Uploaded by Deborah Bagahansol

Lesson Plan in Filipino 10 - Tula Ang Aking Pag-ibig

advertisement
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
Division of City Schools
City of San Jose del Monte
GRACEVILLE NATIONAL HIGH SCHOOL
Hacienda Caretas, Brgy. Graceville, City of San Jose del Monte, Bulacan
MALA - MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
B. Pamantayan sa Pagganap
Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, mapanuring
pag-iisip, at pag-unawa at pagpapahalagang
pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba't ibang uri ng teksto at salingakdang pandaigdig tungo sa pagkakaroon ng kamalayang global.
Naisusulat ang sariling tula na may hawig sa paksa ng tulang tinalakay
(F10PU-IIc-d-72)
1. Tula: Naibibigay ang puna sa estilo ng napakinggang tula (F10PN-IIc-d70)
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
2. Nasusuri ang iba't ibang elemento ng tula (F10PB-IIc-d-72)
(Isulat ang Code ng bawat kasanayan)
3. Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita na ginamit sa
tula (F10PT-IIc-d-70)
TULA AT MGA ELEMENTO NITO
II. NILALAMAN
KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga pahina sa Kagamitang PangMag-aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk



Kahulugan ng Tula
Elemento ng Tula
Ang Aking Pag-Ibig ni Elizabeth Barret Browning
LAS – Kwarter 2 – Modyul 3
Filipino 10, pahina 187-189
4. Karagdagang Kagamitan mula sa
portal ng Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo
Powerpoint Presentation; Video Lesson:
https://www.youtube.com/watch?v=fk9yOXlEhk4&t=2s
III. PAMAMARAAN
Balikan ang napagaralan tungkol sa Mitolohiyang “Sina Thor at Loki sa
Lupain ng mga Higante”
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o
pagsisimula ng bagong aralin
B. Paghahabi sa layunin ng aralin
1. Ano ang Mitolohiya?
2. Sino ba sila Thor at Loki?
3. Ano ang gagawin mo kung ikaw ang nasa kalagayan ni Thor?
Magpanuod ng isang video clip na hango sa palabas na “Up”.
Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang kanilang naramdaman
pagkatapos panuorin ang video. Iugnay ito sa uri ng pag-ibig na
ipinamalas sa tulang babasahin.
Bigyan ng kahulugan ang salitang PAG-IBIG mula sa napanood na
video clip. Punan ang graphic organizer sa ibaba.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa
bagong aralin
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at
paglalahad ng bagong kasanayan #1
PAGLINANG NG TALASALITAAN:
Piliin sa Hanay B ang kasingkahulugan ng mga salitang nasa Hanay A.
Ang tula ay isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong
maipahayag ang damdamin sa malayang pagsusulat. Mababasa sa
mga tula ang mga kaisipang naglalarawan ng kagandahan, kariktan at
kadakilaan.
May apat na pangkalahatang uri ang tula: tulang pandamdamin o
tulang liriko, tulang pasalaysay, tulang padula at patnigan.
Ang soneto na iyong binasa ay nasa anyo ng tulang pandamdamin o
tulang liriko. Ito ay may tiyak na sukat at tugma na kailangang
isaalang-alang. Binubuo ito ng labing-apat na taludtod at sampung
pantig sa bawat taludtod.
Sa bahaging ito ay tunghayan ang tulang liriko ng tanyag na
manunulat na si Elizabeth Barret Browning ng England (hango sa
Sonnet 43)
Powerpoint Presentation; Video Lesson:
https://www.youtube.com/watch?v=fk9yOXlEhk4&t=2s
Talakayin ang mga sumusunod:
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at
paglalahad ng bagong kasanayan #2
MGA ELEMENTO NG TULA
A. SUKAT. Ito ay bilang ng pantig sa bawat taludtod.
B. TUGMA. Ito ang pagkakahawig o pagkakapareho ng tunog ng huling
salita sa bawat saknong.
C. TONO. Ito naman ang namamayaning damdamin sa loob ng tula.
D. SIMBOLISMO. Ito ay mga makabuluhang salita na nagpapasidhi sa
guniguni ng mga mambabasa.
E. TALINGHAGA.Ito'y matatayog na diwang ipinahihiwatig ng makata.
ANG KARIKTAN NG TULA
Isa sa mga elemento ng tula ay ang kariktan. Ang kariktan ang
tumutukoy sa paggamit ng matatalinghagang salita, mga salitang may
malalalim na ibig ipakahulugan at mga tayutay tulad ng pagwawangis,
pagtutulad at iba pa.
PAGSANIB NG GRAMATIKA AT RETORIKA
Ang matatalinghagang pahayag ay may malalim o hindi tiyak na
kahulugan. Sinasalamin ng paggamit nito ang kagandahan at
pagkamalikhain ng isang tula. Isa sa madalas na gamiting talinghaga ang
pagpapahayag nang patayutay o tayutay.
MGA TAYUTAY
Ang tayutay ay nagbibigay ng mabisang kahulugan upang maging
maganda at makulay at kaakit-akit ang pagpapahayag sa isang tula. Kaya't
mainam na magsanib ang gramatika at retorika. Tamang gamit ng mga
salita at pagkakabuo ng mga pangungusap na sasabayan ng
matatalinghagang pahayag na magpapaganda sa isang tula.
Mga Uri ng Tayutay
1.Pagtutulad o simile. Ito ay isang paghahambing sa dalawang magkaibang
tao, bagay, pangyayari atbp. Gumagamit ang pagtutulad ng mga salitang
tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, anaki'y, animo, at iba pa.
Halimbawa:
Ikaw ay kagaya ng ibong lumilipad
Ang kagandahan mo ay tulad ng isang anghel.
2.Pagwawangis o metapora. Ito ay katulad ng pagtutulad, naghahambing ng
dalawang bagay ngunit tuwiran ang ginagawang paghahambing.
Halimbawa:
Kinatatakutan ni Melchor ang kamay na bakal ng kanyang
ama.
Siya ang ahas sa kanilang magkakaibigan.
3.Pagmamalabis o hyperbole. Pagpapalabis sa normal upang bigyan ng
kaigtingan ang nais ipahayag.
Halimbawa:
Ang pagmamahal ko sa iyo ay singlayo ng buwan.
Parang nabiyak ang aking ulo sa kaiisip sa ginawa mo.
4.Pagtatao o personipikasyon. Paglilipat ng katangian ng isang tao sa mga
walang buhay.
Halimbawa:
Ang mga damo ay sumasayaw.
Tumatawa ng malakas ang mga puno.
Video Lesson:
https://www.youtube.com/watch?v=CpZyfPKXTzM
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
F. Paglinang ng Kabihasaan
(Tungo sa Formative Assessment)
UNANG GAWAIN:
1. Tungkol saan ang awit na iyong napakinggan?
2. Anong uri ng tula ang iyong napakinggan?
3. Punong-puno ba ng pag-ibig ang nilalaman ng tula? Patunayan ang
sagot
4. Paano ipinamalas ng may-akda ang masidhing pagmamahal sa
kanyang tula?
5. Ano ang pag-ibig na tinutukoy ng makata sa tulang Ang Aking
Pag-ibig?
6. Anong paraan ang ginamit ng makata upang maging mabisa ang
kanyang tula?
IKALAWANG GAWAIN:
Suriin ang elemento ng tulang Ang Aking Pag-ibig gamit ang
Graphic Organizer. Gawin ito sa sagutang papel.
Itanong sa mga mag-aaral:
G. Paglalapat ng aralin sa pang-arawaraw na buhay
Ayon sa Bibliya may tatlong bagay na mananatili: ang pananampalataya,
ang pag-asa, at ang pag-ibig; subalit pinakadakila sa mga ito ang
pinakahuli, ang pag-ibig. Ipaliwanag kung bakit itinuturing na pinakadakila
sa lahat ang pag-ibig?
Paano mo maipapakita o maipaparamdam sa taong mahal mo ang iyong
pagmamahal?
H. Paglalahat ng Aralin
Atasan ang ilang mag-aaral na ibahagi ang kanilang natutunan sa mga
tinalakay ngayong araw.
PANGWAKAS NA GAWAIN:
PAGSULAT NG ISANG TULA
I. Pagtataya ng Aralin
PAGTATASA:
Isulat kung Tama o Mali ang mga sumusunod na pahayag.
_____1. Ang paksa ng tula ay tumutukoy sa kabuuang kaisipan ng tula.
_____2. Ang tema ng tula ay tumutukoy sa matatalinghagang pananalita at
kariktan ng tula.
_____3. Ang paksa ng tulang “Ang Aking Pag-ibig” ay tungkol sa mapait
na karanasan ng may-akda sa pag-ibig.
_____4. Ang paksa ng tula ay kinakailangang hango sa buhay o sariling
karanasan ng makata.
_____5. Sa pagsulat ng isang tula kailangang hitik sa mensahe na
ipinapahayag sa kakaunting mga salita.
J. Karagdagang gawain para sa
takdang-aralin at remediation
V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya (Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80%/Kabuuang bilang ng
mag-aaral na pumasok)
Inihanda ni:
___________________________________
Lagda sa Ibabaw ng Pangalan
Siniyasat ni:
MARIETTA LICOPIT
Punungguro
Petsa: ______________________
TAKDANG ARALIN:
Pumili ng isang tula at suriin ang mga elemento nito.
Download