Republic of the Philippines Department of Education Caraga Administrative Region DIVISION OF AGUSAN DEL NORTE Santiago District CLARISSE CLAIRE M. ACIGA Teacher Applicant Detalyadong Banghay sa Filipino III I. Layunin: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang; 1. Natutukoy ang mga salitang kilos; 2. Nakabibigay ng halimbawa ng mga salitang kilos; at 3. Naibabahagi sa klase ang kahalagahan ng mga salitang kilos. II. Paksang Aralin: Wastong Gamit ng Pandiwa Kahalagahan:Magagamit natin sa pang araw-araw Kagamitan: Panlarong biswa,pentil pen ,chalk, Tsart Sanggunian: Filipino 3, Hiyas sa Wika at Pagbasa 3 III. Pamamaraan: Gawain ng Guro A. Panimulang Gawain Gawain ng Mag-aaral 1. Panalangin Magandang umaga mga bata! Magandang umaga din po ma’am. Sa araw na ito ako ang inyong guro si Binibining Clarisse Claire M. Aciga. Bago natin simulan ang ating leksyon ngayong araw na ito.Magsitayo ang lahat para sa panalangin. (nalangin ang mga bata) 2. Pagbati Magandang umaga mga bata! Bago kayo umupo pakipulot muna ng mga kalat sa ilalim ng inyong mga upuan at pakiayos na rin ang pagkakahanay ng inyong mga upuan! (Gagawin ng mga bata ng tahimik) Maari na kayong umupo! 3. Pagtala ng liban sa klase May lumiban ba sa klase? Wala po ma’am Mabuti naman kung ganon! 4. Kasunduan Bago tayo magsimula, magkakaroon muna tayo ng kasunduan. Ano ang inyong gagawin pag nagsasalita ang guro sa harapan? Makinig po ng mabuti. At pag kayo ay sasagot, anong gagawin niyo? Itaas po ang kanang kamay. Magaling! B. Panlinang na Gawain 1.Paganyak Gusto niyo bang makinig ng isang awitin? Pakinggan natin ang isang kanta at pagkatapos, sabayan natin ito. Opo ma’am “Kung ikaw ay Masaya” Kung ikaw ay masaya tumawa ka (HAHAHA) 2x Kung ikaw ay masaya buhay mo ay sisigla Kung ikaw ay masaya tumawa ka HAHAHA Kung ikaw ay masaya pumalakpak (CLAP, CLAP, CLAP) 2x Kung ikaw ay masaya buhay mo ay sisigla Kung ikaw ang masaya pumalakpak Kung ikaw ay masaya tumadyak ka (THUD, THUD, THUD )2x Kung ikaw ay masaya buhay mo ay sisigla Kung ikaw ay masaya tumadyak ka. C.Paglalahad Mga bata ang tatalakayin natin sa araw na ito ay tungkol sa Wastong Gamit ng Pandiwa. D.Pagtatalakay Pagsasabihin nating salitang Pandiwa ito’y nagpapahayag ng ano? Kilos o galaw Ang Pandiwa ay salitang nagpapahiwatig ng kilos o galaw. Nagbabago ang anyo nito ayon sa panahunan o aspekto ng pandiwa. Tumutukoy ito kung kailan naganap o magaganap ang isang kilos. Ngayon balikan natin ang ating kinanta kanina. Kantahin natin ulit unang saknong. Kung ikaw ay masaya tumawa ka HAHAHA 2x Kung ikaw ay masaya buhay mo ay sisigla Kung ikaw ay masaya tumawa ka. Alin ba dito ang salitang kilos? Tumawa po ma’am Tama! Sa pangalawang saknong alin ba dito ang nagsasaad ng kilos? Kung ikaw ay masaya pumalakpak CLAP,CLAP2x Kung ikaw ay masaya buhay mo ay sisigla Kung ikaw ay masaya pumalakpak . Alin ba dito ang nagsasaad ng kilos? Pumalakpak Magaling! Sa pangatlong saknong naman. Kung ikaw ay masaya tumadyak ka THUD THUD 2x Kung ikaw ang masaya buhay mo ay sisigla Kung ikaw ang masaya tumadyak ka. Alin ba dito ang salitang kilos? Tumadyak po ma’am Mahusay! Ngayon anu-ano ang mga salitang kilos na ginamit sa kanta? Tumawa, pumalakpak at tumadyak. Magaling! Ngayon may ipapakita akong mga larawan sa inyo. Gusto ko na tukuyin ninyo kung ano ang kilos na pinapakita ng bawat larawan. Sa unang larawan anong kilos ang ipinapakita? Tumatakbo ma’am Tama! Sa pangalawang larawan? Nagwawalis Magaling mga bata! Ano naman ang pinapakita dito? Naglalaro Sa pang apat na larawan .Anong salitang kilos ang ipinapakita dito? Nagtutupi Magaling! Palakpakan ninyo ang inyong mga sarili. Alam niyo bang may tatlong aspekto ng pandiwa. Aspekto ng Pandiwa 1. Naganap 2. Nagaganap 3. Magaganap Halimbawa: Salitang Naganap Nagaganap Magaganap kilos basa nagbasa nagbabasa magbabasa Sulat sumulat sumusulat magsusulat laro naglaro Naglalaro maglalaro Sa araling ito ay pagtutuonan mo lamang ng pansin ang mga kilos na naganap na o natapos na. Kung babalikan mo ang mga pandiwang ginamit, mapapansin mo na kasalukuyang nagaganap ang mga kilos: Nagwawalis Tumatakbo Naglalaba Mapapasin mo na maaring gumamit ng mga pantig na: nag-at-um. Magagamit mo rin ang iba pang halimbawa tulad ng: na; at-nang. E.Paglalapat Ngayon papangkatin ko kayo sa tatlong grupo basahin niyo muna ang mga panuto ng inyong gagawin. Unang Pangkat Magbigay ng limang halimbawa ng salitang kilos. Isulat sa manila paper at ipaskil sa pisara. (Ginagawa ng mga bata) Pangkat Dalawa Tukuyin ang angkop na pandiwa sa bawat pangungusap. 1. Ang mga bata (nagluto,nagluluto,magluluto) ng kanilang umagahan kahapon. 2. (Nagdiwang,Nagdiriwang,Magdiriwang) ng kanyang kaarawan si Abegail noong Enero 8. 3. Maagang (umuwi,umuuwi,uuwi) kahapon ang tatay ni Jake mula sa trabaho. 4. Tayo ay (nagdasal,nagdarasal,magdarasal) sa simbahan kahapon. 5. Mabilis(natapos,natatapos,matatapos) ni Maine ang mga Gawain sa modyul. Mga Tamang Sagot: 1. Nagluto 2. Nagdiwang 3. Umuwi 4. Nagdasal 5. Natapos Pangkat Tatlo Tukuyin ang mga larawan bigyan ng masayang mukha ang larawang nagpapakita ng kilos at lagyan naman ng malungkot na mukha ang mga larawang hindi nagpapakita ng salitang kilos. 1. 2. 3. 4. 5. Mga Tamang Sagot: 1. 2. 3. 4. 5. Naintindahan niyo ba mga bata? Bibigyan ko kayo ng 2 minuto para isagawa ang inyong mga gawain at 5 minuto naman para ipresenta sa harap. F.Paglalahat Ano ang ating tinalakay sa araw na ito? Wastong Gamit ng Pandiwa po ma’am. Magaling! Ano ang Pandiwa? Salitang kilos po ma’am. Mahusay! Ano naman ang tatlo Aspekto ng Pandiwa? Naganap , Nagaganap , Magaganap Tama! Sino sa inyo ang makapagbigay ng halimbawa ng salitang kilos o pandiwa? Isulat sa talutot ng bulaklak. Nagsusulat naglalaro Salitang naglalakad Kilos kumain lumangoy Mabuhay! Lahat ng inyong sagot ay tama. G.Pagpapahalaga Mahalaga bang malaman natin ang mga salitang kilos? Opo maam Bakit ito mahalaga Euel? Mahalaga po ito ma’am dahil ang mga salitang kilos ay ginagawa, ginagamit at nakikita natin araw-araw. Magaling! IV.Pagtataya Panuto: Tukuyin ang mga salitang kilos sa ipinapakita ng bawat larawan. Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. a.tumatalon b. kumain c.umiinom 2. a.nagbabasa b.nagdarasal c.naghuhugas 3. a.umiinom b.nagsusuklay c.naglalaro 4. a.naghuhugas b.nagtutupi c. namamalantsa 5. a.naglalaro b.nagluluto c.naghuhugas Mga Tamang Sagot: 1.A 2.B 3.C 4.C 5.B V. Takdang Aralin Gumupit ng limang larawan mula sa lumang magazine at ipaskil ito sa inyong kwaderno. Paalam na mga bata. Paalam Binibining Claire! Inihanda ni: Clarisse Claire M. Aciga Teacher Applicant