Halimbawa, kung ikaw ay nagtatrabaho sa isang opisina
sa Mandaluyong, corporate attire o damit pang-opisina
ang kasuotan mo, kung ikaw naman ay sa Divisoria
nagtatrabaho maaari na ang mga
14
pangkaraniwang kasuotang maayos at maganda sa
paningin ng tao.
Sa ibang lalawigan, klima ang pinagbabatayan ng
kanilang kasuotan. Sa lugar na malamig tulad ng Baguio,
ang mga tao ay nagsusuot ng makakapal na damit upang
hindi ginawin. Manipis at maluwang naman sa katawan ang
kasuotan ng mga nasa maiinit na lugar tulad ng Isabela at
Tuguegarao.
Kung ang lokasyon naman ng isang lalawigan ay
laging dinadaanan ng bagyo tulad ng Batanes, ibayong
paghahanda ang kanilang ginagawa. Bukod dito, ang
kanilang mga bahay ay karaniwang mababa at yari sa
bato at kugon ang atip. Bangkang-bahay naman ang
tirahan ng mga Samal at Badjao. Ito ang angkop sa
kanilang lugar. Dahil dito, masasabing nakakaimpluwensiya
ang lokasyon at klima ng isang lugar sa uri ng pamumuhay
ng mga tao.
PANIMULANG PAGTATAYA
PANUTO: Iguhit ang masayang mukha
kung ang tinutukoy sa
bawat pangungusap ay wasto at malungkot na mukha
naman kung hindi.
___1. Ang Mandaluyong ay nasa gitna ng Metropolitan Manila.
___2. Manipis at maluwang sa katawan ang kasuotan ng mga
nasa maiinit na lugar tulad ng Lungsod ng Baguio.
___3. Ang Mandaluyong ay mayroong apat na daluyan ng tubig.
___4. Hindi lamang mga pananim ang nakakaimpluwensiya sa
uri ng pamumuhay ng mga tao sa isang lugar.
___5. Ang Lungsod ng Mandaluyong ang isa sa sentro ng
15
kalakalan, industriya at ekonomiya ng Pambansang
Punong Rehiyon o NCR at ng bansa.
___6. Sa ibang lalawigan, klima ang pinagbabatayan ng
kanilang kasuotan.
___7. Pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa Lungsod ng
Mandaluyong ay pagsasaka.
___8. Mahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman patungkol sa
heograpiya.
___ 9. Walang kinalaman ang lokasyon sa pamumuhay at
hanapbuhay ng isang tao.
___10. Ang Lungsod ng Mandaluyong ay nahahati sa dalawang
distrito.
PAGSANAYAN NATIN
PANUTO: Hanapin sa loob ng kahon ang tamang sagot at Isulat
ito sa linya bago ang bilang.
*luyong
*corporate attire
*klima
*bangkay-bahay
*lagay ng panahon
*Mandaluyong
*pangingisda
*NCR
*serbisyo at industriya
*heograpiya
___1. Tawag sa pangkalahatang kalagayan ng panahon sa
isang lugar sa loob ng mahabang panahon.
___2. Tinaguriang “The Heart of the Golden Triangle”
___3. Ito ang tirahan ng mga Samal at Badjao.
___4. Ito ang karaniwang kasuotan ng mga taong nagtatrabaho
sa isang opisina.
___5. Tawag sa pag-aaral tungkol sa kinalalagyan o kinaroroonan
ng isang lugar maging ang pamumuhay ng mga tao.
16
___6. Ito ay binubuo ng 16 na lungsod at 1 bayan.
___ 7. Ito ang iba’t ibang uri na ikinabubuhay ng mga taong
nakatira sa isang lungsod tulad ng Mandaluyong.
___ 8. Pangunahing hanapbuhay sa CAMANAVA.
___ 9. Ito ang tawag sa pang araw-araw na kalagayan ng
papawirin, kasama na ang ulap, hangin, at temperatura sa
isang lugar.
___ 10 Tawag sa punong pinagmulan ng pangalan ng Lungsod ng
Mandaluyong.
LINANGIN NATIN
Gawain 1.
PANUTO: Gamit ang pangunahing direksiyon isulat sa loob ng
bawat kahon ang mga lungsod na nakapaligid sa Mandaluyong.
1.
3.
2.
Gawain 2
4.
PANUTO: Sa loob ng bawat ulap isulat ang tatlong daluyan ng
tubig sa Lungsod ng Mandaluyong. (kahit hindi sunod-sunod)
PAUNLARIN NATIN
Panuto: Bilang isang mag-aaral mahalaga ba saiyo ang
pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa heograpiya? Bakit?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
17
KUWARTER 3
ARALIN 3: Ang Kultura ng Aming Bayan at Lungsod
MELCs Code: AP3PKRIIIb-c-3
Pangalan:_____________________________ Petsa:_______ Iskor:______
Layunin: a. Nakatutukoy ang mga halimbawa ng ilang
aspeto ng kultura ng sariling lungsod o bayan
b. Nailalarawan ang kultura na nagpapakilala
ng sariling lungsod o bayan
KONSEPTO
Kultura
Ito ay ang kabuuang paraan ng pamumuhay ng mga
tao bilang kasapi ng komunidad o lipunan.
Ito ang kabuuan ng mga paraan kung paano
ginagawa ng isang pangkat ng mga tao ang mga bagaybagay upang mabuhay. Ito ay maaaring makita sa
kanilang wika, panitikan, paniniwala o relihiyon, kaugalian,
tradisyon, pagkain at sining tulad ng musika at sayaw.
Maaari din itong makita sa kanilang mga batas, kaalaman
at moralidad.
18
Ang NCR ay tahanan din ito ng mga makasaysayang lugar at
magandang pasyalan at mga industriya at pagawaan ng
mga produkto.
Maituturing na kayamanan ng Pilipinas ang musikang likha sa
kawayan. Taon-taon, dinudumog ng mga bumibisitang
dayuhan at mga Kababayang Pilipino ang Bamboo Organ
ng Lungsod ng Las Piñas upang marinig ang kahali-halinang
himig nito mula sa ihip ng kawayan.
Ito ay nakalilikha ng tunog na
gaya ng huni ng umaawit na ibon
at iba pang himig mula sa
trumpeta, baritone at iba pang
kasangkapang pang-musika. Ang
taunang International Bamboo
Festival ay ipinagdiriwang sa
Lungsod ng Las Piñas.
International Bamboo
Festival
Sa Lungsod ng San Juan, na
karatig-lungsod ng Maynila ay
may pagdiriwang din, ito ay ang
pagdiriwang ng Pista ni San Juan
Bautista
Pista ng San Juan
19
Ngunit kaiba ito sa pagdiriwang ng Pista ng Itim na
Nazareno. Madalas na ipinagdiriwang ang kapistahan ng
mga santo sa kanilang kamatayan ngunit hindi si San Juan
Bautista. Siya lamang ang santo na ang kaniyang
kapanganakan ang ginugunita.
Karaniwang nagbabasaan ang mga handang
makipagsaya, na halos maligo na sa kalsada; habang
binubuhusan naman ng tubig ang ilang naglalakad o
mga nakasasakyang dumaraang motorsiklo, pedicab,
traysikel, dyip, bus, at iba pa.
Ang tradisyong ito ay pinaniniwalaang tanda ng ating
pagkakabinyag bilang mga Kristiyano. Dagdag pa rito ay
ang paniniwalang ang mabasa sa pagdiriwang na ito ay
simbolo sa pagtanggap ng biyaya mula sa Panginoon.
Pista ng Itim na Nazareno.
Katulad ng Pista ng Itim na
Nazareno, Ipinapakita ng bawat
deboto ang mga paraan ng
kanilang pananampalataya at
pananalig sa Diyos.
Pagmasdan ang mga paraan ng
pananampalataya at pananalig
Pista ng Itim na Nazareno
ng mga deboto sa mga nabanggit
na pagdiriwang.
Pamaypay Festival.
Nagkaroon ng paligsahan sa
pagsayaw na gamit ang
pamaypay sa pagdiriwang
na ito.
Pamaypay Festival
20
Ipinapakita rito ang iba’t ibang uri ng pamaypay na
may iba’t ibang hugis at kulay na siyang sumisimbolo sa
makulay na kasaysayan at mayamang tradisyon ng
mga taga-Caloocan sa paggamit ng pamaypay sa
iba’t ibang paraan.
PANIMULANG PAGTATAYA
PANUTO: Bilugan ang mga halimbawa ng ilang aspeto ng kultura
ng sariling lungsod o bayan. Isulat sa patlang ang iyong nabilugang
sagot.
P
I
S
T
A
N
I
S
A
N
J
U
A
N
B
A
U
T
I
S
T
A
A
Z
O
P
U
Y
T
R
E
W
Q
A
Z
W
A
A
L
Z
Q
A
Z
L
M
V
H
Y
U
I
K
U
J
H
G
D
S
S
M
Q
T
X
W
N
X
O
A
B
K
K
J
H
G
D
C
X
S
A
N
L
B
A
U
C
E
J
C
O
Y
N
B
U
J
D
S
V
H
D
E
H
S
G
O
S
R
V
R
U
V
I
P
M
J
H
G
D
F
S
C
G
F
G
D
G
O
D
A
N
T
A
B
U
A
K
B
M
N
K
R
I
S
T
I
Y
A
N
O
D
F
T
K
V
Y
Y
L
V
D
S
C
D
D
S
F
S
F
S
F
R
C
H
J
Y
I
N
T
F
I
B
I
E
H
O
X
A
Y
R
U
I
J
G
L
J
D
U
N
B
R
1. ___________________________
2. ___________________________
3. ___________________________
4. ___________________________
5. ___________________________
21
E
O
J
H
F
D
S
X
G
H
C
C
D
Y
A
F
K
M
U
M
N
E
S
P
K
H
J
K
F
S
S
C
B
G
C
X
N
K
L
H
I
K
M
W
T
A
K
I
K
H
H
F
S
X
C
V
B
N
M
F
L
D
H
I
D
O
I
T
I
M
N
A
N
A
Z
R
E
N
O
K
J
G
I
T
D
O
D
C
V
E
X
D
G
H
V
F
E
W
S
D
F
G
K
L
Y
R
F
A
A
F
A
T
A
S
D
F
G
H
J
K
L
Z
X
C
V
B
T
M
S
K
Y
D
L
Y
O
I
U
Y
Y
T
R
E
W
Q
H
L
J
K
J
H
G
L
P
S
PAGSANAYAN
NATIN
PANUTO: Hanapin sa loob ng kahon ang tamang sagot
at isulat sa patlang.
baritone
Huni ng ibon
Mandaluyong
Bamboo Organ
Itim na Nazareno
Kristiyano
kultura
trumpeta
Pamaypay Festival
Caloocan
Las Piñas
Pista ni San Juan
Bautista
kultura
1. Ang kabuuang paraan ng pamumuhay ng mga tao bilang
kasapi ng komunidad o lipunan ay tinatawag nating
_________________________.
2. Dinudumog ng dayuhan ang ___________________________
upang marinig ang kahali-halinang himig nito mula sa ihip ng
kawayan.
3. Ang
taunang
International
Bamboo
Festival
ay
ipinagdiriwang sa __________________________.
4. Pagpapakita
ng
bawat
deboto
ng
kanilang
pananampalataya at pananalig sa Diyos. Ito ay ang pista ng
___________________
5. Ang tradisyong ito ay pinaniniwalaang tanda ng ating
pagkakabinyag bilang mga __________________________.
6. Ang pagdiriwang na ito ay pagpapakita ng iba’t ibang uri ng
pamaypay na may iba’t ibang hugis at kulay na siyang
sumisimbolo sa makulay na kasaysayan at mayamang
tradisyon ng _________________.
7. Ang pagkakaroon ng paligsahan sa pagsayaw na gamit
ang pamaypay sa pagdiriwang ay tinatawag na
pagdiriwang ng _____________________.
22
8. Sa Lungsod ng San Juan, na karatig-Lungsod ng Maynila ay
may pagdiriwang din, ito ay ang pagdiriwang ng
________________________.
9-10. Ito ay nakalilikha ng tunog na gaya ng huni ng umaawit
na ibon at iba pang himig mula sa_________________at
__________________tulad ng iba pang kasangkapang pangmusika.
LINANGIN NATIN
Gawain 1.
PANUTO:
Pag-isipan ang pinakatanyag na pagdiriwang ng
inyong lungsod o bayan. Paano nag-umpisa ito? Punan ang bawat
patlang sa talata tungkol sa pagdiriwang upang mailarawan ito.
________________
(Pamagat)
Ang aming pagdiriwang ay tinatawag na _____. Ito ay
dinaraos tuwing _____. Ang pagdiriwang ay tungkol sa _____.
Ipinagdiriwang ito dahil _________. Kaming mga tiga rito ay _____
(ginagawa ng mga tao) sa selebrasyon. Hinihikayat ko ang lahat
na pumunta sa aming lungsod o bayan. Damhin ninyo ang
aming kultura.
Gawain 2.
PANUTO: Sagutin ang sumusunod na tanong.
a. Bilang isang mag-aaral, ano ang epekto sa iyo ng mga
kultura sa iyong sariling lungsod o bayan?
23
PAUNLARIN NATIN
PANUTO: Lagyan ng araw (
) kung ito ay kultura na
nagpapakilala ng sariling rehiyon o lungsod at buwan (
) naman
kung hindi.
_____1. National Museum of the Philippines
_____2. Pista ni San Juan Bautista
_____3. Intramuros
_____4. Luneta Park
_____5. Ati-atihan Festival
_____6. Banaue Rice Terraces
_____7. Sapatos at bakya na mula sa Marikina
_____8. Pista ng Itim na Nazareno
_____9. Chocolate Hills
_____10. Pintados Festival
24
KUWARTER 3
ARALIN 4: Nakikilala ang Kultura ng Aking Rehiyon
sa Aming Makasaysayang Lugar
MELCs Code: AP3PKRIIId-4
Pangalan:_____________________________ Petsa:_______ Iskor:______
Layunin: a. Nakatutukoy ng ilang makasaysayang pook
ng lungsod at bayan sa rehiyon
b. Nasasabi ang kahalagahan ng mga
makasaysayang pook upang makilala ang
kultura ng kinabibilangang lungsod o bayan sa
rehiyon.
Konsepto:
Sa araling ito, matututuhan natin na ang mga
makasaysayang lugar sa ating lungsod o bayan sa rehiyon
na nagpapakilala rin ng ating kultura. Sa pamamagitan ng
pag-alam ng mga makasaysayang lugar na
matatagpuan sa ating lungsod at bayan sa rehiyon,
magkakaroon tayo ng dagdag na impormasyon upang
ipakilala ang kultura ng ating lungsod at bayan sa rehiyon.
Ano kaya ang ipinapahiwatig ng mga
makasaysayang lugar ng ating lungsod? Paano
ipinapakilala ng mga makasaysayang lugar ang ating
lungsod?
Mga Makaysayang Lugar o25Bantayog sa Mandaluyong
Nakikita ba natin ang ating kasaysayan sa mga lugar
o pook ng ating lungsod at bayan? Nakikita rin ba natin sa
PLAZA NG TATLONG BAYANI
Lokasyon: A.Bonifacio, Itaas Hagdang
Bato. Isang patunay at magandang
halimbawa na ang Mandaluyong ay
may mahalagang bahagi sa KKK ni
Andres Bonifacio. Kasama ni Andres
Bonifacio sa paghihimagsik sa mga
Kastila noong Agosto 29,1898 ang
dalawang katutubong Mandaluyong
na kasapi ng KKK ay sina: Laureano
Gonzales at Vicente Leyva (General
Kalentong)
Itinatag sa pangunguna
ni Congressman Neptali
Gonzales. Ito ay sentro ng
kultura at turismo ng lungsod.
Dito rin matatagpuan ang SilidAklatan ng Lungsod, ang
kauna-unahang Congressional
Library of the Philippines. Sa
harapan ng gusali ay makikita
ang bantayog ni Neptali
Gonzales Sr., naging pangulo
ng Senado ng Pilipinas.
DON BOSCO TECHNICAL
COLLEGE: Matatagpuan sa
Kalye ng General Kalentong. Ito
ay dating tinatawag na “San
Carlos Seminary” Ito ay
nagsilbing headquarter ng mga
sundalong Hapon noong World
War II.
26
KABAN NG HIYAS
EDSA Shrine: Ito ay
matatagpuan sa sangandaan
ng EDSA at Ortigas Avenue.
Itinayo bilang pagkilala sa isang
“Bloodless Revolution” na gawa
ng mga Pilipino laban sa isang
diktador. Ito ay sentro ng
mapayapang pag-aaklas upang
ibalik ang demokrasya at
karapatan ng bawat Pilipino. Ang
nasabing Rebolusyon ay naganap
noong Pebrero 22-25, 1986.
SAN FELIPE NERI CHURCH: Ito
ay isang matandang
simbahan sa lungsod na siya
ring unang pangalan na
ibinigay ng mga prayle sa
ating lungsod. Ito ay
tinatawag ding “Bayan” o
sentrong Mandaluyong.
Naging saksi ito sa madugong
sagupaan ng mga Pilipino at
Kastila
Ang Silid-Aklatan ng Lungsod
ay matatagpuan sa gusali ng
Kaban ng Hiyas.
Ito ang kauna-unahang
Congressional Library of the
Philippines.
27
SHAW BOULEVARD: Ito ay
tinawag dati na Jose Rizal
Boulevard at hango sa
pangalan ng isang
Amerikanong si William James
Shaw na siyang nagtatag ng
Wack Wack Golf & Country
Club.
Ito ay simbolo ng
pagbibigay-pugay sa mga
Mandalenyo, kilala man o
hindi, na naging bayani
para sa kalayaan ng
Mandaluyong.
DAMBANA NG MGA ALA-ALA
PANIMULANG PAGTATAYA
PANUTO: Basahin ang sumusunod na pahayag at lagyan ng √
ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga
bantayog/makasaysayang pook sa iyong rehiyon.
____1. Ipagmalaki ang mga makasaysayang pook sa lahat ng tao,
dayuhan man o hindi.
_____2. Sirain ang bantayog ng Dambana ng Ala-ala.
_____3. Mag-alay ng mga bulaklak tuwing araw ng paggunita ng
kamatayan ng mga bayani.
_____4. Pahalagahan at isapuso ang kahulugan ng mga bantayog.
_____5. Hamakin sinuman na namumuna nang hindi maganda sa
mga makasaysayang pook ng bansa natin.
28
PAGSANAYAN
NATIN
PANUTO: Pagtapat-tapatin ang sumusunod na makasaysayang
pook sa Mandaluyong. Piliin ang letra ng tamang sagot sa bawat
bilang.
A
___1.Naging saksi ito sa madugong
sagupaan ng mga Pilipino at Kastila. Ito
ay isang matandang simbahan sa
lungsod ng Mandaluyong.
B
a. Kaban ng Hiyas
b. Shaw Boulevard
___2.Dito naganap ang “Bloodless
Revolution noong Pebrero 22-25, 1986.
___3.Ito ang nagsilbing headquarter ng
mga sundalong Hapon noong World
War II.
___4.Dito matatagpuan ang SilidAklatan ng Lungsod, ang kaunaunahang Congressional Library of the
Philippines.
___5.Ito ay tinatawag dati na Jose Rizal
Boulevard, hango sa pangalan ng
Amerikanong si William James Shaw na
siyang founder ng Wack-Wack Golf &
Country Club.
c. Edsa Shrine
d. San Felipe Neri
Church
e. Don Bosco
Technical College
LINANGIN NATIN
Gawain 1.
PANUTO: Sagutin ng TAMA kapag ang pangungusap ay
nagpapaliwanag sa pagkakakilanlang kultura ng ating lungsod at
MALI kapag ang pangungusap ay hindi nagpapaliwanag sa
pagkakakilanlang kultura ng ating lungsod.
29
____1. Ang Don Bosco Technical College ay makasaysayang pook
sapagkat ginawang headquarter ng mga sundalong Hapon
noong World War II.
____2. Ang Kalye Kalentong ay ipinangalan kay Vicente Leyva
upang hindi siya makalimutan ng mga Mandalenyo.
____3. Ang Shaw Boulevard ay tinawag dati na Jose Rizal
Boulevard upang bigyan ng parangal ang ating pambansang
bayani.
____4. Ang Jose Rizal University ay itinuturing na makasaysayan
sapagkat dito nag-aral ang dating pangulong Ramon Magsaysay.
____5. Ang bantayog ng Tatlong Bayani ay nagpapaalala sa
kabayanihan nina Andres Bonifacio, Laureano Gonzales at
Vicente Leyva (General Kalentong) noong panahon ng mga
Espanyol.
Gawain 2.
PANUTO: Sagutin ang tanong
a. Paano mo maipapakita na pinapahalagahan mo ang mga
makasaysayang lugar sa inyong lungsod o bayan?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________
PAUNLARIN NATIN
PANUTO: Piliin ang letra ng wastong sagot.
1. Bakit may mga monumento o bantayog sa mga
makasaysayang lugar sa ating lungsod?
A. para magkaroon ng dekorasyon ang lugar
B. para may lugar na pagtitipunan ang mga tao
C. para malaman ang hangganan at lawak ng isang lugar
D. para matandaan ang mahalagang pangyayari sa mga lugar
na iyon
30
2. Ang mga bantayog na ito ay nagpakilala sa kasaysayan at
kultura ng ating lungsod. Alin ang HINDI kabilang?
A. Monumento ni Emilio Jacinto
B. Dambana ng mga Ala-ala
C. Plaza ng Tatlong Bayani
D. Kaban ng Hiyas
3. Mapahahalagahan ko ang mga makasaysayang lugar sa ating
lungsod sa pamamagitan nang may _________
A. paghanga at pagmamayabang
B. pag-alinlangan at paggalang
C. paggalang at pagmamahal
D. pagmamahal at pagtitiwala
4. Bakit naging makasaysayang lugar ang San Felipe Neri sa ating
lungsod?
A. dahil dito nagmula ang pangalan ng ating lungsod
B. dahil maraming humahanga sa pagkagawa dito
C. dahil dinarayo ito ng mga turista
D. dahil maraming nagsisimba dito
5. Ano ang layunin ng pagtatayo at pangangalaga sa mga
makasaysayang lugar?
A. magkaroon ng mga lugar na pinaglilibangan
B. mapalaganap ang kaunlaran sa ating bansa
C. makaranas ng katarungan ang bawat tao
D. mapanatili ang pagkakakilanlan ng lugar
31
KUWARTER 3
ARALIN 5: Kultura Ko at Kultura Mo, Magkaiba at
Magkapareho
MELCs Code: AP3PKR-IIIe-5
Pangalan:_____________________________ Petsa:_______ Iskor:______
Layunin: a. Nakapaglalarawan ng ilang halimbawa ng kultura
ng ilang lungsod at bayan sa rehiyon
b. Nakapaghahambing ng ilang aspeto ng kultura
ng karatig na rehiyon sa sariling kultura
Konsepto:
Sa araling ito, matutuhan natin na may
pagkakapareho at pagkakaiba ang ating kultura sa kultura
ng ibang lungsod at bayan sa rehiyon. Magkakaroon tayo
ng dagdag na impormasyon upag makilala ang kultura ng
mga lungsod at bayan sa ating rehiyon.
Ako at Ikaw, Saan nga ba Nagkaiba?
Araw ng Lunes, magkasamang naglalakad ang
magkaibigang Anna at Jaime habang patungo sa
paaralan. Masaya sila habang nag-uusap sa bago nilang
pagaaralang leksiyon. Sa wakas ay narating din nila ang
kanilang paaralan. Doon ay nakita nila ang kanilang mga
kapuwa mag-aaral na naghihintay sa labas.
32
Napansin nila ang isang batang babae na
nakahiwalay sa karamihan. Nilapitan nila ito at kinausap.
Ang kaniyang pangalan ay Bea. Nalaman nila na kalilipat
lamang ng pamilya nito ng tirahan sa kanilang lugar kung
kaya’t siya ay doon na mag-aaral. Nahihiya man ay
nakipagkamay ang bagong mag-aaral.
Nang dumating ang kanilang guro na si Gng
Funtinilla. “Magandang umaga po, Gng. Funtinilla!” ang
bati ng mga mag-aaral. “Magandang umaga rin naman,
halina kayo sa ating silid-aralan.” Pumasok na rin ang mga
mag-aaral sa silid-aralan. Ipinakilala ni Gng. Funtinilla ang
bagong magaaral sa kanilang klase. Siya ay nagmula sa
Rehiyon V o Bicol Region. Tinawag niya si Bea upang
magpakilala at magbigay ng impormasyon tungkol sa
sarili.
Nalaman nila na Bicolano ang kaniyang diyalekto.
Nagdaraos din ng mga piyesta sa kanilang rehiyon. Isa sa
mga piyesta na dinarayo ng ibang lalawigan, ang “Our
Lady of Peñafrancia,” isang pagdiriwang na ginaganap sa
loob ng siyam na araw tuwing buwan ng Setyembre sa
Naga City. Mahilig sila sa pagkaing may gata at
maaanghang. Ang produkto ng kanilang bayan ay
masarap na pili.
Ipinagpatuloy ni Gng. Funtinilla ang pagtalakay sa Rehiyon
V bilang bahagi ng kanilang aralin. Ang mga Bicolano ay
magalang, matatag, at masipag tulad ng mga Tagalog sa
Pambansang Punong Rehiyon na maka-Diyos, at
matulungin. Mayroon din silang
33
pagbabayanihan, pakikisama, pagtanaw ng utang
na loob. at mabuting pagtanggap sa mga bisita.
Masayahin din sila tulad ng mga Tagalog. Kung kaya’t
nahahawig ang kaugalian dito. Maging sa paniniwala at
tradisyon ay nagkakapareho sila.
Naniniwala rin ang mga Bicolano sa pamahiin at
mga kasabihan. Ilan sa mga tradisyon na mayroon sila ang
Pasko, Piyesta, at Bagong Taon. Ang “pagmamano o
mano” at paggamit ng “po at opo” ay pagpapakita ng
paggalang sa nakatatanda. Pagkatapos ng talakayan ay
nag-iwan ng pangkatang gawain si Gng. Funtinilla.
Lumapit ang mga kamag-aral nila kay Bea at kinausap
siya upang maging kaibigan nila.
Ayon kay Gng. Funtinilla, mahalagang malaman ang
pagkakatulad at pagkakaiba ng mga rehiyon.
Nagkakatulad at nagkakaiba man ng kaugalian,
paniniwala, at tradisyon, nagkakaisa naman sila sa
pagpapanatili nito.
PANIMULANG PAGTATAYA
PANUTO: Suriin kung Tama o Mali ang isinasaad ng pangungusap
sa bawat bilang.
______1. Mahilig sa maaanghang na pagkain ang mga taga-Bicol.
______2. Ipinagdiriwang ang kapistahan ng Itim na Nazareno
tuwing ika-9 ng Enero.
______3. Ang mga Tagalog sa Pambansang Punong Rehiyon ay
mahilig din sa pagkaing may gata.
______4. Magkakatulad ang kultura at paniniwala ng mga nasa
Pambansang Punong Rehiyon at ang Rehiyon ng Bicol.
______5. Ang Kultura ay tumutukoy sa paraan ng pamumuhay na
nakagawian ng tao.
34
PAGSANAYAN
PANUTO: NATIN
Kumuha ng krayola. Kulayan ng kulay pula ang salita
kung ang kultura ay nagmumula sa karatig bayan, kulay dilaw
naman kung ang kultura ay nagmula sa Pambansang Punong
Rehiyon, at kulay berde naman kung ang kultura ay parehong
nagmula sa karatig bayan at Pambansang Punong Rehiyon.
LINANGIN NATIN
Gawain 1.
Itala sa data retrieval chart ang pagkakatulad at
pagkakaiba sa iba’t ibang aspeto ng kultura na napagaralan na.
Isulat din kung ano ang pinagkaiba ng kanilang kultura.
Kultura
Sariling Lungsod o
Ibang Lungsod o
Bayan
Bayan
Wika at Diyalekto
Hal: Tagalog
Bicolano
Pagkain at Produkto
Sayaw, Sining, at iba
Kaugalian
Paniniwala
Tradisyon
35
Gawain 2.
PANUTO: Lagyan ng tsek (√) ang magkapareho kung pareho
ang kultura ng sariling lungsod o bayan at ng karatig na rehiyon
batay sa nabasang kuwento, at lagyan naman ng tsek (√) ang
magkaiba kung ang kultura ay magkaiba.
Kultura
Magkapareho Magkaiba
1. Paggamit ng “po at opo”
2. Pagdaraos ng mga pista.
3. Diyalektong ginagamit
4. Uri ng pagkain
5. Paggalang sa mga matatanda o
nakatatanda
PAUNLARIN NATIN
Panuto: Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.
Karatig Lungsod o Bayan
Pambansang Punong Rehiyon
Magkapareho
_____________1. Mahilig sa pagkaing may gata
_____________2. Tagalog
_____________3. Paniniwala
_____________4. Bicolano
_____________5. Tradisyon
_____________6. Mahilig kumain ng maanghang
_____________7. Pagiging magalang
_____________8. Pagiging masipag
_____________9. Pagdiriwang ng Pasko, piyesta at bagong taon
_____________10. Dito nagmula ang masarap na pagkaing pili.
36
KUWARTER 3
ARALIN 6: Nakilala Kami sa Aming Kultura
MELCs Code: AP3KLR- IIg-6
Pangalan:_____________________________ Petsa:_______ Iskor:______
Layunin: a. Nakapaglalarawan ng sariling lungsod o bayan
sa ibat-ibang aspekto ng kultura kagaya
ng pagdiriwang, paniniwala, wika, tradisyon at
iba pang kaugalian
b. Nakapagpapakita ng kahalagahan ng kultura
upang makilala ang sariling lungsod at bayan
sa rehiyon
Konsepto:
Marahil, maitatanong natin kung bakit mahalaga na
alamin natin ang ating kultura. Naranasan mo na bang
matanong kung taga-saang lugar ka? O di kaya narinig mo
na ba ang iyong mga magulang na tinatanong kung, “Tagasaan sila?” Narinig mo rin ba ang mga nagsasabi, “Ah, siya
ba si Nene, iyong taga-Navotas?” Ang mga tanong na ito ay
nagpapakita lamang na mahalagang malaman kung
anong kultura ang lugar na pinanggalingan ng bawat isa.
37
Ang Aking Kultura
Magkakaroon ng lakbay-aral ang mga mag-aaral sa
Paaralang Elementarya ng Mapayapa sa Biyernes. Buong
siglang ibinalita ng kanilang guro sa Araling Panlipunan
ang paglalakbay sa museo.
Lileth: Nakapunta ka na ba sa museo ng ating lungsod o
bayan?
Sam: Hindi pa nga eh, nais ko talagang makarating doon.
Sasama ka ba?
Lileth: Oo naman, gusto ko talagang sumama sa lakbayaral natin.
Sam: Kung gayon, magpaalam tayo sa ating mga
magulang upang tayo ay makasama.
Lileth: Oo nga. Halika na sabay na tayong umuwi.
Dumating ang Sabado. Lahat ay masayang
naghihintay sa bus na kanilang sasakyan. Maging sina
Lileth at Sam ay hindi makapaniwalang makasasama sila.
Habang naglalakbay, nakita nila ang mga
kakaibang pagkain sa kanilang lungsod o bayan. Naroon
ang mga kakaning tulad ng pansit, bibingka, puto, kutsinta
at iba pa.
Nakita rin nila ang mga makasaysayang pook tulad ng
Intramuros sa Lungsod ng Maynila at iba pang mga
lumang simbahan, tulad ng Manila Cathedral at Simbahan
ng San Agustin. Tunay ngang mayaman ang lungsod sa
kanilang paniniwala.
38
Naniniwala sila sa Diyos at karamihan ay
mananampalataya.
Narating din nila sa wakas ang kanilang destinasyon.
Sam: Narito na tayo sa museo. Tingnan mo ang ganda ng
museo.
Lileth: Oo nga! Hindi tayo nagkamali sa pagsama.
Sam: Halika, sundan natin sila sa loob.Lalong namangha
sina Lileth at Sam sa kanilang natuklasan kung paano
nabuo ang museo. Ang mga taga-Maynila ay likas na
malikhain at may pagpapahalaga sa yamang
pangkasaysayan ng bansa. Nalaman din nila kung paano
naitatag ang Intramuros sa panahon ng mga Espanyol. At
kung paano pinanatili at pinapahalagahan ng mga tagaMaynila ang mga makasaysayang pook at lugar na siyang
naging dahilan ng pagiging kilala nito maging sa ibang
bansa.
Lileth: Ano kaya ang naitututulong ng kultura sa ating
lungsod?
Sam: Naku, malaki ang naitutulong nito dahil nakikilala
ang ating lungsod.
Lileth: Oo nga, Sam. Nakikilala tayo dahil sa
magagandang katangian natin at sining. Sana huwag
mawala ang mga ito.
Sam: Ayon sa nakita at nabasa ko, nakakatulong din ito
upang
mapanatili natin ang ating ugnayan sa ating mga
ninuno at sa hinaharap. Nagiging daan din ito upang
mapaunlad natin ang ating pamumuhay.
39
Lileth: Tama ka diyan Sam! Ako rin, nalaman ko na malaki ang
ginagampanang papel ng kultura natin sa turismo. Nakikilala
tayo sa ating kagalingan at pagpapahalaga sa ating pagkaPilipino.
Sam: Tumpak! Ayun, mukhang paalis na ang bus natin. Halika
na at baka tayo maiwan!
PANIMULANG PAGTATAYA
PANUTO: Isulat ang Tama kung wasto ang tinutukoy sa
pangungusap at Mali kung hindi wasto.
__________1. Nagdiriwang ng Panagbenga Festival ang Lungsod
Pasig.
__________2. Ang Lungsod ng Mandaluyong ay nagdiriwang ng
Labandero Festival.
__________3. Kilala ang Lungsod ng Marikina sa paggawa ng
matitibay at magagandang sapatos.
__________4. Kilala ang Bayan ng Pateros sa paggawa ng balot.
__________5. Ipinagdiriwang sa Lungsod ng Makati ang Moriones
Festival.
PAGSANAYAN
PANUTO: NATIN
Lagyan ng tsek () ang mga larawang
nagpapakilala sa lungsod o lalawigan sa Pambansang Punong
Rehiyon at ekis (X) naman kung hindi.
___1.
____2.
Pista ng Itim na Nazareno
Labandero Festival
40
___3.
___4.
Panagbenga Festival
Sapatos Festival
___5.
Sinulog Festival
LINANGIN NATIN
Gawain 1.
PANUTO: Lagyan ng tsek () kung ang sumusunod ay
tumutukoy sa papel na ginagampanan ng kultura ng lungsod o
bayan sa rehiyon at ekis (X) naman kung hindi.
_______1. Paglago ng turismo sa lungsod o bayan sa rehiyon.
_______2. Paglaganap ng krimen at kaguluhan.
_______3. Pagtaas ng antas ng kalagayan ng pamumuhay.
_______4. Pagdami ng suliranin sa kapaligiran.
_______5. Napapanatili ang mga kaugalian, paniniwala, at
tradisyon.
______6. Nakikilala ang angking katalinuhan at katangian ng mga
mamamayan.
______7. Pagkaunti ng kabuhayan at kita ng lungsod o bayan sa
rehiyon.
______8. Pagdami ng tiwali o hindi tamang gawain sa
pamahalaan.
______9. Pagkakaroon ng ugnayan ng iba’t ibang lungsod o
bayan sa rehiyon.
______10. Pagdating ng kalamidad at kahirapan.
41
Gawain 2.
PANUTO: Sumulat ng isa hanggang tatlong pangungusap na
nagpapakilala sa iyong lungsod o bayan.
1. Paano mo ipapakilala ang sarili mong lungsod o bayan sa
mga dayuhan?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Paano mo ipapakita na ipinagmamalaki mo ang iyong
sariling bayan o lungsod sa mga dumarayo?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
PAUNLARIN NATIN
PANUTO: Magdikit o gumuhit ng larawan sa loob ng kahon
na nagpapakilala sa kultura ng iyong lungsod o bayan.
42
KUWARTER 3
ARALIN 7: Mga Pangkat ng Tao sa Lungsod at
Bayan sa Rehiyon, Igagalang Ko
MELCS-AP3PKR-IIIf-7
Pangalan:_____________________________ Petsa:_______ Iskor:______
Layunin: a. Nakapaglalarawan ng pagtulong sa iba’t ibang
pangkat ng mga tao sa mga lungsod at bayan sa
kinabibilangang rehiyon
b. Nakapagpapakita ng pagpapahalaga ng iba’t
ibang pangkat ng mga tao at pangkat-etniko sa
mga lungsod at bayan ng sariling rehiyon
KONSEPTO
Sa araling ito marapat na palalimin pa ang
pagkakaunawa sa mga pangkat na kabilang sa sariling
lungsod o bayan sa pamamagitan ng pagpapakita ng
pagpahahalaga sa pagkakaiba-iba ng bawat pangkat sa
isa’t isa.
Mga Pangkat ng Tao sa Aking Lalawigan
“Ang unang pangkat ng mga taong dumating sa ating
bansa ay ang mga Ita, sila ay ating mga ninuno”
Mataman kong pinapakinggan ang mga salitang ito na
lumalabas sa bibig ng aking guro habang ipinapaliwanag
43
ang pinagmulan ng lahing dakila, ng lahing marangal, ng
lahing Pilipino.
“Sila ay maitim, pandak, sarat ang ilong at kulot ang
buhok,”
Tinignan ko ang aking kulay, kinapa ko ang aking
ilong, hinawakan ko ang aking buhok. Ako ba ang
tinutukoy ng aking guro? Napayuko ako kasabay ng
pagbaling ng tingin sa akin ng aking mga kaklase. At kahit
hindi ko sila nakikita ay para ko na ring nakikita ang
kanilang mga nakangising labi, yung iba nga nakaismid
habang pinipigil ang kanilang tawa. Pakiramdam ko`y
para akong nauupos na kandila.
Oo, isa akong Ita. Kabilang ako sa grupong ito,subalit
kahit gaano ko man pilitin ang aking sariling mag-isip ay
hindi ko mahanapan ng matinong kasagutan kung bakit
kung ituring ang mga katulad ko ay hindi kabilang sa
lahing Pilipino, at kung minsan nama‘y hindi kami
itinuturing na tao.
Minsan sa isang linggo kami dati bumababa sa
patag kung araw ng palengke para magtinda. Isinasama
ako ni Inang sa pagtitinda ng mga gulay, prutas at uling
na pinaghihirapan nila ni Amang.
Tuwang-tuwa ako dati sapagkat makikita ko ang
patag, ang sentro ng tinatawag nilang kabihasnan.
Subalit hindi ko maintindihan kung bakit iba ang
turing sa amin ng mga tao sa patag. Para kaming mga iba
sa kanila. Hinding-hindi ko makalimutan minsang bulyawan
si Inang ng isang bumibili ng paninda namin dahil ayaw
ibigay ni Inang sa presyong gusto niya ang gulay na tinda,
paano ba naman e luging-lugi na kami. Sobrang barat
kung tumawad. Ang ganda pa mandin ng Ale, pusturang44
postura at halatang kagagaling ng simbahan, may belo
pa kasi at rosaryong nakasabit sa kanyang leeg.
Napakunot noo ako. Maraming tanong ang naglalaro sa
isipan ko, maraming bakit ang gusto kong masagot, kaya
nga natuwa ako ng sabihin ni amang na doon na kami sa
patag titira. Doon na rin daw ako mag-aaral.
“Naku, huwag ka ng umalis dito, malupit ang mga
tao sa patag, lalaitin ka lang nila, pandidirihan”.
Ito ang mga salita ni Itang, kalaro ko nang sabihin ko sa
kanyang bababa na kami. Pero hindi ako natinag.
Dalawang linggo na kami sa patag at isang linggo
pa lang ako sa paaralan ng mapatunayan kong totoo
ang mga sinabi ni Long.
Hindi lang isang beses kong naranasang laitin, apihin
at pandirihan, hindi dahil sa may ginawa akong masama
kundi, dahil sa isa akong Ita.
Gusto ko ng umuwi sa amin, doon sa bundok sa
aking tunay na tahanan, kung saan walang nanlalait at
nang-aaway sa akin. Naalala ko tuloy sina Itang, Nonong,
Bokbok, Lotlot at Neneng. Siguro, sa oras na ito ay masaya
silang naglalaro, nagtatakbuhan at nagtatawanan.
Pero naisip kong hindi dapat ako sumuko. Lalaban ako,
hindi ko dapat isuko ang aking nasimulang
pakikipaglaban sa maling pananaw ng mga tao sa mga
katulad ko. Ang aking laban ay inaari kong hindi lang akin,
kundi laban ko at ng lahat ng mga Itang katulad ko.
Kung susuko ako‘y, para ko na ring isinuko ang aking
buhay at pagkatao laban sa mapanuring mata at
mapanghusgang tao dito sa patag.
45
“Naintindihan nyo ba ang ating aralin ngayon? May
mga katanungan ba kayo o mga gustong idagdag?
Nagtaas ako ng kamay at tumayo. Kasabay ng muling
pagbaling ng mga mapanghusgang mata ng aking mga
kaklase ay nagsalita ako.
“Naintindihan ko po ang ating aralin Ma’am. Ang
hindi ko lang po maintindihan ay kung bakit marami pa rin
at meron pa ring mga kababayan natin ang hindi
makaintindi na lahat tayo ay mga Pilipino,
magkakapantay anuman ang kulay at hitsura. Sa paningin
ng Diyos, walang mataas o mababa sa atin, nilikha tayong
kawangis niya. Nakalulungkot po talaga ang
pangyayaring ito.”
“Totoo pong isa akong Ita. Maitim ang balat, kulot
ang buhok, sarat ang ilong at pandak. Hindi ko po ito
ikinahihiya kahit marami ang natatawa at nanlalait sa akin
at sa mga katulad ko. Bakit? Dahil alam ko at naniniwala
na mas dapat mahiya ang mga taong ito, na sila ang
dapat pagtawanan dahil hindi sila makaunawa at ang
mas masaklap, ayaw nilang umunawa.”
Ang mga matang nag-uusig kanina ay naramdaman
ko na lamang na tumitig pababa, ang mga mahihinang
tawanan ay bigla na lang naglaho.
Kanina, kung ang pakiramdam ko ay parang isang
kandilang unti-unting nauupos, ngayon, hindi na.
Pakiramdam ko ngayo’y para akong kandilang nasindihan
at ngayoy buong ningning na nagliliwanag.
46
PANIMULANG PAGTATAYA
PANUTO: Sagutan ang sumusunod mula sa kuwentong binasa.
1. Paano inilalarawan ang mga Ita sa kuwentong binasa?
________________________________________________________________
2. Paano pinakitunguhan ang tagapagkwento ng kanyang mga
kaklase?
________________________________________________________________
3. Ano ang kahanga-hangang katangian ng batang Ita sa
kuwento?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
PAGSANAYAN
PANUTO: NATIN
Basahing mabuti ang mga pahayag sa bawat bilang.
Lagyan ng masayang mukha
ang patlang kung ang
pahayag ay nagpapapakita ng tamang gawain at malungkot na
mukha
kung hindi.
____ 1. Tinutulungan ang kapuwa bata na katutubo na nadapa at
nagkasugat.
____ 2. Tinuturuan ang bagong kaklase na galing sa probinsiya na
magsalita ng tuwid na Tagalog.
____ 3. Iniiwasan ni Bimbo ang kaklase niyang mayroon itim na
balat at kulot na buhok.
____4. Masayang tinanggap ng buong klase ang bagong kamagaral na Mangyan.
____5. Pakikilahok sa proyekto ng barangay tungkol sa pagtuturo
sa pagbasa at pagsulat sa mga katutubo sa kanilang lugar.
____6. Lihim na pagtawanan ang kaklaseng sarat ang ilong.
____7. Tangkilikin ang mga produktong gawa ng mga katutubong
pangkat.
____8. Pagtawanan ang mga Igorot dahil sa mga suot nitong
47
katutubong damit.
____9. Turuan ang kaklaseng Badjao na maghugas muna ng
kamay bago kumain..
___10. Hikayatin ang ibang mga kaibigan na isali sa anumang
gawain ang kaklaseng katutubo.
LINANGIN NATIN
Gawain 1.
PANUTO: Isulat ang Tama kung wasto ang isinasaad ng
pangungusap at Mali kung hindi.
_____1. Umiiyak ang kaklase mong Mangyan sapagkat walang
makipaglaro sa kanya,sinulyapan mo lamang ito at umalis
ka rin.
_____2. Napansin mo ang bago mong kaklaseng Tausog na
walang baon,hinatian mo siya ng baon mong tinapay.
_____3. May aktibidad kayo sa klase at napansin mo na walang
kumukuhang kapareha sa kaklase mong Aeta nginitian
mo ito at sinabihang kayo na lang ang maging
magkapareha.
_____4. May bago kayong kamag-aral na Negrito,napansin mo
na nilagyan ng iba mong kamag-aral ang bag ng ibang
bakanteng upuan upang di niya ito upuan, pasimpleng
ginaya mo rin ang ginawa ng mga kaklase mo.
_____5. Bilang lider ng grupo sa gagawing proyekto,hiningan mo
ng suhestiyon ang kaklase mong Badjao.
_____6. Tinutukso at pinagtatawanan ang sumasayaw ng isang
katutubong sayaw.
_____7. Lihim na pagtawanan ang kaklase na hirap magsalita
ng Ingles.
_____8. Kinaibigan mo ang mga katutubo na bagong lipat sa
inyong lugar.
_____9. Babalewalain ang mga pangangampanya na makalikum
ng pondo para sa kapakanan ng mga katutubong
pangkat ng lalawigan.
_____10. Tinuruan mo ng patakaran ng larong baseball ang
bagong kaklase na Aeta.
48
Gawain 2.
A. PANUTO: Magtala ng mga hakbang o paraan kung
paano ka makatutulong sa mga katutubong pangkat sa
iyong lungsod kaugnay sa kalusugan,edukasyon at
komunikasyon.
1.________________________________________________________
2.______________________________________________________________
B. Magtala ng limang pangako kung paano pahahalagahan o
pakikitunguhan ang mga katutubo sa inyong lugar.
1.______________________________________________________________
2.______________________________________________________________
PAUNLARIN NATIN
Panuto: Gumupit ng larawan na nagpapakita ng pagtulong sa
pangtangkilik o pagsuporta sa mga produktong gawa ng
katutubong pangkat at idikit ito sa loob ng kahon. Isulat ang
dahilan kung bakit ito ang iyong napili.
49
KUWARTER 3
ARALIN 8: Sining Mo, Pahahalagahan Mo: Mga
Sining ng Lungsod o Bayan sa Rehiyon
MELCS- AP3KLR- IIh-8
Pangalan:_____________________________ Petsa:_______ Iskor:______
Layunin: a. Nakapagsasabi ng ilang sining mula sa iba’t ibang ;
lungsod o bayan tulad ng tula, awit, at sayaw
b. Nakapaglalahad ng mga paraan upang
mapahalagahan at maisulong ang pag-unlad
ng sining mula sa iba’t ibang lungsod o bayan
Konsepto:
Ang bawat lungsod at bayan sa ating rehiyon ay may
kani-kaniyang gawang sining na ipinagmamalaki. Ito ay
maaaring sayaw, awit, o mga tula na sadyang likas sa mga
lungsod at bayan sa rehiyon. At upang ito ay higit na
mapaunlad at makilala rin sa ibang lugar, marapat lamang
na tangkilikin at palaganapin ito.
50
Larangan ng Panulat
Si Ildefonso P. Santos Jr., ay isang manunulat at
arkitekto “Father of Philippine Landscape” na
isinilang sa Baritan, Malabon. Siya ay kilalalang
manunulat sa Tagalog noong panahon ng mga
Amerikano. Kahanga-hanga ang kanyang mga
tula dahil sa mga pananalita na ginamit niya.
Ang kanyang mga tula ay simple at karaniwan,
ngunit puno ng diwa at damdamin. Ang ilan sa
kanyang mga tula ay ang sumusunod Tatlong
Inakay, Gabi, Ang Guryon, Sa Tabi ng Dagat,
Ulap at Mangingisda.
Larangan ng Panulat
Si Severino Reyes, ay isa ring mahusay na
manunulat na tubong Sta. Cruz, Maynila. Siya
ay kilala sa pangalang Lola Basyang. Ang ilan
sa mga isinulat ni Severino Reyes ay Walang
Sugat, Huling Pati, Minda Mora, Mga Bihag ni
Cupido, Mga Pusong Dakila, RIP, Ang Kalupi,
Mga Kuwento ni Lola Basyang at iba pa. Ang
RIP ay isang sarsuelang sinulat ni Don Binoy
upang tuyain ang Moro-moro sa pagkamatay
nito.Siya ay tinaguriang “Ama ng Sarswelang
Tagalog”
51
Larangan ng Pagpipinta
Si Fernando Amorsolo ang
pinakamahalagang alagad ng sining sa ating
bansa. Siya ay ipinanganak sa Paco, Maynila.
Siya ay isang pintor ng mga larawan ng mga
tao at tanawing pambaryo ng Pilipinas. Dahil
sa mga gawa at gawain ng kaniyang
malikhaing mga kamay, sa tulong ng lapis at
pintura, tinagurian si Amorsolo bilang unang
Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas sa
pagpipinta. Siya ay kinilala na “Ang Maestro”
at Grand Old Man”.
Larangan ng Pagpipinta
Si Pacita Abad ay nakilala sa larangan ng
sining.Siya ay kinilala sa abstakto at sa sariling
taktikang pampagpipinta na tinawag na
“trapunto” o salitang Italyano na “quilting”.
Ginamit niya ang kanyang talent upang
isulong ang mga political na kwento ng mga
Filipina,at ang mga kalagayang
panlipunan.Siya ang kauna-unahang babeng
napasama sa “Ten Outstanding Young Men”
(TOYM) noong 1984.
52
Larangan ng Musika
Si Cecile Licad ay isang tanyag na
piyanista.Binasagan siyang “piyanista ng
isang piyanista” ng The New Yorker,ang
kanyang kasiningan ay pinaghalong likas na
musikero at mahusay na pagsasanay.Kilala
siya sa Musikang Klasikal
Larangan ng Musika
Si Ferdinand Pascual Aguilar,higit nakilala
bilang si Ka Freddie Aguilar.Siya ay tinatawag
na makabansang mang-aawit.Kilala siya sa
pag-awit ng “Bayan Ko” na naging awit ng
Rehimeng Marcos noong Rebolusyon ng
EDSA noong 1986.Iniwan ni Freddie Aguilar
ang kanyang mga magulang at ang
kanyang pag-aaral noong siya ay 18 na
taong gulang.Dahil dito nilikha niya ang
kantang “Anak”.
Larangan ng Sayaw
Lisa Teresita Pacheco Macuja-Elizalde ay
naging unang Filipina prima ballerina, at
unang foreign soloist na sumali sa Kirov
Ballet. Siya ang directress ng Ballet Manila
School-isang sentro ng pagsasanay para sa
ballet propesyonal na steeped sa Russian
Vaganova method.
53
Larangan ng Sayaw
Sa larangan ng sayaw,Si Francisca Reyes
Aquino,na isang guro ang naging tanyag
sa ginawa niyang pag-aaral sa
katutubong sayaw.Siya ay kinilala bilang
Mother of Philippine Folkdancing. Masusi
niyang pinag-aralan ang katutubong
sayaw ng iba’t-ibang lugar ng
bansa,sinulat niya ang lahat ng hakbang
na hindi niya binago ang orihinal na
galaw nito.Natapos niyang sulatin ang
kanyang mga aklat sa sayaw kasama
ang musika at kaukulang hakbang nito.
Iskultura
Si Eduardo Castrillo ay isang makabagong
eskultor na lumililok sa metal.Siya ay
ipinanganak sa Santa Ana,Maynila.Siya ay
isang Cultural Heritage Awardee.Isa ring artist
at designer ng alahas.Ginawa niya ang
malaking estatwa ni Kristo kasama ang
kaniyang mga apostol sa Huling Hapunan sa
Loyola Memorial Park sa Lungsod ng Marikina.
54
Kilalang Sining ng Rehiyon
Sitsiritsit (Tagalog Folk Song)
I
Sitsiritsit alibangbang
Salaginto’t salagubang
Ang babae sa lansangan
Kung gumiri’y parang tandang
II
Santo Niño sa Pandakan
Putoseko sa tindahan
Kung ayaw mong magpautang
Uubusin ka ng langgam
III
Mama, mama, namamangka
Pasakayin yaring bata
Pagdating sa Maynila
Ipagpalit ng manika
IV
Ale, ale, namamayong
Pasukubin yaring sanggol
Pagdating sa Malabon
PANIMULANG PAGTATAYA
Ipagpalit ng bagoong
PANUTO: Pagkilala o pagtukoy sa mga alagad ng sining ng
lungsod o bayan. Hanapin sa Hanay B ang hinihingi sa Hanay A.
55
Isulat ang sagot sa patlang.
A
B
__1. Lola Basyang
A. Pacita Abad
__2. Unang Pilipinang “Prima Ballerina” B. Eduardo Castrillo
__3. Manunulat at mamahayag na
mula sa Lungsod ng Malabon
C. Freddie Aguilar
__4. Lumilok ng estawang “Huling
Hapunan”
D. Benedicto R. Cabrera
__5. Sumulat ng “Guryon”
E. Ildefonso P. Santos Jr.
__6. Mother of Philippine Folk Dancing” F. Cecille Licad
__7. Nakilala sa awiting “Bayan Ko”
G. Fernando Amorsolo
__8. Piyanesta nakilala sa “Musikang
Klasikal”
H. Francisca Reyes Aquino
__9. Naging tanyag sa mga obrang
“trapunto”
I. Lisa Macuja Elizalde
10. Tanyag sa katawagang ang
“ Maestro”
J. Severino Reyes
PAGSANAYAN NATIN
PANUTO: Punan ang graphic organizer. Sulatan ng hinihinging
impormasyon sa bawat kolum. Sundan ang halimbawa sa ibaba.
Alagad ng
Sining
Ildefonso B.
Santos Jr.
Bansag
Larangan
Likhang Sining
Father of
Philippine
Lanscape
Panulat
tula
56
LINANGIN NATIN
Gawain 1.
PANUTO: Kilalanin kong sinong alagad ng sining ang binabanggit
sa pangungusap. Hanapin ang sagot sa loob ng kahon.
Severino Reyes
Fernando Amorsolo
Ildefonso P. Santos
Benedicto Reyes
Eduardo Castrillo
Freddie Aguilar
Pacita Abad
Liza Elizalde Macuja
Cecille Licad
Francisca Reyes Aquino
_______________1. Isang tanyag na iskultor na lumilok ng estatwa ni
Kristo kasama ang kaniyang mga apostol.
______________2. Piyanista ng mga piyanista
57
______________3. “Father of Philippine Landscape”.
______________4. Unang Filipinang foreign soloist na sumali
sa Kirov ballet.
______________5. Tinatawag na makabansang mang-aawit.
______________6. Ginamit niya ang kanyang talento upang isulong
ang mga politikal na kuwento ng mga Filipina.
______________7. Ama ng sarswelang tagalog.
______________8. Siya ay kilalalang manunulat sa Tagalog
noong panahon ng Amerikano.
______________9. Isang guro ang naging tanyag sa ginawa
niyang pag-aaral sa katutubong sayaw.
______________10. Kinilala na “Ang Maestro” at “Grand Old Man”
dahil sa galing niya sa lapis at pintura.
Gawain 2.
PANUTO: Sumulat ng maikling talata tungkol sa kilalang sining sa
inyong lugar na nais mong matutuhan. Bakit?
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
58
PAUNLARIN NATIN
Panuto: Magdikit o gumuhit ng larawan sa loob ng kahon
na nagpapakita ng sining ng sariling lungsod.
59
SANGGUNIAN:
DepEd MELC Q3 Aralin 1 Code: AP3KLR- IIla-1
DepEd MELC Q3 Aralin 2 Code: AP3KLR- IIla-2
DepEd MELC Q3 Aralin 3 Code: AP3PKR-IIIb-c-3
DepEd MELC Q3 Aralin 4 Code: AP3PKR-IIId-4
DepEd MELC Q3 Aralin 5 Code: AP3PKR-IIIe-5
DepEd MELC Q3 Aralin 6 Code: AP3KLR- IIIf-6
DepEd MELC Q3 Aralin 7 Code: AP3KLR- IIIg-7
DepEd MELC Q3 Aralin 8 Code: AP3KLR- IIlh-8
1. Araling Panlipunan 3 Kagamitan ng Mag-aaral
2. https://sulatkamay101.wordpress.com/tag/aeta/
3. Araling Panlipunan 3 Kagamitan ng Mag-aaral
4. https://www.slideshare.net/youihate/mga-bantog-na-pilipinong-pintorat-iskultor
5. https://www.slideshare.net/ofhel/pambansang-alagad-ng-siningnational-artists
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Schools Division Office-Mandaluyong
Calbayog Street, Highway Hills, Mandaluyong City 1500
Telefax: (632) 79552557
Email Address:
sdo.mandaluyong@deped.gov.ph
●www.depedmandaluyong.org
60
Download