Uploaded by Bundalian, Louisse Nicole A.

KONKOM - Kabanata 1

advertisement
Republika ng Pilipinas
DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY
Pangalan: BUNDALIAN, Louisse Nicole A.
Kurso, taon & pangkat: BS Accountancy 1-B (Bacolor
Campus)
Petsa: Marso 23, 2022
Guro: Albert P. Jimenez, LPT
PANUTO: Ilapat ang natutuhan sa Kabanata 1. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan na
nasa ibaba. Magbigay ng sagot na hindi kukulangin sa sampung(10) pangungusap. Huwag ding
kalimutang i-save bilang pdf kapag isusumite na. Panatilihin ang Arial 12 bilang font.
1. Sa iyong pananaw, ano ang naging implikasyon ng CMO blg. 20 serye 2013 ng iba’t
ibang mga pamantasan sa bansa?
Para sa akin, hindi maganda ang implikasyon ng CMO blg. 20 serye 2013. Para bang tayo’y
tinanggalan ng isang aspeto ng ating pagkatao. Sinasabi na kaya ito’y pinatupad ay dahil
simula bata pa lamang ay ginagamit na ang wikang Filipino. Ngunit parang nalaktawan nila ang
ideyang mayroon pa ring nahihirapan at nagkakamali sa paggamit ng wikang ito. Halimbawa na
lamang ay ako. Sa totoo lang, ako’y nakokonsesiya dahil ako’y nahihirapan sa wikang dapat ay
natural sa akin. At ang pagtanggal ng asignaturang Filipino sa tersyarya ay para bang
tinanggalan din kami ng tsansang matuto. Parang ipinagkakait din ang karanasang malinang
ang aming mga kakayahan. Isa pang implikasyon nito ay parang hindi kayang pahalagahan
kung ano man ang mayroon tayo. Oo, ang pagiging dalubhasa sa Ingles ay makatutulong sa
globalisasyon ngunit ang ating sariling wika ay ang ating pagkakakilanlan. Dapat pa ring
hubugin ang ating kasaysayan, kultura, at tradisyon gamit ang sariling atin.
Republika ng Pilipinas
DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY
2. Base sa iyong sariling palagay, ano ang naging implikasyon ng pagpapanatili ng
asignaturang Filipino at Panitikan sa iba’t ibang mga pamantasan sa Pilipinas?
Ang pananaw ko sa tanong na ito ay kabaligtaran ng aking sinambit sa una. Sabi nga ng isang
artikulong aking nabasa, “Walang bansang umuunlad nang walang sariling wika at panitikan. “
Ano na lamang ang ipagmamalaki natin kung ituturing natin itong balakid? Ang pagpapanatili ng
asignaturang Filipino at Panitikan sa iba’t ibang mga pamantasan ay masasabi kong pagsisikap
upang maging iisa ang systema ng ating edukasyon. Sa pagsisikap na ito, ipinaglalaban ang
kasanayang maging kritikal at analitikal ang pag-iisip ng mga Pilipino. Kasali rin dito ang
pagpapalawak at pagpapalalim ng ating mga kaalaman at karanasan. Ang pagpapanatili nito ay
pagpapanatili rin ng ating kultura. Lalo na’t marami nang wika at kultura ukol sa ibang bansa
ang lumalaganap dito sa atin. Kaya’t hindi maiigpawan ang importansya ng pagtuturo at pagaaral ng asignaturang Filipino. Tingin ko’y ang pag-aaral ng wikang Filipino ay pagiging Pilipino.
Download