Banghay na Aralin sa Araling Panlipunan 10 I.Layunin 1.Ang mga mag-aaral ay inaasahang nasusuri ang diskriminasyon sa kababaihan, kalalakihan at LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual at Transgender) 2.Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga epekto ng mga isyu at hamon kaugnayan sa kasarian at lipunan upang maging aktibong tagapagtaguyod ng pagkakapantay-pantay at paggalang sa kapwa bilang kasapi sa pamayanan. 3. Ang mga mag-aaral ay nakakagawa ng mga malikhaing hakbang na nagsusulong ng pag tanggap at pag galang sa iba’t ibang kasarian upang maitaguyod ang pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan. II.Nilalaman A. Paksa: Diskriminasyon sa Kababaihan, Kalalakihan at LGBT. B. Sanggunian: Modyul 2: Diskriminasyon sa Kababaihan, Kalalakihan at LGBT. C. Kagamitan: Laptop, Visual Aid, marker,whiteboard. III.Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Pagbati 2. Pagdarasal 3. Pagtala ng Liban 4. Pagbabalik Aral B. Pangganyak Gawain 1 Panuto:May ipaparinig akong awitin sainyo pinamagatang “Ituloy mo Lang” ng Siakol. Inaasahang. Pamgprosesong Tanong: 1. Ano ang mensaheng nais iparating ng awitin? 2. Paano nailarawan ang kalagayan ng LGBT sa napakinggang awitin? C. Paglinang sa Aralin 1.Kahulugan at mga Anyo ng Diskriminasyon sa Kababaihan at LGBT 2. Diskriminasyon sa Kalalakihan Gawain 2: Patas Ba? Panuto: Pag-aralan ang mga sumusunod na sitwasyon. Lagyan ng OO kung sa palagay mo ang mga sitwasyon ay halimbawa ng diskriminasyon sa kalalakihan at HINDI kung ito ay hindi halimbawa. SitwasyonDiskriminasyon sa Kalalakihan A. Pinagkalooban ng promosyon ang isang aplikanteng babae kahit na mas kuwalipikado sa kaniya at mas matagal na sa serbisyo ang isang katrabahong lalaki. B. Hindi natanggap ang isang lalaking aplikante sa isang kumpanya dail mayroon iyong mga tuntunin ukol sa hiring na pumapabor sa mga babae at LGBTQ+ C. Mas mababang suweldo ang ibinigay sa isang babaeng empleyado dahil siya ay babae samantalang mas mataas ang suweldo ng isang lalaking empleyado bagama’t pareho lang sila ng kuwalipikasyon at gampanin. D: Pagtalakay Pagtatalakay sa paksa tungkol sa diskriminasyon sa kasarian at pagsusuri sa aplikasyon at kahalagahan nito sa lipunan E: Paglalahat: Paggawa ng Concept Map hingil sa naintindahan sa talakayan F. Pagpapahalaga 1. Bakit mahalaga ang pag-aaral natin ng diskriminasyon? 2. Para sainyo gaano kahalaga ang pagkakaroon ng pagkakapantay-pantay sa lipunan? 3. Mahalaga bang mawala ang diskriminasyon sa kasarian? 4. Sa inyong palagay, paano ka makakaiwas sa ganitong uri ng diskriminasyon? IV Pagtataya: I. Tukuyin kung ang mga sumusunod na pangungusap ay Tama (T) o Mali (M). 1.Ang diskriminasyon ay nagaganap lamang sa mga mahihirap na bansa. 2.Ang diskriminasyon sa kasarian ay hindi karaniwan sa mga modernong `lipunan. 3.Ang pangkat etniko ay hindi maaaring maging biktima ng diskriminasyon. 4.Ang diskriminasyon ay maaaring magdulot ng hindi pantay na pagtrato sa mga tao. 5.Ang diskriminasyon ay maaaring batay sa relihiyon, kasarian, edad, o estado sa buhay. II. Piliin ang tamang sagot. 1.Ano ang ibig sabihin ng diskriminasyon? a. Pantay na pagtrato sa lahat ng tao. b. Hindi pantay na pagtrato sa mga tao batay sa iba't ibang dahilan. c. Pagkilala sa kagandahan ng pagkakaiba-iba ng tao. 2.Aling isa sa mga sumusunod ang hindi isang halimbawa ng diskriminasyon? a. Pagdadamot sa oportunidad sa trabaho batay sa kasarian. b. Pagpaparusa sa isang tao batay sa kanyang mga pagkakamali. c. Paggamit ng pang-aalipusta batay sa relihiyon. 3.Ano ang maaaring epekto ng diskriminasyon sa isang indibidwal? a. Pagtaas ng kanyang self-esteem. b. Pagkakaroon ng pagkabahala at depresyon. c. Pagkakaroon ng mas maraming kaibigan. 4.Bakit mahalaga ang paglaban sa diskriminasyon sa lipunan? a. Upang mas mapabuti ang mga mahihirap. b. Upang mabigyan ng pantay na oportunidad ang lahat ng tao. c. Upang mas palakasin ang mga prayoridad ng lipunan. 5.Anong hakbang ang maaaring gawin upang labanan ang diskriminasyon sa kasarian? a. Pagpapatupad ng mga batas na nagbabawal sa diskriminasyon. b. Pagbubuo ng mas maraming pangkat ng mga lalaki. c. Pagpapalakas sa mga tradisyunal na paniniwala sa kasarian. V.Takdang Aralin: Pagbibigay ng isang sulatin o proyekto na naglalayong magtalakay ng mga solusyon sa mga isyu ng diskriminasyon sa kasarian, kasama ang pagsusuri sa potensyal na epekto nito sa lipunan at indibidwal. Inihanda ni: Iniwasto ni: Cathlyn N. Quilala Guro sa Ap Aida G. Galope PhD Principal I Inaprubahan ni: Pio R. Bagares PhD PSDS I. Tukuyin kung ang mga sumusunod na pangungusap ay Tama (T) o Mali (M). 1.Ang diskriminasyon ay nagaganap lamang sa mga mahihirap na bansa. 2.Ang diskriminasyon sa kasarian ay hindi karaniwan sa mga modernong `lipunan. 3.Ang pangkat etniko ay hindi maaaring maging biktima ng diskriminasyon. 4.Ang diskriminasyon ay maaaring magdulot ng hindi pantay na pagtrato sa mga tao. 5.Ang diskriminasyon ay maaaring batay sa relihiyon, kasarian, edad, o estado sa buhay. II. Piliin ang tamang sagot. 1.Ano ang ibig sabihin ng diskriminasyon? a. Pantay na pagtrato sa lahat ng tao. b. Hindi pantay na pagtrato sa mga tao batay sa iba't ibang dahilan. c. Pagkilala sa kagandahan ng pagkakaiba-iba ng tao. 2.Aling isa sa mga sumusunod ang hindi isang halimbawa ng diskriminasyon? a. Pagdadamot sa oportunidad sa trabaho batay sa kasarian. b. Pagpaparusa sa isang tao batay sa kanyang mga pagkakamali. c. Paggamit ng pang-aalipusta batay sa relihiyon. 3.Ano ang maaaring epekto ng diskriminasyon sa isang indibidwal? a. Pagtaas ng kanyang self-esteem. b. Pagkakaroon ng pagkabahala at depresyon. c. Pagkakaroon ng mas maraming kaibigan. 4.Bakit mahalaga ang paglaban sa diskriminasyon sa lipunan? a. Upang mas mapabuti ang mga mahihirap. b. Upang mabigyan ng pantay na oportunidad ang lahat ng tao. c. Upang mas palakasin ang mga prayoridad ng lipunan. 5.Anong hakbang ang maaaring gawin upang labanan ang diskriminasyon sa kasarian? a. Pagpapatupad ng mga batas na nagbabawal sa diskriminasyon. b. Pagbubuo ng mas maraming pangkat ng mga lalaki. c. Pagpapalakas sa mga tradisyunal na paniniwala sa kasarian.