Uploaded by WILMA ALBIDAS

TEASOC1- LESSON PLAN (FINAL)

advertisement
MASUSING BANGHAY SA SIBIKA AT KULTURA
Ikatlong Baitang
Ika- 23 ng Nobyembre, 2020
ALBIDAS, WILMA M.
I.
MGA LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nailalarawan ang iba’t ibang anyong lupa.
2. Pagpapahalaga: Pangangailangan at pag-iingat ng mga anyong lupa.
II.
PAKSANG ARALIN
Paksa: Anyong Lupa
Sanggunian: Sibika at Kultura 3, p.23-37 PELC
Mga kagamitan: Visual Aids, Flash Card, Gitara
III.
PAMAMARAAN
Panimulang Gawain
Gawain ng Guro
Gawain ng Estudyante
a. Panalangin
Mga bata magsitayo kayo
Tayo’y manalangin
Panalangin ng Isang Magaaral:
Makapangyarihang Diyos,
Sa pamamagitan ng iyong
Anak na si Jesus,
Humihingi ako ng iyong tulong
upang maipagpatuloy namin ng
maayos ang aming pag-aaral.
Upang makamit ang
karunungang aming minimithi,
na magkaroon ng katuparan
ang aming mga pangarap.
Isinasama namin ito sa ngalan
ng aming ama na si Jesus.
Makapangyarihang Diyos,
Sa pamamagitan ng iyong
Anak na si Jesus,
Humihingi kami ng iyong tulong
upang maipagpatuloy namin ng
maayos ang aming pag-aaral.
Upang makamit ang
karunungang aming minimithi,
na magkaroon ng katuparan
ang aming mga pangarap.
Isinasama namin ito sa ngalan
ng aming ama na si Jesus.
Amen.
Amen.
b. Pagbati
Magandang Hapon mga bata
c. Pagsusuri ng lumiban sa klase
Mayroon ba tayong lumiban sa klase
ngayon?
Magandang Hapon rin po.
Wala po.
Magaling
A. Balik-Aral
Mga bata, ano ang ating natalakay
kahapon?
Tama!
Magbigay nga kayo ng halimbawa ng
anyong tubig
Tungkol po sa anyong tubig
Lawa, dagat, ilog, batis, talon
Magaling!
B.
Pagganyak
Pag-awit ng mga “Anyong Lupa” sa himig
ng Leron-Leron Sinta
Mga Anyong Lupa
Dito sa ‘ting bansa
Lambak, kapatagan
Yaman nitong bayan
Talampas at bulkan
Kaygandang pagmasdan
Burol, kabundukan
Ating alagaan
Anu-anong mga anyong lupa ang
binanggit sa awitin?
Burol, bundok, kapatagan, lambak,
talampas, bulkan, at bulubundukin po.
Tama!
C.
Pagtatalakay
Sa inyong mga sagot, malinaw na nasabi
ninyo ang ilang anyong lupa na siya nating
pag-aaralan sa umagang ito.
-Magpapakita ng mga bugtong na may
larawan
-Huhulaan ng mga mag-aaral kung anong
anyong lupa ito base sa kanilang
kaalaman.
-Ipapaliwanag kung ano-ano ang mga
anyong lupa sa bansa
-Bulkan
1. Malapit kang
tanawin. Malayo
kang lakarin
B_LK_N
Bulkan- isang uri ng bundok na kung
saan ang tunaw na bato ay maaaring
lumabas dito mula sa kailaliman ng
daigdig.
Dalawang Uri ng Bulkan:
Tahimik: matagal nang hindi sumasabog
(Bulkang Makiling: Laguna)
Aktibo: maari itong sumabog anumang
oras. Mapanganib ang ganitong bulkan.
Maaari itong sumabog at magbuga ng
kumukulong putik at abo.
(Bulkan ng Pinatubo: Zambales)
(Bulkan ng Mayon: Albay)
-Kapatagan
2.K_PAT_G_N
Kapatagan- isang lugar kung saan
walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag
at pantay ang lupa rito. Maaaring itong
taniman ng mga palay, mais, at gulay.
-Bundok
(Kapatagan ng Gitnang Luzon)
3.B_ND_K
Bundok- isang pagtaas ng lupa,
matatarik na bahagi at mataas kaysa
burol.
-Burol
(Bundok Banahaw: Laguna at Quezon)
4._U_0_
Burol- higit na mas mababa ito kaysa
bundok. Pabilog ang hugis nito at
tinutubuan ng mga luntiang damo sa
panahon ng tag-ulan at kung tag-araw ay
nagiging kulay tsokolate.
(Chocolate Hills: Bohol)
-Lambak
5.LA_B_K
Lambak- isang kapatagan ngunit
napapaligiran ng mga bundok. Marami
ring mga produkto tulad ng gulay, tabako,
mani, mais, at palay ang maaaring itanim
ditto.
Lambak ng Cagayan: Cagayan)
-Talampas
6.T_LA_P_S
Talampas- Patag na anyong lupa sa
mataas na lugar. Maganda ring taniman
dahil mataba ang lupa rito. Malamig at
mahangin sa lugar na ito.
(Talampas ng Lungsod ng Baguio:
Benguet)
-Baybayin
7.B_YB_YI_
Baybayin- bahagi ng lupa na malapit sa
dagat.
(Baybayin ng Maynila: Maynila)
-Bulubundukin
8._ULU_U_DU_I_
Bulubundukin- matataas at matatarik na
bundok na makakaakit at sunod-sunod.
(Bulubundukin ng Cordillera: CAR)
-Pulo
9.P_L_
Pulo- mga lupain na napalilibutan ng
tubig.
(Pulo ng Sulu: Sulu)
-Kapuluan
10.K_PU_UA_
Kapuluan- pangkat ng mga pulo: binubuo
ng mga malalaki at maliliit na pulo:
napapalibutan ng tubig.
D. Paglalapat
Mga bata saang anyong lupa kayo
nakatira?
Paano natin mapapanatili ang ating
kapaligiran?
Kapatagan, bundok, talampas
-Sa pamamagitan ng paglilinis po
-magtanim ng punong kahoy
-huwag basta magtapon ng basura sa
paligid
Tama!
Yan ang ating dapat gawin para maipakita
natin na nabibigayang halaga natin ang
ating kapaligiran.
E.
Paglalahat
Sa ating tinalakay na aralin:
Mahusay!
Maam ang mga anyong lupa po sa Pilipinas
ay ang mga
- Bulkan
-Kapatagan
-Bundok
-Burol
-Lambak
-Talampas
-Baybayin
-Bulubundukin
-Pulo
-Kapuluan
Ngayon naman magbigay ng isang
anyong lupa at ipaliwanag ito.
(sasagot ang mga ilang studyante at
ipapaliwanag ang napiling anyong lupa)
Anu-ano ang mga anyong lupa sa bansa?
(Magtatawag ng mga studyante na
sasagot)
(Magtawag ng studyate para sumagot)
IV.
PAGTATAYA
Piliin at isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.
1. Uri ng Bulkan na matagal ng hindi sumasabog
a. Tahimik
b. Aktibo
c. Bulkan
2. Isang kapatagan ngunit napapaligiran ng mga bundok
a. Burol
b. Lambak
c. Kapatagan
3. Ito ay isang halimbawa ng Burol
a. Bulkan ng Mayon
b. Chocolate Hills
c. Talampas ng Lungsod ng Baguio
4. Anyong lupa na matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at sunod-sunod.
a. Burol
b. Kapatagan
c. Bulubundukin
5. Malawak at patag na lupa
a. Kapatagan
b. Talampas
c. Lambak
V.
TAKDANG ARALIN
Gumuhit ng dalawang naibigang anyong lupa. Kulayan at isulat ang katangian nito.
Download