lOMoARcPSD|15985528 Activity 9- CRY OF Pugadlawin AT Balintawak BSA (Batangas State University) Scan to open on Studocu Studocu is not sponsored or endorsed by any college or university Downloaded by Aron Justine Vendivel (aronvendivel@gmail.com) lOMoARcPSD|15985528 Sa kasaysayan ng Pilipinas, nanatili pa ring kontrobersya ang usapin tungkol sa Unang Sigaw ng Himagsikan. Ang diskusyong ito ay naglalaman kung saan nga ba naganap ang Unang Sigaw ng Himagsikan, sa Pugadlawin nga ba o sa Balintawak? Maraming mga argumentong maaring gamitin laban sa magkabilaang panig ngunit isa lamang ang mananaig at dapat paniwalaan ng tao. Sa mga ganitong pagkakataon marapat lamang na suriin ang mga argumento na magsisilbing ebidensya upang mahanap ang totoong sagot sa usaping ito. Ang paraang dapat gamitin sa ganitong pagtatalo ay surrin kung sino ang mga primary source nang sa gayon ay matuklasan ang totoong kasugatan. May mga taong nagsasabing sa lugar ng Pugadlawin naganap ang Unang sigaw ng Himagsikan. Ang Pugad Lawin ay matatagpuan sa barangay Bahay Toro sa lungsod ng Quezon. Ang lugar na Pugadlawin ay pinaniniwalaang doon idinaos ang isang natatanging pangyayari sa kasaysayan na kung saan ang mga miyembro ng Katipunan ay sabay-sabay na pinunit ang kani-kanilang sedula bilang pagpapatunay ng kanilang tuluyang pag-aklas at pagtutol sa pamumuno ng espanyol sa Pilipinas. Sa tulong ng mga batis o pahayag nina Pio Valenzuela at iba pang mga historyador na sumasaang-ayon na sa Pugadlawin ginanap ang unang sigaw na naganap noong Agosto 23, 1896 sa pamumuno ni Andres Bonifacio na siyang supremo ng Katipunan. Sinasabing ang pangyayari ay nahahati sa tatlo, ang pagpapasya, pagpupunit at ang unang labanan. Ang pagpapasya ay ang pagdedesisyon ng mga Katipunero na tumalikod sa pamumuno ng mga Espanya at maghimagsik. Ang pagpupunit ay ang sabay sabay na pagpupunit ng mga Katipunero sa kani-kanilang sedula sa Bakuran ni Juan A. Ramos, anak ni Melchora Aquino. At ang unang labanan ang unang pagtagpo at pagsugpo ng mga miyembro ng Katipunan sa mga puwersang Espanyol. Sinasabi na ang unang iyak ay hindi maaring pumaloob sa unang labanan sapagkat ang ating pinagdidiskusyunan ay kung saan naganap ang unang iyak, bagkus ito ay nakapaloob sa pasya at pagpupunit na sinang-ayunan naman ni Teodoro A. Agoncillo na isang kilalang historyador at manunulat na kilala sa kanyang librong Revolt of the Masses. Sa kabilang banta ay pinaglalaban na ang unang sigaw ng himagsikan ay nangyari sa Balintawak, na siyang Quezon City sa kasalukuyang panahon. Ang pangunahing batis na isasalaysay ay ang eyewitness account ni Guillermo Masangkay na siyang heneral ng Katipunan, kaibigan at personal na taga-payo ng Supremo o ang Pangulo ng Rebolusyon na si Andres Bonifacio. Noong itinatag ni Bonifacio ang Katipunan noong Hulyo 7, 1892 kasama na sina Ladislao Diwa at Teodoro Plata, si Masangkay ay naging isa sa mga unang kasapi nito. Bilang tagapayo ng Supremo, hiningan ni Bonifacio si Masangkay ng pag-apruba para sa pagbabago ng Katipunan mula sa lihim na samahan patungo sa rebolusyonaryong gobyerno, kung kaya’t may kredibilidad ang kanyang mga salaysay tungkol sa Unang Sigaw ng Rebolusyon. Ayon sa kanyang salaysay, isang pulong ang naganap noong Agosto 26, 1896 sa Balintawak, sa bakuran ni Apolonio Samson na kilala bilang Cabeza de Barangay ng Kalookan o Kapitan ng Rebolusyon. Ang nasabing pulong ay kinabibilangan ng mga lider ng Katipunan na sina Bonifacio, Pacheco, Jacinto, at Carreon. Si Julio Nakpil na isang kompositor at rebolusyonaryo, at ikalawang asawa ni Gregoria de Jesus ay nagpaabot ng kanyang sulat na tala sa Philippine Revolution International Library sa ilalim ni Teodoro M. Kalaw noong taong 1925. Dito, ay kanyang isinaad “Swearing before God, and before history that everything in this note is the truth. The revolution started in Balintawak in the last days of August 1896.” At sa isang pahina ay muli siyang sumulat ng “Bonifacio, uttered the first cry of war against tyranny on August 24, 1896.” At muli, kanyang naalala na ang Unang Sigaw ng Himagsikan ay nangyari noong Agosto 26,1896 sa lugar na kilala bilang Kangkong, adjacent to Pasong Tamo, within the jurisdiction of Balintawak, Caloocan then within the province of Manila. Masasabing iilan lamang ito sa mga taong nagpahayag ng kanilang kaalaman ukol sa naganap na Himagsikan noong Agosto 26, 1896. Downloaded by Aron Justine Vendivel (aronvendivel@gmail.com) lOMoARcPSD|15985528 Bilang isang tagasiyasat, kapani-paniwalang sa Pugadlawin ginanap ang unang sigaw ng Himagsikan, sapgakat maraming mga saksi ang nakapagsabi at nakapagpatunay nito gaya ng historyador na si Isagani R. Medina. Ayon sa kanya, iyon rin ang araw at pulong kung kailan pinunit ang mga sedula na sumisimbolo sa pagkaalipin ng mga Indio sa malupit na pamahalaang Espanyol. May natagpuan rin si Isagani Medina na dokumento mula 1896 na nagpapakita ng listahan ng mga residente para sa munisipalidad ng Caloocan na kung saan sina Melchora Aquino at Juan Ramos ay nakalista sa ilalim ng iba't ibang mga Cabeza. Si Melchora Aquino ay nanirahan kasama ang kanyang bunsong anak na si Juana Ramos. Samantalang, ang kanyang anak na si Juan Ramos, ay nakarehistro naman kasama ang kanyang asawang at dalawang anak sa isa pang Cabeza na kung saan siya mismo ang cabeza de barangay na matatagpuan sa Sitio Pugadlawin na pinaniniwalang pinangyarihan ng unang sigaw ng Himagsikan at pagpupunit ng sedula. Ayon rin sa mga ebidensyang kanyang nakalap, sa testimonya ni Dr. Pio Valenzuela na bise president at matalik na kaibigan ni Andres Bonifacio, naganap ang unang sigaw ng Himagsikan at pagpupunit ng sedula noong Agosto 23, 1896 at Agosto 26,1896 naman lumusob ang mga miyembro ng Katipunan sa mga Espanyol. May nakuha rin si Mediana na ebidensyang sulat sa bahay ni Juan Ramos, anak ni Melchora Aquino na nagsasaad na sa Pugadlawin naganap ang unang sigaw ng Himagsikan. Nakapagbigay ng mas malinaw at tiyak na impormasyon ang mga publikasyon ni Medina at iba pa noong 1996 kung saan talaga nangyari ang unang sigaw ng Himagsikan ngunit hindi nito naresolba ang mga debate. Pagkalipas ng limang taon, noong 2001, nagpasya ang National Historical Institute na suriin muli ang ebidensya. Tatlong histoyador ang nagsama sama upang muling suriin at balikan ang mga literaturang naglalaman ng mga impormasyon at pahayag na nagmula sa mga taong sumasang ayon rito. Sa pagsusuri nila ng mga ebidensya, ang mga historyador ay walang nakita na anumang dokumento na maaaring hamunin ang desisyon na naibigay ng Philippine Historical Committee noong 1963. Kaya naman, magalang na inirekomenda ng tatlong historyador na muling kumpirmahin ng National Historical Institute ang sinabi na posisyon na ang Unang sigaw ay naganap sa Pugadlawin noong Agosto 23, 1896. Downloaded by Aron Justine Vendivel (aronvendivel@gmail.com)