Uploaded by Loida Gacusan

Phil-iri pupils' copy

advertisement
Filipino 4
Basahin ang talata. Sagutin ang mga tanong.
Ang Puerto Princesa Underground River
Ang Puerto Princesa Subterranean River National Park (PPSRNP) ay
makikita sa Palawan. Ito ay matatagpuan sa hilagang kanlurang bahagi ng Puerto
Princesa.
Ipinakikita sa tanyag na pook na ito ang mga higanteng limestone na nasa
kuwebang pinalolooban ng ilog. Iba’t ibang kamangha-manghang hugis ang
nabuo mula sa mga limestone sa loob ng kuweba. Ang ilog ay tinatayang 8.2
kilometro ang haba at ito ay tumutuloy sa dagat. Ang kagandahan nito ang
dahilan kung bakit nakilala ang Puerto Princesa Underground River bilang isa sa
Pitong New Wonders of Nature.
Makikita sa paligid ng ilog ang kabundukan at kagubatan. Ang makapal na
kagubatan ang nagsisilbing tahanan ng ilang hayop na pambihira at endangered.
Sa baybayin naman nito makikita ang halamang bakawan at mga coral reefs.
Mula nang maitalaga ang Puerto Princesa Underground River bilang isa sa
Pitong New Wonders of Nature, dumami na ang mga taong gustong makita ito,
maging Pilipino man o dayuhan.
Maliban sa pagsakay sa bangka upang makita ang limestones sa loob ng
kuweba, marami pang maaaring gawin dito na ikasasaya ng mga turista.
Kinagigiliwan ng mga bisita rito ang jungle trekking, wildlife watching, mangrove
forest tour at ang paglangoy sa tabing-dagat na puti ang buhangin.
1. Saang
lalawigan matatagpuan ang Underground River?
a. sa Bicol
b. sa Iloilo
c. sa Mindoro
d. sa Palawan
2. Ano ang
kamangha-manghang tingnan sa loob ng kuweba ng UndergroundRiver?
a. ang napakalinaw na tubig-ilog
b. ang
mga hayop sa loob ng kuweba
c. ang iba't-ibang hugis ng limestone
d. ang
3. Bakit
mga halaman sa loob ng kuweba
kaya dumami ang turistang bumibisita sa Underground River?
a. madali lang puntahan ito
b. nakamamangha ang tubig sa ilog
c. naging tanyag ito sa buong mundo
d. pambihira
ang hugis ng kuweba sa ilog
4. Bakit
dapat alagaan ang mga hayop na makikita sa kagubatan sa paligid
ngUnderground River?
a. dahil ito ay endangered at pambihira
b. dahil may karapatan itong mabuhay
c.
dahil makukulay ito at magaganda
d. dahil maaari
itong pagkakitaan
5. Ano
kaya ang kailangang gawin ng lokal na pamahalaan para sa
UndergroundRiver?
a. magtayo ng
iba’t ibang water sports dito
b. lagyan ito ng mga bahay-bakasyunan
c. pangalagaan at proteksyonan ito
d. pagbawalan
ang bumibisita rito
6. Ayon
sa seleksyon, ano pa ang maaaring gawin ng mga pumupunta
saUnderground River maliban sa pagpasok sa kuweba?
a. mangisda sa ilog
b. maglaro sa kuweba
c. lumangoy sa tabindagat
d. kumain
7. Ano
ng masasarap na pagkain
kaya ang naramdaman ng mga Pilipino nang mahirang
UndergroundRiver bilang isa sa Pitong New Wonders of Nature?
a. Nagulat dahil hindi ito dapat nangyari.
b. Natuwa dahil maipagmamalaki nila ito.
ang
c.
Nalito at nakipagtalo kung kailangang puntahan ito.
d. Nag-alala dahil magiging
mahal na ang pagpunta rito.
8. Alin
sa sumusunod ang pinakamagandang sabihin sa mga turistangbumibisita sa
Underground River? (Pagsusuri)
a. Kaunting halaman lamang ang kunin mula dito.
b. Ingatan ang kapaligiran sa Underground River.
c. Iwasang mag-ingay habang nasa loob ng kuweba.
d. Ingatan
ang pagkuha ng litrato sa Underground River
Balat ng Saging
“Lito! Lito!” Si Mina ang sumisigaw. Kay lakas ng kanyang sigaw. “Bakit, Ate? Ano
iyon?” Ito naman ang tanong ni Lito. Lumapit siya kay Mina. Ayaw niyang sumigaw
pa ang kanyang ate.
“Balat ng saging ito, hindi ba? Sino ang nagtapon nito?” Galit si
Mina. Galit siya sa nagtapon ng balat ng saging.
“Ako, Ate,” sagot ni Lito. Mahina ang kanyang sagot. Mahina ang kanyang tinig.
“Sabi ko na nga ba. Huwag ka nang magtatapon dito, ha! Sa basurahan ka
magtatapon. Hayan ang basurahan natin. Hayan,
natapakan ko ang balat ng saging. Nadulas ako.”
“E... hindi ko sinasadya, Ate. Talaga, hindi ko sinasadya. Hindi na ako
magtatapon ng balat ng saging kahit saan. Sa basurahan na ako magtatapon.”
“Mabuti. Mabuti kung gayon,” sabi ni Mina.
Mga Tanong:
1.
Sino ang nakatatandang kapatid? (Literal)
a. Mina c. Lita
b. Lito d. Tina
2.
Bakit sumisigaw si Mina? (Paghinuha)
a.galit siya
b. maingay kasi
3.
c. tinatakot niya si Lito
d. hindi marinig ang boses niya
Ano ang naramdaman ni Lito nang tinanong siya ni Mina nangpasigaw?
(Paghinuha)
a. nagalit siya c. natakot siya
b. natuwa siya d. nagtampo siya
4.
Bakit nadulas si Mina? (Literal)
a. madulas ang sahig
b. di niya nakita ang nilalakaran
c. natapakan niya ang balat ng saging
d. natapakan niya ang basang bahagi ng sahig
5.
Ano ang isa pang magandang pamagat ng kuwento?(Pagsusuri)
a. Ang Basurahan
b. Ang Saging ni Lito
c. Pulutin ang Saging
d. Ang Sigaw ni Mina
Download